Synergy

Ang BFF Kong Hamon
Please Subscribe to read the full chapter

"Ano pala breed ni Bestfriend, madam?" tanong ni Seulgi habang kinakamot kamot ang belly ng alagang aso ni Hwasa. 

 

Katatapos lang kumaen ng lahat, well except kay Yeri at Seul na may tinitira pa ding lumpia at nagchi-chill chill muna bago mag move sa hinandang program ni Hwasa. 

 

"yung sa tissue ng Joy" sabi ni Hwasa, "mima ano nga yong nasa tissue?" sagot ni Hwasa na medyo tanong din at umalis ng sala.

“Aso mima” sagot pabalik ni Joy na nasa gawing parte ng kusina.

“Tanga ampota.” bulong ni Hwasa, “sirts mo na lang sa google Seulgi basta yung aso sa tissue ng Joy” medyo pasigaw na sagot ni Hwasa kasi nasa ibang parte siya ng bahay. Napakamot na lang ng ulo si Seulgi at tuloy lang sa pagkamot ng tiyan ni Bestfriend na hindi alam ang breed.

 

 

 

“Nakibertdeyan naman kayo nung bata pa kayo ano?” tanong ni Hwasa na may bitbit ng dyaryo pagbalik.

“Yezzir” sagot naman ni Yeri.

“Tamang tama may pa-games tayo”

“Pabitin ba yan?” tanong ni Seulgi na nakafocus lang sa paglaro kay Bestfriend.

“Sige nga Seul, pano yung pabitin kung dyaryo yung bitbit ni madam?” sabay batok ni Yeri, “nasobrahan ka na ng shanghai. Mag oorigami tayo tungaw”

 

“Seryoso ba kayo?” natatawang tanong ni Irene dahil sa mga pinagsasabi nung dalawa.

“Charot lang mga madam, mag paper dance tayo diba?” sagot pabalik ni Yeri at pagconfirm kay madam Hwasa.

“Very bright!" ika ni Hwasa, "At dahil dyan ikaw ang cohost ko” sabay turo ni Hwasa kay Yeri at hinila patayo “halika’t tulungan mo kong mag prepare”

 

G lang din naman si Yeri. Di nya din naman kasi trip pagpawisan. Kaya ayun nga't pinagusapan ng dalawa ang mechanics ng game.

Pagdevelopin ang dalawang pair.

 

 

Wendy at Joy. 

Seulgi at Irene. 

 

“K lang ba?” tanong ni Hwasa. “Game ba yung oso nyo sa ganto? Kasi nasa same page naman tayo na gusto nating magka progress yung dalawa doon diba?” sabay turo nito kay Wendy at Joy na busyng busy sa mundong ginawa nila.

 

“Sasali yun Madam, basta may prize” paguudyok lalo ni Yeri sa initial goal ng larong ito. ”Ay shocks! Sakto! Binigyan nga pala  ako ng pinsan kong nagwwork sa samgyupsalan ng voucher for two, pde na yun”

“Ay perpek ka dyan nena” sabi ni Hwasa, “papatusin yan ni Joy mahilig magpausok yung bruhang yun eh”.

Lalong na-excite si Yeri sa binabalak nilang dalawa at medyo napalakas yung tili niya pero dedma lang ang mga biktima ng kanilang mga balak.

 

 

Nagsimula ng ilagay sa lapag ni Yeri yung mga newspaper at nagsimula na din si Hwasa na i-explain ang game at yung prize ng mananalo.

“Tss voucher lang? Kaya ko naman gumastos na lang. Dagdagi nyo yung prize para machallenge kami” pag react ni Joy.

“Tanginamo o plus 2k hayop ka” sagot ni Hwasa.

 

 

“G! Pano ba yan madam” at gusto pa ngang mang trashtalk ng kalaban “may synergy kami nito ni beybz! Naku seulgi mahiyain pa naman yan si Madam baka first stop palang ng song ma-out na kayo. Malakas kiliti nyan.”

 

Napansin ni Irene na para bang nalungkot itong si Seulgi, para bang nadismaya, nawalan ng pag-asa.

“Di mo ba thing yung mga gantong games?” bulong ni Seulgi kay Irene sabay baling ulit dun sa dalawang mag beybz na nagppump up, “sayang naman gusto ko ng samgyup” pagbulong nung oso sa sarili.

 

Napa tang-ina from within si Madam Irene ng makitang malungkot yung oso, kaya naman tnrashtalk nya na din ang mima niyang si Joy.

 

“Synergy synergy ka dyan. Nagpractice na kaya kami kanina. Di ba, Seul?” sambit ni Irene sabay tingkayad na akala mong mahihigitan niya yung tangkad ni Joy. “Bunganga lang magaling sayo” dagdag ni Irene, “emerald mo lang yan! Kung may synergy nga kayo kiss mo nga katabi mo, para maniwala ako” medyo lumaki pa butas ng ilong ni Madam at proud siya sa pangttrashtalk niya kasi personalan na to.

 

 

 

Napahalakhak naman si Joy “ah talaga tingnan mo synergy namin” at pineck sa pisngi si Wendy sabay inangasan si Irene. “Kaya mo ba yun?” pag taunt niya.

 

 

 

“Hindi syempre” at nagtawanan na ang magmima at nag senyassan na ng you die  ganon. Kahit na halos yung kaluluwa na ni Wendy ang kumawala sa katawang lupa niya dahil sa ginawa ni Joy sa kanya.

 

 

Nagkatinginan na lang yung dalawang hosts at mukhang hindi sila sasablay sa planong ito. Nickname basis na din agad yung dalawang nagkayakapan kanina. O di ba?

 

“O siya siya, pumwesto na nga kayo at nailatag naman na ng aking co-host yung mga dyaryo” pag-awat ni Hwasa habang binabrowse ang kanyang playlist. 

 

Nagsimula ng tumugtog ang budots sa nag gglow glow na speaker ni Hwasa.

 

“This is my jam!” sabi ni Joy at sabay pakawala ng kindat kay Wendy. “Panoorin mo ang synergy” dagdag pa neto at dahan dahang iniikutan si Wendy habang nakapatong ang isang kamay sa balikat neto at nagsayaw ng bigay na bigay as she went lower and lower.

 

“Ayan dapat may synergy para makasurvive sa game!” pang uudyok ni Yeri. “Mukhang ang magbeybz ang makakasungkit ng prize ah!”
“Sa true lang. Inuulit ko lang mga mimaz 2 vouchers sa samgyup at 2k cash ang prize ng couple na mananalo ah!” dagdag ni Hwasa para pampagana. Kaya naman itong si Seulgi ay sumayaw na din ng adonis aguila style. Medyo napalunok si Irene at masusubok yata ang tuhod niya sa dance mubz 2nyt.

 

Medyo humahaba na din ang gabi at naka-ilang tiklop na sila sa newspaper. Wala talagang bumibigay sa dalawang pares na ito. Sobrang competitive

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you enjoy reading please leave a comment or message! :3

Comments

You must be logged in to comment
toffee_zeyer
#1
Chapter 32: Hi there! Thank you for letting this story continue. It's nice to see this story updated when I log in after a busy month. It takes away the stress 😁
jdzurc
#2
Chapter 32: just came back after months ng pagiging busy, at kilig agad-agad ang nadatnan ko🤭😆grabehan ang selosan tas di pa rin alam ni Ligaya yung feelings nya😫 Gusto mo itext ko nalang sayo Joy? char
really love this story🫶 thank you po sa update💙💚
akosizig #3
Chapter 32: nag update!!! bago magpasko!!! bago matapos taon!!! grabe one of my feel-good aus talaga to na kahit dami pang sikot ng wenjoy sa feelings nila super kalog and havey ni otor 🥺 salamat po sa pagsusulat!!! abangers sa susunoood sana may pareveal na sa aseul rombab date 😎👍
ligaya_park
#4
Chapter 32: the way maglandian sa chat, akala mo namang.. hay nako, paki upgrade naman na po ang status nyo kasi mag ne-new year na hahaha
thank you po sa dalawang lapag na updates with dalawang kumakalampag na ships, deserve nyo po ng hamon sa pasko💙💚
ligaya_park
#5
Chapter 31: sorry Joy, pero gusto kong sabihin na "medyo" deserve mo yang na feel mo HAHAHAHA bat kasi ang tagal ng realization mo Ligaya, kapag yang si Wendy na ano sige ka HAHAHA
pero nakilig naman ako sa part na intrusive thoughts yung nanaig kaya na kiss yung kamay ni Ligaya🤭 TAMA BA YORN WENDY???
germsrocket #6
Chapter 32: ahhhh nag Update naaa!!
so happy ang so kwela the last part hahaha
etongbsi Ligaya at Wentot di pa mag aminan argghh
the tension is rweal bhie hahaha
sana tuloy tuloy na ung upfate hahahaa
🫶🫶🫶🫶🫶♥️♥️♥️
iamriou_
1161 streak #7
Chapter 32: Yung nag-reread muna ng previous chapters para maalala ano nangyari. HAHAHAHA Salamat sa lapag otor! <3
cptncat #8
Chapter 32: opinion ko lang pero parang bagay na magjowa si wendy at joy sksjdh
cptncat #9
Chapter 31: sarap pag-untugin mga ulo nila jfjjsnsk konting realization naman dyan joy... na acclang accla ka sa bff mo! magpapasko na, hahayaan mo bang malamig ang pasko ni wendy? emecjsbxhstangina
tealundertones
#10
FAKE YUNG FLUFF SA TAGS