C8: Joohyun and Seulgi's Memories (1)

1004

May 2004

12:00 pm

pagkatunog ng bell ay agad na tumakbo si seulgi papunta sa tabing dagat na kung saan ay gumawa siya ng maliit na bahay- bahayan, pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang babaeng nakatalikod, nakaluhod at umiiyak

 

'witch??? mahaba buhok, pero di naman siya nakahub-"

 

'sino ka?' tanong ng babae sa kaniya na ikinaudlot ng pag oobserba niya dito

'ako nga dapat nag tatanong sayo niyan, sino ka ba? bakit ka nasa bahay ko?' mataray na sagot pabalik ni seulgi

'bahay? bakit binili mo ba to?'

'hindi, pero ako ang nagtayo nito'

'psh whatever'

'wateber too, shoo ka nga jan babae' sabi ni seulgi at humiga sa puting tela na nakalapat sa buhangin at umupo naman sa ulunan niya ang babaeng tinatarayan niya

 

'witch ka ba?' tanong ni seulgi at tumingala sa kausap niya

'witch? Like mangkukulam? Hah! Sa ganda kong to—'

'witch, yung sa left 4 dead, di ka ba nag lalaro nun?'

'no.... What's that ba?'

'mga zombie, yung witch umiiyak yun tas naka talikod, mahaba din buhok, mahaba kuko at naka undies lang. akala ko kanina ikaw yung pero nakita ko may damit ka naman' sabi ni seulgi and shrugged his shoulders

'minamanyak mo ba ako?!' sigaw ng babae at nakahawak sa magkabilaang balikat niya, agad naman umupo si seulgi at kinaway ang parehas na kamay habang umiiling

'h-hindi ah! T-tinignan ko lang kasi first time ko na may maabutang ibang tao dito tapos umiiyak ka pa'

'hindi kaya ako naiyak'

'eh anong ginagawa mo kanina?'

'nag aacting'

'nag aacting na?'

'na umiiyak'

'edi umiiyak ka nga, boba'

'excuse me?! Did you just call me boba? Hoy lalaki! Baka mas matanda pa ako sayo ha!'

'meh. Ilang taon ka na ba?'

'13! Ikaw?' seulgi pressed his lips at umiwas ng tingin sa kaharap niya at nanahimik saglit

'10 pa lang'  mahinang sagot ni seulgi and the girl clapped her hands at dumuro sa batang lalaki

'see?! Dapat ginagalang mo ako!'

'bakit? Hindi naman kita kilala ah, bat kita gagalangin? Psh.'

'fine! I'm Joohyun Bae, 13 years old, grade 8 jan sa SMU'

'eh?! Parehas tayo ng school? Bakit hindi kita nakikita dun?'

'well? Magkaiba kasi tayo ng schedule?'

'tama ka naman, pero speaking of schedule.... Grade 8 ka? Edi dapat hanggang 3 pa kayo ng hapon?'

'yea. ang boring kaya sa classroom'

'so bakit ka nag punta dito? Pwede naman dun sa playground sa tapat ng school?'

'gusto ko kasi matuto lumangoy, kaso natatakot talaga ako, lalo na walang tao sa paligid pano kung malunod ako? Baka mabawasan pa mga magaganda dito hays'

'tch, feelingera' bulong ni seulgi

'teka nga, bakit ba parang ang tanda mo kung mag salita?'

'ganun talaga, puro kasi mga matatanda ang kasama ko dine...... gusto mo ba turuan kita lumangoy?' tanong ni seulgi at napangiti ng malaki si joohyun

'talaga?!' 

'pero hindi dito, tara!' sabi ni seulgi at hinila si joohyun at tumakbo

.

.

.

.

.

.

'Huy bakit dito? ano ba meron dito? Baka mamaya manyakin mo ako ha!' reklamo ni joohyun at pilit na tinatapik si seulgi sa balikat

'pwede ba ang bata bata ko pa para manyakin ka' sagot ni seulgi at napa singhap si joohyun

'so pinag babalakan mo na ako para sa future ganon?!' sigaw ni irene at pumiglas sa hawak ni seulgi

'pwede bang wag ka maingay ate? Tsaka di kita anhin dyan no, kung ano ano iniisip nitong matandang to'

 

Binuksan ni seulgi ang gate at akmang papasok na sana pero hinila siya pabalik ni joohyun

'huy teka bakit papasok ka jan, sa dagat na lang tayo?'

'kung gusto mo matuto, sa swimming pool ka mag umpisa, hindi sa dagat, gusto mo ata harapin si kamatayan ng maaga ah'

 'swimming pool???? dito?? jino joke time mo ata ako eh!'

'bahala ka nga jan ate, kung ayaw mo matuto edi wag, basta ako mag sswimming'

 

pumasok si seulgi at agad naman siyang sinundan ni joohyun na mayat maya tumitingin at inoobserbahan ang paligid, pag bukas ni seulgi sa pinto ay bungad sa kanila ang resort na konti lang ang tao 

 

'huy teka, pwede ba tayo dito? i mean, 'di tayo nag bayad ng entrance fee tsaka sa likod pa tayo dumaan?'

'okay lang yan, lolo ko naman may ari nito' seryosong sagot ni seulgi

'weh? di ako naniniwala sayo' sabi ni irene at tinaasan niya ng kilay ang batang lalaki

'seulgi. I'm seulgi kang, 10 years old, grade 5, sa SMU din nag aaral'

 

 

------

September 2004

 

'hyunie'

'hmm?'

'tinanong mo ako dati.... kung anong pangarap ko.'

'hmm, sabi mo wala, may naisip ka na ba ngayon?'

'oo' nakangiting sabi ni seulgi at humarap kay joohyun

'talaga? ano naman yun?'

'secret HAHAHA! saka ko na sasabihin sayo, di pa ako ready eh'

'ang daya mo! ako nga sinabi ko sayo eh' joohyun said and she pouted

 

habang papasok sila ng school ay napahinto bigla si seulgi at humawak sa ulo at napansin naman ito ni joohyun

 

'huy ayos ka lang?'

'oo naman! sumakit lang ulo ko at medyo nahilo- pero baka sa init lang naman' sabi ni seulgi at tumawa

 

'hyun baka hindi ako makapunta mamaya ha'

'eh? bakit naman?'

'madami kasi kaming gagawin nina lola tsaka si nanay eh kasama si tita sa maynila dahil nanganganak'

'ah ganun ba? sige siguro bukas na lang?'

'sige bye hyun-bun! ingat ka sa pag uwi!'

 

'ikaw din seul-bear' bulong ni irene sa sarili niya habang tinatanaw ang kaibigan niyang tumatakbo papalayo

 

lumipas ang ilang buwan ay halos araw araw na nakakaramdam ng hilo si seulgi, minsan naman ay kumikirot ang ulo niya na para siyang mapuputukan ng ugat.

 

nag hihintay si joohyun sa labas ng classroom nina seulgi, lahat ng student ay nakalabas na at hindi niya nakita si seulgi

 

'hija, si seulgi ba ang hanap mo?' tanong sa kaniya ng adviser nina seulgi kaya tumango naman siya

'halika pasok ka, ayun siya, ikaw na ang manggising sa kaniya at wag kayong mag papagabi ha'

'thank you sir'

 

nang makaalis ang guro ay agad na lumapit si joohyun sa mahimbing na natutulog na si seulgi, yumuko siya at hinawi ang buhok ng lalaki at pag lapat ng kamay niya sa noo ni seulgi ay agad na nanlaik ang mata niya dahil sa init nito

 

'seulgi?'

'seulgi, gising na'

'seul-bear'

 

'hyunie?' mahinang tugon ni seulgi at pinipilit na imulat ang mata

'seulgi ihahatid na kita sa bahay niyo, ang taas ng lagnat mo'

'malayo yung..... bahay namin hyunnie' bulong ni seulgi at pumikit ulit

'ganito na lang, dadalhin kita sa center tapos tatawagan ko ang lola mo'

 

hindi na sumagot si seulgi at nakailang tapik si joohyun ay wala pa ding kibo ang lalaki kaya naman ay nataranta si joohyun at tumawag na ng tulong

 

December 2004

 

'hyunie! punta tayo sa bayan mamayang gabi!' bungaad ni seulgi pag kalabas ni joohyun ng classroom niya

'eh? bakit naman? tsaka gabi? anong gagawin natin sa bayang ng gabi?'

'ano pa ba? edi mag peperya!'

'tayong dalawa lang ba or....?'

'hmmm ikaw bahala, ikaw lang naman kaibigan ko kaya wala akong ibang masasama HAHAHA!'

'okay! isasama ko na lang yung kapatid ko, yung isa kong kaibigan tsaka sasabihin ko na din na isama yung boyfriend niya!'

'okay! mabuti yan para hindi ako ma o-out kasi puro babae kayo' sabi ni seulgi at napakamot sa ulo niya

'minsan nakakaklimutan kong lalaki ka' sabi ni joohyun at tinawanan ang reaksyon ni seulgi

'bakit naman?!'

'eh kasi kung makapag sungit ka talo mo pa ako- oh! ayang mga irap mo na yan! HAHAHA!'

------

'guys ito pala si seulgi'

'ate ang cute naman niya! mukha siyang care bear!' sigaw ng batang babae kaya nag tawanan silang lahat

'seulgi, si yeri, kapatid ko'

'hi seulgi, madaming kinukwent-'

'si yongsun pala yung isa kong friend' pag putol ni joohyun sa sasabihin ni solar at tinignan niya ito ng masama

'hi bro! hiwalay tayo sa mga girls and punta tayo sa horror house!' yaya ng lalaki na nasa likod ni solar na agad umakbay kay seulgi

'seul, si byulyi pala, boyfriend ni yongsun'

'so seulgi, ikaw ba yung boyfriend ni ate joohyun?' tanong ni byulyi kaya naman ay nahampas siya sa magkabilaang braso

 

Febuary 2005

'double celebrate tayo ngayon kasi birthday ni seulgi and yongun!'

'oh seulgi bakit parang di ka masaya?' tanong ni byulyi sa katabi niya na nakatungo

'ha? sino bang hindi masaya sa birthday niya ha? ikaw talaga!' biro ni seulgi at tinapik ang balikat ni byulyi

 

habang namimili ng makakain ang magkakaibigan ay napansin ni joohyun ang braso ni seulgi, kaya dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ng lalaki at dahan dahan din inangat para makita ng maigi

 

'h-hyunie? anong—'

'saan mo nakuha tong pasa mo?' tarantang bulong ni joohyun sa kaniya

'n-nahulog lang ako sa kama kanina! alam mo naman ako masyadong lampa hehe' palusot ni seulgi na hindi naman pina niwalaan ni joohyun

 

bago pa man ulit makapag tanong si joohyun ay hinila na agad ni seulgi ang braso niya at kasabay nito ang pag tawag sa kanila nina solar, naunang maglakad si seulgi at naiwang nakatulala si irene at iniisip kng anong nangyayari sa kaibigan niya

-------

March 2005

'happy birthday hyun-bun!' bati ni seulgi sa kaniya

'di naman siguro itlog yang tinatago mo sa likod mo diba?' kabadong tanong ni joohyun at umiling naman si seulgi habang nakangiti

'pikit ka muna hyunie tapos akin na yung kamay mo' ginawa naman ni joohyun ang sinasabi ni seulgi, pumikit siya at inilahad ang parehong kamay niya

 

maya maya pa ay nakaramdam siya ng malambot na tela sa kamay niya

 

'okay tignan mo na!'

Teddy Bear

'ANG CUTE~!' sigaw ni joohyun at agad na niyakap ang teddy bear

'para kung mamiss mo man ako, maaalala mo ako jan sa teddy bear na yan'

'bakit naman kita ma mimiss? eh halos araw araw naman tayo magkasama, kulang na nga lang pati sa panaginip mag kasama tayo eh HAHAHA!'

'yung ribbong dapat wala yan, kaso parang ang panget naman kung ibibigay ko ng plain teddy bear lang, kaya nilagyan ko ng purpple ribbon kasi alam ko favorite mong kulay yun'

 

niyakap ni irene ang batang lalaki ng mahigpit at hindi na niya naiwasang umiyak, at tinawanan lang naman siya ni seulgi bago abutan ng panyo, inangat saglit ni seulgi ang sleeve ng flannel niya at agad din naman niyang binaba, pero mas mabilis ang mata ni joohyun dahil nakita niyang may pasa na naman ang kaibigan niya, pero hindi na niya tinanong si seulgi kasi alam niyang hindi pa ito handang mag sabi.

 

'seul tara ice cream tayo!' yaya ni joohyun at hinawakan ang kamay ni seulgi bago tumakbo sa ice cream shop

 

--------

November 2005

'ikaw seulgi anong ganap mo?' tanong ni byulyi sa kaniya

'zombie ako!' inalis ni seulgi ang jacket niya at naka tank top siya at ang braso niya ay puro marka ngpinag samang red and violet marks

'wow! parang totoo!' sabi ni solar at hinawakan ang isa sa mga patch at napatalon si seulgi kaya nagtatak niyang tinignan ito

'oh diba! magaling din ako mag acting!'

 

habang si joohyun naman ay nakatayo lang sa gilid at hindi alam kung anong mararamdaman para sa kaibigan niya

 

'ehem, maaari ko po ba kayong maisayaw kamahalan?' sabi ni seulgi at inilahad an kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nasa likod

'bakit naman ako makikipagsayaw sa zombie?' sabi ni joohyun at tinaasan ito ng kilay

'hyunie~'

'pasalamat ka isa kang cute na zombie' sabi ni joohyun at nag tawanan sila pareho bago kunin ni seulgi ang kamay ni irene

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Deadcapt01
One week na lang graduation na namin kaya mag lalabas lang ako ng stress HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: woah, fallen angel pala talaga si wan :( pero kinikilig ako sa pagsesend ng pics ng sr sa isa't isaaa haha :D thank you po sa ud otornim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 9: may sakit pala si seul :((( ito na siguro yung chance para matuloy ang love story nilaa~ pero ang aga magpaiyak ni otorrrr haha char! thank you po sa double ud otornim :D
kang_ddeul
#3
Chapter 7: HUYYY HAHA MAY UD ULITTT!! 😍😍 UWUU bat ang cute cute nilaaa hahaha sobrang forward ni seul ah! sana in real life din, haha char 😂 thank you po sa padinner nyo po authornim hihi
kang_ddeul
#4
Chapter 6: omgg may ud si otor! 😍😍 kaso ang sakit :(( pero ayun childhood lovers pala talaga ang sr hihi iniisip ko kung paano kung malaman ni rene na si seul si gabriel yiee haha. salamat po sa ud otor! :D congrats po and happy graduation! :)))
kang_ddeul
#5
Chapter 5: otornim! we miss you po, hope you're doing okay 😊 go lang po otornim sa winrinaaaa hihi fighting po sa school works nyo! kambare! 🥰🙆 Godbless po 🤗
EzraSeige
#6
Chapter 5: Ok otornim 💚💚💚
kang_ddeul
#7
Chapter 4: omg!! sabi na ee, sya yung itim na anghel :(( awww, sana masave ni seul si madam, mukhang magchildhood buddies ata sr huhu ang ganda talaga ng story na ito, otornim! :D thank you po sa update! 🥺😍
kang_ddeul
#8
Chapter 3: bakit nakakakilig yung 'akin sya' HAHAHAHA selos si madam 😂 hahaha cutie din ng seulstal otor haha jokeee! parang may something kay seungwan hmm 🤔
kang_ddeul
#9
Chapter 2: cutieee!!! :D bakit nakakakilig? huhuhu! otornim! i live for your ff's everyday! haha maraming salamat po! :))))
kang_ddeul
#10
Chapter 1: HAHAHAHA can't wait sa susunod na mga pangyayari 😁😂