control

Kahapong Nagdaan

 

Seulgi thought having a conversation with Irene again, may it be casual or formal, would make her feel at ease somehow from the stress she's been dealing with, but boy, she was wrong. It made her FURIOUS. Did she tell herself that she thinks she still has feelings for her ex? Well, she takes it back now. She can now finally put a period that she is no longer attracted to Irene. Never again. 

 

They were so calm and shy at first not until they both got bitter over a damn meal. 

 

 

;

 

 

Sabay na naglapit ang kanilang mga braso na agad rin nilang inalis at bahagyang lumayo. 

 

"Para kayong highschool." Komento ni Karina na mas ikinapula ng kanilang mga pisnge.

 

Awkward at hiyang-hiya silang palakad-lakad hanggang sa nahinto sila sa mga kasamahan ni Seulgi na ngayon ay payapang kumakain ng kanilang hapunan. 

 

"Seul! Kain kayo!" Sigaw ng ka-trabaho niya. 

 

Tinignan naman niya ang magpinsan na para bang tinatanong niya kung gusto ba nilang sumalo sa mga ka-trabaho niya.

 

Malaking ngiti lang ang binigay ni Karina at agad na naki-upo. Habang si Irene naman ay nakayuko lang na sumunod rito.

 

"Meron kaming beef broccoli, ginataang kalabasa at tsaka pancit guisado. Kuha na lang kayo diyan, h'wag kayo mahiya hehe." Turo ng isang dalagang binata na sa tingin ni Seulgi ay Moonbol o Moonbyola ang pangalan. Hindi niya maalala kung ano 'yung tamang pangalan basta alam niyang buwan ang tawag ng mga katrabaho niya rito.

 

"Omg!!! Ate favorite niyong mag-ex oh!" Walang hiyang tili ni Karina.

 

Nakita niya kung paano nahulog ang hawak na kutsara ni Irene at kung paano nalaglag ang mga panga ng mga kasama nila. 

 

Bigla namang napatakip ng bibig si Karina nang marealize niya ang sinabi niya. 

 

"Ah-eh...sakto pala hahaha enjoy kayo..." Awkward nilang pinagmasdan kung ano ang susunod na gagawin nina Irene.

 

Umubo bahagya si Seulgi at sinimulang mag lagay ng kanin sa kanyang plato. Sumunod na lamang sila Irene at hindi na muli nagsalita si Karina. 

 

"So...mag ex kayo?" Talagang hinahamon ng mundo ang pasensiya ni Seulgi. Habang si Irene naman ay napataas na lamang ng kilay sa lalaking matapang na nagtanong nun. Ngayon lang nila naalala na magkatrabaho nga pala si Seulgi at ang isa sa mga nanligaw kay Irene noong hindi pa sila.

 

"Ano ba naman yan brad hahaha kakasabi nga lang diba h'wag mo itanong." Sabi nung buwan at sinubukang ngumiti. 

 

"Gusto ko lang naman i-clarify kung totoo ngang pinatulan ni Miss Bae itong narcissistic nating leader." Dagdag pa nito. 

 

Natigil ang lahat sa pagkain. Maski si Karina na tahimik na nilalamon ang pancit guisado ay natigil.

 

"Anong sabi mo." Ma-awtoridad at malalim nitong sabi.

 

"Totoo naman diba? Narcissistic. Ikaw ang walang hiya na hindi inintindi si Miss Bae at sarili lang ang inuuna." Napaigting ang buong katawan ni Seulgi. Mga kamao niyang nagsisimulang sumakit dahil sa mahigpit na paghawak sa kanyang kutsara't tinidor. 

 

"Brad, oh. Gutom lang 'yan. Dami mong sabat kainin mo na lang 'to." Walang tigil na sinuksok ni buwan ang nakarolyong dahon ng saging sa bunganga nung lalaki. Sa sobrang lalim ng pagsuksok nito ay namumuwalan na ito pero 'di pa rin tumigil si buwan.

 

Akmang lalapitan ni Seulgi ang lalaki ngunit isang malambot at nanginginig na kamay ang pumigil sakanya. 

 

"Ako na bahala-" 

 

"Hindi-"

 

"Ako na." Mariing sinabi ni Irene. 

 

"Baka gumawa ka pa ng eksena." Dagdag pa nito na mas lalong kinagalit ni Seulgi. 

 

Ano tingin niya sa akin? Walang control sa sarili? Hindi siya makapaniwala. Parang hindi na siya kilala ni Irene. 

 

Kahit gustong-gusto na niyang sapakin 'yung lalaki ay mas pinili na lamang niyang manahimik dahil gusto niyang patunayan na marunong siyang kontrolin ang galit niya. Maaaring hindi siya marunong noon pero ngayon oo at papatunayan niyang mali ng inaakala si Irene. Nagbago na siya. 

 

 


.

 

 

 

"I can prove that I never reckoned about that stupid purple handkerchief." Mataray nitong giit. 

 

"It's called serviette." Pagtatama niya rito na mas kina-irita nito.

 

"Like I care?" 

 

"Says the one who pushed that purple idea." 

 

"O....kay, so anong meron dito?" Pumagitna na si Karina sakanilang dalawa. 

 

"That's a ing bathroom, Karina." Napamura na lamang ito. Gusto lang naman niyang matigil ang namumuong tensyon sa dalawa dahil baka mag-away ang mga ito. Pinagsama niya silang dalawa, hindi dahil gusto niya itong magka-alitan kundi gusto niyang makitang ayos pa sila pero mukhang malabo iyon. 

 

"W-why? Am I not allowed to be interested in this bathroom?" Nakakunot siyang tinignan ng dalawa. 

 

Hindi na lang siya pinansin nito at nagpatuloy sa paglalakad. 

 

Pagkatapos pagsabihan ni Irene ang dating manliligaw ay hinatak na ni Karina ang dalawa bago pa sumabog sa galit si Seulgi. Alam naman ni Karina na sobra ang pagpipigil nito kaya nilayo na niya. Ang kaso lang ay silang dalawa naman ang nag-aalitan ngayon. Hindi niya mabatid kung bakit hindi sila napapagod mag-away, ultimo mga maliliit na bagay ay ginagawang kompetisyon.

 


Sabay at magkatabing naglalakad sina Seulgi at Irene. Aakalain mong mag-jowa silang may lq ngayon dahil sa itsura nila. Mga matang walang buhay at bagot na bagot pero naroon pa rin ang spark sa samahan nilang dalawa, ibang spark nga lang ang mayroon sila ngayon. A dangerous and wild spark.

 

Sobrang tagal nilang naglakad, hindi man lang napansin na hindi na sumusunod sakanila si Karina. 

 

"That brat..." Agad naman siyang napatingin kay Irene.

 

"Ano?" May inis sa tono niyang tanong. Tinaasan lamang siya nito ng kilay at hindi pinansin. Mas lalo lamang siya nainis sa inasal nito. 

 

Nakakatawa lang na iniiyakan niya ito nakaraan lang pero ngayong kasama na niya ito, parang sinayang niya lang ang mga luha niya. May "please don't blame yourself" pa itong nalalaman pero ngayon todo ang pag-aakusa nito kay Seulgi. 

 

"Hypocrite." Bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ni Irene. 

 

"Are you describing yourself? If yes, wow! Self-aware ka naman pala. Akala ko maang-maangan ka nanaman." tinikhom niya lang ang kamao niya at pinigilang sumagot pabalik rito. 

 

'Calm yourself, Seul. She's not worth it.' 

 

Nilagpasan na lamang niya ito at maglalakad sana palayo nang hawakan siya nito sa pulso na kaagad rin naman niyang marahas na tinampal. Natauhan siya bigla. Pinagsisihan rin niya 'yun nang makita ang takot sa mukha nito. Akmang lalapitan niya ito pero umatras lamang si Irene palayo sakanya. 

 

"S-sorry..." Bakas na bakas ang takot rito. Napamura na lamang si Seulgi. 

 

"Don't." Mariin nitong giit nang ulet niyang binalak lumapit rito.

 

Nanlalambot niyang tinignan ang dating kasintahan na ngayong sinusubukang ayusin ang sarili. 

 

Walang sawa niyang pinagmumura ang sarili sa katangahan niya. Nasaktan nanaman niya ito. Tama nga si Irene, siya talaga ang mapagkunwa sakanilang dalawa. 

 

Nanginginig ang mga kamay nito at hiniling niya na sana ay mahawakan niya ito para kumalma si Irene ngunit imposible kung siya rin ang dahilan kung bakit ito nagkaganun. 

 

"I'm sorry..." Mahina niyang sambit, hindi magawang tignan ito sa mata. 

 

"Sure you are." Sarkastiko nitong sabi, mga kamay ay hindi pa rin natigil sa pag nginig. 

 

Ipinagsawalang bahala ang inis niya rito kanina at sinubukang hindi mainis sa tono ng boses nito. 

 

"Hindi ka ba nagsasawa sa sorry mo? Kasi ako sawang-sawa na." Tumawa pa ito at pigil na pigil siyang hindi mainis. 

 

"Sorry." 

 

"Tangina mo pala eh." At hindi na niya mapigilan. 

 

"Ano bang masama ha? Ako na nga nagsorry diba? Inaako ko na 'yung pagkakamali ko. Kung meron man sa ating dalawa ang magsasawa sa ugali mong ganyan, ako yun. Sawang-sawa na ko magsorry sayo kahit hindi ko naman sinasadya." 

 

"Ugali ko talaga ang problema?" Hindi makapaniwalang tanong ni Irene.

 

"Hindi ba't ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito? Tsaka pang-ilan mo ng sorry 'yun, pang-isang libo? Sa rami ng sorry mo, triple nun 'yung sakit na binigay mo sa akin. Triple." Sapul na sapul bawat letra sakanya. 

 

"Sawa kana? Hindi ba't dati pa lang sawang-sawa kana sakin. Hindi kana nagbago. Sawa ka pa rin sakin at ako nanaman ang nakita mo para sisihin sa mga kagaguhan mo." Dagdag pa ni Irene. 

 

"Kasi totoo naman! Ikaw dahilan kung bakit ganito nararamdaman ko! Ikaw ang puno't dulo nito!" Natigil ito sa sigaw ni Seulgi. Kitang-kita ang hinagpis sa mga mata nito nang marinig ang katotohanang hindi kailanman nitong ginustong marinig. Ang dapat na 'peaceful closure' ay naudlot. Mukhang babalik muli sila sa walang katapusang away. 

 

 

_________________________________________________

 

April 27, 2015

 

 

"Sino nga 'yung kasama mo kahapon?" Tanong muli ni Mino kay Seulgi. Kanina pa siya nito pinipilit na sabihin ang pangalan ni Irene. Sinundo kasi nito si Seulgi kahapon at nasaktuhan na kasama ni Seulgi si Mino. 

 

"Kaibigan ko nga, ang kulet." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkalkal sa bag niya. Hinahanap ang susi ng locker niya. 

 

"Pangalan, Seulgi! Pangalan kailangan ko, hindi kung kaano mo siya." Mangiyak-iyak na ito.

 

"Hulaan mo." Walang buhay niyang sagot rito na mas kinaasar ni Mino. Nabuhayan lang siya nang mahanap na niya ang susi ng locker niya. 

 

Naglakad na siya papunta sa locker niya. Hinayaan niya lang sundan siya ni Mino. Sinimulan niyang tanggalin ang mga gamit at nilinis ang loob ng locker. Dalawang linggo na lang kasi ay graduation na nila kaya iuuwi na niya lahat ng gamit niya. 

 

"Jennifer?" Umiling siya.

 

"Alexis?" Umiling.

 

"Audrey?" Umiling.

 

"Shane?" Umiling

 

"Andrea?" Umiling.

 

"Stephanie?" Umiling.

 

"Kristine?' Umiling.

 

"Kristen?" Umiling.

 

"Kris?" Umiling

 

"Kristoff..." Nakakunot niyang tinignan ito at umiling.

 

"Anna?" Umiling.

 

"Elsa?" Natawa na siya. 

 

"Sabihin mo na kasi!" Natatawa na rin nitong sabi. 

 

"Bahala ka diyan." Nakangiti niyang sambit habang hawak-hawak ang isang eco bag na puno ng art materials galing sa locker niya. 

 

"Bilis na, Seulgeeehhh! Kahit unang letter na lang!" Pilit pa nito. 

 

Naglakad na siya palabas ng campus at gaya kanina ay hinayaan niya lang na sundan siya nito. Nahinto lamang sila sa may hintayan ng tricycle. 

 

"First letter lang oh." Pagpapacute pa nito na pinandirian niya. Hinampas niya ng bimpo ang mukha nito. 

 

"Bakit ba atat na atat kang malaman pangalan nun?" Nagtataka niyang tanong at pinagmasdan ang kaibigan.

 

"Inaalam dapat ang pangalan ng isang magandang babae." Nakalagay pa ang kanang kamay nito sa kaliwang dibdib at nakapikit pa. "Ang panget naman kung 'kaibigan ni Seulgi' ang itawag ko sakanya kapag nagkita ulet kami dapat cute ang second meeting namin." Nakangiting aso nitong paliwanag. 

 

Bahagyang naging blanko ang mukha ni Seulgi at agad niyang iniwas ang tingin sa kaibigan. Something about Mino and Irene meeting for the second time does not bring any positive thoughts. Kung maaari ay ayaw niyang magkita ang dalawa. Makasarili na kung makasarili pero ayaw niyang gawing laruan ni Mino si Irene tulad ng ibang mga babae. 

 

May dumating ng tricycle kaya naman sumakay na siya agad habang si Mino ay nakangiti pa rin sa hangin at mukhag nagd-daydream na. 

 

Pinaharurot na ang tricycle at rinig na rinig niya ang malutong na mura ng kaibigan.

 

"Hoy! Putangina mo, Seulgi!" 

 

 

Gaya ng nakasanayan ay bababa siya sa may tulay kung saan isang saksakan ng kagandahan na babae ang nag-iintay sakanya. 

 

"Hey..." Nagtitigan lamang sila at agad siyang lumapit rito para yakapin ito ng mahigpit. 

 

"Miss mo nanaman ako? Nagkita naman tayo kahapon ha?" Pang-aasar nito sakanya. Ngumiti lamang siya na para bang kontento na siya sa buhay niya. 

 

"Nahawa na ko sa pagiging clingy mo eh." Pang-aasar niya pabalik rito. Kinurot lamang siya nito sa tagiliran niya. 

 

"Gusto mo lang ata ako yakapin magdamag eh." Asar nito muli na alam naman nilang dalawa na totoo naman. Kung pwede nga lang gawing career ang pagyakap kay Irene ay baka ginawa na niya. 

 

"Liit mo kasi. Naaalala ko sa'yo 'yung stuff toy ko na bugs bunny na palagi kong yakap-yakap." Napangiti bahagya si Irene sa narinig. Ang sarap lang marinig na may ganoon siyang epekto kay Seulgi. Para bang nagwagi siya dahil napapasaya niya ito ng dahil lang sakanya. Kung baga ay isang malaking achievement ito para sakanya bilang isang kaibigan na mayroong lihim na pagtingin kay Seulgi. 

 

 

 

 

 

.

 

sorry sa very late update hsjshk will make bawi this week. :>

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yerenesassy
sinisipag aq mag ud sana ganito rin aq sa acads

Comments

You must be logged in to comment
dyla_123 #1
ganda ng story author !!!
Seulgiii_bear
#2
WOW MAY BAGO NA NAMAN KAMING IIYAKAN HAHAHA. Pero salamat sa magandang ff, authornim! Ingat lagii
Varcenciel21
#3
Chapter 1: di ko yata kayang masaktan 🥲
000014
#4
Chapter 1: ☹️