FINALE
TRAP3rd POV
Nadatnan ni Joy na abala si Wendy sa paghahalungkat ng gamit. Halos sumuot pa ito sa sofa.
"Ano hinahanap mo diyan?" tanong ni Joy.
"Ahh...wala, wala. Kumain ka na ba? Pagluluto kita wait." nagmamadali namang nagpunta ng kitchen si Wendy.
Napaisip si Joy kung ano nga ba hinahanap ni Wendy kasi for sure ayaw lang niya sabihin, masyadong halata.
Bigla namang sumagi sa isipan ni Joy yung nakita niyang singsing nung nakaraan. Hindi kaya iyon?
"Ahh alam ko na." bulong ni Joy sa sarili at saka pumunta ng kwarto para kunin ang bag niya.
Pagbalik ni Joy ay umupo at inintay na matapos magluto si Wendy.
"Oh kain na " abot sakanya ni Wendy ng plato na may kanin at adobo. Kinuha naman yun ni Joy at nginitian si Wendy.
Bago pa siya magsimula kumain ay dinukot na niya ang box ng singsing na nakuha niya sa sofa nung isang araw.
"Eto ba hinahanap mo?" pinakita ni Joy ang singsing. Aabutin naman sana agad ito ni Wendy para kunin kaso iniwas ni Joy ang kamay niya at nilayo ang singsing kay Wendy.
"Para kanino muna to?" nang aasar na tanong ni Joy. Gusto niya makasigurado kung kanino. Baka nag aassume lang siya eh.
"Ano...Sayo.. nung bago tayo mag hiwalay dati dapat bibigay ko yan sayo." natahimik naman si Joy sa narinig niya. Bakas sa tono ni Wendy ang panghihinayang.
"Edi akin na to. Sakin naman pala e wag mo na kunin." Sabi ni Joy at kaagad sinuot ang singsing.
"Ako dapat mag susuot sayo." malungkot na sabi ni Wendy. Hinubad naman ni Joy ang singsing at iniabot ito kay Wendy.
"Sige, tas ako rin may isusuot sayo." nagtaka naman si Wendy sa sinabi ni Joy pero bago pa man siya makapagsalita ay nilabas na ni Joy ang isa pang box ng singsing.
"Surprise, kala mo ikaw lang ha." sabi ni Joy at ipinakita kay Wendy ang binili niyang singsing.
"I love you, baby." banggit ni Joy habang nakangiti at sinuot ang singsing kay Wendy.
"I love you." wika rin ni Wendy at isinuot ang singsing kay Joy. Hinalikan nila ang isa't isa at tumigil lamang ng maalala ni Wendy ang pagkain.
"Kumain ka na, lalamig pa yung pagkain." nginitian naman siya ni Joy at saka kumain.
=================
4 months later...
"Excited ka na ba sabihin sakanila?" nagagalak na tanong ni Wendy kay Joy.
"Oo, ano kaya magiging reaction ni ate?" excited na tanong ni Joy.
"For sure, matutuwa yun." sagot ni Wendy
*phone rings*
"Unknown number, teka sagutin ko lang." paalam ni Wendy at saka sinagot ang tawag.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaling ito kay Joy at ibinulsa ang cellphone.
"Si Sejeong daw nasa hospital." nag aalalang sabi ni Wendy kay Joy.
"Tara sasama ko." sabi ni Joy at nagmamadali silang umalis para puntahan si Sejeong.
Habang nasa daan ay di maiwasang magtanong ni Joy.
"Bat sayo tumawag yung hospital? Wala ba si Sungjae?" tanong ni Joy out of curiosity.
"Sa medical records daw ni Sej nakuha number ko. Ako kasi guardian niya don. Ewan ko ba dyan kay Sejeong sakitin." sabi ni Wendy sabay hawi sa buhok niya na nakaharang habang patuloy siyang nagdadrive.
Pagdating nila sa hospital ay dumiretso sila sa sinabing room number ng nurse sa lobby.
"Huy ano nangyari? Nahilo ka daw habang namimili sa mall? Nasan si Sungjae bat di ka nagpasama?" sunod sunod na tanong ni Wendy.
"Ayos lang ako, kalmahan mo." sagot naman ni Sejeong.
"Text ko na ba si Sungjae? sabihin ko andito ka." offer ni Joy na kaagad namang inilingan ni Sejeong.
"Wag, ako na magsasabi at saka may gusto akong aminin sainyo." seryoso namang ibinaling ng dalawa ang atensyon nila kay Sejeong at inintay ang mga susunod na sasabihin nito.
Comments