1004
Description
Kung saan si Angel Gabriel (Seulgi) ay kailangang matupad ang huling mission na ibibigay sa kaniya ng langit para mapunta siya doon, Anong problema? Well...... Si Irene Bae, siya ang problema.
Si Irene Bae ay ang nag iisang maldita na artista, kulang na lang ay pati pag hinga mo kontrahin na niya, walang maka-kontra sa ugali niya kasi takot sila na baka pati kaluluwa nila bilhin ni Irene
2nd fic aack!
Inspired by the K-Drama
Angel's Last Mission: Love
Seulgi, Moonbyul and Wendy are men here hehehe
Foreword
"bakit mo ako niligtas?!" Sigaw ko dito sa babae ako ang dapat nag liligtas sayo irene
"Dapat kasi ako yung mamamatay! Humarang ka dun sa kotse!" Sigaw niya sakin
"May problema ka ba? Bakit gusto mong mamatay?" Tanong ko sa kaniya at inirapan ako
"Hindi mo ba ako kilala? Madaming may ayaw sakin! Madaming nag bibigay sakin ng problema, madaming may gustong pumatay sakin! Edi uunahan ko na!" Sigaw niya habang nag dadabog
"Miss pwede bang kumalma ka? Una sa lahat hindi kita kilala okay? Ganito na lang—"
"Wait wait hindi mo ako kilala?!" Tanong niya sakin, Lord sa gantong bagay mabuti naman yung tinatawag na 'white lies' diba?
"Hindi. Sino ka ba?" Sagot ko habang umiiling at natawa naman siya
"Nag bibiro ka ba bata?", Sabi niya habang tumatawa san pedro bat naman ganto, sorry ha? Pero baliw na ba siya? At tatlong daan akong mas matanda sayo irene bae!
"Hindi nga kita kilala! Bakit ba ang kulit mo? Ano ka ba? Singer? Dancer? Model? Miss Philippines—"
"Artista. Wala ka bang tv sa bahay niyo?" Tanong niya at umiling ako
"Wala akong bahay hehe"
"Anong pangalan mo?"
"Angel Gab— mali! A-ako si Gabriel!"
"Okay angel gabriel anong surname mo?" ha? Ano nga ba?! San pedro tulong naman
"Jung!" Sigaw ko at napatalon siya sa gulat
"P-pwede ba akong makitita sa inyo?" Tanong ko sa kaniya
"Hindi." Sabi niya at pumikit
"Kahit maging driver mo ako! Bodygurad, yaya, or secretary, taga bili ng kape! Kahit ano! Wala lang kasi akong matitirhan"
"Hindi mo ako kilala?" Umiling ako
"Hindi ka pinadala ng kung sino para patayin ako habang tulog?" Umiling ulit ako at tinaasan siya ng kilay
"Kahit langaw hindi ko kayang pumatay!" Depensa ko
"Okay."
"Okay??"
"Okay, magiging alalay kita" sabi niya at nag fist ako sa taas kasabay ng talon ko
"Yes!"
"Alam mo ba yung alalay?" Tanong niya sakin oo siyempre
"hindi. Pero at least may matutuluyan na ako" sabi ko at nag thumbs up sa kaniya, umiling naman siya
Comments