Cookie Points

Ang BFF Kong Hamon
Please Subscribe to read the full chapter

 

Alas tres na ng madaling araw nang biglang makaramdam ng uhaw ang higante nating bida. Napilitan tuloy siyang bumangon para kumuha ng maiinom. Naubos na kasi niya ung isang baso ng tubig na dapat sana ay baon niya sa kanyang short escape from dreamland. Tanging ilaw mula sa mga poste sa labas ang nagsilbing gabay ni Joy sa pagtungo sa direksyon ng pintuan. Kalkulado naman na niya ang hakbang at ang direksyon papuntang kusina. Pikit pa ang isang mata at pilit nilalabanan ang antok, pero di pwedeng hindi niya silipin ang direksyon patungo sa pinto ng kanyang housemate. Nangiti siya kasi sarado ito at mukhang nakakabawi na ng pahinga ang kanyang Beybz. Ngunit ang ngiting ito ay napalitan ng pagtataka kasi nakarinig siya ng kaluskos mula sa baba. 

 

Nagising ang kanyang  ulirat at tuluyan ng namulat tsaka umupo sa hagdan habang hawak hawak ang basong kanyang dala at mahigpit na napakapit sa railings. Bukas yung ilaw sa may baba at nagtutunugan yung mga pinto ng kitchen cabinet na para bang binubuksan. 

 

Sinubukan niyang silipin kung sino o ano yung dahilan ng ingay ngunit siya ay bigo. Napayakap si Joy sa hawak niyang baso ng dahil sa kaba at muling tinapunan ng tingin ang direksyon patungong pinto ni beybz. Napapaisip siya kung dapat ba siyang pumasok sa kwarto neto upang balaan ito at sabay silang tumakas?

 

"Bahala na" bulong niya sa sarili at dahan dahang bumaba ng hagdan at dahan dahan niyang tinungo ang kusina at nakaposisyon na para ibato yung baso nung makita niyang si Wendy lang pala ito. 

 

Nakahinga siya ng maluwag habang pinagmamasdan niya kung paano  inattempt ni Beybz na isara ng dahan dahan yung pinto ng cabinet habang nag huhum ng mahina in attempt siguro na di sya nito magising. 

 

Napasandal na lang siya at nangingiting pinapanood si Beybz na kuhain ang sugar at iba pang lahok for baking. Cute na cute siyang tinitignan to habang pinipilit abutin yung flour sa taas ng cabinet. Nagawa namang maabot ng mga dulo ng daliri ni Wendy ito pero hindi niya yata napansin yung bowl na katabi neto at nagbabadyang babagsak kay Wendy dahil sa pagkakatabig nito. 

 

Dali dali namang nilapag ni Joy ang hawak na baso sa kitchen counter at nanakbo sa direksyon ni Wendy.

 

Nagulat at napamura na lamang si Wendy sa kamay na humawak sa kanyang bewang at humila sa kanya papalayo sa pabagsak na bowl. 

 

“Ay ” bulong nya

 

Ang lapit.. Mga salitang naiwan sa lalamunan nya habang pinagmamasdan ang side profile ng bestfriend niyang hamon niya sa buhay. Yan na lamang ang tumakbo sa isip ni Wendy nung malaman niyang si Joy pala ito. 


 

"Tssskkk. Dapat tinawag mo na lang ako" pagbanggit neto na irita ang tono. Habang tumutunog sa background yung stainless bowl mula sa pagkabagsak..pero mas nabibingi si Wendy sa lakas ng tibok ng kanyang puso. 

 

"Ok ka lang ba???" dagdag na tanong ni Joy habang nakataas pa din ang isang kamay at sinuri ang kanyang pagkatao. Mukhang di lang pala bowl yung natabig at mukhang marami sana ang malalaglag kung di nagintervine ang Ligaya. 

 

"Beybz???" bakit nga ba nakataas yung kamay netong dambuhalang to at nakatingin sa kanya?

 

Kumawala si Wendy sa pagkakahawak ni Joy at pinulot yung bowl. "Sorry, nagising yata kita" paghingi ng paumanhin neto.

 

“Ano sana kunin mo dito?”

“Ah…ano yung flour sana tsaka itong bowl din”

 

Agad namang binaba ni Joy yung flour at sinipat muli si Wendy na pilit tinatago ang namumulang pisngi. Ang lapit nga naman kasi ni Joy kanina. 

 

“Kung may balak ka palang magbake kaninang pagkauwi natin from dinner date sana pinababa mo na sakin mga kailangan mo.” sabay sarado ni Joy ng cabinet, “Pano na lang kung ang lalim ng tulog ko tas nabagok yang ulo mo ng lintikang bowl na yan???”

 

Nagkatitigan ang dalawang mag beybz ng very quick lang kasi agad na iniwasan ni Wendy ng tingin si Joy, ngunit nahuli na nitong si Ligaya ang mga namumulang pisngi ni Wendy at naisipang tuksuhin lalo.

 

“Paano na??” dagdag nya, nagddrama.. “Tapos makita kita diyang nakahandusay tas pag mulat mo ng mga mata mo di mo na maalalang mahal mo ako!”

 

Pfffft pagpigil ng tawa ni Wendy.

 

“Tatatawa tawa ka dyan! Akala mo madali para sakin yun? Nahirapan nga si San Chai nung nagka amnesia si Dao Ming Zu.” pagbiro nito, “sobrang sakit yun pag nalimutan mong mahal mo ako” pag side eye nya waiting for her Beybz to respond.

 

“Buang.” kumento ni Wendy. “Malabong malimot ko yun no. Utak lang nakakalimot, di yung puso”

 

Honestly speaking? Si Joy, inaabangan nya talagang barahin siya ni Wendy eh, pero she got a different response this time, at ngayon di nya alam kung pano nya iinterpret yun.

 

Nageexplain/reason out ba sya in general, or hinalintulad nya lang talaga sa naging takbo ng story ng Meteor Garden or patungkol to sa kung mahal ba sya ng beybz nya, yung that mahal na di as bestfriends?

 

Napansin naman ni Wendy na nanahimik

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you enjoy reading please leave a comment or message! :3

Comments

You must be logged in to comment
toffee_zeyer
#1
Chapter 32: Hi there! Thank you for letting this story continue. It's nice to see this story updated when I log in after a busy month. It takes away the stress 😁
jdzurc
#2
Chapter 32: just came back after months ng pagiging busy, at kilig agad-agad ang nadatnan ko🤭😆grabehan ang selosan tas di pa rin alam ni Ligaya yung feelings nya😫 Gusto mo itext ko nalang sayo Joy? char
really love this story🫶 thank you po sa update💙💚
akosizig #3
Chapter 32: nag update!!! bago magpasko!!! bago matapos taon!!! grabe one of my feel-good aus talaga to na kahit dami pang sikot ng wenjoy sa feelings nila super kalog and havey ni otor 🥺 salamat po sa pagsusulat!!! abangers sa susunoood sana may pareveal na sa aseul rombab date 😎👍
ligaya_park
#4
Chapter 32: the way maglandian sa chat, akala mo namang.. hay nako, paki upgrade naman na po ang status nyo kasi mag ne-new year na hahaha
thank you po sa dalawang lapag na updates with dalawang kumakalampag na ships, deserve nyo po ng hamon sa pasko💙💚
ligaya_park
#5
Chapter 31: sorry Joy, pero gusto kong sabihin na "medyo" deserve mo yang na feel mo HAHAHAHA bat kasi ang tagal ng realization mo Ligaya, kapag yang si Wendy na ano sige ka HAHAHA
pero nakilig naman ako sa part na intrusive thoughts yung nanaig kaya na kiss yung kamay ni Ligaya🤭 TAMA BA YORN WENDY???
germsrocket #6
Chapter 32: ahhhh nag Update naaa!!
so happy ang so kwela the last part hahaha
etongbsi Ligaya at Wentot di pa mag aminan argghh
the tension is rweal bhie hahaha
sana tuloy tuloy na ung upfate hahahaa
🫶🫶🫶🫶🫶♥️♥️♥️
iamriou_
1152 streak #7
Chapter 32: Yung nag-reread muna ng previous chapters para maalala ano nangyari. HAHAHAHA Salamat sa lapag otor! <3
cptncat #8
Chapter 32: opinion ko lang pero parang bagay na magjowa si wendy at joy sksjdh
cptncat #9
Chapter 31: sarap pag-untugin mga ulo nila jfjjsnsk konting realization naman dyan joy... na acclang accla ka sa bff mo! magpapasko na, hahayaan mo bang malamig ang pasko ni wendy? emecjsbxhstangina
tealundertones
#10
FAKE YUNG FLUFF SA TAGS