Ermin Garcia Street
Kalachuchi
Nagvolunteer si Akira na samahan ang kaibigan dahil tapos naman na ang klase niya ngayong araw. Kanina pa nga niya tinatanong ang kaibigan kung saan sila paroroon ngunit ang sinasagot lamang nito ay, “Basta. Magdra-drawing lang naman tayo ro’n.”
Hindi na siya nangulit pa pagkatapos no’n. Kahit saan naman siya mapadpad sa siyudad na ito ay ayos lang. Wala namang nakakakilala sa kanya rito nang lubusan bukod sa nagmamanehong kaibigan.
“’Wag kang mag-alala, masarap naman ‘yung pagkain dito kaya sulit ang pagod,” biro sa kanya ni Gen. “Tsaka para bagong environment naman ang maexperience mo. Sobrang focus mo sa workshop eh.”
Natawa naman si Akira sa obserbasyon ng kaibigan. Madalas niyang marinig ‘yan tuwing nag-aaral siya ng kung ano-ano. Sabi pa nga ng matatatanda, “Baka tumulo na ‘yang laway mo, hija.” Masyado raw kasi siyang nakatuon sa ginagawa kaya nalilimutan niya na minsan ang sarili at ang nangyayari sa paligid.
Nang maiparada na ni Gen ang sasakyan ay sabay na bumaba ang dalawang dilag, sukbit sa balikat ang kanilang mga briefcase messenger bag na naglalaman ng art materials.
Naglakad pa sila ng kaunti bago mabungad ang pangalan ng lugar, “Tam-Awan Village. Garden in the Sky,” basa ni Akira dito. Nilingon niya si Gen na nakamasid na pala sa ekspresyon ng kanyang mukhang tila ba manghang-mangha sa nakikita, “May ganito pala rito?” Natawa na lamang ang kaibigan niya sa tanong ni Akira, “Ano? First time mo sa Baguio?”
“Ngayon lang ko napadpad rito!”
“May murals pa sa gawi ro’n,” turo ni Gen sa kaliwa na agad namang sinundan ng tingin ni Akira. “Pero mamaya mo na tingnan, pasok muna tayo.”
Lahat ng nakasalubong ng dalawa ay binibigyan sila ng maluluwang na ngiti. Kung tayo rin naman ‘yon, palagay ko’y ganoon din ang pagbating ibibigay natin sa kanila. Lalo na kung sisilayan mong maigi ang tuwa sa kanilang mga mata na para bang mga bituing tumatawa sa alapaap.
“Genesis! (Giselle)” patakbong bati ng isang nakatatandang babae sa kaibigan ni Akira. Nang kumalas ang dalawa sa mahigpit na yakap ay agad namang kinilala ng ginang ang presensya ni Akira.
“Nagdala ka pa talaga ng isa pang marikit na dilag,” tatlo silang ngumisi kahit na sa loob-loob ni Akira ay hiyang-hiya na siya.
“Manang Fe, si Akira po. Kaibigan ko from the kapatagan,” mapagbirong pagpapakilala ni Genesis sa kaibigan.
“Magandang araw po,” alok ni Akira sa kanyang kamay na siya namang pabirong tinapik ni Manang Fe bago higitin ang dalawa sa bewang. “Masyado kang pormal, Akira,” pisil ng matanda sa kanyang tagiliran na ikinangiwi naman ng dalaga.
“Beso lang ang tatanggapin kong bati mula sa inyo simula ngayon. Para naman mafeel ko na bata pa ako,” tumawa lamang si Gen sa kabilang gilid ni Manang Fe. “Yes, Manang Fe! Walang-wala po kami sa alindog n’yo,” pagsuporta pa ni Akira.
Lumaki ang mga mata ni Genesis bago tuluyang humalakhak. “Akira!” hampas pa nito sa likod ng kaibigan.
“Totoo naman?”
“’Yung word choice mo kasi!”
“’Wag mong pansinin ‘yan, Akira. Kulang sa gatas ‘yan nung bata pa,” nakangiting hila sa kanya ni Manang Fe.
Magdadalawang oras nang gumuguhit ang dalawa sa live sketching area ng nasabing lugar. Kuntento sa mga ngiti at naririnig na k’wento ng mga dayo. Minsan nga’y nagkakatitigan pa ang dalawa bago tumawa. Hindi lang naman sila ang nagvolunteer dito ngayong araw, kaya pagtungtong ng alas-kwatro ay libre na silang magmasid sa paligid tulad ng mga turista.
Biglang napaangat ang tingin ni Akira nang marinig niya ang pamilyar na boses na nagtatanong kay Manang Fe sa labas. “Okay lang po ba kung hindi lang ako ‘yung idra-drawing?”
“May iba ka pa bang kasama?”
“Ah wala po. Pero nasa phone po ‘yung picture,” kamot ng nagtatanong na dalaga sa kanyang batok. Napangiti naman si Akira sa tinuran ng dilag. “Saglit lang, i
Comments