Interview
Ang BFF Kong Hamon
“Anyare sa phone mo?” usisa ko nung mapansin ko yung crack sa screen ng phone ni Joy na nakalapag sa lamesa. Maingat to sa gamit eh. Anyare?
“Ahh yann..” sabay silip niya at saka sumubo, “natabig ko habang natutulog”
"Ahh.. ok"
“Ehheem..” napatingin ako sa kanya. Kala ko nasamid ang bruha, gusto mo lang pala tawagin atensyon ko , “So…” bwelo niya… so? ,”San ka galing kagabi?”
“Di ko ba nasagot kanina?”
“Di ko naman itatanong ulit kung sinagot mo di ba?” sabay irap niya. Attitude ha? Ikaw na nga tong pinagsilbahan at may mas malaking ratio nung Bacon. “So san nga?”
Humigop muna ako nung tinimpla niyang kape. Medyo may paet kumpare sa usual na gusto kong timpla niya para sa akin palagi. Feeling ko tuloy nagtatampo to sa akin.
“Galit ka ba?” malumanay kong tanong matapos umin-in yung init sa lalamunan ko.
“Hindi nu?!” sabay iling niya, “Ewan ko. Galit ba ako?”
“Salubong yung kilay mo oh?” sabay lapat ng daliri ko sa noo niya at dahan dahang nawala ang pag kunot ng noo niya.
“Sorry.” sabi ko at nagpacute na din, “pinasunod ako nung mga kaofficemate ko sa kanila nung nalamang wala na akong ganap after nung meeting natin. I mean meet-up natin para magdinner”
Natawa si Joy out of nowhere na ipinagtaka ko.
“Pinahaba mo pa.” ngiti nito sabay slice at tondo dun sa bacon, “pwede namang sabihing date na lang” sabay mapanuksong tingin at ngisi nito sa akin. “Beybzz talaga.. Pabebe ha?” bulong niya. Yung bulong na sadyang gustong iparinig sayo
Lord, binibigyan ko pong 2 points si Joy. Lagi na lang po kasi siyang ganito? Pafall.
Eh nafall na nga.
“Harhar” tugon ko sa kanya, “ang aga mo yatang umuwi kagabi? Saglit lang kayo nung kinita mo?”
“Kinita ko?” sabay subo niya, “Ah.. si Sungjae” sagot niya matapos lumunok. Napangalanan
Comments