best slash worst cousin ever

Kahapong Nagdaan

 

"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa lugar na 'to?" Nagtatakang tanong nito nung makarating sila sa isang hardin punong-puno ng mga namumulaklak na bulaklak. 

 

"Dito kami dinadala noon ni papa kapag nag-away sila ni mama, para raw magkabati sila ay susuyuin niya raw ito sa paraan ng bulaklak." Napangiti na lang si Seulgi sa mga masasayang ala-ala nila. 

 

"Kaya mo ba ako dinala dito dahil mag-aaway tayo?" Nanlaki naman agad ang mata niya sa sinabi ng tumatawang Joohyun ngayon. 

 

"H-hindi kaya!" Nahiya naman kaagad si Seulgi dahil baka nga akalain ng dalaga na may balak siyang awayin ito. Ano man ang suhol na ibigay niyo sakanya ay never niyang aawayin ito dahil masyadong mahirap awayin ang isang tulad ni Joohyun. 

 

"Weh? Gusto mo atang mag-away tayo eh." Pang-iinis pa nito lalo. Namula naman si Seulgi sa hiya at agad na tinakpan ang kanyang mukha gamit ang sariling kamay. 

 

"T-tara doon tayo sa ilalim ng puno." Pag-iiba niya ng topic at hinawakan ang kamay ni Joohyun papunta sa may puno. 

 

Sabay silang umupo sa ilalim ng Tabebuia tree na napupuno ng kulay lila na mga bulaklak. Tahimik lamang sila; walang balak umimik at pinahalagahan ang magaan na katahimikan habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sumasayaw kasabay sa ihip ng hangin.

 

 Kitang-kita sa mga mata niya ang kabigha-bighaning larawan na nasa harap niya: Ang kaninang imahe ng mga bulaklak ay pinalitan ng marikit na mukha ni Joohyun. 

 

Kay tagal na niyang namamasdan na para bang mas lalong gumaganda sa kanyang paningin ang dalaga sa tuwing kasama niya ito. 

 

Matagal na niyang tanggap na isa siya sa mga uri ng babae na mas nasisiyahan sa piling ng kapwa babae kaysa sa mga kalalakihan. Hindi na siya magdududa kung napapalapit na ng lubos ang kanyang loob sa dalaga. Sa angkin ba naman nitong ganda at kabaitan, sinong hindi hahanga rito. 

 

Mabilis siyang umiwas ng tingin nang lumingon ito sakanya. 

 

"Anong balak mo after you graduate?" Tanong nito. 

 

"Employ agad." Paninimula niya habang siya'y nakatingin lamang sa magandang tanawin. "My prof adviced me to take muna ng internship in fashion designing. Nagsearch na ako at mayroong available slot sa Bulacan." Dagdag pa niya.  

 

"May maitutulong ba ako diyan?" Tanong ni Joohyun.

 

"Hmm wala naman na ata." 

 

"You sure? I can recommend you to other companies based in Manila para mas malapit ka sa akin." Biro pa nito. Pwedeng tanggapin ni Seulgi ang offer niya pero nahihiya na siya kay Joohyun. 

 

"Nag send ka na ba ng letter?" Umiling si Seulgi. "I made sure na bago ako mag send, sasabihin ko muna sayo." 

 

"Batman?" Natatawang sabi nito pero hindi ata na-gets ni Seulgi. 

 

"Batman?" 

 

"Batman." Ulit ni Joohyun na tawang-tawa sa itsura ni Seulgi. 

 

"Huh? Anong batman?" 

 

"Batman--short for bat naman." Natawa na lamang si Seulgi sa kalokohan nito. "So, batman nga?" 

 

Tumawa muna siya bago sagutin ang tanong ni Joohyun. "Wala lang...gusto ko lang ipaalam sa'yo kasi...ewan, basta." Sabay silang natawa sa magulo niyang sagot. 

 

"Thank you....thank you for telling me." 

 

"You are always welcome." Iwas niyang sabi. 

 

"So, bakit mo 'ko dinala dito?" Tumingin siya muli rito.  

 

"batman hindi?" Napuno ng halakhak nilang dalawa ang hardin. 

 

"Gaga ka talaga!" Hampas pa ni Joohyun sakanya kaya napangiti na lamang siya. 

 

"Pero bakit nga?" 

 

"Sabi ko naman sayo idadaos natin 'yung promotion mo. Naalala ko rin na nabanggit mong gusto mo pumunta sa ganitong lugar para mag unwind, nasaktuhan na may alam akong lugar kaya naman dinala na kita dito." Ngumiti siya rito at sandali silang nagtitigan. 

 

Hindi niya mawari kung bakit sobra-sobra ang nararamdaman niya nung titigan niya ang sariling repleksyon sa mata ng dalaga. Hindi basta-basta paro-paro ang nagdidiwa ngayon sa kanyang tiyan, higit pa sa mga kahit anong klaseng hayop ang nagwawala. 

 

Totoo nga talaga 'yung bigla na lang mawawala lahat ng nasa paligid mo at tanging siya lamang ang mananaig sa paningin mo kasi para kay Seulgi, si Joohyun, at si Joohyun lamang ang parati niyang bibigyan pansin. 

 

Naputol lamang ang matamis nilang pagtingin sa isa't-isa nang napamura si Seulgi dahil sa sakit. Maliit ngunit malalim na hiwa ang nasa kanyang kanang palad. 

 

"Baket?" Nag-aalalang tanong ni Joohyun at walang pagdadalawang-isip na nilapitan siya. 

 

"Natinik ata..." Sambit niya habang marahas na hinipan ito dahil sa hapdi. 

 

"May hugasan ba dito? or anything na may tubig at sabon?" Nakakunot nitong tanong habang inaalalayan si Seulgi na tumayo. Tinuro na lamang ni Seulgi ang daan patungo sa pampublikong banyo. 

 

Napadaing siya nang sinimulan linisin ni Joohyun ang kanyang sugat. "Sorry..." Ani nito at siniguradong maingat niyang nililinis ang hiwa. 

 

Kinuha niya itong pagkakataon upang masulyapan ang kagandahan ng dalaga. Mas nakakabighani ngayong nasa tapat niya lang ito. Parang nawalan siya ng hininga sa nasisilayan niya. Nagulat na lamang siya nang biglang halikan ni Joohyun ang sugat niya. Agad niyang inalis ang kamay niya sa kaba pero pinagsisisihan niya rin nang kumirot ang sugat niya.

 

"Dahan-dahan lang kasi." Pagpapaalala nito sakanya at hinawakan muli ang kamay niya. 

 

"K-kailangan ba talagang h-halikan pa?" Humagikgik lang ito sakanya at walang sabi na hinalikan muli ang palad niya pero ngayo'y may kasamang dila. 

 

"H-hoy.." 

 

"Human saliva has wound-healing properties stems from the fact that oral mucosa, the mucous membrane lining the inside of the mouth, heals much faster than the skin." Tinignan lang siya ni Seulgi na naka-awang ang bibig. "I learned that from my biology class. Nakakagulat lang na naaalala ko pa 'yung exact words." Tuloy nito at tsaka natawa sa sarili. 

 

"That's cool." Manghang komento ni Seulgi. "Alin? 'Yung laway thingy?" 

 

"Nope. The fact that you can still remember those things, amazes me. Ako nga 'yung lesson namin kanina 'di ko na maalala." Biro niya. 

 

"May malapit ba na convenience store dito?" Tanong ni Joohyun. 

 

"Oo, isang sakay lang ng jeep. Bakit?" 

 

"Kailangan natin lagyan ng betadine at bandage yan." 

 

"Have you ever thought na i-pursue ulit ang medicine?" Natigil naman si Joohyun sa tanong niya.

 

"Of course. Hindi naman mawawala ang passion ko sa med pero wala rin naman akong choice kundi ipagpatuloy ang career ko sa hr." Pilit nitong ngiti. 

 

 

 

 

 

_____________________________________________________

 

 

 

 

 

"Ate Seul, why naman color purple itong serviette?" Tanginang purple yan. Pinigilan niyang mainis at sinubukang intindihin na lang ang dalaga. 

 

"Papalitan ko 'yan basta sabihin mo sa ate mo na maraming nagrereklamo sa purple choice niya." Natawa naman ang kausap niya. 

 

"Ba't ko pa tinanong lol, Ate Joohyun and her fondness for the color purple." 

 

Natigil ang pag-uusap nila nang magring ang telepono nito pero hindi rin sinagot ang tawag. 

 

"Why don't you answer it? Baka mamaya importante 'yan." Kunot-noo niyang sabi ngunit tumanggi lang ito. 

 

"Anyway, Karina, do you have suggestions for your 18 roses?" She questions.  

 

"I have no suggestions about those but I have suggestions for you as regards your dead relationship with my cousin." Karina teasingly said. 

 

"Whatever you're planning on right now, I'm gonna assure you, that will never work." Seulgi dismissed Karina's idea before the latter could argue that. 

 

"You sure about that? Hmmm sayang, sali ko pa naman sana kayo sa cotillion dance." Seulgi thinks it's a perfect opportunity to talk to Irene again but imagining it, makes her anxious. She could only furrow her brows to pretend she isn't interested in what she has been told of. 

 

"Kahit pa na pumayag ako, hinding-hindi papayag 'yang pinsan mo. H'wag ka ng umasa, Rina." 

 

"Why me? Hindi ba't dapat sarili mo sinasabihan mo nyan?" Sumimangot lang siya rito kasi totoo naman. 

 

"H'wag ka ng umasa, self." Karina mocked, mimicking her voice flawlessly. 

 

"Speak of the devil, here she comes." Sabi nito, nakatingin lamang sa bandang likod ni Seulgi. Wala namang nagawa si Seulgi kundi lumingon rin at kamuntikan pa siyang masamid sa nakita niya. 

 

There she is, Irene, approaching them, which she thought took forever because she swears, Irene is moving so slow yet elegant in her eyes. She's wearing a silver and gold patterned sequin halter top with white wide-leg pants, partnered with a pair of black ankle-strap open-toe heels. Her midnight-black hair flowed over her shoulders. Huge doe eyes staring back at her, melting her. That plump lips that she's been dying to taste. God, she's so breathtaking.

 

Hindi niya namalayan na sobrang tagal na pala niyang nakatitig rito nang tawagin siya ni Karina, na ngayo'y pinagtatawanan siya. Nagtataka naman siya nang makitang namumula si Irene. 

 

"O-ok ka lang ba? Namumula ka eh." Mahina niyang tanong na mas lalong ikinatawa ni Karina. 

 

Tumango lang si Irene at iniiwasang tignan ang mga mata ni Seulgi. 

 

"K-karina, hayop ka talaga. Kanina pa kita tinatawagan." Gulat namang napatingin si Seulgi kay Karina nang malaman na si Irene pala ang tumatawag kanina.

 

"Why call me using your phone when you can come here naman? Wala ka naman atang iniiwasan, right?" Pang-iinis nito kay Irene. 

 

Naestatwa naman sa kinatatayuan niya, si Seulgi nang ma-gets niya ang tinutukoy ni Karina. Ngunit unti-unting umaangat ang ngiti niya sa naging reaksyon ni Irene. 

 

She sighs in relief, knowing she still has that kind of effect on Irene. Because she doesn't know if she can accept the fact that Irene has already moved on completely when here she is, struggling to forget every inch of her, every memory of her, every scent of her, and everything that screams Irene in it. 

 

"Do you need me ba? Why did you called?" Karina broke the silence, noticing the awkward tension between the former couple. 

 

"Uhhh ano kasi...uhmm.." Sabay na natawa sina Karina at Seulgi. Halatang natataranta si Irene na mag-isip ng maidadahilan. 

 

Karina thinks her cousin looks so stupid right now, while Seulgi thinks she looks so adorable stuttering. 

 

Lumapit naman si Karina kay Irene at may binulong na ikinapula lalo ni Irene. 

 

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mong makita harap-harapan ex mo." Bulong nito. 

 

Walang kaalam-alam si Seulgi kaya awkward lang siyang nakatayo roon habang tinitignan si Irene na mamula. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata pero agad rin na iniwas ito ni Irene. Napangiti na lamang ng malungkot si Seulgi. 

 

"Uhhh alis na ako, Karina. May aasikasuhin pa kasi ako eh." Paalam niya at akmang aalis na nang bigla siyang hatakin ni Karina ng pagkalakas. 

 

"Karina!" Saway ni Irene rito nang marinig na napadaing si Seulgi. 

 

"Ay sorry, ate hehe. Dito ka muna kasi, kailangan ka pa niya." Turo nito kay Irene na nakakunot ang mga kilay. Kinurot lang nito si Karina sa tagiliran. "Namin pala. Kailangan ka namin." Kinurot siya muli ni Irene. "Joke, ako pala talaga. Kailangan kita." 

 

Nalilitong tumingin sakanila si Seulgi, hindi malaman kung ano ang gagawin dahil sobrang lalim ng mga tingin ni Irene sakanya na parang sinasabi nito na h'wag siyang sumunod kay Karina.

 

"May aasikasuhin pa kasi talaga ako-" 

 

"Kailangan kong i-tour niyo ako!" Sigaw ni Karina. 

 

"Walang aalis sainyong dalawa kasi kailangan KO kayo para ipakita sakin ang progress ng relasyon niyo--este ng trabaho niyo." Wala na silang nagawa kundi sundin ang gusto ni Karina. 

 

Maglalakad na sana sila nang pigilan sila ni Karina. 

 

"Woops, kayo ang mauna dalawa at magtabi kayo-WALANG AANGAL! Think of it as work, h'wag kang asyumera diyan ate joo. Dito lang ako sa likod niyo manonood." Natawa si Seulgi pero agad rin niyang tinikhom ang bibig nang tignan siya ng masama ni Irene. 

 

Medyo natatakot siyang tabihan si Irene pero nakaya naman niya ito dati kaya imposibleng hindi niya makaya ngayon. 

 

Hopefully, makausap niya ito kahit papaano ng maayos at ng may ngiti sa kanilang labi. 

 

 

 

 

~~~~~~~~~~~

 

 

some new facts about seulrene hehe watch out for those kasi may hints akong nilalagay . yun lang muna for this week, ingat kayo and amen sainyo . thank youuuuu :D
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yerenesassy
sinisipag aq mag ud sana ganito rin aq sa acads

Comments

You must be logged in to comment
dyla_123 #1
ganda ng story author !!!
Seulgiii_bear
#2
WOW MAY BAGO NA NAMAN KAMING IIYAKAN HAHAHA. Pero salamat sa magandang ff, authornim! Ingat lagii
Varcenciel21
#3
Chapter 1: di ko yata kayang masaktan 🥲
000014
#4
Chapter 1: ☹️