C3: Akin siya

1004

Nagising si gabriel nang makaramdam siya ng malakas na sampal sa mukha niya

 

"Anak ng put— diyos?! Bakit ba ang hilig mong manampal!" Sigaw ni gabriel habang hinahaplos ang pisngi

"Ikaw!" sigaw pabalik ni irene sa kaniya

"Oh ano?" 

"Nasan yung pakpak mo?! San mo tinatago?!" Nanlaki ang mata ni gabriel sa sinabi ni irene

Lumapit ang babae at tinulak siya dahilan nang mapahiga sila parehas sa kama ni gabriel, habang si irene ay nakapatong sa tyan ng taong- anghel patuloy niyang kinakapa ang katawan ng lalaki habang si gabriel naman ay hinahawakan ang braso niya dahilan para makatanggap siya ng sampal kay irene bawat hawak niya dito

 

 

"AAAH!" rinig na sigaw nila kaya napahiwalay agad si irene dito

"SERYOSO KA BA ATE?! HINDI MO BOYFRIEND PERO YOU'RE ON TOP OF HIM?!" sigaw ni yeri 

 

 

"Nakita kong may pakpak siya kagabi!" Depensa ni irene sa dalawang babaeng nakataas ang kilay sa kaniya

"Irene? Uminom ka ba kagabi?" Tanong ng kaibigan niya

"Hindi! Seryoso ako yongsun! Nakita mismo ng dalawang mata ko!" Pag pilit ni irene at umiling ang kapatid niya

"Well nandun kami, at nakita din ng dalawang nata namin na walang pakpak si gabriel"

"Pero nabaril—"

"Ate ayusin mo nga yang ugali mo! Nasaksak pa yang si kuya gab para lang protektahan ka kagabi!" Sigaw ni yeri bago mag walkout

 

 

"Ayos ka lang?" Bati ni gabriel sa nagiisang babaeng nasa duyan at tumabi siya dito

"Hindi ako nababaliw, nasan yung pakpak mo?" Tanong ni irene sa kaniya habang magkalapit ang mukha nilang dalawa

Agad namang lumayo si gabriel dahilan ng pagkahulog niya sa duyan

"H-hindi ko nga alam yang sinasabi mo!" Depensa niya habang nakahawak sa pwetan niya

 

 

---------

 

Nakalipas ang isang linggo at agad naman um-attend ng taping si irene

May papalapit na lalaki sa kaniya at hinarangan ito ni gabriel

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni irene sa matangkad na lalaking nasa harap niya

"Kilala mo siya?"

"Halos lahat ng tao kilala ako" sabi ng maliit na lalaking nasa harap ni gabriel

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, at hindi kita kilala, Ms. Bae kilala mo siya?" Tanong niya kay irene habang nakatingin ng masama sa maliit na lalaki

"Oo umalis ka jan" sabi ni irene at itinulak sa gilid si gabriel

"Ms. Bae nice to meet you" sabi ng lalaki at humalik sa kamay ni irene

"yak"  bulong ni gabriel sa gilid at tinignan siya ng masama nung dalawa

"nice to meet you too mr. son" 

"Kahit seungwan na lang Ms. Bae"

 

 

"Oh bakit mukha kang nalugi jan?" Bati ni angel kolbe sa kaibigan niya

"Iniisip ko lang yung nangyari nung isang linggo, pakiramdam ko may mangyayari na namang masama kay irene lalo na dun sa maliit na lalaki kanina" sabi ni gabriel at umiling ito

"May nararamdaman akong kakaiba sa kaniya" sabi ni angel kolbe at  napahaeap sa kaniya si gabriel

"Talaga? Ako din—" makikipag high five na sana siya sa kaibigan niya nang may tumawag sa kaniya

 

"Gabriel?" Agad na binaba niya ang kamay niya

"A-ah Ms. Kim kayo po pala, may kaiilangan po ba kayo?" Tanong niya kay solar

"Sino yung kausap mo kanina?"

"N-nag ppractice lang po ako ng konting lines! Baka sakaling pwede akong mag artista ha.ha." palusot niya

"Okay? Bumili ka ng lunch natin, isama mo na si yeri sa bilang, pupunta yun dito pagtapos ng klase niya" sabi ni yongsun at umalis

 

 

"Psst gab!" Pagtawag ni angel kolbe sa kaibigan niya

"Kainis, muntik na tayo mahuli! Grabe ganito ba puso ng mga tao? Ang bilis!" Sabi ni garbriel habang nakahawak sa dibdib niya

"Sino yung babae kanina ang ganda"  sabi ni angel kolbe at pabulong ang huling bahagi ng sinabi niya

"Si Ms. Kim, manager,secretary at bestfriend ni irene, bakit?" Nakita naman ni gabriel ang pamumula ng pisngi ng kaibigan niya kaya sinampal niya ito ng mahina para magising

"Huy! Bawal tayong mag mahal! Lalo na sa tao! Nasisiraan ka na ba?" Tanong ni gabriel sa kaibigan niya

"N-nagandahan lang ako! Patang ikaw hindi ka nagandahan kay irene ah! Nilagaymo pa nga yun sa report mo!" Tinandyakan ni gabriel ang kaibigan niya pero tumagos lang ang paa niya

"Manahimik ka nga!" Sigaw nito at tinawanan lang siya ng anghel

 

"May multo ba dito sa set?" Tanong ni yongsun sa director

"Multo? Walang multo sa tanghaling tapat Ms. Kim" sabi ng director at tinawanan siya

"Nakakatakot talaga yung lalaking yun, napaki weird" sabi ni yongsun at umiling

"Sino?" Napatalon si yongsun nang makarinig ng boses sa likod niya at napahawak siya sa dibdib niya

", sorry!" Sigaw ng babae matapos niyang matapunan si gabriel ng kape

"I— uh... Okay lang" sabi ni gabriel at nilapag sa taas ng trunk ang mga pinamili niya saka nag punas ng dabit niyang puting puti

"Nako! Puti pa yung suot mo! Ipapa dry clean ko na lang!" Alok ng babae sa kaniya

"W-wag na hindi na kailangan" nag bow siya dito bago umalis

 

 

"Ms. Kim, Ms. Bae nanjan na po yung lunch, bati ni gabriel sa dalawang babae sa dressing room

 

"Oh anong nangyari sa damit mo?" Tanong ni yongsun

"Natap—" naputol ang sasabihin ni gabriel nang may bumati sa kaniya

"Uy! Nandito ka din?!" Bati ng matangkadna babae

"Bago ka bang artista na kasama sa project?" Tanong nito at umiling si gabriel

"Ah— Krystal pala Krystal Jung pwede mo din akong tawagin sa real name ko, soojung" sabi nito

"G-Gabriel Jung" sabi ni gabeiel at kinamayan ang babae

"Nice! Hindi ko na kailangan mag palit ng surname pag kinasal tayo" biro nito at tumawa, habang si gab naman ay tumawa awkwardly

"So.... bago ka dito—" naputol ang sasabihin ni krystal nang may magsalita sa likod nila

"Akin siya" napatingin naman pati si gab sa kaniya

"I- Imean sakin siya nag tatrabaho" sabi ni irene at nilagpasan niya ang dalawa, habang sina yongsun at yeri ay nag pipigil ng tawa

"Y-yea b-bodyguard ako ni Ms. Bae" sabi ni gabriel at napakamot sa batok

"Ha?! Bodyguard?! Ang pogi mo naman masyado para sa bodyguard, pwede kang magtrabaho sakin" mag sasalita na sana si gabriel nang dugtungan ni krystal ang sinasabi niya

"Bilang boyfriend ko" sabi ni krystal at kinindatan si gabriel

 

 

Kumakain ng saabay sabay ang mga artista at mga staff sa iisang table,

si gabriel ay nasa gitna ni krystal at irene

"So gabriel, say ayaw mo talagang magtrabaho sakin?" Tanong ng babaeng nasa kaliwa niya 

"Pwede ba krystal? Tiglan mo yung bodyguard ko, may trabaho na nga siya diba?" Sabat ng babae sa kanan niya

Di naman napigilan ni yeri na matawa ng malakas

"Grabe nanonood ako ng live drama for free" sabi ni yeri at sinipa naman siya sa ilalim ni yongsun

 

"Bodyguard mo?" Tanong ni krystal at tinaasan siya ng kilay ni irene

"Oo, bingi ka ba kakasab—"

"You mean future boyfriend ko?" Pag putol ni krystal at tumingin kay gabriel na nagsimulang umubo dahil sa samid

"Here babe" sabi ni krystal at inabot ang bote ng tubig kay gabriel at lalo itong umubo

Tinignan naman ng masama ni irene ang manager at kapatid niya na tumatawa, natigilan naman sila nang makitang nakatingin ng masama si irene sa kanila

 

 

Agad na tumayo si gabriel nang makakita siya ng kahinahinalang lalaki na naglalakad papalayo sa isang sasakyan

"HOY!" Sigaw niya sa lalaki na agad tumakbo nung nakita siya

Hinabol niya ito pero bumungad sa kaniya ang isang dosenang lalaki na may hawak na pamalo

Napaatras si gabriel at naglakad ng mabilis palayo

Muntikan nang masagasaan si gabriel buti na lang ay agad siyang naka talon palayo sa kotse fahilan ng pagbagsak niya sa lapag

Hahampasin na sana siya ng tubo ng isang lalaki nang biglang may sumigaw

 

"HOY—" "HOY!" sabay na sigaw ni yongsun at ng isang lalaki

Hinubad ng lalaki ang sapatos niya at ibinato sa lalaking may hawak ng tubo

 

"Huy?!~ anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni gabriel

"Bakit? Bawal ba? Pinadala ako dito eh!" Sigaw pabalik ng lalaki at hinawakan ang tubo na ihahampas na sana sa kaniya

 

Pare- parehas na silang may mga pasa sa mukha at napaligiran ng mga lalaki ang dalawang taong- anghel

"Kolbe! Lumipad ka na lang!" Sigaw ni gabriel sa katalikuran niya, nakaramdam naman siya ng hapdi sa pagpalo ni kolbe sa likod ng ulo niya

"Nasisiraan ka ba?! Bakit ikaw hindi lumipad!" sigaw pabalik ni kolbe at kinwelyuhan siya ni gabriel

Napa-baba ng mga armas ang mga lalaking nakapaligid sa kanila pati na din ang mga staff nanood na lang sa pag aaway nung dalawa

 

"Teka bakit ako yung inaaway mo?!" Tanong ni kolbe sa kaibigan niya

"Oo nga no?" Napatingin siya sa paligid nila at nakita niyang nakatingin lang ang mga totoong kaaway nila

"Ikaw kasi binatukan mo ako!" Sigaw ni gabriel sa kaibigan niya

Mag babangayan na sana ulit ang dalawa nang biglang may dumating na mga pulis at inisa isang posasan ang mga lalaking nakapaligid

Pati sana sila ay poposasan pero pinigilan ni yongsun ang pulis

 

"Gabriel, ituloy mo na yung pagkain mo" sabi ni yongsun at tinaasan ang lalaking nakangiti sa kaniya sa tabi ni gabriel

"Sino siya?" Tanong ni yongdun sabay turo sa lalaki

"Kaib—"

"Kapatid niya! Kolbe Jung nga pala hehe"  pag putol niya kay gabriel at nilahad ang kamay niya, aabutin na sana ni yongsun nang biglang paluin ni gabriel ito

"Anong kapatid— ARAY!" Sigaw ni gabriel nang sipain ni kolbe ang shin niya

 

 

"ARAY!" Sigaw paewho ng lalaki nang may pumingot sa kanila

"Tang— tang juice malamig! Tatay masakit!" Sigaw ni gabriel nang humigpit ang pagpingot sa kaniya ng matanda at hinila silang dalawa

"Sir saan niyo po sila dadalhin?" Tanong ni yongsun sa matanda

"Sa simbahan iha, wag ka nang mag alala ibabalik ko din sila" 

 

 

"Sino yung mga lalaking kasama ni gabriel?" Tanong ni irene kay yongsun

"Yung isang pinipingot, kapatid daw, yung matanda naman tatay ata, yun yung sinigaw ni gabriel eh" sabi nito habang nakaturo sa tatlong naglalakad palayo

"Saan daw sila pupunta?" Tanong ni krystal at inirapan naman siya ni irene

"Sabi nung matanda sa simbahan daw?" Umiling si yongsun at napasinghap

"Ang weird talaga ng mga lalaki ngayon" dugtong niya bago mag lakad palayo

 

'Ms. Kim yung sasakyan pala na minamaneho ni key paki tignan muna sa talyer, feeling ko may ginawa yung mga lalaki dun sa kotse. Baka madisgrasya pa  po kayo nina Ms. Bae'  

Pagka- recieve ng text ni gabriel ay agad namang sinabi ni yongsun ito kay key at tumawag ng pwedeng mag check at mag ayos

 

 

"Angel gabriel ayusin mo yung sinusulat mo sa report mo! Bawat araw na report mo sinasabi mo pa kung ano yung mga hindi kailangan" pagsermon ni san pedro kay gabriel

"Katulad po ng ano?" Inosenteng tanong nito

"Kung gaano kaganda si irene! Bawat report mo ay may kasama tungkol sa kung gano kaganda yung mortal na yun!" Natawa naman si kolbe sa narinig niya

"At ikaw! Pinadala ka sa lupa para hanapin at bantayan ang itim na anghel! Hindi makipag away!" Sermon ni san pedro kay kolbe na napatigil agad sa pagtawa

 

 

"May alam ka ba kung sino yung pinapahanap sayo?" Tanong ni gabriel

"Hmm wala pa, umuwi ka na dito na ako" sabi ni kolbe at itinuro ang thumb sa tabing building nila

 

 

'joohyun pangako ko pag nawala ako, ako ang magiging guardian angel mo!'  

'hindi ka mawawala! hindi mo ako pwedeng iwan!'

'Hmm hindi naman kita iiwan ngayong nangako na ako'

 

 

napaupo agad si gabriel pagkabukas ng mata niya, nananginip ba ako?  Tanong niya sa sarili niya at agad kinuha ang papel niya at nagsulat dito

 

 

bakit po ako nakakita ng ganon sa pagtulog ko? akala ko po ba hindi nananaginip ang mga anghel?

 

Agad na napatigil si gabriel sa pagsusulat at kinuha ang panyo niya para tignan ito green

 

anghel pa rin po ako pero bakit po ako nananaginip? Hindi naman po sa kinukwestyon ko kayo, nagtataka lang po ako, bigyan niyo naman po ako ng sign para maliwanagan ako

 

Pagdugtong niya sa isinusulat niya at napa buntong hininga bago bumalik sa higaan niya para matulog ulit

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Deadcapt01
One week na lang graduation na namin kaya mag lalabas lang ako ng stress HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: woah, fallen angel pala talaga si wan :( pero kinikilig ako sa pagsesend ng pics ng sr sa isa't isaaa haha :D thank you po sa ud otornim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 9: may sakit pala si seul :((( ito na siguro yung chance para matuloy ang love story nilaa~ pero ang aga magpaiyak ni otorrrr haha char! thank you po sa double ud otornim :D
kang_ddeul
#3
Chapter 7: HUYYY HAHA MAY UD ULITTT!! 😍😍 UWUU bat ang cute cute nilaaa hahaha sobrang forward ni seul ah! sana in real life din, haha char 😂 thank you po sa padinner nyo po authornim hihi
kang_ddeul
#4
Chapter 6: omgg may ud si otor! 😍😍 kaso ang sakit :(( pero ayun childhood lovers pala talaga ang sr hihi iniisip ko kung paano kung malaman ni rene na si seul si gabriel yiee haha. salamat po sa ud otor! :D congrats po and happy graduation! :)))
kang_ddeul
#5
Chapter 5: otornim! we miss you po, hope you're doing okay 😊 go lang po otornim sa winrinaaaa hihi fighting po sa school works nyo! kambare! 🥰🙆 Godbless po 🤗
EzraSeige
#6
Chapter 5: Ok otornim 💚💚💚
kang_ddeul
#7
Chapter 4: omg!! sabi na ee, sya yung itim na anghel :(( awww, sana masave ni seul si madam, mukhang magchildhood buddies ata sr huhu ang ganda talaga ng story na ito, otornim! :D thank you po sa update! 🥺😍
kang_ddeul
#8
Chapter 3: bakit nakakakilig yung 'akin sya' HAHAHAHA selos si madam 😂 hahaha cutie din ng seulstal otor haha jokeee! parang may something kay seungwan hmm 🤔
kang_ddeul
#9
Chapter 2: cutieee!!! :D bakit nakakakilig? huhuhu! otornim! i live for your ff's everyday! haha maraming salamat po! :))))
kang_ddeul
#10
Chapter 1: HAHAHAHA can't wait sa susunod na mga pangyayari 😁😂