the cure
TRAP3rd POV
Sunday
It's almost 1 month since they're trapped in this situation.
Wendy and Joy decided to be with Serene today. Nagiging clingy ang bata these past few days and they don't know why.
Gusto raw ng bata na maglaro sa park at makipagkaibigan kaya sinunod nila ito. Napagpasyahan nilang samahan ito sa park.
Nang makarating na sila sa park ay hinayaan na nila ang batang maglaro. Naglakad-lakad naman ang dalawa pero di nila inaalis ang tingin nila sa bata.
*phone rings*
Sinagot ni Wendy ang tawag. Lumayo ito ng bahagya kay Joy at sumenyas na wait lang.
Wendy : hello? bakit?
Sejeong : may ginagawa ba u? samahan mo koooo
Wendy : saan ba potacca nagmomoment kami ni Joy e
Sejeong : ay weh? papasama sana ko nag aaya kasi mag archery si Tzuyu e may kasama pa siyang isa need ko partner pero sige wag na
Wendy : talagang di ako sasama pala HAHAHA goodluck nalang
Sejeong : who you ka saken pag natalo ko to
Wendy : oky po
Sejeong : sige na, enjoy ka na dyan si mina nalang ayain ko panget mo talaga kabonding
Wendy : byeee ingatz
*end call*
Joy's POV
Nung lumayo ng konti si Wendy kay Serene ko tinuon ang pansin ko.
Sino kaya yung tumawag? Napalingon ako sa direksyon ni Wendy na mukhang tuwang-tuwa sa kausap niya.
Hayyy bat ba curious parin ako? Di na naman kami? Ano ba naman Joy.
Napansin ko naman na naalis sa buhol yung sintas ng sapatos ko kaya yumuko ako para ayusin to.
Nagulat ako ng may biglang tumunggo sa likod ko kaya nawalan ako ng balanse at napasubsob sa sahig buti nalang at naitukod ko yung siko ko at tuhod.
Nilingon ko yung nakatunggo sakin.
3rd POV
Nilingon ni Joy ang tumunggo sakanya. Nakangisi ito. Kaagad na tumayo si Joy dahil napansin niyang hindi ang mga sugat niya ang tinitignan ng lalaki, sa ibang parte ng katawan niya ito nakatingin.
"Nakaharang kasi sa daan." Mayabang na sabi ng lalaki. Tila ba nagpantig ang tenga ni Joy ng marinig ang sinabi ng lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili at huminga ng malalim. Ayaw niya ng gulo dahil may kasama silang bata.
" Mawalang-galang na ho kuya pero—" naputol ang sasabihin ni Joy ng napansin niyang papalapit si Wendy. Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Wendy at akmang susuntukin na ang lalaki.
Kaagad niyang hinarang ito at pinigilan.
"Wendy! Wendy, ayos lang ako. Okay lang, Wendy. Stop, please." tumigil si Wendy sa paglapit sa lalaki ng maramdaman niya ang paghawak ni Joy sa braso niya.
Ang lalaki ay napaatras sa kinatatayuan niya dahil sa sama ng tingin ni Wendy na para bang kayang pumatay ng tao any minute.
Nang maramdaman ni Joy na napatigil niya si Wendy ay hinawakan niya ang kamay nito at pinisil.
"Pasalamat ka, tsk" banggit ni Wendy at sinundan ng tingin ang lalaking ngayon ay paalis na. Sinamaan niya ito ng tingin hanggang makaalis.
Inalis ni Wendy ang pagkahawak ni Joy sa kamay niya at tinuon ang pansin sa braso nito na puro gasgas.
"Tssk." tinignan ni Wendy si Joy.
"Dyan ka lang." pinaupo niya ito sa bench. Umalis naman si Wendy upang puntahan si Serene.
Pagkabalik ni Wendy, niyaya na niyang umuwi si Joy.
"Si Serene?" tanong ni Joy.
"Binilin ko dun sa kapit-bahay natin, kalaro kasi yung anak niya sasabay nalang daw nila pauwi." tumango naman si Joy sa sagot ni Wendy.
===========================================
"Masakit?" tanong ni Wendy habang ginagamot ang mga sugat ni Joy.
Comments