Wakwak

Ang BFF Kong Hamon
Please Subscribe to read the full chapter

Ilang minuto na din ang nakalipas nung umalis ang “Joy” of the party.

Nabalot lang ng katahimikan ang kaninang maingay na paligid. Bakas na bakas din ang pagkairita sa mukha ng mag-mima, mukha din namang wala silang balak na itago ito. Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi mapakali tong sila Seulgi at Yeri, kanina pa kasi silang pasimpleng nagsisikuhan. Baka hindi alam ang gagawin sa sobrang katahimikan.

 

Hanggang sa hindi na nakatiis si Hwasa at nagbuhos ng alak sa baso at iniabot kay Wendy.

“Iinom na lang natin ‘to. Hindi ako papayag na may umalis pa satin ngayong gabi” pagtatangka pa nito at dinuro ang mga taong nasa paligid.

 

Tumingala si Wendy at tinignan ang mag-mima. Nagbigay lang ng tipid na ngiti si Irene matapos mapailing ng konti, si Hwasa naman ay nagreklamong nangangalay na daw siya. Nangiti na lang si Wendy at ininom ang laman nung baso.

 

Shot puno para sa mga taong sumaya ng ilang oras ngunit iniwanan din ng Ligaya or rather ni Ligaya ngayong gabi.

Isa sa mga bibihirang pagkakataon na hindi lang isa ang iniwan niya sa malamig na gabi.


 

Nagsimula na ulit sumaya ang paligid at kanina pa nandadaya si Irene. Tawang tawa na lang din tong si Wendy kasi game na game makipagtalo tong si Yeri tuwing mahuhuli niya ito. Mukhang mga hindi tinamaan sa beer pong kanina. Di na niya tuloy mawari kung may tama ba ang mga to o normal lang talaga ang mga nangyayari.

 

 

 

 

 

 

Konting katahimikan, yan naman ang nais ni Joy kasi kanina pa siya ginagambala ng ingay ng mga tao sa paligid. Hindi man ito kasing ingay ng mga halakhak ni Yeri at palakpak ni Irene, pero siya ay sadyang nabibingi sa ingay ng kanyang pag-iisip. Hindi kasi maalis sa kanyang alaala yung mahinang tugon ni Wendy sa kanyang pag-alis. Aminado naman siyang alam niyang nairita din ang iba pa niyang kasama pero alam naman niyang maaayos naman yun kapag sila’y muling nagkita. Ang kanyang beybz, ibang iba kasi yun sa usual na pag-uugali ng munti niyang kaibigan… kaibigan, baka nga yun ang sagot.

 

Biglang bumukas ang pinto sa kanyang likuran na siyang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni upang mahimay ang mga bumabagabag sa kanyang kaisipan. “Centavo for your thoughts?” pagbati nito na may ngiti.

 

“Tigil tigilan mo ko bebeboi at baka hindi kita matantya” pagbabanta naman ni Joy na hindi man lang hinarap ang bumati.

 

“Easy, easy. Hindi ko din naman alam na biglang uuwi sila lola eh. Special request pa nga na makilala ka, ikaw na nga yata ang apo niya eh” pagbibiro pa ni Sungjae at sabay abot ng wine glass at sumandal na din sa grills sa veranda. Dito kasi nagmumukmok si Joy, siguro ay nagtatago sa mga “small talks” ng mga tao sa loob. Tahimik niya lang pinag mamasdan si Joy habang umiinom ng wine, alam niyang nasa ibang lugar ang pag-iisip neto. Siguro’y sanay na din naman siya pero mas nagiging halata ang pagkabalisa nito kapag sila’y magkasama.

 

“May nangyari ba?” pagbubukas na niya ng usapan at humarap na din kung saan nakatingin si Joy. Sa malayo ba o sa kawalan, hindi niya din malaman. Napabuntong hininga na lamang si Joy bilang tugon sa kanyang katanungan.

 

Nilipat ang tingin sa wine glass na hawak at inikot na para bang nandun ang kasagutan kahit pa sa sobrang linaw nito, kita mo na lahat sa kahit anong anggulo. “Ewan ko ba Sungjae. Parang lahat na lang kinekwestyon ko” sagot ni Joy at tsaka muling uminom sabay nagpakawala ng mahinang tawa. 

 

“Iinom lang din pala tayo, sana di na lang ako umalis” pahina at pabigat ang mga huling salita ni Ligaya, bakas din sa mukha ang pangungulila.

 

Lumipas ang ilang saglit at may bumasag sa katahimikan, nag vibrate kasi ang phone ni Joy at dali dali niyang kinuha sa kanyang bulsa.

 

Nangiti si Joy sa mensaheng natanggap, kuha kasi eto ng magttropa na naglalaro.

Si Seulgi, inaawat si Yeri na mukhang nakikipag away kay Irene at dinuduro pa. Si Irene naman mukhang lalo pang nang aasar at nakadila lamang sa direksyon ng mas nakakabata, si Hwasa ang nagselfie at siniguradong kita ang lahat sa frame na para bang walang gulong nagbabadya, nag thumbs up pa ng ang loka.

 

At si Wendy..... na kuhang kuha sa aksyon ng kanya pagtawa habang pinagmamasdan ang tatlo. Kung gaano kabilis nangiti si Joy ay ganun din kabilis itong nawala, kasabay neto ang pagkawala ng imahe at paglipat sa window ng chat na kanyang lalong ikinabalisa.

 

“Beybz” ang nakalagay sa taas ng screen at ang huling mensahe ay “Beybz…” na si Joy ang nagpadala. Natulala lang ito sa screen, naghihintay na magdalawang check ang message na kanyang napadala. 

 

 

 

 

 

Dismayadong ibinulsa ni Joy ang kanyang selpon ngunit dali dali rin naman niyang kinuha ito dahil naramdaman niya ang sunod sunod na pag-alog neto sa kanyang bulsa.

 

 

Ito na nga ang mga mima...

 

 

Siraulo bulong ni Joy sa sarili nya. Mga walangya talaga mga kaibigan nya pag tinamaan na ng alak.
Ibabalik na nga nya sana ulit ang phone nya pero bigla naman tong nagring

 

 

"Mimaaaaa," tawag ni Irene "tawang tawa ako ditooo" parang halos maubusan na sya ng hangin sa kakatawa "si Yeri, pinagkakaisahan namin dito sa game. Siya pinagsshot, namin urat sya eh"

"Gagu Joy! Ang fun pati nito ni beybz mo hahaha! tawang tawa kami sa rule nya na magtalk na parang ngongo" singit ni Hwasa.


 

"Ano ba yan? gamecard ba yan? Parang yung these cards will get you drunk?" tanong ni Joy.

"Yezzz" sabay sabi nung magmima.

"Nena, gusto ko yung card kanina eh yung ano ba yuun..." halatang tinatanong ni Irene si Hwasa sa kabilang linya "ano yuung amoyin yung kilikili eme wait kalkalin ko send ko sa GC neng" 


"Mii sent na! Check mo daliii"

Agad namang tinanggal ni Joy sa tenga nya yung phone at sinilip yung pic na sinend ni madam.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pic ng card *with “unintentionally” Wendy sa background na out of focus kasi nga yung card yung pinakikita..

 

 

"Sino magkatabi nyan?" tanong nya ng binalik na ang phone sa tenga para kausapan ulit sila sa call. Ayaw kasi niyang iloud speaker altho feeling nya naririnig naman ni Sungjae ang mga dada ng mga kaibigan nya.

 

 

"Si Yeri at si Seulgi." sagot ni Irene

"Si Yeri yung nakabunot ng card, nena." singit ni Hwasa "rinig mo ko nena si Yeri tapos... Tapos si Seulgi yung aamiyan nya"

"HAHAHA MIMA!!!" tawang tawa si Irene, "pinaamoy ni Seulgi tas nginudngod nya mukha lalo ni yeri kaya tawang tawa kami tapos nagtanong pa si Seulgi kung anong amoy ng 5G na kili kili”*

 

Hagalpak na ang dalawang magmima.

Natatawa na din si Joy habang inaamagine nya yung kaganapang yon.

 

 

Kaso naman biglang inend ang munting imahinasyon at kasiyahan nya ng magpaalam na ang dalawa.

“Nenaaa bye na malapit na yong ikot saming dalawa”

 

 

"ahh sige..." sabi ni Joy. 

Na end na ang tawag di man lang nya nasabi ang 'bye'

 

 

 

Ibubulsa nya na naman sanang muli pero nagnotif na naman yung GC nila

 


 

 

 

Nanlaki ang mga mata ni Joy ng scrollin nya gang dulo yung pic na sinend ni Madam Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you enjoy reading please leave a comment or message! :3

Comments

You must be logged in to comment
toffee_zeyer
#1
Chapter 32: Hi there! Thank you for letting this story continue. It's nice to see this story updated when I log in after a busy month. It takes away the stress 😁
jdzurc
#2
Chapter 32: just came back after months ng pagiging busy, at kilig agad-agad ang nadatnan ko🤭😆grabehan ang selosan tas di pa rin alam ni Ligaya yung feelings nya😫 Gusto mo itext ko nalang sayo Joy? char
really love this story🫶 thank you po sa update💙💚
akosizig #3
Chapter 32: nag update!!! bago magpasko!!! bago matapos taon!!! grabe one of my feel-good aus talaga to na kahit dami pang sikot ng wenjoy sa feelings nila super kalog and havey ni otor 🥺 salamat po sa pagsusulat!!! abangers sa susunoood sana may pareveal na sa aseul rombab date 😎👍
ligaya_park
#4
Chapter 32: the way maglandian sa chat, akala mo namang.. hay nako, paki upgrade naman na po ang status nyo kasi mag ne-new year na hahaha
thank you po sa dalawang lapag na updates with dalawang kumakalampag na ships, deserve nyo po ng hamon sa pasko💙💚
ligaya_park
#5
Chapter 31: sorry Joy, pero gusto kong sabihin na "medyo" deserve mo yang na feel mo HAHAHAHA bat kasi ang tagal ng realization mo Ligaya, kapag yang si Wendy na ano sige ka HAHAHA
pero nakilig naman ako sa part na intrusive thoughts yung nanaig kaya na kiss yung kamay ni Ligaya🤭 TAMA BA YORN WENDY???
germsrocket #6
Chapter 32: ahhhh nag Update naaa!!
so happy ang so kwela the last part hahaha
etongbsi Ligaya at Wentot di pa mag aminan argghh
the tension is rweal bhie hahaha
sana tuloy tuloy na ung upfate hahahaa
🫶🫶🫶🫶🫶♥️♥️♥️
iamriou_
1161 streak #7
Chapter 32: Yung nag-reread muna ng previous chapters para maalala ano nangyari. HAHAHAHA Salamat sa lapag otor! <3
cptncat #8
Chapter 32: opinion ko lang pero parang bagay na magjowa si wendy at joy sksjdh
cptncat #9
Chapter 31: sarap pag-untugin mga ulo nila jfjjsnsk konting realization naman dyan joy... na acclang accla ka sa bff mo! magpapasko na, hahayaan mo bang malamig ang pasko ni wendy? emecjsbxhstangina
tealundertones
#10
FAKE YUNG FLUFF SA TAGS