Transposition
Ang BFF Kong Hamon
Napatitig ako sa salamin matapos kong basain ang mukha ko.
Sa totoo lang di ko alam pano nagsimula tong lihim na pagtingin ko kay Joy.
Lagi kaming magkatext at magkatawagan. Lagi ding magkasama sa eskwelahan. Simula highschool pa nga hanggang college.
Ewan ko ba sa kanya. Sinundan pa talaga ako hanggang college. Tanga talaga. Sabi ko sa kanya, Ayaw mo bang maghiwalay man lang tayo ng school sa kolehiyo? Tas hihirit siya ng Sinusundan ko lang pangarap ko.
So? Ako ba yun?
Tangina di klaro.
Tanga ka talaga.
Kaya mas lalo akong nagdoubt sa feelings ko… Sinubukan kong isa-walang bahala nararamdaman ko or wag i-acknowledge na may something talaga akong naffeel para kay Joy. Gusto kong kumawala at lumayo muna saglit sayo para makapag isip isip. Kasi di ko alam kung ano ba to?
Pero ikaw ang lumayo nung umamin akong bakla ako… Tinanong mo kung sino. Sabi ko wala naman. The first two days it felt freeing na maging out at di mo kinukulit but as days have gone and the sweet taste of freedom has passed, it felt empty. Kasi hinahanap kita.
Tapos dumating yung bisperas ng araw ng Pasko. At kung kelan busy ang lahat sa bahay sa pag gayak ng ihahanda, may nagmurder ng doorbell namin ng walang tigil. Sa sobrang rindi ni mommy pinababa ako mula sa pagmumukmok ko sa kwarto para pagbuksan daw yung baliw na nagwawala daw sa pinto.
“
Comments