Chapter 3: Kasalanan Ni Jose

Tulog Ka Na Muna

“Uy si Jose!” sabi ni Seulgi nang makita niya si Yves papalapit sa kanila.

 

Nasa basement living room ngayong gabi ang apat na magkakaibigan kasama ang dalawang magkapatid. Isasama sana nila si Joohyun kaso wala ito sa bahay.

 

“Jo!” sabi ni Moonbyul. “What’s up Jo? Long time no see!”

 

“Jo ka dyan? San mo naman napulot yun?” tanong ni Yves na nakisiksik sa circle nila sa sahig.

 

“Teka bakit si Jose lang yan?” tanong ni Seungwan. “Asan si John?”

 

 

Napatingin sa kanya ang lahat.

 

 

“Seungwan…si Johnnie ba sinasabi mo? Kaya ba natin silang dalawa?” Nag-aalalang tanong ni Seulgi.

 

Napailing siya bago tumayo papuntang kusina. “Ang slow niyo naman. Itong John sinasabi ko.”

 

Kinuha niya ang lemon sa fruit basket at itinaas para makita ng mga kaibigan.

 

 

“Hindi pa tayo nagsisimula ganyan na siya mag joke? Bakit mo best friend yan, crush?” tanong ni Joy kay Seulgi.

 

“John LEMON? John LEMON?? Ano maggigitara ba yan ate Seungwan?” tanong sa kanya ni Yeri. “Tsaka crush ko yan ate Joy, wag ka ngang sumasapaw.”

 

Sinimulan na hiwain ni Seungwan ang prutas. “Aba kesa naman yung isa dyang nagsabi ng ‘Jo’? Pucha Jose Cuervo tapos ‘Jo’?? Apaka corny!”

 

“Pare pareho lang kayo!” sabi ni Yves. “Sabi ko na nga ba dapat hindi Cuervo binili ko at maririnig ko nanaman mga walang kwentang banat niyo.”

 

Binuksan na nito ang Cuervo at nagsalin sa nag-iisa nilang shot glass. Tatayo na sana siya para itapon sa sink ang unang shot.

 

“San ka punta?” tanong ni Yeri. Uhaw na uhaw na.

 

“Tatapon ko lang to sa sink. Sabi ng mga matatanda yung unang shot naka reserba para sa demonyo.”

 

Tumayo naman si Seulgi para pigilan si Yves. “Wait! Nasa sink ba yung demonyo? Dito mo na lang itapon.” Hinatak niya ito para umupo uli. “Oh Moonbyul nganga! Sayong sayo na to!”

 

Ginawa nga naman ni Moonbyul. Nag tilt ito ng ulo at ngumanga, naghihintay ng grasya.

 

Agad na binuhos ni Seulgi sa bibig niya ang laman ng shot glass kaso hindi na nila napigilang tumawa. Ayun tuloy hindi umabot sa tyan ni Moonbyul ang alak. Ni hindi na nga niya nalunok. Nabuga niya tuloy lahat sa hangin. Buti na lang at medyo malayo ang mga kaibigan.

 

 

“Ahhh!”

“Putang—”

“Ugh kadiri!”

 

 

Iba’t ibang sigaw ng pagkainis ang narinig sa mga magkaibigan maliban na lang kay Seungwan na pabalik pa lang galing kitchen. Siya lang ang nakaligtas sa pagspray ng Moonbyul Mist.

 

“Hahaha sorry!” sabi ni Moonbyul habang pinupunasan ang bibig. “Parang tanga kasi tong si Seulgi!”

 

“Ako pa sisisihin mo eh ikaw yung ngumanga dyan!” sabi ni Seulgi na nagpapagpag ng damit. Nadaplisan siya eh.

 

“Sinakyan ko lang trip mo vro!” balik ni Moonbyul.

 

“Ang kalat kalat kalat. Game na nga!” Sabi ni Yves na nagsalin na ulit ng panibagong shot.

 

 

Pinaikot na ng magkakaibigan ang shot glass. Holiday kasi bukas kaya ibig sabihin, walang pasok sa university sina Joy at Yeri tapos sarado rin ang TFU office. Lahat sila libreng magpakalasing.

 

Masaya si Seungwan sa chance na to kasi siguradong marami silang iinumin na makakapagpatulog sa kanya. Kung hindi man mag work, at least nandito ang mga kumag para samahan siyang magpalipas ng oras.

 

Medyo matagal yung ikot kasi karamihan sa mga kasama niya ay weak pala. Di pa nila nauubos ang bote ng Cuervo pero ang liligalig na.

 

Busy ang mga kaibigan matutunan ang Catriona Dance Challenge mula kay Moonbyul nang magpaalam siya saglit.

 

“Labas muna ko.”

 

Dahil lasing at pagewang gewang na ang mga nagsasayaw, si Seulgi lang ang nakapansin sa kanya.

 

“Isoy break?”

 

“Isoy break. Sama ka?”

 

“Quit na ko Seungwan. Wag mo na ko isama sa dark side.”

 

Umakyat na siya papunta sa tindahan ni tatay Mak. Kung tama ang pagkakaalala niya, mas nauna pang mag yosi kesa sa kanya si Seulgi dati. College pa sila nun. Ngayon, halos mag iisang taon na ring clean ang best friend niya from smoking. Hinahapo raw kasi pag nagsasayaw kaya umayaw na.

 

 

Pagdating sa tindahan, kinausap na agad niya si tatay Mak.

 

“Hi tay. Pabili nga po isang Black.”

 

Inabot naman agad ito ng matanda kasama ng lighter. “Bakit di ka na lang bumili ng isang kaha Seungwan?”

 

“Di pwede yun tay.” Sinindihan niya ang yosi at humithit bago nagsalita ulit. “Baka di ko mamalayan naubos ko na pala.”

 

Tumango tango lang ang matanda bago umupo sa pwesto niya.

 

Si Seungwan naman lumayo lang sa bintana ng tindahan pero hindi na umupo sa bench. Saglit lang naman to. Bababa rin siya pagkaubos ng isang stick.

 

Ineenjoy lang niya ang yosi nang biglang may tumulak sa kanya.

 

“Boo!” sigaw ni Joohyun.

 

Hindi siya nagreact kaya napatanong ito sa kanya. “Bakit di ka nagulat?”

 

Ibinuga muna niya ang usok sa gilid bago kausapin si Joohyun. “Kita mo yung poste na yun?”

 

Tumingin si Joohyun sa poste.

 

“Taas taas nung ilaw oh? Kita ko yung shadow mo bago ka pa sumigaw.”

 

Napanguso si Joohyun sa realidad na yun. “Di mo man lan sinakyan. Pwede ka pa rin naman magulat.”

 

Tumawa lang si Seungwan.

 

“Ang lungkot. Ang lungkot lungkot. Iniwan na ko ng boyfriend ko tapos di ka pa sumasakay sa trip ko ang lu—”

 

 

Biglang bumagsak si Seungwan sa sahig.

 

 

“Waaah! Gulat ako! Monster! You’re a little monster!!” Exaggerated na sabi nito. Ginamit pa ang isang kamay para magkunwaring tinatakpan ang mukha.

 

“ you!” Tinulak siya nito kaya lalo siyang napaupo sa semento.

 

“Hahaha! Bakit naman kasi ginagamit yung ‘broken hearted card’? Ayan tuloy sinunod ko na yung gusto mo.”

 

“Tumayo ka na nga dyan! Mamaya makita ka pa ni dad baka isipin kung ano ginawa ko.”

 

Bumangon naman siya. “Alam mo ikaw, kala ko maangas ka eh? Pero tuwing mas nakakausap kita narerealize ko…leather jacket lang ang nagdadala.”

 

“Ah ganon?” Nagpamewang si Joohyun. “Wait I’ll get my jacket lang inside.”

 

Aalis na sana ito pero pinigilan siya ni Seungwan. “Wag naaa. Tapusin ko lang to…” Ipinakita niya ang paubos na yosi. “Tapos sabay na tayo pumasok. Sama ka samin sa basement, tamang hangz lang.”

 

“Wow ‘hangz’?” Nang-aasar na ngumiti si Joohyun. “Umiinom kayo?”

 

“Yup! May juice din naman sa baba pwedeng yun sayo. Aayain ka sana namin kaso akala namin wala ka pa. Kanina ka pa ba?”

 

“Hmm slight? Ayoko sumama sa baba.”

 

“Ay weh? Ge oks lang naman.”

 

“Pero ubusin mo na yan.” Tinignan ni Joohyun ang sigarilyo. “Ikaw na lang sumama sakin.” Agad itong tumalikod para maglakad papunta sa loob ng bahay.

 

“San tayo punta?” sigaw ni Seungwan.

 

“Basta! Dyan ka lang!”

 

Nakapasok na si Joohyun sa gate kaya wala nang nagawa si Seungwan. Umupo na lang siya sa bench sa may tindahan at inubos ang yosi. Tinignan niya ang suot na relo.

 

 

Alas dos nanaman.

 

 

Di nagtagal ay lumabas na ulit si Joohyun. May dala ito sa dalawang braso.

 

Lumapit si Seungwan dito at doon niya lang nakita na dalawang helmet pala ang dala nito.

 

“Woah. Don’t tell me…sasakay mo ko sa Harley??” Di makapaniwalang tanong ni Seungwan.

 

“Yeah. Unless you’re scared?” Nag belat pa ito.

 

Manghang tinitignan ni Seungwan ang itim na helmet na ibinigay ni Joohyun. “Hahaha ayos ah. Ito ba yung way mo para sabihing maangas ka nga talaga?”

 

“Hmm something like that.” Kumindat ito.

 

“Nice nice. But are you sure?”

 

“Bakit hindi?”

 

“Sabi mo love mo yun eh. Kakahiya naman makisakay.”

 

“Ano nga yung sabi mo sakin?” Nag-isip ito saglit. “Ahh…small thing. Small thing.” Ngumiti ito. “Lika na.”

 

Naglakad sila papunta sa warehouse parking. Medyo kinakabahan si Seungwan. First time niya sasakay sa Harley Davidson na motor. Yung past experience niya puro mga Mio lang.

 

 

Sinuot ni Joohyun ang signature matte black helmet nito na may reflective purple visor.

 

Damn. Mas maangas pala ang babaeng to kapag katapat na katapat lang niya. Hindi lang pala leather jacket ang nagdadala.

 

Tinaas ni Joohyun ang visor. “Marunong ka naman siguro magsuot nyan?”

 

Natawa si Seungwan. “Oo!” Sinimulan na niya isuot ang helmet, tinaas niya rin ang visor para sabihing, “Suki kaya ako ng Angkas!”

 

Ngumiti si Joohyun bago sabihing, “Hop on!”

 

Humawak siya sa balikat nito para makapag balanse sa pagsakay. Nang makaupo na siya ay hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay.

 

Binuksan ni Joohyun ang makina bago lumingon, “Pwede ka humawak sakin if you want.”

 

Napanatag naman si Seungwan. Nilagay niya ang mga kamay sa balikat ni Joohyun. Akala niya aandar na sila pero nagsalita ulit ang kasama.

 

“Not there! Nakikiliti yung leeg ko kahit malayo ka naman.” Ibinaba ni Joohyun ang mga kamay ni Seungwan papunta sa tagiliran nito.

 

“Wow! Dito wala kang kiliti?”

 

“Secret!” Tinapik nito pababa ang visor ng helmet ni Seungwan bago ibaba rin ang kanya tapos umandar na ito palabas ng warehouse.

 

May close button yung susi ng warehouse kaya pinindot lang ito ni Joohyun para magsara ang gate. Tuloy tuloy na ang byahe nila.

 

 

Noong una, napansin ni Seungwan na umiikot lang sila sa streets ng Zimzalabim Subdivision. Chill lang yung ride hanggang sa bagalan ni Joohyun at kausapin siya.

 

“Okay lang sayo lumabas?”

 

“Oks lang. San ba tayo?”

 

“Nowhere. Ikot lang?”

 

“Alright let’s go!”

 

 

Doon nagsimulang iparamdam ni Joohyun kung paano talaga siya magmaneho. Dumiretso sila sa gate ng subdivision at naglakbay sa highway.

 

Madaling araw na kaya wala na masyadong kotse sa kalsada. Wala na rin masyadong napapansin si Seungwan na mga tao sa bangketa.

 

Ang sarap ng simoy ng hangin. Kung gabi o umaga nila ito ginawa, siguro napikon si Seungwan. Smoker siya pero syempre ayaw niya pa ring lumanghap ng polluted na hangin dala ng mga sasakyan.

 

Ang gaan sa pakiramdam ng byahe nila. Tingin ni Seungwan nakadagdag din yung fact na nakainom siya. May times tuloy pag napapabilis lalo ng takbo si Joohyun, feeling niya eh nalutang siya.

 

Pero buti na lang di rin siya sobrang lasing. Kasi kung nagkataon, malamang malalaglag siya sa motor na to.

 

Dala ng lumalalim na gabi at hanging tumatama sa kanilang mga katawan, nakaramdam na rin ng ginaw si Seungwan. Hindi naman kasi sinabi ni Joohyun na ito pala ang trip nila, sana nakakuha rin siya ng jacket sa kwarto.

 

Pero nandito naman ang leather jacket ni Joohyun. Minabuti na lang ni Seungwan na dahan dahang ipasok ang mga kamay sa bulsa nito.

 

Naramdaman niyang medyo nanigas si Joohyun. Siguro dahil sa sensation ng pagdulas ng kamay niya mula sa tagiliran papunta sa bulsa pero nilalamig na kasi talaga siya. Saglit lang din naman ang pag freeze ni Joohyun at nag relax na ito nang malagay ni Seungwan ng buo ang mga kamay sa bulsa nito.

 

 

Ilang minuto pa ang itinagal ng byahe nila. Nang abutan ng isang stoplight, inilapit ni Seungwan ang ulo niya kay Joohyun.

 

“Huy!” sigaw niya. Medyo nag-aalangang hindi siya marinig ng kasama.

 

“Ano!” balik naman nito.

 

“Gusto ko rin ng motor!”

 

Narinig niyang natawa ito. “Okay! Bili tayo?!”

 

“Libre mo?!”

 

Itinaas muna ni Joohyun ang visor. “Wala kong pera. Taas mo nga muna yan, ang hirap sumigaw.”

 

Sinunod naman siya ni Seungwan. “Ako rin walang pera. Helmet na lang kaya?”

 

“Bakit ka bibili ng helmet? Pinahiram naman kita ah?”

 

“Gusto ko yung akin. Sige na samahan mo ko bumili para yun suot ko pag nag joy ride ulit tayo.”

 

“Wow? Feeling mo may next time pa?” pang-aasar nito.

 

Magmamakaawa na sana si Seungwan kaso may bumusina sa likod nila. Kanina pa pala green yung stoplight.

 

Ibinaba na nila ang mga visor at umandar na ulit si Joohyun.

 

Akala ni Seungwan uuwi na sila. Nagulat na lang siya at huminto sila sa harap ng isang motorcycle accessory store.

 

 

Nag park si Joohyun at pinatay ang makina. Tinanggal nito ang helmet, “Oh ayan tara bili ka na.”

 

Hindi makapagsalita si Seungwan. Tinaas niya lang ang visor imbis na tanggalin ang helmet. “Naaalala mo naman pano tayo nagkita kanina diba?”

 

“Oo?” Nalilitong tanong ni Joohyun. “Ginulat kita sa may tindahan?”

 

“Exactly.” Napahinga siya nang malalim. “Barya lang dala ko kanina pambili ng yosi. Anong pambabayad ko ng helmet??”

 

Napasinghap si Joohyun bago tumawa. “Hahaha sorry I didn’t know.” Ito na mismo ang nagtanggal ng helmet na suot ni Seungwan. “Baba ka na, ako na bahala.”

 

Bumaba nga siya ng motor. “Ikaw magbabayad? Wag na Joohyun parang tanga.”

 

“Sus eh bakit ka bumaba?”

 

“Hehe wala lang nandito na tayo eh. Window shopping na lang.”

 

 

Bumaba na rin si Joohyun at naglakad na sila papasok ng store.

 

“24 hours to?”

 

“Yeah. Sabi ng bantay dito mas marami pa nga raw silang customers pag madaling araw.” Kwento ni Joohyun.

 

Napansin naman ni Seungwan na medyo marami ngang tao sa loob. Sinundan niya lang maglakad si Joohyun na hinahanap ang aisle ng mga helmet.

 

Nang makarating sa aisle 29, nanlaki ang mga mata ni Seungwan sa nakita. Ang ganda ng mga helmet dito tsaka sobrang dami pang naka display.

 

Sa saglit na pagtingin tingin, may napansin siya. “Bakit walang kasing angas nung sayo? Hindi ka ba dito bumili?”

 

Umiling si Joohyun. “Customized yun. Pinagawa ko sa kakilala ko.”

 

“Eh bakit hindi tayo dun nagpunta?”

 

“Seungwan De Guzman hindi naman lahat gising tuwing madaling araw tulad mo.”

 

“Ah. Oks. Sabi ko nga.” May point nga naman kaya nag focus na lang si Seungwan sa mga naka display.

 

 

Nang marating nila ang dulo ng aisle, nakakita si Seungwan ng helmet set na sobrang angas.

 

Yung isa, black helmet na may blue light strips. Mula sa likod, may wheel symbol tapos may lines na nanggagaling dito papunta sa tenga, panga, at baba pero hindi ito mag-aabot. Sa magkabilang side, sa may parte ng baba kung nasaan ang dulo ng mga linya, nagtatapos ang mga ito sa maliit na curl na parang pataas na letter ‘c’.

 

Ganito rin yung isang helmet na katabi nito pero pink light strips naman ang nagpapailaw sa wheel symbol at sa lines.

 

Base sa description, LED lights daw yun tapos may controller. Sobrang gustong gusto ito ni Seungwan. Hindi niya maialis ang mga mata sa naka display.

 

Hindi niya tuloy namalayan, may tinawag nang store assistant si Joohyun.

 

 

“Hi ma’am! Good morning. Gusto niyo po bang itry?” turo nito sa mga helmet.

 

“Ah kuya hin—” sasagot sana siya kaso nagsalita si Joohyun.


“Yes please. Kapag fit, kunin namin. If not, may iba pa ba kayong size nito?”

 

“Meron ma’am. Bagong dating lang to so marami pa po kaming stock.” Sabi ng store assistant habang binubuksan ang display case.

 

“Joohyun anong ginagawa mo?”

 

Nagtaas lang ng kilay ito. “What? Gusto ko rin makita. It’s nice.”

 

“Here you go ma’am.” Inabot sa kanila ni kuya ang mga helmet.

 

“Oh ano? Suot mo na Seungwan.”

 

Medyo ayaw pa niya sana kasi medyo nakakahiya pero curious talaga siya sa itsura. Sinuot niya ito at humarap sa salamin na nasa gilid ng display case.

 

 

Damn.

 

 

Ang lakas makapogi nung blue light strips sa kanya.

 

Medyo…offensive ata sabihin na pogi siya kung kelan napapalibutan ng helmet ang ulo niya pero nagsasabi lang siya ng totoo.

 

 

Damn.

 

 

Lumingon siya kay Joohyun para hingin ang opinyon nito pero nagulat siya sa nakita.

 

Suot na rin ni Joohyun ang helmet.

 

Honestly, yung matte black helmet na may purple visor, iba na talaga yung dating eh. Pero ito? Black helmet with pink light strips for Joohyun? Parang ibang level pa ito.

 

Bahagya siyang itinulak ni Joohyun para makita rin nito ang sarili sa salamin. Parang nagustuhan niya naman ang itsura kasi gumalaw ang helmet, parang nagnonod ang may suot.

 

Pagkatapos ay hinubad na niya ito na sinundan naman din ni Seungwan.

 

“Do you like it?”

 

“Joohyun…”

 

Umiliing iling ito. “Yes or no lang.”

 

Mabait siyang tao. Hindi siya marunong magsinungaling kaya sinabi na niya. “Yes.” Bulong niya.

 

“Sakto ba yung fit? Hindi naman maluwag or masikip?”

 

“Hindi naman. It’s just right.”

 

Ngumiti sa kanya si Joohyun. “Okay then.” Kinuha nito ang helmet at inabot pareho kay kuya store assistant. “We’ll get these po.”

 

“Great choice ma’am! Tara po sa counter.” At naglakad na ito papunta sa cashier.

 

 

Dito nagsimula ang stages of grief ni Seungwan para sa kanyang wallet. Masakit sa mata yung presyo. Sobra.

 

 

 

Stage 1 – Denial

 

“Joohyun hindi natin to kailangan gawin. May mga helmet naman tayo sa labas!” Tinutukoy nito ang mga suot nila kanina na ipinatong muna nila sa handle bars ng Harley.

 

“Hindi nga. Sino ba may sabing kailangan to gawin?”

 

“Eh bakit pa natin bibilhin? Di pala kailangan?”

 

“Kasi gusto mo diba?” Medyo clueless si Joohyun bakit nila to pinagtatalunan.

 

 

Napahinga nang malalim si Seungwan.

 

 

 

Stage 2 – Anger

 

“Hindi ko to gusto!” Gusto bigla sumabog ni Seungwan pero nasa harap pa nila si kuyang store assistant kaya sinusubukan niyang pawalain ang galit.

 

“Kahit? Grabe ka makatitig kanina? Kala ko nga maluluha ka pa eh.”

 

“Kahit? Ikaw dyan yung laging mukhang naluluha?”

 

Kumunot ang noo ni Joohyun. Agad namang narealize ni Seungwan na below the belt yung banat niya.

 

“I’m sorry. That was uncalled for.”

 

 

Napahinga nang malalim si Seungwan.

 

 

 

 

Stage 3 – Bargaining

 

“Joohyun…”

 

“Ano? Maganda naman yung set. Gusto ko rin to.”

 

“Joohyun ang mahal! May helmets ka naman sa labas.”

 

“Don’t worry. I’ll pay for it. Luma na rin yung mga gamit natin kanina. It’s time I buy new ones.”

 

“No! Hati tayo! Bayaran ko pagkauwi natin.”

 

Nakarating na sila sa counter.

 

“No, Seungwan.” Inabot nito ang black credit card sa cashier. “Ako na to. Gift ko sayo kasi nandun ka nung nag breakdown ako tsaka ikaw nakakausap ko pag di ako makatulog.”

 

“Hindi ko na—”

 

“Seungwan De Guzman. I’m using the ‘broken hearted card’. Wag ka na makipag argue dyan. Accept this na. Please? For me?”

 

 

Napahinga nang malalim si Seungwan.

 

 

 

Stage 4 - Acceptance

 

“Ugh. You’re a little monster ngang tunay.” Di makapaniwalang sabi niya.

 

Natawa lang si Joohyun sa kanya. “Itatak mo sa utak mo tong gabi na to Seungwan. I never lose.” Pilyang sabi ni Joohyun bago kunin ulit ang credit card at ang dalawang helmet.

 

 

 

Naglakad na sila palabas ng store. Napakaraming pinagdaanan ni Seungwan pero hindi niya maiwasang mapangiti sa helmet na hawak. Feeling niya nagkaron siya ng bagong laruan.

 

Bago sila sumakay ng Harley ay nang-asar pa si Joohyun. “Ayaw pa raw pero kung makangiti naman.”

 

 

 

------------------------

 

Saktong pagdating nila sa bahay ay nagsasarado na rin si tatay Mak. 4 am na pala.

 

“Oh akala ko mamaya pa kayo uuwi. Saan ba kayo nagpunta?”

 

“Nag-ikot ikot lang dad.” Paliwanag ni Joohyun.

 

“Tay Mak tignan niyo to oh!” Lumapit siya dito at pinindot ang switch ng helmet na hawak. Umilaw ulit ang blue strips.

 

“Nakow! Ang ganda niyan ah!” Tuwang tuwang tinignan nito ang mga helmet na may blue at pink light strips. “Di hamak na mas maganda yan kesa sa mga regalong helmet sayo ni—”

 

“Dad!”

 

Nagtaas ito ng mga kamay para iparating na tatahimik na siya. “Okay okay fine, I won’t mention his name. Pero ang ganda talaga nitong mga binili niyo.”

 

 

Medyo naiintindihan na ni Seungwan. May reason din pala talaga si Joohyun para bumili ng bagong helmets. Mukhang mas may malalim na dahilan kung bakit ginamitan nanaman siya ng ‘broken hearted card’ ni Joohyun kanina.

 

Nang makapasok sila sa bahay, nagpaalam na si tatay Mak at nauna itong umakyat.

 

“Thanks Joohyun. I really like this.”

 

“It’s nothing. Ako talaga dapat yung mag thank you. Salamat, Seungwan.” Ngumiti ito at tumitig sa mga mata niya. Parang hinahanap kung nagets nga ni Seungwan ang simbolo ng bagong mga helmet.

 

Tumango naman si Seungwan. “Congrats. One step at a time.”

 

“Okay. Goodnight?”

 

“Wait lang. Gusto mo ba muna bumaba? Tingin ko nasa basement pa sila.”

 

“Pero diba hindi ako umiinom?”

 

“Hindi naman kailangan. Tara na.” Nagsimula na siyang maglakad papunta sa basement. “Miss ka na rin ng mga kapatid mo.” Mahina niyang dagdag.

 

Isang beses kasi nakwento nina Joy at Yeri na kaya nila madalas guluhin ang apat na magkakaibigan ay dahil hindi pa nila mapagtripan ang ate nila. Siya raw talaga target ng pranks dati kaso ngayon nahihirapan yung dalawa kasi nga malungkot siya.

 

Mukhang naconvince naman si Joohyun at sumunod na ito sa hagdan.

 

Pagkababang pagkababa pa lang nila, nakita na agad nila ang kaguluhan.

 

 

“Humanda ka sakin Seulgi Manzano!!!!” malakas na sigaw ni Moonbyul.

 

“Hindi ko sinasadya! Sabi sa instructions ganun yun eh!!!” balik ni Seulgi na nagkakandarapa tumakbo sa living room nila.

 

“Moonbyul! Wag mo sasaktan ang bebe ko!!!” sabi ni Joy na pilit hinahabol si Moonbyul.

 

Bale nagtatatakbo yung tatlo sa buong paligid habang si Yeri naman ay nakabulagta sa sahig. Tawa lang nang tawa sa nangyayari, halatang sabog na.

 

Si Yves naman nasa may couch, pinapanood lang ang nangyayari at paminsan minsang nakikisali, “Habulin mo! Ge! Habulin mo!!”

 

 

Nagkatinginan sina Joohyun at Seungwan. Gustuhin man nila malaman kung anong nangyayari, parang wala silang mapagtatanungan.

 

“Hmm wow. So ganto pala kayo madalas dito? Buti lagi akong wala no?”

 

Natawa naman siya. “Hindi ganito kalala madalas pero…yeah more or less.”

 

Bigla naman siyang hinablot ni Seulgi. “Seungwan my savior! Bakit ang tagal ng yosi break mo?! Mamamatay na ko dito!”

 

Inis na inis siya kasi ginawa siyang human shield ni Seulgi. Hawak nito ang braso niya at ipinangtatakip habang nakatago ito sa likod niya.

 

“Bitawan mo nga ko! Moonbyul ano ba trip niyo??”

 

“Gago yang best friend mo! Nag presinta mag mix ng melona soju. Alam mo ginawa? Nilagay sa blender lahat. Lahat! LAHAT SEUNGWAN! PATI YUNG WOODEN STICK! NASAMID TULOY AKO!”

 

Di maiwasang matawa ni Seungwan. Mayroon talaga kasing tendency maging chaotic si Drunken Seulgi. Lightweight pa naman to. For sure yung shots pa lang nila ng Cuervo kanina, nawala na to sa katinuan.

 

Eh ilang oras ba siya nawala? Ilan at ano pa kaya ang nainom ng mga kaibigan? Malamang sa malamang wala na sa huwisyo ang best friend nang iblender nito lahat lahat kanina.

 

Hinawakan niya ang mga kamay ni Seulgi para hindi ito makatakas.

 

“Joohyun! Hawakan mo balikat!”

 

Kahit nagulat at medyo nataranta, sinunod naman siya ni Joohyun.

 

“Oh Moonbyul di na makakapalag to! Sugurin mo na!”

 

Sabay na napasigaw sina Seulgi at Joy.

 

 

 

“Seungwan you betrayer!!!”

 

“Noooo yung bebe kooooo!!!”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?