Pahimakas
Kalachuchi
AN: please play the songs, para feel n'yo rin si Kali hihi
Maagang bumabangon si Kali sa kama, mula sa pwestong palaging sinasakop ni Akira. Maaganag isinusuot ang sapatos pantakbo. Maagang namimili ng damit mula sa aparador ni Akira. Maagang titingin sa salamin upang muling gawin ang ritwal nila ng pintor sa umaga.
Ang pagkakaiba nga lang ngayon, hindi pa siya napipikit.
Ang hindi niya nga lang matanggap ngayon, hindi niya ramdam ang init ng katawan ni Akira habang nakayakap ito sa kanya. Wala siyang mukhang tititigan habang hinihintay mag-ayos si Akira.
Wala siyang kamay na hahawakan paglabas sa pinto.
Hindi niya pa kayang bumalik sa Sikatuna.
Kaya tinatahak niya ang daan pabalik sa mga lansangang nakasama niya si Akira. Uma-umaga niyang sinusuyod ang bawat kalsadang dinaanan niya kasama ang pintor.
Nakangiti man sila o hindi. Nag-iinisin man o nagkakapikunan. Nagbabangayan man o naglalambingan. Lahat ng alaala kasama si Akira, araw-araw niyang sinasariwa.
Miss na rin nga siguro si Akira ng mga pusang nakasasalubong ni Kali dahil bumbagal ang lakad ng mga ito tuwing palapit siya. Marahil ay hinahanap-hanap din nila ang haplos ng pintor, ang amoy ni Akira.
Maging ang anino nito.
Maging mga street vendors nga ay kinukumusta ang arkitekto. Nagtatanong kung bakit hindi niya kasama si Akira na tumuhog sa pagkakataong ito.
Ngingitian lang sila ni Kali, “Healthy living na po eh.”
pic.twitter.com/ds3zZ2zZ9f
— itlog (@saentakarina) August 24, 2021
UP Fair, kasunod na taon.
Hinila lang siya ni Rianne bago pa siya makapasok sa unit niya. Buti nga’y kaya siyang bitbitin nito. Paano ba namang hindi? Nangangayayat na si Kali.
Pagbaba ay sinalubong sila nina Genesis, Luke at Lui. Sabay-sabay silang nagtungo sa UP Diliman.
Tahimik lang na nagmamasid si Kali. Maganda ang ngiti ng mga tao, para bang saglit na binitawan ang lahat ng mga problemang iniisip. Ligaya ang hangad, ligaya ang siyang kakamitin ngayon gabi.
“Magandang gabi UP!” sigaw ni TJ. Tutugtog muli ang Munimuni sa taong ito. “Ang susunod na mga kanta ay naisulat nang dayu
Comments