- 1 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Isang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ng unang araw namin bilang 3rd year high school student. Pang-umaga klase namin kaya pahirapan na naman mag-adjust ng pagtulog. Nung summer kasi syempre puro puyat kami. Ilang beses na ako nale-late sa unang subject namin ngayon. Buti nalang late din si Ma'am lagi.

Break namin ngayon kaya medyo maingay sa room. Nakayuko lang ako, itatry ko sana matulog kaso may bumulabog agad.

"Hoy, Minjeong!" Kalabit sakin nitong si Ryujin. Pihado pipilitin na naman ako nitong sumama sa leadership training. Crush ata ako nito e.

"Ayoko nga. Tatlong buong araw yun. Mas gusto kong matulog nalang. Tsaka narinig ko 'yong nangyari no'ng nakaraan. Parang pinagtitripan lang kayo dun e." Inunahan ko na siya agad. Para matapos usapan at makatulog na ako.

"Basag trip naman nito. Ikaw lang sa ating magtotropa hindi kasama e." Pinaalis niya ung seatmate ko at umupo na sa tabi kong upuan. Bakit ba kasi wala pang seating arrangement? Para sana mapirme na to sa upuan niya. Mukhang hanggang mamaya na naman namin 'to pag-uusapan.

"Gago mo! Nananahimik na nakaupo dyan si Hyunjin e. Tsaka pabida kasi kayo kaya kasama kayo." Yumuko na ulit ako baka makaramdam naman siya at mapansin na gusto kong matulog.


Ilang minuto nakalipas at hindi ko na narinig na nagsalita pa si Ryujin. Mukhang epektibo naman pala kaya tumahimik na. Pero parang tumahimik din yung paligid...? Pagkaangat ko ng ulo ko, nagtama ang mata ko at mata ng adviser namin.



"Enjoying your nap, Ms. Kim?"



Naririnig ko yung mahinang pagtawa ni Ryujin sa tabi ko. Tangina nito, 'di man lang ako sinabihan. Napaayos na ako agad ng upo at nagpunas ng mata. Grabe kasi 'tong adviser namin. Isa siya sa mga teacher na kinakatakutan talaga ng mga estudyante. Hiniling ko talagang hindi siya maging teacher kaso ginawa pa na adviser namin. Ang hirap kasi, kilala niya ako dahil naging estudyante niya rin si Ate Taeyeon. Bida bida rin kasi 'yon. Laki tuloy ng expectation sakin.

Pagkatapos ng kahihiyan na nangyari natapos narin ang pinakatahimik naming klase. Sa sobrang kaba kasi ng mga kaklase ko wala talagang umiimik. Tapos sa lahat pa ng tanong ni ma'am puro yes/no lang sila. Tangina, tawang-tawa ako, sabi kasi ni Ma'am. "So class, what do you think about the story?" Bilis naman nilang nag-yes. Tapos pagkasabing-pagkasabi nila, sabay-sabay silang napayuko kasi narealize nila yung pagkakamali nila kaya dahil dun alam nilang magtatawag na si Ma'am.

Tuluy-tuloy naman ang klase pagkatapos nun. Nandito kami sa isang vacant room kasi ayaw pa naming umuwi. Pinipilit parin nila akong sumama sa leadership training. Naiisip ko na talagang umoo para lang matahimik na, kaso sasabihin nila agad yon sa nanay ko. Syempre malalaman din ni Ate Taeyeon kaya malamang di ako hahayaan nun magback-out.

"Huy, Minjeong. Ano na? December pa naman e. Basta pag-isipan mo. Di kana namin pipilitin."

"Ako hindi niyo pipilitin?" Pagtatanong ni Heejin.

"Gago. Nagmakaawa ka pa nga kay Sir na isama ka. Nakalista kana diba?" Sabi ni Ryujin. Nginitian lang naman siya ni Heejin.

"Nga pala, may mga clubs na kayo? Wag kana sumagot, Ryujin. Binoto kita last year sa SSG. Hindi mo na ulit kailangan magyabang." Pag-iiba ko ng usapan. Hinampas naman ako kaagad. Bigat ng kamay ni gago.

"Balak ko magpamember sa lahat." Sabi ni Heejin.

"Ako sa Music Club lang talaga. Okay na ako dun." Sabagay, halos sa lahat naman ng program ng clubs nagsisikantahan Music Club so parang part narin sila ng lahat ng clubs.

"Hinihingi pala ng president ng Math Club number mo." Pahabol ni Ningning sabay ngiti ng nakakaloko.

"Syempre binigay mo. Halata naman sa mukha mo e. Parang hindi na talaga uso magpaalam noh?" Pagkasabi ko hinampas naman ako agad ni Ningning.

"Pogi naman yun si Soobin tas matalino pa."

"Ah, so binigay mo number ko kasi pogi siya at matalino para sa'yo?" Gusto ko na talagang magpalit ng number. Hilig kasi mangplug nitong si Ningning. Kaya inaakala ng nanay ko may boyfriend na ako e.

"Sorry na. Gusto ka kasi ata isama sa club. Wala ka pa namang club kaya tinulungan na kita."

Mga dalawang oras narin nakalipas kaya naman naisipan na naming umuwi. Babyahe pa kasi silang tatlo. Ako kasi dyan lang sa kanto bahay namin.



---

Katatapos ko lang gumawa ng assignment namin at sobrang bored naman ako. Naisipan ko nalang makinig ng music. Alam ko may bagong release ngayon si Curse One e. Pagkakuha ko ng phone, agad ko namang nakita ang sandamakmak na text sakin. Alam ko ang OA ko, pero may sampung texts kasi sakin. May dalawang galing sa hindi nakasave na number.

 

09*********: .. hi minjeong. Soobin 2. gzto m b mging treasurer ng math club?

 

Treasurer? Hmm. Mukhang ayos naman 'to. Madalas siguro akong excused. Tuwing intrams kasi gaganda ng pakulo ng mga clubs. Lalo sa Math Club. Ang alam ko sila sa Jail Booth e. 

 

Minjeong: ui cge2 lng soobin.

 

Soobin: .. sure na ah? lista n kta. welc0me sa math club! 

 

Minjeong: thx soobin

 

Binasa ko naman ung isa pang hindi nakasave.

 

09*********: minje0ng ate yo0jung 2. vp na kta sa ap ah. cnabi q lng tlaga! Thx!

 

Minjeong: ayy... okie po!

 

Pucha... 'Di ako naka-angal dun ah?

 

---

Pagkapasok na pagkapasok ko sa klase, puro pang-aasar na ginawa ng mga kaibigan ko. 

 

"Grabe, walang masyadong ginagawa pero naging VP at Treasurer." Sigaw ni Ryujin. Napakaeskandalosa talaga nitong bwiset na 'to. 

 

"Nako mukhang may mang-lilibre ng lugaw mamaya ah?" Si Ningning naman 'tong nagpaparinig. 

 

Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa upuan ko sa likod. Nararamdaman ko naman na may sumusunod sa akin na mga kupal. 

 

"Ang aga ang iingay niyo." 

 

"Ang aga-aga ang sungit mo." Sabi ni Ningning. 

 

"Meron ka ba?" Tanong naman ni Heejin. 

 

"Alam niyo panira kayo ng umaga." 

 

"Ay, guys. Mukhang wala pala tayong klase ngayon. Sabi kasi samin sa SSG, para raw sa ibang clubs ngayon daw botohan ng mga officers tsaka pagpapamember." Nagising diwa ko sa sinabi ni Ryujin. Buti nalang talaga, yung iba kasing sagot ko sa assignment mali ata.

 

"Gago weh?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap