Boss
Ang BFF Kong Hamon
“Beybz?” paggising sakin ni Joy. “breakfast in bed?” ngiti niya bumungad sa pag mulat ng aking mata sabay higa sa kama. “Ako yung breakfast~” bulong niya sa tenga ko hay.. ang agang magbiro ng tadhana, kinilabutan ako.. “Joy pangalan mo pero di ka nakakatuwa” pagsusungit ko sa babaeng sumasakop sa kalahating parte ng kama ko. “Anong gusto mong ulam?” pahabol kong tanong habang nakapikit pa.
“555”
“Huh?”
“5 more mins~” mahinang bulong niya sabay yakap sa bewang ko habang nakatalikod ako sa kanya. Tatawagin ko na ba lahat ng santo? Ang aga talaga ng tadhana magbiro. Joy ang ngalan pero di talaga ko natutuwa…
Kasi kinikilig ako hihi!
“Ganto muna tayo. Namiss kita eh.” sabay higpit ng mga bisig niya sa kin, Lord, I’m not your strongest soldier , pero sige, oks lang po sakin yung itesting niyo ako lagi. “Anong oras ka ba dumating kagabi?”
“Hmm?” kiskis ng mukha niya sa likuran ko? Kala ko ba 5 more minutes pero bakit parang wala akong peace? Medyo hindi ko naintidihan yung tanong niya. “Ano yon?”
“Di ka kasi nagupdate kagabi kaya di ko alam kung anong oras ka nakauwi” humigpit lalo yung yakap niya. “Nag-alala ako” dagdag niya na tila ba nahihiya. Ano ba una kong sasagutin? Yung namumuong tanong kung bakit ganto siya sakin o yung tanong niya ng oras ko ng pag-uwi?
“Ah.. eh. Di ko namalayan din eh. Basta late na siguro” ang haba ng
Comments