one second

Kahapong Nagdaan

 

They sat silent for a couple minutes, waiting for Seulgi to answer the woman's question. It was just a simple yes or no question yet it got her thinking hard. Seulgi can say yes to end the silence inside the room but for some reasons she can't. Although, she already answered her that she doesn't know if she's happy or not, pero parang may kadugtong dapat ang sagot niya. 

 

Wendy, who was patiently waiting for her, smiling so calmly and letting her friend know that she's not pressuring her to answer the question immediately. 

 

"I would say yes to keep my pride but then I'd be lying to myself." Wendy smiled once more, giving Seulgi the assurance that she understands her. 

 

"Thank you for being honest with yourself." Seulgi can't be more thankful for having Wendy by her side. The benefits of having a therapist friend. She did took it for granted at first but she learned her lesson now. 

 

They continued to catch up about other things. Seulgi found out that Wendy is planning to go back home to their hometown and even suggested that she should come with her. Seulgi refused without thinking twice. Ayaw niyang makita si Irene. Lalo na at sa iisang village lang sila. 

 

"Why? Do you have plans na ba?" She already plotted a plan in her mind. A simple trip out of town. Away from stress.

 

"Yes, I've been thinking about having a vacation just for myself to reflect, you know." Napatango na lang si Wendy at tsaka sila ulet natahimik. 

 

Nabasag ang katahimikan nang magtanong muli si Wendy. "Sa araw ba nang debut naroon ka?" And it caught her off guard. Isa rin 'yun sa mga iniisip niya. 

 

"Sa totoo lang hindi ko pa alam. Hintayin ko na lang kung ano i-utos ni Irene." Napakunot naman agad si Wendy sa sinagot niya at kaagad itong kinurot sa braso. 

 

"Nakalimutan mo na bang hiwalay na kayo kaya hindi kana dapat sumunod nang basta-basta sa kung anong gusto niyang gawin mo?!" Oo. Araw-araw kong sinasadyang kalimutan na hiwalay na kami. Hindi na lang sinagot ni Seulgi si Wendy at nanatiling tahimik. 

 

"Seulgi...Hindi ako 'yung Wendy na psychologist na nakikita mo ngayon. Ako 'yung Wendy na kaibigan mo for 8 years. Hindi ako aasa sa mga question guides, kakausapin kita bilang kaibigan mo." Tumango na lamang si Seulgi at hinintay na magsalita muli ang kaibigan niya. 

 

"Putangina mahal mo pa si Irene noh?" Nasamid si Seulgi sa sarili niyang laway kasi hindi naman pala-mura si Wendy. 

 

"E-ewan ko." Kaagad na umiwas ng tingin si Seulgi. Bahagyang tumaas ang kilay ng kanyang kaibigan sa inakto niya. 

 

"Ano ba nangyari sainyo ha? Nalaman na lang namin na break na kayo nung nakasalubong namin si Irene. Wala naman siyang ibang binanggit tungkol sa'yo." Napabuntong hininga na lang si Seulgi. Pinaglaruan niya ang dulo ng shirt niya at nag-isip kung paano niya maisasagot ang tanong ng kaibigan nang hindi nagmumukhang hindi pa naka-move on. 

 

"Wala naman." She mentally slapped herself and Wendy literally slapped her. 

 

"Anong wala naman? Iniwasan mo kami for 4 months! Kahit isang text galing sayo wala kaming natanggap so hindi pwedeng wala naman ang isasagot mo sakin." Wendy can't believe she studied how to be patient with people for years yet she can't do the same with Seulgi. If Seulgi was an exam, she'd get 0/100. 

 

"Sorry. That was a dumb answer." Tinignan lang siya ni Wendy na parang sinasabi na 'Buti alam mo' 

 

"Remember when you guys fooled us?" She asked. 

 

Wendy could only roll her eyes. Seulgi is bringing back the old impatient Wendy. 

 

"Friends always fool around, be specific." And here Seulgi thought it would be easier to tell Wendy without actually voicing out what really happened. 

 

"Sinet-up niyo kaming kumain nang kaming dalawa lang kasi nga diba bihira na lang kami magkita noon." 

 

"So dahil lang doon nagbreak na kayo?" Hindi makapaniwala si Seulgi. Ang tanga rin pala ni Wendy minsan. 

 

"Syempre hindi. We had the talk after that kaya ayun..." Ayaw niyang tapusin 'yung sentence. Sana lang makuha na ni Wendy 'yung point niya kaso mukhang nauntog ata si Wendy kanina. 

 

"Talk? Anong klaseng talk?" Seulgi looked at her in disbelief. 

 

"What the , Seungwan." She can't help but address her using her real name. 

 

"H'wag mo akong minumura. Ano ngang talk?"

 

"The talk!" They both frustratedly looked at each other. Seulgi assumed that her friend would understand her with just one word but looks like Wendy's intelligence has its limits. Pantay nga kung magbigay ang Diyos.

 

"Be specific!!! Malay ko ba kung anong klaseng talk ba ginawa niyo!" They sighed in sync and waited for Seulgi to respond. 

 

"The talk that you've been pushing us to have." 

 

"You mean the break up  kind of talk?" Seulgi nod aggressively. 

 

"Pero 'yung set-up date na 'yun ginawa namin para sana maayos niyo na problema niyo, hindi para magbreak!" Wendy was disappointed. She really thought that the couple can work things out for them. 

 

"Breaking up is the answer to our problem." That felt so sour as she said those words. Wendy could only smile at her sadly. 

 

They fell into silence once again. Not the same awkward silence they had earlier. This time it was a plain normal silence between two friends. 

 

"Have you..." She raised her head and saw how her friend hesitately ask her something. She only hummed to let her friend know she's listening. 

 

"Have you told her already?" Ah. That. She giggled bitterly. 

 

"About the job? Yes. That's why we drifted apart." She tried to smile through the pain. Thinking back to that awful memory is for another day to remember. Not today. She reminded herself. 

 

 

 

_________________________________________________

 

 

 

"Are you sure about this color? I don't think it would fit the theme." Tumango ulet siya. Kanina pa niya sinasabing sigurado siya pero napakakulet ng team niya. 

 

"For the 10th time, yes!" Lahat na ata nang member ay naka-anggal na sa desisyon niya. Hindi naman niya kasalanang purple ang gusto ng client. 

 

"Seulgi a-" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at inunahan na. "Yes, putangina, yes. Ayoko rin naman sa kulay pero ito 'yung gusto ng client so pwede ba tama na." Napaatras naman 'yung lalaking lumapit sakanya. If looks could kill, kanina pa may massacre sa venue. 

 

Bumalik naman lahat sa kanyang-kanyang trabaho. Nasa venue sila ngayon ng debut ni Karina para tignan kung aayon ba sa plano 'yung decorations. Everything is going well according to her plan not until someone decided to show up. 

 

"Seulgi." Napabuntong hininga na lang siya nang tawagin siya muli nito. 

 

"Yes ma'am?" The woman looked at her curiously and Seulgi almost peed in her pants with the look the woman was giving her. 

 

".."

 

"I told you naman na to call me tita diba?" Tumango na lang si Seulgi at tumingin sa lapag. Sa dami-daming araw bakit kasi ngayon pa bumisita ang mama ni Irene. 

 

"Uhhh yes po, t-tita." The woman was in her late 40s pero tanaw na tanaw pa rin ang kagandahan nito. Parang kausap lang ni Seulgi ang future Irene kasi sobrag magkamukha sila. 

 

"Tell me..." Her breath hitched and her hand felt clammy due to nervousness. She doesn't know if Irene's mom already know that they broke up so she's so nervous talking to her. 

 

"Do you really think purple is the perfect color for that?" The woman asked and pointing at the serviette. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa kasi hindi about kay Irene ang tinanong or mainis kasi ayan nanaman sa kulay purple na yan.  

 

"No tita." Ngumiti lang siya rito at hinintay sa susunod nitong gagawin. 

 

"Then why did you picked it?" She sighed again for the thousand time this day. 

 

"It was actually your daughter who chose that color. She said she wants it to be purple." And there you go. She just wished people can now stop asking her about it. 

 

"Irene?" 

 

"Opo tita. Siya lang naman po ang anak mo." Tumango lang ito at buti na lang hindi na pinansin ang pagpipilosopo niya. 

 

"Ok. I'll talk to her na lang." Agad na kinuha nito ang telepono para ata tawagan si Irene. Nagulat naman siya at kinabahan. 

 

"A-ay tita h'wag mo na tawagan-" Agad naman siyang nagpasalamat sa Diyos nang napunta lang iyon sa voicemail.

 

"Sige na, Bumalik ka na sa trabaho mo, Seulgi." The woman smiled at her and she smiled back. Bumalik na lang siya sa trabaho. 

 

"Boss, ano sa tingin mo?" Bumaling ang atensyon niya sa stage kung saan nila inaayos ang debutante's chair. 

 

"Perfect!" She shouted and smiled at them. 

 

She focused in fixing the designs of the banner. 

 

She was minding her own business when she heard Irene's mom. 

 

"Gosh, Joohyun. Kelan ka ba magsasawa sa purple!" Natigil naman siya agad sa ginagawa niya. She didn't mean to eavesdrop, sadyang sobrang lakas nito magsalita na lahat ata nang tao sa loob ay naririnig siya. 

 

"I talked to Seulgi about it!" Oh . She could only curse in her mind knowing Irene would probably send someone again to scold her for that. 

 

"What do you mean break na kayo ni Seulgi?!" Nanlambot siya. Bumigay ang tuhod niya at napaupo sa lapag. Randam niya 'yung mga titig ng mga tao sakanya. Agad rin siyang tumayo nung nakita niyang papalapit ang nanay ni Irene. 

 

"Seulgi, is it true that you and my daughter are already over?" Parang may bumatok sakanya nung narinig niya 'yun. Nakita niyang mas lumapit 'yung team niya para marinig ang pag-uusapan nila. 

 

"A-ah an-ano po sa labas na lang tayo mag-usap?" Tanong niya rito and smiled awkwardly. Tumango lang ito at naglakad na sila palabas. 

 

"Continue doing your work mga chismosa." She coldly reminded pero nanlambot rin ang tingin niya nung titigan siya nito. 

 

"So kelan niyo balak sabihin sakin na break na kayo?" Sabi nito habang hawak pa rin ang telepono na nakaloud speaker. 

 

"Mom...I'll tell you na lang personally. Huwag mo nang itanong si Seulgi." Tumaas lahat ng balahibo niya sa boses nito. Ngayon na lang ulet niya narinig ang boses nito. Sa panaginip na lang kasi niya ito naririnig. 

 

"You better be. Visit me at home later, bye." Inend naman nito agad ang tawag. Nanatiling nasa lapag ang tingin niya. Pinagpapawisan na 'yung palad at mukha niya. 

 

"Who broke up?" Tanong nito. 

 

"It was a mutual decision po..." 

 

"Seulgi.." Mukhang hindi ata naniniwala ito kaya nataranta siya. 

 

"T-totoo po talaga tita! Pareho po kami nagdecide." She managed to say while her eyes is still locked in the floor. 

 

"Seulgi." 

 

"P-promise po tita-" Natigil siya nang unahan siya nito magsalita. "Seulgi, look at me." Mas lalo lang siyang kinabahan at dahan-dahang inangat ang tingin niya rito. Agad naman siyang nakahinga ng maluwag nung makitang hindi ito galit. 

 

"Don't be nervous." Pero mas lalo lang rin siyang kinabahan. She internally screamed nung bigla siyang hinawakan sa balikat. 

 

"Sorry po..." Bumuba muli 'yung tingin niya sa lapag. 

 

"For what exactly?" The woman asked, obviously annoyed to the fact that Seulgi was more focused on staring at the floor. 

 

"For everything po..." Irene's mom glanced at her trembling hands. Her nails buried in her palms. 

 

"Define everything, Seulgi." Umangat na ang ulo niya at ngumiti ng malungkot rito. "Irene. She's my everything and I'm sorry for hurting her. It was my fault why we broke up. Huwag niyo na pong pagalitan si Irene, wala naman po siyang kasalanan." She tried so hard to stop her tears from falling but the familiar image of Irene right in front of her betrayed her eyes. She prayed that it was the real Irene whom she's talking to right now instead of its mother. 

 

She got stiff when Irene's mother hugged her but soon relaxed at the comforting touch of a mother. A mother's love never disappoints. 

 

"I'm sure you got your reasons, anak. Hindi ko na kayo aabalahin pa sa pinagdaanan niyo pero sana maging maayos kayo kahit bilang magkaibigan na lamang." Magkaibigan na lamang? Gusto niyang matawa kasi parang imposibleng maging kaibigan pa sila pagkatapos nung mga nangyari. Hindi na lang niya iyon inisip pa at tumango na lang kahit pa na hindi siya sigurado. 

 

Nakauwi na siya at kasalukuyang nakahiga na sa kanyang higaan. Sobrang bigat ng pakiramdam niya ngayong gabi. Napakaraming bumabagabag sa isip niya. Lalong-lalo na 'yung hiniling sakanya ng nanay ni Irene. Sana maging maayos kayo kahit bilang magkaibigan na lamang. Friends. Sobrang hirap niyan kung may nararamdaman ka pa. Hindi naman niya alam kung ano eksakto ang nararamdaman niya kay Irene ngayon. Ang alam niya lang ay sobrang namimiss niya ito. Namimiss na niya 'yung mga oras na kasama niya ito. Napakaraming ala-ala pero isa 'yung nanaig.

 

 

 

March 24, 2015

 

 

"Ms. Kang, this is the 10TH TIME you were late at my class and may I remind you that this is your last semester before you graduate. May balak ka bang bigyan ako nang rason para ibagsak ka?" Hindi makatingin si Seulgi sa kanyang propesor bagkus ay tumingin na lang ito sa lapag. Sa tuwing napapagalitan ito ay bigla na lang nagiging nakakaakit ang lapag para duon ito tumingin. Sobrang nakakatakot kasi ang mata ni Mrs. Jacinto. Kung tumingin kasi ito ay parang hinuhusgahan ka hanggang bunbunan mo. Hindi maiwasan nang mga estyudyante at pati na rin nang mga kapwa propesor nito na ma-conscious sa tuwing tititigan sila nito. Kilala siya bilang Prof. x-ray dahil sa mga mata nitong mala x-ray na tila bang kitang-kita ang loob-loob mo sa isang tingin lang. 

 

"Ms. Kang hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, May balak ka bang bigyan ako nang rason para ibagsak ka?" Natauhan naman si Seulgi at agad na tumanggi. Mag-isa lang siyang pinagalitan ngayon dahil siya lang naman ang laging late sa klase. Tapos na rin ang nakalaan na oras para sa klase ni Mrs. Jacinto pero tinawag siya nito na huwag munang umuwi dahil kakausapin siya nito. 

 

"Nagtanong ako sa iba mo pang propesor at sabi nila ay minsan ka lamang ma-late o mag-absent sa subject nila. May problema kaba sa subject ko kaya ka palaging late?" Halos matanggal na ang kilay nito dahil sa pagtaas nito ng kilay. Wala namang problema si Seulgi sa subject nito. Sa totoo lang ay ito ang pinakapaborito niyang subject. Sadyang hindi niya lamang namamalayan ang oras. Mabilis rin kasing maaliw si Seulgi sa mga bagay-bagay. 

 

"Wala po akong problema. Alam niyo naman pong ito ang paborito ko at hindi ko kailan man pinabayaan ang grades ko." Close sila. Nakakagulat man pero nalapit ang loob ni Seulgi rito dahil para na rin niya itong nanay. May soft spot nga rin si Mrs. Jacinto kay Seulgi eh. Pero dahil propesor pa rin si Mrs. Jacinto ay nanatili itong propesyonal at hindi basta hinayaan ang mga palusot nito. 

 

"Mataaas nga ang grado mo pero baliwala rin ito kung halos hindi kana pumasok sa subject ko. Hindi porket tinuturing na kita bilang anak ko ay sasamantalahin mo na ito. Alam kong hindi ka ganoong tao ngunit h'wag mong sanayin ang sarili mo sa ganito lalo na't isang buwan na lang ay g-graduate kana." Naiintindihan naman ito ni Seulgi. Ang hindi lamang niya maintindihan ay ang sarili niya. 

 

"Opo..." Mahina niyang sabi at nagulat pa siya nang bigla siyang yakapin ng propesor. Wala naman siyang nagawa kundi yakapin rin ito pabalik.

 

"May bumabagabag ba sa iyo kaya ka nagkakaganito?" Marahan nitong sabi. Wala pang planong i-kwento ni Seulgi kung ano ang bumabagabag sakanya dahil natatakot pa siya. Siguro ay sa susunod na lamang. 

 

"Meron po pero puwede po bang sa susunod ko na lang sabihin? Hindi po kasi ako nakakapag-isip nang masyado eh." Kahit papaano ay ayaw na ayaw magsinungaling ni Seulgi rito. Gusto niyang malaman nito na may tiwala siya sakanya. 

 

"Naiintindihan ko, iha. Sige na at umuwi kana. Baka hinahanap kana nang kaibigan mo." Si Mino ang tinutukoy nito. Kaklase niya ito simula junior year kaya naman sobrang close na nila. 

 

Nagpaalam na si Seulgi kay Mrs. Jacinto at tsaka lumabas ng classroom. Naabutan niyang nakikipaglandian si Mino sa ex nito. Malakas rin ang tama ng kaibigan niya. Hindi na niya inabala pa sila at nauna nang umuwi. Ite-text na lamang niya si Mino para sabihin na nauna na siya dahil may gagawin pa siya at tsaka ayaw naman niyang sirain ang moment nilang mag-ex. 

 

Mabilis na pumara si Seulgi nang tricycle at agad itong sumakay na tila bang nagmamadali. Dalawampung minuto lang ang byahe sa unibersidad niya patungong subdivision nila. Pero imbes na sa bahay siya dumiretso ay nagpababa na lamang siya sa may isang pribadong tulay sa loob ng subdivision. Noong una ay nagtataka pa ang tricycle driver dahil pinagbabawal na pumasok sa lugar na iyon dahil raw pagmamay-ari ito ng isang senador. Ang hindi nito alam ay chismis lang ang mga iyon at hindi totoo. Open ang tulay na iyon para sa lahat ng mga nakatira sa subdivision. Nag-mukha lamang na bawal ito dahil bigatin ang mga nakatira sa kabilang side ng tulay. 

 

Pagkababa niya ay isang magandang nilalang ang naghihintay sakanya. Sabay silang ngumiti at kaagad naman nilapitan ni Seulgi ito at tsaka niyakap nang pagkahigpit-higpit. Na-miss niya ito. Isang linggo ito nawala dahil sa trabaho. 

 

"Hindi naman halata na miss na miss mo ako enu?" Pang-aasar nito sakanya. Mas lalo lang hinigpitan ni Seulgi ang yakap rito at sininghot ang mabangong amoy ng dalaga. Natawa na lamang ito sa inasal ni Seulgi at tsaka yinakap ito pabalik. 

 

"Akala ko nandito kana nung tinext mo akong uuwi kana." Kwento niya sa dalaga habang yakap-yakap pa rin rito. "Dumiretso agad ako dito baka kasi panandalian lang uwi mo ngayon." Napasigaw naman siya nang kurutin siya nito sa kanyang beywang. 

 

"May klase ka pa nun ah! Huwag mong sabihing nalate ka nanaman ng dahil sakin?" Taas kilay nitong tanong.

 

"Oo hehe." Muli siya nitong kinirot kaya natawa na lang siya. "Baka sabihin nila bad influence ako sayo ah! Naku sasabunutan kita." 

 

"Hindi naman, Ate Hyun. Tsaka promise last na 'yun kasi graduate naman na ako next month." Bakas ang tuwa sa ngiti ng dalaga. Sobrang proud na proud ito kay Seulgi. Halos araw-araw niya itong nasaksihan paghirapan ang pag-aaral. 

 

"I'm so proud of you." Natulala naman si Seulgi sa sobrang gandang ngiting ibinigay nito sakanya. Hinding-hindi siya magsasawang tignan ito. "Me too." Ngiti rin niya. Nagtataka namang tinignan siya ni Joohyun. 

 

"Proud ka rin sakin?" Tanong nito. 

 

"I'm proud of myself kasi...pero dahil sabi mo sige na nga proud na rin ako sayo." Pang-aasar niya rito. Agad namang nawala ang ngiti ng dalaga kaya mas lalong natawa si Seulgi. "Joke hehe, I really am so proud of you. Napromote ka kaya! That's something I'm so proud of." Natigil naman si Joohyun sa pag-iisip. Hindi siya handa sa sinabi ni Seulgi. Halatang namula siya kaya naman mas lalong natawa si Seulgi. "Cute mo." 

 

"Bolera ka talaga!" Sabi nito tsaka inalis ang pagkakayakap nila at lumayo kay Seulgi.

 

"I mean it! Ang cute-cute mo kaya, Ate Hyun!" Sabi niya at lumapit ulet kay Joohyun sabay yakap muli rito. 

 

Mas lalo lang namula si Joohyun pero buti na lamang ay nailayo niya ang mukha niya at hindi iyon nakita ni Seulgi. 

 

"H-h'wag ka na ngang mag-ate jan! Hindi naman ako ganoon katanda!" Natawa na lamang sila. 

 

"Dalawang taon agwat natin. Ate pa rin kita!" Nainis lang lalo si Joohyun. Hinampas niya ito sa braso pero tawa pa rin ng tawa si Seulgi. 

 

"Ok! Tama na--ahhhh! Hindi na kita tatawagin ate-aray!" Tumigil na ito sa pagpalo sakanya.

 

"Dahil nandito kana, makakapagcelebrate na tayo!" Masayang sabi ni Seulgi. 

 

"Para saan?" 

 

"Sa promotion mo at dahil g-graduate na ako!" Natawa na lang si Joohyun sa ka-cutan niya. Pininggot niya ang pisnge nitong sobrang lambot na agad rin naman namula. Naisip na lamang nito na dahil ito sa pagpisil niya kaya namula. Umiwas naman ng tingin si Seulgi. 

 

"So san tayo magcelebrate?" Tanong nito habang inaayos ang kanyang suot damit. Hindi ito sinagot ni Seulgi kaya naman tinignan niya ito. Nakahawak lang siya sa dalawa niyang pisnge habang nakatitig sa lapag. Cute. Napangiti na lamang ito kay Seulgi at hinawakan siya sa balikat niya.

 

"Hoy-" Nagulat naman ito nang biglang napatalon si Seulgi sa gulat. "S-sorry, ano nga ulet sabi mo?" 

 

"Saan tayo magcelebrate?" Tanong nito ulet at tsaka muling inayos ang damit niya. 

 

"Ah...sa may ano..sa..secret." Joohyun giggled at how cute she acted. Kahit anong gawin ni Seulgi ay palaging cute ito sa paningin ni Joohyun. 

 

"Secret? May ganun bang lugar?" Pang-aasar nito sakanya. Natawa na lang rin si Seulgi at--- 

 

 

_________________

 

 

Natigil ang sandaling pag-alala niya sa ala-alang iyon. Rinig na rinig sa buong kwarto niya ang pag-ring ng telepono niya. Pagtingin niya ay number lang ito. Landline pa nga ata ito. Sinagot naman niya ang tawag. 

 

 

"Hello?" 

 

 

"hey.." She immediately ended the call. She can hear her heart-throbbing loudly. Seulgi swear to God that voice haunted her. She slapped herself very HARD. She's making sure she isn't dreaming because hearing Irene's voice out of nowhere is just a hallucination....right? 

 

 

Her phone rang once again. Same number. Hopefully not the same voice. 

 

 

"Why did you hang up?" Her grip got loose causing for her phone to drop. She's hearing things now. That's the only explanation for that right? Why would Irene even call her in the middle of the night. 

 

 

Once again, the sound of her ringtone echoed in her room. She hesitantly picked it up with trembling hands and answered the call. 

 

 

"Ano bang ginagawa mo ha? " Sumikip ang dibdib niya at nahihirapang siyang ibuka ang bibig niya. Baliw na ata ako.

 

 

"I-irene?" 

 

 

"Yes, it's me. Are you alright? Hindi mo ako sinagot kanina." God knows how Seulgi missed her worry for her like that. She could only think that Irene still cares for. 

 

 

"Y-yeah." 

 

 

There was no response after that. Kaagad natakot si Seulgi na baka nga nag-iimagine nanaman siya at hindi totoo ang naririnig niya ngayon. 

 

 

"Irene?! Hello??? Andyan ka pa ba..." She hurriedly asked. 

 

 

"I'm still here..." Nakahinga siya ng maluwag. Hindi siya baliw. Totoo nga talaga ito. 

 

 

"B-bakit ka ba napatawag?" 

 

 

"I..gusto ko lang mag sorry about kay mama 'yung kanina...

 

 

"Ok lang..."

 

 

"No, it's not and please don't blame yourself..." Seulgi doesn't know what Irene was talking about but she just listened to her sweet voice. 

 

 

"I n-need to go..bye." Nagulat naman si Seulgi nanv bigla nitong i-end ang call kaagad. 

 

 

"Wait! Irene! Irene..." Hindi na niya naabutan ito bago pa maend ang call. 

 

 

"Bye...take care." She whispered to the air. The stored tears continued to flow and the sobs wracked her body, robbing it of the ability to speak – barely allowing a breath to be drawn. She endured the pain--alone for the past months, sobbing her heart out in every corner of the room.

 

 

She finds it so funny how a second could pass without us having the time to appreciate time itself. One second she was happy thinking back to a happy memory with Irene. One second she was talking to her in the phone. One second she wasn't talking to her anymore. One second she's crying because of it. She only wished for it to last long. Is it that hard to fulfill that one selfish wish?

 

 

 

~~~~~~~~~

 

a little flashback of the past and a little interaction between irene and seulgi. in the next chapter there'll be more of irene pramis yan hahahaha and i wanna tell u gays again that i changed the title if you're wondering. next chapter will be posted tomorrow or by Wednesday !!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yerenesassy
sinisipag aq mag ud sana ganito rin aq sa acads

Comments

You must be logged in to comment
dyla_123 #1
ganda ng story author !!!
Seulgiii_bear
#2
WOW MAY BAGO NA NAMAN KAMING IIYAKAN HAHAHA. Pero salamat sa magandang ff, authornim! Ingat lagii
Varcenciel21
#3
Chapter 1: di ko yata kayang masaktan 🥲
000014
#4
Chapter 1: ☹️