C2: Pakpak

1004

'grabe parang isang buong mall yung lote niya'  bulong ni gabriel sa sarili niya habang inaalalayan sa paglalakad si irene

"Solar!" Sigaw ni irene at nagulat naman ang umaalalay sa kaniya

"KIM YONGSUN!" sigaw niya ulit at nakita naman ni gabriel ang tumatakbo na babae palabas

"Irene?! Anong nangyari sayo?!" Tarantang tanong nito

"Pwede bang pumasok muna ako sa bahay ko?" Sagot pabalang ni irene

 

"So siya yung?—" naputol ang sasabihin ni yongsun nang magsalita si gabriel

"Ako po si gabriel jung, bagong alalay ni irene" sabi nito at nag bow

"H-ha?? Uh okay? Ako si yongsun kim, secretary, manager at bestfriend ni irene" lumapit siya sa kaibigan niya at bumulong

"Alam ba niya kung anong ibigsabihin ng alalay? At alalay mo pa, mukhang masaya pa siya" ngumiti si irene at tinignan ang lalaki sa tapat nila

"Hindi ko alam ang ibig sabihin ng alalay pero dahil sa trabaho ko na yan may matitirhan na ako" masayang sabi ni gabriel at nag bow sa dalawa

"Pwede bang mag palit ka muna? P-puro dugo kasi yung suot mo" sabi ni yongsun habang nakaturo sa all white tuxedo ni gabriel na may bahid ng dugo

 

 

"Ako pala si kibum, kibum kim pwede mo din akong tawaging key" 

"Oh! Ikaw yung nag maneho kanina!" Sabi ni gabriel at kinamayan ang lalaki

"Oo ako nga, ito pala yung extrang damit ko" sabi ni key at inabot ang gamit niya kay gabriel

 

 

Gabriel's POV

Pagkatapos kong magbihis at kinapa ko ang bulsa nung damit ko, patay... Nasan yung panyo at wallet ko?!

lumabas ako sa banyo at dumiretso sa sala, bumungad naman sakin ang dalawang babaeng parehas na nakataas ang kilay sakin

"Gabriel, ako ba pinag loloko mo?!" gulat akong sigaw ni irene iniangat niya ang kamay niya at hawak ang wallet ko

"May black card ka pero wala kang matutuluyan?!" agad akong tumakbo palapit sa kaniya at kinuha ko ang wallet at inilapag sa lamesa

yung panyo? Nawawala yung panyo!

 

Lumuhod ako para tignan sa ilalim ng lamesa, wala.

Tumingin ako sa ilalim ng couch, wala!

 

san pedro pasensya na! Hahanapin ko promise! wag niyo ako gawing abo!

 

"Nasan yung panyo?" Tanong ko sa kanila at hindi sila sumagot

"Nasan yung panyo?!" Nagulat sila, inilabas naman agad ni yongsun ang panyo at kinuha ko to agad

 

 

 

 

Kalahating oras na akong nakaupo sa duyan nila sa garden

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni kolbe

"nasigawan ko kasi sila kanina, sa tingin mo ba papalayasin nila ako?" 

"Kung papalayasin ka nila edi mag hanap ka ng ibang matitirhan, balita ko kaya mong bilhin ang kahit anong gusto mo gamit yang black na card mo" sabi niya at kinapa ko ang bulsa ko

"Naiwan ko sa loob yung wallet ko" sabi ko at parehas kaming napasinghap

 

"Siguro sobrang importante talaga ng panyong yan para sayo, kinalumutan mo nga to eh" napatingala ako at nakita ko ang isang maliit na babae

"A-ah s-siguro nga" sabi ko at kinuha ko ang wallet na inaabot niya

"Yerim Bae, or yeri na lang, bunsong katabi ako ni ate irene" kinamayan ko naman siya at tumabi siya sa duyan

 

"B-bibili muna ako ng damit ko" sabi ko at nag lakad palabas ng garden

"Mag lalakad ka lang ba?" Napagawak ako sa dibdib ko nang may narinig akong nag salita sa tabi ko, tinanguan ko naman siya

"Seryoso ka ba? Malayo main road dito, tumawag ka na lang ng cab" 

 

Yeri's POV

seryoso? saang planeta ba galing tong lalaking to? kahit cellphone wala!

"Sabay na lang ako sayo, mag sho-shopping din naman ako, tatawagin ko lang si kuya taemin, hintayin mo ako" tumango siya at tumakbo ako papasok

"Saan ka galing bae yerim?" Bati sakin ni ate at inirapan ko lang siya

Kumatok ako sa kwarto ni kuya taemin at nakita kong nag babasa lang siya

"Kuya min pasama naman kami sa mall" tumayo siya at sinabi niyang susunod na lang siya sa labas

 

"Ate hiramin ko lang yung boyfriend mo" sabi ko sa kaniya

"Ha?! Anong boyfriend?! Wala akong boyfriend!" Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Yung lalaking sumigaw kanina dahil sa panyo—"

"Alalay ko lang yun! Hindi ko siya boyfriend abnormal ka ba?!"

"Ang pogi naman niya para maging alalay mo. neeways hiramin ko muna siya bye."

 

 

Nakita ko yung lalaki kanina na nasa same spot kung saan ko siya iniwan, ni hindi ata manlang siya gumalaw

"You won't tell me your name?" Tanong ko sa kaniya at napakamot lang siya sa ulo niya

"G-gabriel jung" 

 

 

Pumunta kami sa store ng apple at nakatayo lang siya sa tabi ko

"Anong ginagawa natin dito?" Bulong niya sakin

"Ibibili kita ng phone, miss yung latest model ng iphone please" 

 

Iaabot ko na sana ang card ko nang makita ko ang inaabot niya ay nanlaki ang mata ko

 

"Puta? Mas mayaman ka pa ata sakin eh!" Sigaw ko sa kaniya and he shruggwd his shoulders

 

"Masamang mag mura bata" natawa naman ako sa sinabi niya

"Tsh ano ka santo? Kala mo hindi siya nag mumura" 

 

 

Di ko na alam ang gagawin sa lalaking to, bumili ba naman ng limang white classic tuxedo with tails

Limang ganyan ba naman ang bilhin niya! Masisiraan ata ako ng bait dito sa lalaking to

Pinilian ko siya ng ilang mga damit at hoodie na sa tingin ko ay babagay sa kaniya, pero pinagpilitan pa din niya yung limang tuxedo, pera naman niya yan kaya hinayaan ko na siya

 

 

Gabriel's POV

Pagkauwi namin ni yeri ay sumalubong samin ang nakabusangot na mikha ni irene

"Walisin mo yung mga dahon sa labas, sa likkod ng bahay" sabi nito at tumango lang ako

Pagkalapag ko ng mga pinamili namin ay agad akong kumuha ng walis at pumunta sa likod ng bahay

'bakit ba kasi wala siyang tauhan? Ang laki laki ng bahay niya tapos– hays ewan na' 

Napahinto ako sa pag wawalis nang makarinig ng sigaw mula sa loob kaya sumilip ako mula sa bintana

"Kapag ako nakakita ng konting dumi bukas, aalisin ko kayo sa trabaho naiintindihan niyo?" Sabi niya dun sa anim na maids sa loob

"NAIINTINDIHAN NIYO BA?!" sigaw niya, pati akong nasa labas nagulat

Bumalik ako sa pag wawalis at umiling na lang

 

'kaya pala walang natitirang trabahador niya' 

sabi ko sa sarili ko, binilisan ko ang pag wawalis ko dahil madami pang dahon sa kaliwang bahagi ko

 

"Gab gabi na ah, bakit nag wawalis ka pa?" Napatangin ako sa nagsalita, si yongsun pala

"Unang trabaho ko kasi to tsaka sabi kanina ni irene kapag may nakita siyang dumi mag tatanggal siya ng trabahador, kaya lilinisin ko ng maigi to para hindi niya ako tanggalin" sabi ko at nginitian siya bago mag walis ulit

 

Kinuha ko ang mop sa loob at nagsimulang mag mop, nasa kala gitnaan na ako nang makaramdam ako ng patak ng ulanin, kaya binilisan ko na lang ang pag kuskos ng sahig hanggang sa lumakas na ang ulan

 

"bakit pa ako nag mo- mop kung umuulan din!" Sabi ko at ibinagsak ang mop sa lapag at pumewang

Napatingin ako sa salamin at nanlaki ang mata ko

 

"B-bakit naka labas yung pakpak ko?!" Sigaw ko habang nakaturo sa salamin

"Aray!" Sigaw ko sahil sinubukan kong i- fold ang pakpak

"Kolbe?! Nanjan ka ba?" Bulong ko at tumingin sa paligid

 

 

"Gabriel? Pumasok ka na" rinig kong sabi ni yongsun habang binubuksan ang bintana niya at agad naman akong nagtago sa gilid

'san pedro? Parusa ko ba ito? Kolbe tulungan mo naman ako oh'  

"Pumasok na ba siya?" Rinig kong sabi ni yongsun bago isara ulit ang bintana

 

 

Maingat naman akong pumasok sa back door, tumingin muna ako sa paligid bago tumakbo papunta sa kwarto ko

"Gabriel? Ikaw ba yan?" Patay na ako si irene yung kunakatok sa pintuan

Agad kong tinuunan ang pinto habang si irene naman ay tinutulak ito

"Gabriel buksan mo to!" Sabi niya 

"H-hindi pwede!" Sigaw ko pabalik at lumakas ang pagtulak niya

"Anong hindi pwede?! Buksan mo to!" Sigaw niya habang pumapalo sa pinto

"N-nag bibihis a-ako!" sigaw ko pabalik at napahinto naman siya sa pag tulak ng pinto

"Bilisan mo jan! Sumunod ka dito sa sala!"

 

 

Abala ako sa pagtatago ng pakpak ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas at agad naman akong lumabas ng kwarto ko

 

 

Nakita ko ang lalaking nakaitim na nakatutok ang baril kay irene at agad naman akong tumakbo papunta kay irene nang makarinig ako ng putok ng baril kasabay nito ang naramdaman kong sakit sa pakpak ko at ang pagbigay ni irene.

 

 

Ihinig ko siya sa sofa at dalidaling lumabas para sundan ang gunman pero wala hindi ko na naabutan, nag hinala akong hindi lumabas ang gunman at tama naman ako, sasaksakin na sana niya si irene nang masipa ko siya dahilan ng pag tumba niya sa lapag

 

 

"Gabriel!" Rinig kong sigaw ng babae, napatingin ako sa may hagdanan at nakita ko si yongsun at ang nagtatago sa likod niyang si yerim

Nakaramdam naman ako ng pagbaon ng kutsilyo sa balikat ko wala na yung pakpak ko

 

 

Agad kong binunot ang kutsilyo at itinapon, nakita ko namang papalapit ang lalaki kay irene kaya tunalunan ko ito at pinulupot ko ang kaliwang braso ko sa leeg niya

'hindi ako maaaring pumatay kahit na aksidente o self defense pa.'

Agad kong binitawan ang lalaki at hinawakan ang parehas na wrist habang nakadapa siya

 

 

Hindi nagtagal ay may dumating nang pulis para damputin ang lalaki

binuhat ko naman ng bridal style si irene at inakyat siya sa kwarto niya

 

 

"Gagamutin kita" sabi ni yongsun at umiling naman ako

"Nalagyan ko na po kanina ng benda" sabi ko at nag bow bago pumasok sa kwarto ko

 

 

Kinuha ko ang papel at ang pluma panulat

 

'day 1,

Ang dami pong nangyari ngayong araw, bakit po lumabas bigla ang pakpak ko? pano po lumabas yun? Tama nga po sinabi ni irene, madami pong gustong pumatay sa kaniya, kanina muntik na siya mabaril, buti na lang ay agad akong nakalapit sa kaniya. ang ganda po pala ni irene kahit tulog at nagagalit siya maganda pa din siya hehe, kahit hindi kailangan sa report ko isinama ko na din.

-Angel Gabriel

 

Pagtapos kong magsulat ay ihiniga ko ang ulo ko sa desk, at paunti unti na din akong naka tulog

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Deadcapt01
One week na lang graduation na namin kaya mag lalabas lang ako ng stress HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: woah, fallen angel pala talaga si wan :( pero kinikilig ako sa pagsesend ng pics ng sr sa isa't isaaa haha :D thank you po sa ud otornim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 9: may sakit pala si seul :((( ito na siguro yung chance para matuloy ang love story nilaa~ pero ang aga magpaiyak ni otorrrr haha char! thank you po sa double ud otornim :D
kang_ddeul
#3
Chapter 7: HUYYY HAHA MAY UD ULITTT!! 😍😍 UWUU bat ang cute cute nilaaa hahaha sobrang forward ni seul ah! sana in real life din, haha char 😂 thank you po sa padinner nyo po authornim hihi
kang_ddeul
#4
Chapter 6: omgg may ud si otor! 😍😍 kaso ang sakit :(( pero ayun childhood lovers pala talaga ang sr hihi iniisip ko kung paano kung malaman ni rene na si seul si gabriel yiee haha. salamat po sa ud otor! :D congrats po and happy graduation! :)))
kang_ddeul
#5
Chapter 5: otornim! we miss you po, hope you're doing okay 😊 go lang po otornim sa winrinaaaa hihi fighting po sa school works nyo! kambare! 🥰🙆 Godbless po 🤗
EzraSeige
#6
Chapter 5: Ok otornim 💚💚💚
kang_ddeul
#7
Chapter 4: omg!! sabi na ee, sya yung itim na anghel :(( awww, sana masave ni seul si madam, mukhang magchildhood buddies ata sr huhu ang ganda talaga ng story na ito, otornim! :D thank you po sa update! 🥺😍
kang_ddeul
#8
Chapter 3: bakit nakakakilig yung 'akin sya' HAHAHAHA selos si madam 😂 hahaha cutie din ng seulstal otor haha jokeee! parang may something kay seungwan hmm 🤔
kang_ddeul
#9
Chapter 2: cutieee!!! :D bakit nakakakilig? huhuhu! otornim! i live for your ff's everyday! haha maraming salamat po! :))))
kang_ddeul
#10
Chapter 1: HAHAHAHA can't wait sa susunod na mga pangyayari 😁😂