FLASHBACK 2
TRAPWendy's POV
Nandito ko ngayon sa bahay ni Sejeong. Inaaapoy nanaman ng lagnat tong babaeng to.
"Sej, kala ko ba may jowa ka na?" tanong ko sakanya. Nandito ko sa tabi ng kama niya nakaupo samantalang siya ay nakahiga. Nilagyan ko ng basang bimpo yung noo niya para naman kahit papano bumaba yung lagnat.
" Out of town shoot." mahina niyang sagot.
" Sige, magpahinga ka na. Pagluto kita pagkain para makainom ka ng gamot."
Nagpunta na ko sa kitchen at nagsimulang magluto. habang iniintay kong maluto yung niluluto ko chineck ko muna yung phone ko.
. Oo nga pala si Joy.
Itetext ko na sana si Joy ng biglang namatay yung phone ko. Shuta naman nalowbat pa. Maiintindihan niya naman siguro at sa malamang tatanong niya naman kay Yeri kung nasaan ako. Ay bahala na.
Nang maluto na yung pagkain ay dinala ko na ito sa kwarto ni Sejeong.
Nilapag ko na yung pagkain at inalalayan siyang makaupo. Hinayaan ko na syang kumain mag-isa dahil sabi niya kaya naman daw niya.
"Sej, peram charger."
"Nasa bedside table." sagot niya
Kinuha ko ang charger at kaagad chinarge yung cellphone ko.
Nagulat ako ng narinig kong sumuka si Sejeong.
"Uy ayos ka lang?" sabi ko habang tintapik ng marahan ang likod niya.
Tumango siya bilang sagot ngunit ilang sandali ay nagmadali siyang tumayo papuntang cr at doon na naglabas.
Mahirap siyang iwanan ng ganto. Nangako ako kay Tita na aalagaan ko anak niya habang di pa siya umuuwi ng Pinas.
Inalalayan ko siyang bumalik sa kama at pinagpahinga.
hours later....
*phone rings*
Si Joy....
sinagot ko ang tawag at kinausap siya.
"Sejeong, kaya mo na ba?" tanong ko sakanya. Nakahiga parin siya at patuloy na nagpapahinga. Di daw siya makatulog dahil sumasakit katawan niya.
" Sige na, kaya ko na to. Umuwi ka na hinahanap ka na ni Joy." sagot niya.
" Sure ka?" di ako mapanatag.
" Oo, papunta na naman si Sungjae. Dito na raw siya didiretso. Maya-maya lang andit
Comments