Cookie Points
Ang BFF Kong Hamon
Alas tres na ng madaling araw nang biglang makaramdam ng uhaw ang higante nating bida. Napilitan tuloy siyang bumangon para kumuha ng maiinom. Naubos na kasi niya ung isang baso ng tubig na dapat sana ay baon niya sa kanyang short escape from dreamland. Tanging ilaw mula sa mga poste sa labas ang nagsilbing gabay ni Joy sa pagtungo sa direksyon ng pintuan. Kalkulado naman na niya ang hakbang at ang direksyon papuntang kusina. Pikit pa ang isang mata at pilit nilalabanan ang antok, pero di pwedeng hindi niya silipin ang direksyon patungo sa pinto ng kanyang housemate. Nangiti siya kasi sarado ito at mukhang nakakabawi na ng pahinga ang kanyang Beybz. Ngunit ang ngiting ito ay napalitan ng pagtataka kasi nakarinig siya ng kaluskos mula sa baba.
Nagising ang kanyang ulirat at tuluyan ng namulat tsaka umupo sa hagdan habang hawak hawak ang basong kanyang dala at mahigpit na napakapit sa railings. Bukas yung ilaw sa may baba at nagtutunugan yung mga pinto ng kitchen cabinet na para bang binubuksan.
Sinubukan niyang silipin kung sino o ano yung dahilan ng ingay ngunit siya ay bigo. Napayakap si Joy sa hawak niyang baso ng dahil sa kaba at muling tinapunan ng tingin ang direksyon patungong pinto ni beybz. Napapaisip siya kung dapat ba siyang pumasok sa kwarto neto upang balaan ito at sabay silang tumakas?
"Bahala na" bulong niya sa sarili at dahan dahang bumaba ng hagdan at dahan dahan niyang tinungo ang kusina at nakaposisyon na para ibato yung baso nung makita niyang si Wendy lang pala ito.
Nakahinga siya ng maluwag habang pinagmamasdan niya kung paano inattempt ni Beybz na isara ng dahan dahan yung pinto ng cabinet habang nag huhum ng mahina in attempt siguro na di sya nito magising.
Napasandal na lang siya at nangingiting pinapanood si Beybz na kuhain ang sugar at iba pang lahok for baking. Cute na cute siyang tinitignan to habang pinipilit abutin yung flour sa taas ng cabinet. Nagawa namang maabot ng mga dulo ng daliri ni Wendy ito pero hindi niya yata napansin yung bowl na katabi neto at nagbabadyang babagsak kay Wendy dahil sa pagkakatabig nito.
Dali dali namang nilapag ni Joy ang hawak na baso sa kitchen counter at nanakbo sa direksyon ni Wendy.
Nagulat at napamura na lamang si Wendy sa kamay na humawak sa kanyang bewang at humila sa kanya papalayo sa pabagsak na bowl.
“Ay ” bulong nya
Ang lapit.. Mga salitang naiwan sa lalamunan nya habang pinagmamasdan ang side profile ng bestfriend niyang hamon niya sa buhay. Yan na lamang ang tumakbo sa isip ni Wendy nung malaman niyang si Joy pala ito.
"Tssskkk. Dapat tinawag mo na lang ako" pagbanggit neto na irita ang tono. Habang tumutunog sa background yung stainless bowl mula sa pagkabagsak..pero mas nabibingi si Wendy sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
"Ok ka lang ba???" dagdag na tanong ni Joy habang nakataas pa din ang isang kamay at sinuri ang kanyang pagkatao. Mukhang di lang pala bowl yung natabig at mukhang marami sana ang malalaglag kung di nagintervine ang Ligaya.
"Beybz???" bakit nga ba nakataas yung kamay netong dambuhalang to at nakatingin sa kanya?
Kumawala si Wendy sa pagkakahawak ni Joy at pinulot yung bowl. "Sorry, nagising yata kita" paghingi ng paumanhin neto.
“Ano sana kunin mo dito?”
“Ah…ano yung flour sana tsaka itong bowl din”
Agad namang binaba ni Joy yung flour at sinipat muli si Wendy na pilit tinatago ang namumulang pisngi. Ang lapit nga naman kasi ni Joy kanina.
“Kung may balak ka palang magbake kaninang pagkauwi natin from dinner date sana pinababa mo na sakin mga kailangan mo.” sabay sarado ni Joy ng cabinet, “Pano na lang kung ang lalim ng tulog ko tas nabagok yang ulo mo ng lintikang bowl na yan???”
Nagkatitigan ang dalawang mag beybz ng very quick lang kasi agad na iniwasan ni Wendy ng tingin si Joy, ngunit nahuli na nitong si Ligaya ang mga namumulang pisngi ni Wendy at naisipang tuksuhin lalo.
“Paano na??” dagdag nya, nagddrama.. “Tapos makita kita diyang nakahandusay tas pag mulat mo ng mga mata mo di mo na maalalang mahal mo ako!”
Pfffft pagpigil ng tawa ni Wendy.
“Tatatawa tawa ka dyan! Akala mo madali para sakin yun? Nahirapan nga si San Chai nung nagka amnesia si Dao Ming Zu.” pagbiro nito, “sobrang sakit yun pag nalimutan mong mahal mo ako” pag side eye nya waiting for her Beybz to respond.
“Buang.” kumento ni Wendy. “Malabong malimot ko yun no. Utak lang nakakalimot, di yung puso”
Honestly speaking? Si Joy, inaabangan nya talagang barahin siya ni Wendy eh, pero she got a different response this time, at ngayon di nya alam kung pano nya iinterpret yun.
Nageexplain/reason out ba sya in general, or hinalintulad nya lang talaga sa naging takbo ng story ng Meteor Garden or patungkol to sa kung mahal ba sya ng beybz nya, yung that mahal na di as bestfriends?
Napansin naman ni Wendy na nanahimik
Comments