C6: Great Bae never fall inlove

1004

"seulgi?"

"hmm?"

"2 years from now aalis na ako" malungkot na sabi ni joohyun

"eh? Aalis? Saan ka naman pupunta?"

"Sa amerika na daw ako mag aaral sabi ni dad"

"mag iibang bansa ka? Edi malayo yun?! Pwede ka naman dito na lang mag aral ah!"

"Silly, mas madali kung doon ako mag aaral, tsaka baka doon baka maging artista kaagad ako diba!"

pareho kaming natahimik saglit at hindi ko na naiwasang maiyak

"huy!  wag kang umiyak! Babalik din naman agad ako" sabi niya habang tinatapik ang likod ko

"Promise babalik ka kaagad?"

"mhmm, basta promise mo din sakin na hihintayin mo ako!" 

"Aba siyempre naman! Promise ko na hihintayin kita hyun!"

 

-------

 

"Hyun? Joohyun?"  Napabangon agad si gabriel sa kama at nag madaling bumaba

 

"Uy teka san ka pupunta?" bungad ni solar kay gabriel

"Sa simbahan mag dadasal!" Sabi nito at tumakbo papalabas

 

"Alam mo, ang weird talaga nung lalaking yun" sabi ni solar kay yeri at tumango naman ito

 

Maya maya pa ay nag mamadali ding bumaba si Irene na may dalang backpack

 

"Ikaw, sanka naman pupunta?!' tanong ni solar dito habang nakahawak sa bag niya

 

"Sa laguna— YERI!" sigaw ni irene at napatalon naman ang kapatid niya sa gulat

 

"YERI! MAY KILALA KA BANG SEULGI KANG?!" Sabi ni irene habang nakagawak sa balikat ng kapatid niya

"Ate pwede ba wag ka sumigaw?"

"Bilis na kasi! Ano meron ka bang kilala?!"

"Seulgi Kang?...... Ah! yung cute na bata na kinukwento mo, oh bakit ano meron dun?"

"Yung laging may pasa, tas kebata bata nag confess na inlove sayo?" Singit ni solar

"Hindi ko tanda! Pero ppunta ako sa lumang bayan natin sa laguna hahanapin ko siya" 

 

it's been a while since i last saw that smile of yours joohyun 

Sabi ni solar sa isip niya, nag lakad siya papalapit sa kaibigan niya at niyakap ito

 

"Uy gaga bakit ka naiyak? nginang to dun ka nga!" reklamo ni irene at nginitian siya ni solar

"Ipapahatid na kita kay kibum" 

"Wag na mag cocommute na lang ako— teka nasan yung aso ko?"

"Aso mo? Kelan ka pa nahilig sa mga hayop ate?"

"Si gabriel? nag paalam pupuntang simbahan daw"

 

 

 

"San pedro bakit ako nananaginip? Y-yung batabg babae sa panaginip ko, k-kamukha niya si irene"

 

"Wala akong alam diyan bata"

 

"San pedro naman, masama mag sinungaling diba?"

 

"Ikaw ang dapat umalam kung bakit ka nananaginip bata"

 

"Pero pano?!"

 

"Ewan, shoo na hinahanap ka na ng amo mo"

 

Napakamot na lang ng ulo si gabriel at lumabas ng simbahan at nakatanggap ng text galing kay solar

 

'si Irene pumunta ng laguna, hinahanap ka kanina pero sinabi ko nasa simbahan ka'

 

"Laguna? Ano naman gagawin niya dun?"

 

 

———

"hyun-bun, alam mo crush kita"

"ano ka ba seulgi! Ang bata bata pa natin para sa crush crush na yan!"

"Pero kasi seryoso! Kapag bakikita kita o kaya ganitong kasama kita tignan mo!" Kinuha ni seulgi ang kamay ko at inilagay niya sa dibdib niya

"Oh diba! Ang bilis!" Sabi niya habang nakangiti, napangiti na lang din ako

"Hay nako bata pa tayo para sa ganiy—"

"Edi iintayin kita tumanda, hihintayin kita dito hanggang sa pag tanda natin" 

Natawa ako sa sinabi niya pero agad naman akong napatigil dahil nakita kong walang bahid ng pag bibiro sa mukha niya at seryoso siya sa sinabi niya

"Eh pano kung hindi kita magustuhan?"

"E...di wow, Imposible! Ngayon pa nga lang bata ako pogi na ako! Pano pa kaya pag lumaki na ako!" Proud niyang sabi at sinubukan niyang kindatan ako

"Eh pano kung may magustuhan akong iba sa amerika? pano kung naging nobyo ko yun?"

"H..uh?? H-hindi ako papayag! Mas lamang ako dun siyempre! Ako pogi ako, mabait, matulungin, uh..... tsaka..... Mas nauna alo umamin sayo! Tsaka tumutupad ako sa mga pangako ko! Uhm...... Tsaka..... Pinagkakatiwalaan mo ako!"

 

——

"Miss"

"Miss gising na"

"Ate"

"H-huh?"

"Nasa terminal na po tayo" 

"Okay don't touch me na kuya, and where can i find vatanggay san francisco?"

"San pransisko ba kamo? Eh sakay ka na lang ng tricycle miss— oy! Ka-Ricky! Ihatid mo nga si miss maganda sa san pransisko"

"Sino po bang hanap niyo? Dayo po ba kayo dine?"

"Hindi, dito ako nakatira nung bata ako, may kilala po ba kayong seulgi kang?" Tanong ni irene sa tricycle driver

 

Napansin naman niyang nag tinginan ang kondoktor ng jeep at yunh tricycle driver

 

"Nako miss, matagal na kaming walang balita dun sa batang yun!" Sabi nung kondoktor at napakamot sa ulo mag sasalita na sana si irene pero naunahan siya ng tricycle driver

 

"Pero kung gusto mo nandiyan pa naman ang lola niya, gusto mo bang ihatid kita?"

 

Napalunok si irene at nagdalawang isip pero sumagi ulit sa utak niya ang kababata niya

 

"Sige po."

 

——

"Uhh miss solar pwede po bang huminah—"

"Huminahon? Mag hahapon na wala pa fing text or call si irene! What if na kidnap yun?!"

"Ako na po bahala, susundan ko po siya, saan po ba yun sa laguna?"

"YERI!" 

"BAKIT?!"

"SAAN SA LAGUNA YUNG PINUNTAHAN NI IRENE?!"

"SA—

"ehe pwede po bba wag kayo mag sigawan?" Mahinahong pag saway ni gabriel sa dalawa habang naka takip siya sa tenga niya

"San nga ba yun?...... M...Magdalena?... Hindi... Majayjay! Sa majayjay laguna tapos yung san miguel na baranggay, katabi nun!"

"Ha..haha... Okay po mauuna na po ako"

 

hehe wala akong naintindihan sa dinabi ni maam yeri pero pwede mo naman ako bigyan ng sign diba bro?

 

——

nakalipas ang labing limang minuto at huminto ang tricycle 

"Maam nandito na po tayo" 

Tumango lang si irene at kinuha ang bag niya

"Manong, san ba yung sinasabi mo? I will pay you kahit magkano basta ihatid mo lang ako dun sa mismong bahay nila"

"Ay nako wag na maam! Pupunta din naman po ako kina mareng precy dahil nag order siya sa asawa ko ng tanghalian" sabi nito at tinanggihan ang limang daan na inaabot ni irene

 

"Akin na yung bag mo maam baka mabigat yan, medyo malayo ang lalakarin natin"

 

nakakahalata na ako dito kay kuya, manyakis ba to? The things i do for you seulgi pag ako na at napatay, mumultuhin kita. Sabi ni irene sa isip niya bago i abot ang bag sa matandang lalaki

 

Nakalipas ang sampung minutong pag lalakad nila ay kumanan ang lalaki papasok sa isang daanan na may gate at ang pinag kakabitan ng gate ay pader na may nakasulat na 10 commandments at malalim na tagalog ang pagkakasulat

 

Napahinto si irene at nag dalawang isip muna kung susundan niya ang matanda dahil kinikilabutan siya, sa gate pa lang ay nakakatakot na siya

 

"Kuya sigurado ba kayo sa daan? Baka mamaya -in niyo ako!" Sabi ni irene at tinawanan lang siya ng matandang lalaki at umiling

 

——

"Bakit di mo sinasagot telepono mo?" Tanong ni gabriel sa hangin at sinubukan ulit tawagan si irene

 

"hyun-bun!"

 

Agad na tinapakan ni gabriel ang preno at inab ang sasakyan

 

"M-minumulto ba ako? Wala naman akong nakikita ah!" Sabi ni gabriel habang nakahawak sa magkabilaang tenga

 

Inalis ni gabriel anh seatbelt niya at nagbaliktad ng damit pero bago pa man niya maisuot uli ang damit ay nakarinig na naman siya ng boses kaya napapikit siya at isinandal ang ulo sa manebela

 

"hyun-bun! mag iingat ka ha! mahal na mahal kita, hihintayin kita hanggang sa mahalin mo ako pabalik!" sigaw ko at kumaway sa kaniya

"Sorry this great bae never fall inlove!" Sigaw niya pabalik at napatawa ako

"Wala akong pake! Basta hihintayin kita!" Pinanood ko ang huling ngiti niya at ang sasakyan nilang paunti unting naeala sa paningin ko

 

Agad na napaupo ng tuwid si gabriel at nag punas ng luha niya

 

"I-ibig bang sabihin a-ako si seulgi? A-at si irene ang tinatawag kong joohyun?"

 

——

 

"Iha baka ako pa ang mambugbog sa sarili ko kung man ako, wag ka mag alala malapit akong kaibigan nina ka-precy"

 

Tumango lang si joohyun at saka sumunod sa matamda at dumistansya siya ng 2 metro ang layo

 

Pagkalipas ng limang minutong pag lalakad mula sa gate ay nakaakyat na sila at bumungad sa kanila ang pagtahol ng isang aso na dahilan ng pagtalon ni irene sa nerbyos at napakapit sa bag niyang nasa likod ng matanda

"Manong aso!"

"Pssht istorm umakyat ka dun!" Bugaw ng matanda at umakyat naman ang aso sa may bahay

 

 

"Iha huwag mong tapakan yan!" Saway ng matanda kay irene at agad namang umalis si irene sa kinakatayuanniya at nakita niya ang isang maliit na bilog na platform na may naka ukit na araw

 

"Bakit? Drawing lang naman yan ah?" Sabi ni irene at umiling ang matanda sa kaniya

 

"Mahalaga ang bagay na yan para sa mga tao na nag pupunta dito, dahil inukit yan ni kuya tristan na nakahanap nung simbahan na nakatayo sa taas" pag papaliwanag ng matanda at tumango lang si irene kahit wala siyang naintindihan

 

"Precy!" 

"Eson!"

Napakamot ang matanda at nakita ni irene na naka lock ang pintuan ng bahay

"Wala naman atang tao manong ayan ob naka lock"

"Ah! Baka nasa simbahan sila"

"Akala ko ba tuwing linggo lang may simba?"

"Hija ang pagdadasal ay walang pinipiling araw" 

 

 

"Oh! Ayan na pala si ka-epren!" 

"Aba! Sino ba ire? Ikaw nambababae ka!" 

"Nako hindi! Iha upo ka dito" sabi ni mang efren at tinapik ang silya sa tabi niya

"Eh precy nandito kasi siya para kausapin ka"

"Aba eh kagandang bata ikaw ba eh poriner?" Ngumiti lang si irene at umiling

"Binsent! Halika dito may magandang babae dito baka maging gerlpren mo na ito!" 

"Hi miss ako ba hanap mo?" Bati ng lalaki kay irene at tumungo naman ito

"N-nandito po ako para kay seulgi, nanduto po ba siya?" 

 

Natahimik ang lahat kaya napaangat ng ulo si irene 

 

"Alam niya magsikain muna tayo!" Alok ni lola precy at nag sikuhaan ng pagkin ang lahat at inabutan ako ng pagkain ni manong efren

——

"Ate nakita niyo po ba tong babaeng to?" Tanong ni gabriel sa tindera 

"Ah! Yan yung kasama kanina ni mang efren! Papunta ata sila kina mareng precy"

 

Lumabas ang tindera at hinila si gabriel papunta sa may tulay

 

"Nakita mo ba yung gate na yun?" Turo nung ale 

"Opo."

"Pasok ka tapos diretsuhin mo lang yung daan dun, sa dulo may makikita kang hagdan, akyatin mo yun"

"S-sige po salamat po!"

 

Habang tumatakbo si gabriel papunta sa tinuro nung babae ay tinawag niya ulit si irene

 

"hello?"

"IRENE?! SALAMAT SA DIYOS AT SUMAGOT KA"

"pwede ba wag ka sumigaw?"

"ay sorry, nandito ako sa bahay sabi nung ale dito daw ako pumunta, eh wala namang tao, nasan ka ba?"

"diretsuhin mo yung hagdanan may makikita kang simbahan sa taas nandun ako"

"ayos ka lang ba? Parang—"

"pumunta ka na lang dito please"

 

Agad na ibinaba ni gabriel ang tawag at tumakbo paakyat sa sinabi ni irene

 

Nagtanggal siya ng sapatos bago pumasok at nakita niya si irene sa kainan sa gilid ng simbahan pero bago siya makalapit ay napansin niya ang altar kaya pinuntahan niya ito at lumuhod saka humalik sa lapag at tumakbo papunta kay irene

 

"Iho sakristan ka ba?" Tanong sa kaniya nung isang babae na di katandaan

"Hindi po, anghel lang po" sabi niya at natawa naman ang mga matatanda

 

"Hey Ms. Bae" bati niya kay irene, nagulat siya nang biglang tumayo si irene at yumakap ng mahigpit sa kaniya

"Huy hala! Sino nag paiyak sayo?! Yung seulgi ba? Nasan yun, ako susuntok sa kaniya pinapaiyak ka niya"

 

teka bakit ko susuntukin sarili ko? Tsaka bakit ko hinahanap sarili ko eh pata—

 

"w-wala na si seulgi, i-iniwan na niya ako" lalong himigpit ang pag kakayakap ni irene kay gabriel, habang ang lalaki naman ay kumuha ng panyo saka ipinunas ng maigi kay irene

"Shh, saan ba siya nag punta? Dala ko yung sasakyan, puntahan natin"

"S-sa langit"

"Eh? Malapit lang ba yun?"

Kumalas sa yakap si irene at sinuntok sa balikat si gabriel

"Di ko alam kung pinapatawa ko ako o umiiral na naman yang katang—"

Agad na tinakpan ni gabriel ang bibig ni irene

"Bawal mag mura, nasa simbahan ka"

 

——

 

Agad na lumuhod si irene at hinawakan ang lapida ni seulgi

"A-ang daya mo! Sabi mo hihintayin mo ako!"

RIP

Seulgi Kang

Febuary 10, 1994 — March 29, 2010

 

"Alam mo bang w-wala akong ibang inisip sa amerika kundi ikaw?! Kung pano mo ako alagaan! Kung pano mo ako patawanin! Kung pano mo ako ituring na parang prinsesa mo! I ing love you seulgi, i'm deeply inlove with you!" Sigaw ni irene 

 

"T-talagang birthday ko pa nung nawala ka huh, samantalang ako walang ka alam alam, s-sabi mo hihitayin mo ako! I love you, i miss you seulgi"

 

Irene— This Great Bae never falls in love, but she did once, but she was too late to say it to the person she fell inlove with

 

Hindi naiwasang maiyak ni gabriel habang pinapanood niya si irene na iniiyakan ang namayapa niyang katawan

 

Binuhat ni gabriel si irene papunta sa sasakyan dahil wala na itong malay kakaiyak

 

"lola precy, manong efren. baka po bumalik kami sa susunod"

"Ijo pwede ko bang makuha ang pangalan ninyo?"

"Ako po si gabriel, siya po si joohyun, bae joohyun"

"J-joohyyun?"

"Opo, kilala niyo po ba siya?"

Umiling si lola precy at nag punas ng luha niya

"Hindi, pero siya anng huling binilin sakin ni seulgi bago siya mawalan ng malay."

 

 

 

"L-lola.. p-pakisabi po k-kay... Joohyun, p-pasensya na a..at h-hindi ko na s-siya mahihintay, m-mahal na m-mahal ko siya p-pati na rin kayo l-lola"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Deadcapt01
One week na lang graduation na namin kaya mag lalabas lang ako ng stress HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: woah, fallen angel pala talaga si wan :( pero kinikilig ako sa pagsesend ng pics ng sr sa isa't isaaa haha :D thank you po sa ud otornim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 9: may sakit pala si seul :((( ito na siguro yung chance para matuloy ang love story nilaa~ pero ang aga magpaiyak ni otorrrr haha char! thank you po sa double ud otornim :D
kang_ddeul
#3
Chapter 7: HUYYY HAHA MAY UD ULITTT!! 😍😍 UWUU bat ang cute cute nilaaa hahaha sobrang forward ni seul ah! sana in real life din, haha char 😂 thank you po sa padinner nyo po authornim hihi
kang_ddeul
#4
Chapter 6: omgg may ud si otor! 😍😍 kaso ang sakit :(( pero ayun childhood lovers pala talaga ang sr hihi iniisip ko kung paano kung malaman ni rene na si seul si gabriel yiee haha. salamat po sa ud otor! :D congrats po and happy graduation! :)))
kang_ddeul
#5
Chapter 5: otornim! we miss you po, hope you're doing okay 😊 go lang po otornim sa winrinaaaa hihi fighting po sa school works nyo! kambare! 🥰🙆 Godbless po 🤗
EzraSeige
#6
Chapter 5: Ok otornim 💚💚💚
kang_ddeul
#7
Chapter 4: omg!! sabi na ee, sya yung itim na anghel :(( awww, sana masave ni seul si madam, mukhang magchildhood buddies ata sr huhu ang ganda talaga ng story na ito, otornim! :D thank you po sa update! 🥺😍
kang_ddeul
#8
Chapter 3: bakit nakakakilig yung 'akin sya' HAHAHAHA selos si madam 😂 hahaha cutie din ng seulstal otor haha jokeee! parang may something kay seungwan hmm 🤔
kang_ddeul
#9
Chapter 2: cutieee!!! :D bakit nakakakilig? huhuhu! otornim! i live for your ff's everyday! haha maraming salamat po! :))))
kang_ddeul
#10
Chapter 1: HAHAHAHA can't wait sa susunod na mga pangyayari 😁😂