OSH Practitioner

Ang BFF Kong Hamon
Please Subscribe to read the full chapter

The sound of the sizzling grill filled the few awkward minutes at their table. After kasi umalis nung crew, sakto din namang pagtapos ng conversation nila Hwasa at Yeri. Maingay naman ang paligid pero mas rinig ni Joy yung katahimikan sa table nila.

 

"So kumusta naman experience mo with the team? Di ka ba inaalila ni Yeri?" pagbukas ng usapan ni Hwasa.

To break the ice ika nga.

The side glance didn't go unnoticed by Hwasa ghorl pero buti na lang natakpan nung server yung view ni Ligaya at kanina pa lumalaki yung butas ng ilong niya sa inis.


“Halaa~ hindi” tugon agad ni Eunbi “Sobrang okay na kateam sila Yeri and Seulgi” nahihiyang sagot ni Eunbi, “plus points pa na sobrang maalaga si boss Wendy” medyo pahina pa yung pagkakasabi ng Wendy pero loud enough for everyone to hear. Talk about being subtle.

 

“Parang si Boss Wends pa nga kamo ang inaalagaan ni Eunbi, pinagluluto ba naman ng lunch”, agad na pinagsisihan ni Yeri ang mga binitawang salita nang titigan ito ni Joy at ni Wendy.

 

Gagi. Di nya mawari biglang uminit sa pwesto niya.
Ganto ba feeling nung mga nasa grill habang hinihintay maluto?

 

“Ah so marunong ka mag luto?” tanong ni Joy.
Almost flat toned.
Papuntang sarcastic na nga eh.

 

“Ah yes. Hehe..” nahihiyang sagot pa rin ni Eunbi, dahil ba initimated ba or ano? “Actually frustrated cook” pagshare nya further.

“Ako din frustrated…” agad na tugon ng bida nating si Ligaya, sabay pahapyaw na nakipagtitigan kay Wendy.

“Cook?” tanong ni Hwasa na may pagtaas ng kilay.

“Oo, mima.” biro ni Joy, “pang samgy lang ang luto luto ko” sabay hagalpak nila ng tawa kahit may bigat na dinadala.

"Sige nga. Pagalingan kayo magluto ni Eunbi, pasarapan nitong bagong order" bilis talaga ng utak ni Yeri. Nakakita agad ng opportunity. 

 

 

“Huy di to kompetensya” singit ni Wendy. 
“KJ mo naman” sabi ni Ligaya, “ayaw mo lang siguro mamili sa aming dalawa”

 

NANLAKI ang mga mata ni Mima Hwasa at napalingon sa kakosa.

 

“Mahihirapan ba mamili si boss Wends? Feel ko may winner na” gatong ni Yeri. Sinantabi na yung takot from kanina.


"Tsaka hindi lang naman ikaw ang judge dito ah" pagdagdag ni Ligaya with an oh-so-sweet-looks-can-kill smile.
Nung sinabing magsasamgyup, di naman sumagi kay Wendy na last supper na pala niya to.

 

"Mima hingi ka pa nga ng kimchi. Baka magsampalan kasi sila gamit to. Ganun yung napanood ko" mahinang bulong ni Yeri sa gulat na gulat na mima Hwasa. Buti wala sa kanila ang atensyon ni Ligaya na nakaupo sa gitna nila.

 

"O siya siya. Eto thongs" sabay abot sa dalawang kalahok. "May the best tiga-ihaw win"

 

 

 

Wala namang difference sa lasa?

May saltik ba tong mga kasama niya?

Ang mga bagay na bumabagabag kay Eunbi.

 

Napansin din naman dito ni Joy na para bang nagiging uncomfy na yung newbie. 

 

"Tamo tinakot nyo si Eunbi." singit niya bago pa lumala ang mga tumatakbo sa isip nitong si Eunbi "wag mo kaming seryosohin, patawad na. Ganto lang talaga kami madalas" sabay ngiti ng genuine to ease off yung nerves ng nasa tapat niya .

 

"Oo ganto lang talaga kami maglambingan. Medyo unique di ba?" paggatong pa ni Hwasa. Nailing na lang si Wendy at nagsimulang maglapat ng meat sa grill na kanina pang bakante. 

 

"Unahin ko na tong beef ha?" ngiti ni Wendy, assuring Eunbi na it's okay! 

 

Nagsimula na ding mag ease up ung tension na namuo kanina at nag-usap usap ang lahat.

Nagkaroon ng small introduction about kung sino sila, interests, at kung ano anong random things na nabrought up along the way.

 


Lumipas ang minuto.. Ang oras.

Sa laking tao ni Joy, pakiramdam niya nanliliit siya.

 

 

Ano ba kasi tong pakiramdam niya? Kanina pa kasi may bumabagabag sa kanya na parang kinakain siya from the insides. 
Desperately trying to make sense of the feeling na bumabagabag sa kanya eh ayon, nadaplis nya yung kamay sa mainit na grill. Calling her back to reality.

 

At nang marealize nya na no one came to her aid, especially yung taong ineexpect nya na laging to the rescue, aka si bheybz, ay di sa kanya nakatuon, lalo syang nanliit.

Pakiramdam ni Ligaya, gusto niya na lang lumaho bigla.

 

“Naiihi ako” pag excuse nalang ni Joy, at siyang binigyan daan ni Yeri para makalabas siya sa table nila. 

 

Lingid sa kaalaman ni Ligaya ay sinundan siya ng tingin ni Wendy nung papunta siyang wash room. Inalis niya lamang ang tingin dito nung makita niyang wala na si Ligaya sa kanyang scope of vision at dahil tinawag din siya ni Eunbi.

 

 

 

 


After a while ay bumalik si Ligaya sa table at saktong pag upo niya ay may tumalsik from the grill at tinamaan si Eunbi. Wendy was quick to come to her aid at nakita nilang lahat kung paano nangiwi ito while Wendy tried to wipe the back of Eunbi's hand.

"Tara sa wash room" agad na yaya ni Wendy nung makita ang reaksyon neto.

"No, I'm ok boss Wends" 

"I insist" pagmamatigas neto as she stood up without letting go of Eunbi's injured hand. Napilitan na lang tuloy siyang tumayo as Wendy lead the way to nurse the burn.

 

 

Napansin ni Yeri ang pagkuyom ng kamao ni Joy sa ilalim ng lamesa. Agad itong napahalukhok sa loob ng bag niya, para bang may hinahanap.

Matapos ang ilang segundo nilingon nya si Ligaya.

 


"Oh teh" bungad ni Yeri nung abutan niya ng bandaid si Joy. “Sorry mima, Sana ma dikit. Pang lagay ko yan sa paa para di nagsusugat yung heels” dagdag pa neto habang nakalahad ang kamay na hawak ang brown bandaid.

Nangiti na lang si Joy. Napansin pala ni Yeri na napaso siya kanina.

"Malaki ba neng?" tanong ni Hwasa, unaware na napaso pala ang mima. Sobrang busy kasi syang nag q-QA ng mga grilled meat baka may naligaw pang hilaw kasi. "Bakit di mo sinabi?"

 

"Yaan mo na" bulong ni Joy.

 

Sakto namang paglabas nila Eunbi at Wendy matapos ilagay ni Joy yung bandaid sa may gilid ng kanan niyang kamay.

 

Agad na itinago ni Joy ang kamay para mawala sa line of sight ni Wendy pero she thinks it was too late, dahil nakita niya agad ang concerned eyes ni Wendy ay nalipat from Eunbi papunta sa kanya. 

 

N

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you enjoy reading please leave a comment or message! :3

Comments

You must be logged in to comment
toffee_zeyer
#1
Chapter 32: Hi there! Thank you for letting this story continue. It's nice to see this story updated when I log in after a busy month. It takes away the stress 😁
jdzurc
#2
Chapter 32: just came back after months ng pagiging busy, at kilig agad-agad ang nadatnan ko🤭😆grabehan ang selosan tas di pa rin alam ni Ligaya yung feelings nya😫 Gusto mo itext ko nalang sayo Joy? char
really love this story🫶 thank you po sa update💙💚
akosizig #3
Chapter 32: nag update!!! bago magpasko!!! bago matapos taon!!! grabe one of my feel-good aus talaga to na kahit dami pang sikot ng wenjoy sa feelings nila super kalog and havey ni otor 🥺 salamat po sa pagsusulat!!! abangers sa susunoood sana may pareveal na sa aseul rombab date 😎👍
ligaya_park
#4
Chapter 32: the way maglandian sa chat, akala mo namang.. hay nako, paki upgrade naman na po ang status nyo kasi mag ne-new year na hahaha
thank you po sa dalawang lapag na updates with dalawang kumakalampag na ships, deserve nyo po ng hamon sa pasko💙💚
ligaya_park
#5
Chapter 31: sorry Joy, pero gusto kong sabihin na "medyo" deserve mo yang na feel mo HAHAHAHA bat kasi ang tagal ng realization mo Ligaya, kapag yang si Wendy na ano sige ka HAHAHA
pero nakilig naman ako sa part na intrusive thoughts yung nanaig kaya na kiss yung kamay ni Ligaya🤭 TAMA BA YORN WENDY???
germsrocket #6
Chapter 32: ahhhh nag Update naaa!!
so happy ang so kwela the last part hahaha
etongbsi Ligaya at Wentot di pa mag aminan argghh
the tension is rweal bhie hahaha
sana tuloy tuloy na ung upfate hahahaa
🫶🫶🫶🫶🫶♥️♥️♥️
iamriou_
1152 streak #7
Chapter 32: Yung nag-reread muna ng previous chapters para maalala ano nangyari. HAHAHAHA Salamat sa lapag otor! <3
cptncat #8
Chapter 32: opinion ko lang pero parang bagay na magjowa si wendy at joy sksjdh
cptncat #9
Chapter 31: sarap pag-untugin mga ulo nila jfjjsnsk konting realization naman dyan joy... na acclang accla ka sa bff mo! magpapasko na, hahayaan mo bang malamig ang pasko ni wendy? emecjsbxhstangina
tealundertones
#10
FAKE YUNG FLUFF SA TAGS