Chapter 2: OPM Pa Rin Mga Olol

Tulog Ka Na Muna

2 am hits.

 

Pagod si Seungwan sa trabaho pero nandito nanaman siya sa tindahan ni tatay Mak.

 

Hindi niya makakuwentuhan ang matanda kasi busy ito sa panonood ng vlogs. Ayos lang. May sariling trip naman si Seungwan.

 

Kanina pa niya sinusubukan yung yosi trick na dapat pag binuga mo yung usok, pabilog itong lalabas sa bibig mo. Nagawa niya na to dati sa vape eh. Di niya sigurado bat ang hirap sa yosi. Siguro medyo mahangin din kasi sa paligid kaya nagugulo ang trick niya.

 

Malapit na maubos ang stick at ang pasensya niya nang biglang dumating si Joohyun sakay ng Harley.

 

Hindi pa ulit sila nag-uusap simula nung Oplan: Joohyun Laban!. Iniisip ni Seungwan baka nahihiya sa kanya si Joohyun. Wala nga naman silang interaction bago yun kaya naiintindihan niya naman na parang medyo umiiwas ito.

 

Pero hindi siya sigurado. Bihira lang naman kasi sila magkita. Sa mga nakalipas na araw, nagtatama lang ang mga landas nila tuwing nakatambay si Seungwan sa tindahan. Madalas madaling araw na umuuwi si Joohyun tapos diretso park ng motor. Pagkatapos nun makikita ito ni Seungwan na nakasimangot na papasok sa bahay.

 

Sabi ni tatay Mak hayaan na lang daw muna. Binalita niya rin na nag leave muna ito sa trabaho sa family restaurant nila. Kailangan daw muna sigurong mapag-isa.

 

Naiintindihan naman yun ni Seungwan tsaka wala rin talaga siyang balak makipag-usap kasi wala naman siyang sasabihin. Kaya ayun, tuwing madaling araw, ang tanging meron lang si Seungwan ay ang imahe ng biker na si Jooyun.

 

 

Black combat boots na lagpas ankles.

 

Black skinny jeans.

 

Loose white v-neck shirt.

 

Black leather jacket.

 

Matte black helmet na may reflective purple visor.

 

 

Ang angas pong tunay. Mukha itong model sa totoo lang. Medyo kinulang nga lang sa height pero sino ba naman si Seungwan para manghusga? Pareho lang naman sila.

 

 

Tinapon na ni Seungwan ang naubos niyang stick ng Marlboro Black at lumagok ng Smirnoff. Kakasimula pa lang niya sa pangalawang bote.

 

Nakita niya si Joohyun na naglalakad na papunta sa direksyon ng bahay pagkatapos ipark ang motor. Pero imbis na dumiretso ay bigla itong lumiko papunta sa tindahan.

 

Nang makalapit sa bench sa labas ng tindahan, nagsalita ito. “Hi.”

 

“Hello.” Sagot niya. Kung nangyari to sa ibang subdivision, doon sa dati nilang tinitirhan, baka natakot si Seungwan. Halos naka all black kasi tas ang dark ng aura. Ang seryoso pa ng tono makipag-usap. Parang sasaktan siya amp.

 

“Sorry.” Panimula nito. “Yung sa…ano…yung…”

 

Napangiti si Seungwan sa itsura nito. Hindi naman kasi maipinta. Mukhang hiyang hiya at hindi masabi ng buo ang nasa isip. Hindi na niya ito pinahirapan, “Ayos lang yon. Goods tayo.” Tumango siya bago uminom ulit ng beer.

 

“…Okay. Bye.” Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng leather jacket bago tuluyang umalis.

 

Napatingin siya kay tatay Mak sa loob. Nakatutok pa rin ito sa Ipad niya. Hindi siguro napansing nag-usap sila ni Joohyun.

 

Ipinagkibit balikat na lang ni Seungwan ang nangyari. Tahimik na lang niyang ninamnam ang Smirnoff. Blanko lang ang isip, tulad ng nangyayari gabi-gabi. Hindi niya talaga alam bakit di siya makatulog eh wala namang nangyayari.

 

 

Makalipas ang sampung minuto, may naramdaman si Seungwan na nakatayo sa likod niya.

 

Ayaw niya pa sana tumingin kasi sa totoo lang takot siya talaga sa multo pero may umubo kasi. Umuubo ba yung mga multo? Di naman siguro? Di na ata sila nagkakasakit pag kaluluwa na lang sila diba?

 

Dahan dahang lumingon si Seungwan at nang magtama ang mga mata nila…

 

 

Si Joohyun pa yung nagulat.

 

“!” napahawak ito sa dibdib.

 

“…Anong ginagawa mo dyan sa likod ko?”

 

“Hi.” Tipid na sagot nito.

 

“Hello. Ulit. Sandali imagination ko lang ba yung kanina? Diba nagpunta ka na dito? Naghahallucinate ba ko? Déjà vu?” hindi niya maiwasan ang mga tanong.

 

Naglakad na si Joohyun papunta sa harapan niya. “Hindi. Nag-usap na tayo kanina.”

 

Naguguluhan pa rin si Seungwan. “Umm…okay? Gusto mo bang umupo?” turo niya sa space sa tabi niya.

 

“Okay lang?” nag-aalangang tanong nito.

 

“Oo. Kesa naman yung kanina na nakatayo ka sa likod ko o kaya ngayong nandyan ka naman sa harap ko.” Natatawang sabi niya.

 

Umupo naman ito. “Sorry if I’m being weird.” Tahimik na sabi ni Joohyun.

 

Ngumiti lang si Seungwan at uminom ulit.

 

“Sabi ni dad madalas ka raw dito pag madaling araw.” Kwento nito.

 

Medyo nagulat si Seungwan. Ang buong pagkakaalam niya eh wala masyadong kinakausap si Joohyun. Napatingin tuloy siya sa katabi, “Paano mo nalaman? Balita ko walang nakakarinig ng boses mo these days ah?” pabiro niyang sabi.

 

Bahagya namang napangiti si Joohyun. “Nagkukwento naman yan si dad kahit hindi ako sumasagot. Daldal kaya niyan pag hindi siya nakatutok sa Ipad niya.”

 

“Hahaha oo nga. Daming kwento niyan nung unang linggo ko dito. Ngayon sanay na ata, di na ko pinapakialaman.”

 

Medyo lumakas yung hangin kaya isinara ni Joohyun ang leather jacket niya.

 

“Lamig yan?” pang-aasar niya.

 

“Oo haha. Ikaw ba okay ka lang?”

 

“I’m good. Lakas magpainit ng alak.” Tinaas niya ang bote para ipakita ito sa kausap.

 

“Bakit pala madalas kang uminom dito? Sinasamahan mo lang ba si dad?”

 

“Tignan mo nga yung tatay mo.” Turo nito kay tatay Mak na nasa loob ng tindahan. “Mukha bang kailangan ng kasama niyan?” natatawa niyang sabi.

 

Kung papanoorin mo kasi si tatay Mak, napakarami nitong facial expressions habang nanonood ng kung anong vlog. Enjoy na enjoy siyang tunay.

 

“Hindi lang talaga ko makatulog kaya eto. Nagpapalipas ng oras dito sa labas.”

 

Tumango tango lang si Joohyun. Pinaglalaruan nito ang zipper ng jacket. Medyo parang hindi mapakali.

 

 

Pagkatapos lumagok ulit ng alak, sabi ni Seungwan, “Kung may gusto ka sabihin or itanong, sige lang. Kesa naman masira mo yung zipper mo dyan hahaha.”

 

Nahiya naman si Joohyun at napahagod ng buhok. Biglang sabi nito, “Iniwan ka rin ba? Kaya hindi ka makatulog?”

 

Sa lakas ng tawa ni Seungwan, napatingin na tuloy sa kanila si tatay Mak.

 

“Joohyun, anak. Nandyan ka pala. May gusto ka bang maiinom o pagkain o candy? Ano?”

 

“Wala po dad. Usap lang kami ni Seungwan, nood na ulit kayo.”

 

Marunong naman makaramdam ng context clues si tatay Mak. Sinuot ulit nito ang earpods at pinagpatuloy ang panonood.

 

Nakangiting sumagot si Seungwan, “Ayos ah. Walang patumpik tumpik, diretso tanong agad.”

 

“Sorry, insensitive ba yun?” napakagat ng labi si Joohyun sa pag-aalala.

 

Nakangiti pa ring nagpaliwanag si Seungwan. “Stop apologizing, chill lang tayo. Hindi ako makatulog kasi hindi ako makatulog. Walang rason…or at least hindi ko alam? And to answer your other question, yes naiwan na rin ako.”

 

Tumango tango si Joohyun. “Anong nangyari? Kung okay lang malaman ko.”

 

“Okay lang.” ngumiti ulit si Seungwan. “Matagal naman na yun.”

 

Uminom muna ulit siya bago nagkwento, “Mga isang taon din inabot namin. We were happy kaso ayun it didn’t work out.”

 

Kumunot ang noo ni Joohyun. “Ganun na lang yun?”

 

“Oo. Sinubukan naman namin nang sinubukan kaso wala talaga eh.”

 

“Bakit yun possible? Diba if you tried hard enough, lahat naman pwede mangyari?” medyo galit na yung tono ni Joohyun.

 

“Hep hep teka lang. Di ako yung ex mo, wag ka sakin magalit.” Nang-aasar na sabi niya.

 

Huminga nang malalim si Joohyun at mahinang nagsalita. “I’m sorry.”

 

Tinuloy na lang ni Seungwan ang kwento. “Masaya naman talaga kami together kaso dumating yung time na nawawala na talaga yung spark? Madalas na kami mag-away tapos yung mga dating gusto ko sa kanya tulad ng sound nung tawa niya, naging sobrang hate ko na at that point. But still, we tried.”

 

Uminom ulit si Seungwan. Lapit na niya maubos tong bote na to. Kailangan niya ata bagalan.

 

“Tapos isang araw, siya yung nagising na brave enough. Yung brave enough para i-call out kami pareho sa bull naming ‘we’re trying’ mentality. Oras na para mag give up at siya yung nauna sa realization na yun kaya siya nakipagbreak. For a few months masama loob ko kasi iniwan niya ko but eventually, I realized na tama lang yung ginawa niya.”

 

Narinig ni Seungwan na suminghot ang katabi niya. Mukhang iiyak nanaman. Wala siyang baon na tissue o kahit panyo man lang this time. Sana mapansin ni tatay Mak ang nangyayari para makapag-abot ito ng tissue roll.

 

 

Ilang sandali pa ang lumipas at napigilan naman ni Joohyun ang tuluyang pagbuhos ng luha.

 

“Hindi ganyan yung samin.”

 

“Yeah? Ano palang nangyari?” mahina niyang tanong bago uminom ulit.

 

“May iba na raw siyang gusto.” Mapait ang ngiti ni Joohyun. “5 years tapos biglang may iba na siyang gusto? Paano nangyari yun?”

 

Hindi alam ni Seungwan ang isasagot. Nagulat na lang siya at hinablot ni Joohyun ang hawak niyang bote ng alak.

 

Diniretso nito sa bibig ang bote…

 

 

 

Pero wala na kasi yun laman. Naubos na ni Seungwan.

 

 

Hindi niya napigilang matawa sa itsura ng broken hearted na kasama.

 

Hawak nito ang bote sa bibig, nakataas para bumagsak sana ang likido tapos pikit na pikit ang mga mata.

 

“Hahahaha kanina ko pa yan naubos miss Joohyun Montemayor.” Kinuha na niya ang bote. “Tsaka sabi ng mga kapatid mo hindi ka raw nainom?”

 

Dahan dahang dumilat si Joohyun. Medyo namumula ang mga pisngi nito kaya natawa nanaman si Seungwan. “Hindi nga. Nadala lang ng emosyon tsaka ganun ginagawa ng mga kakilala kong nakipagbreak eh.” Nahihiyang paliwanag nito.

 

“Siguro sa iba? Haha. Hindi naman required to. Baka sumakit lang ulo mo.” Sabi ni Seungwan.

 

Tumayo si Seungwan para ibalik kay tatay Mak ang bote.

 

Bigla namang nagsalita si Joohyun. “Kwento ka pa.”

 

“Sure pero sagot mo next bot ko?” ngitian niya ito.

 

“Fine.” Tumayo rin ito para lumapit sa bintana ng tindahan.

 

“Dad, isa pa raw si Seungwan. I’ll pay later na lang nasa room na yung wallet ko.” Sabi nito tapos umupo na ulit sa bench.

 

 

“Aba naisahan mo ko dun Seungwan De Guzman. Hindi naman nagbabayad yang anak ko.”

 

“Hahaha labas ako dyan tay, siya kausapin niyo.” At sa mahinang boses, sabi niya, “Pwede ho pahingi na rin tissue? Bigla biglang naiyak anak niyo eh.”

 

Inabot ni tatay Mak ang nakabukas na bote ng Smirnoff at isang rolyo ng tissue. “Libre na yan. Tinutulungan mo naman ang panganay ko.” Tinapik pa nito ang kamay niya bago bumalik sa pwesto sa loob ng tindahan.

 

“Okay game. Anong kwento ba gusto mo?” Umupo siya at nilapag ang tissue sa pagitan nila. Hindi na niya sasabihin kung para saan. Sigurado namang alam ni Joohyun na para sa kanya yun. “Tungkol ba ulit sa mga ex?”

 

Napanguso si Joohyun. “Ayoko na. Ibang topic naman.”

 

Tumayo ulit si Seungwan para ibahin ang pagkakaupo. Yung bench kasi na inuupan nila, diretsong bangko lang talaga tapos walang sandalan. Pareho sila ng upo ni Joohyun kanina, yung usual na nasa isang side lang ng bangko ang mga paa.

 

Pero ngayon para mas makafocus, ipinagitan ni Seungwan sa dalawang mga binti ang bangko. Bale nakaharap na siya kay Joohyun. Ang dalawang paa ay nasa magkabilang side ng bangko.

 

Hindi naman nagbago ng pwesto si Joohyun. Siguro okay na rin yun kasi di pa naman sila gaanong close. Baka ang weird pala kung pareho silang magkaharap na nakabukaka tas magtatama pa ang mga tuhod nila.

 

“Okay ganito na lang. Question Game tayo tapos we’ll go from there?”

 

Tumingin sa kanya si Joohyun. “Ano yung Question Game?”

 

“Magtatanong ako ng kahit ano tapos sasagot tayo pareho. Then ikaw naman magtatanong tapos sasagot ulit tayo.” Pagpapaliwanag ni Seungwan bago uminom ng alak.

 

“Yun ba tawag dun? Hindi ba 21 Questions?”

 

“Same rules lang. Ayoko tawaging 21 Questions kasi may limit. Mas fun kung tuloy tuloy lang tayo diba? Tsaka nakakalito kaya magbilang pag napaganda na yung usapan.”

 

Napangiti naman si Joohyun. “Okay. Una ka na.”

 

Medyo natagalan mag-isip si Seungwan. “Hmm…nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?”

 

“The ?!”

 

“Hahaha! Sagot!”

 

“Syempre hindi!” diring diring sagot nito.

 

“Ako rin hindi.” Nakangiting sabi ni Seungwan. “Oh turn mo na.”

 

“Umm…masaya ka ba?”

 

Humawak sa dibdib si Seungwan. “Grabe yoooon. In-easyhan ko na nga yung akin para warm up tayo eh.”

 

Inirapan siya ni Joohyun. “Sumagot ka na lang.”

 

“Hmm right now? In this moment? Oo. Natatawa ko sayo eh.” Nakangiting sabi niya. “Oh ikaw ba?”

 

“Sabihin ko sana hindi kaso nakakahiya naman sayo? Saya ka eh.” Nang-aasar na sabi nito.

 

“Wooow nice. Marunong din pala mang trip.” Balik ni Seungwan. “Ako na ulit. Saan aabot ang bente pesos mo?”

 

Mukhang napaisip naman si Joohyun. “Ewan ko. Di ko naman mapangbabayad ng gas yan ng motor ko.”

 

Natatawa talaga si Seungwan kausap to. “Sino ba nagsabing gas money yun? Pwede mo naman iwan motor mo.”

 

“Ayoko nga. Dala ko yun kahit saan.” Defensive na sabi nito.

 

“Hoy! Sabi ko lang pwede. Makareact to akala mo inagaw sa kanya eh.”

 

“Basta love ko yun.”

 

“Jusko po. Okay, I won’t mess with your Harley na. Wait ano palang model nun? Kita ko lang yung brand eh.” Interested na tanong ni Seungwan.

 

“Fat Boy 114.” Masayang sagot nito.

 

Kinuha ni Seungwan ang cell phone para isearch ang motor. “Nice. Ganda. Pwede palang ibang kulay? Bakit all black sayo? Favorite color mo ba?”

 

“Maganda rin naman yung iba pero mas malakas dating nung all black sakin. Di ko naman favorite, purple talaga gusto ko. Parang nagkataon lang.”

 

“Ahh okay. Tuwing nakikita kasi kita nakablack ka mostly.”

 

“Nagluluksa ako.”

 

Medyo parang walang emosyon yung pagkakasabi nun ni Joohyun kaya natawa lang ulit si Seungwan. “Haha okay okay. Balik tayo sa game. Siguro yung bente pesos ko…ewan ko rin pala. Nagmahal na ata cornetto di ko sure. Pero medyo malayo rin siguro mararating kung gagamitin ko sa jeep.”

 

“Parang nasestress ako sa mga tanong mo. Wala naman tayong napapala.”

 

“Di totoo yan! Nalaman ko model ng motor mo pati favorite color mo. Feeling ko mga 23% closer na tayo.”

 

Nagtaas ng kilay si Joohyun. “Two things lang yun, tapos 23% agad? FC ka?”

 

Napainom si Seungwan sa tanong. “Excuse me lang ha? Tig 1.5% lang yung two things na yun. Yung 20% kasi umiyak ka sakin magdamag.”

 

Napaiwas ng tingin si Joohyun. “Ano muna favorite color mo? Daya mo nag follow up question ka kanina.”

 

“Aba paano magkakakilala kung walang follow up. Strict naman nito.” Napailing siya. “Blue yung akin. Tanong ka na ulit.”

 

“Yun na yung tanong ko, yung color.”

 

“Aba ang daya? Ako nagtanong nun ah?”

 

“Hahaha oh sino ngayon strict satin sa rules?” nakangising sabi ni Joohyun.

 

“Alam mo ikaw…” Tinignan siya ng masama ni Seungwan.

 

“Sige na nga ako na.” sabi ni Joohyun. “Mahal mo o mahal ka?”

 

Napainom nanaman si Seungwan. “Dapat pala ako na lang nagtanong. Langya naman mga naiisip mo.”

 

“Ang dami mong reklamo lagi. Sumagot ka na lang.”

 

“Mahal ko. Mas gusto ko magmahal kahit mahirap.”

 

Napatingin si Joohyun sa sahig. “Sakin, yung mahal ako.”

 

“Bakit?”

 

“Ang sakit pala kasi maiwan. Mas gusto ko na lang pumili ng taong siguradong mahal ako kesa maulit to.”

 

Nilapit sa kanya ni Seungwan ang tissue na nasa gitna nila.

 

Napatingin naman si Joohyun. “Di na ko iiyak.”

 

“Ay wala naman akong sinabi.” Pagpapatay malisya niya.

 

“Ewan ko sayo. Magtanong ka na.”

 

Uminom muna ulit si Seungwan tapos nag-isip isip. “Therapist or…dolomite?”

 

 

Ang lawak ng ngiti ni Joohyun. “Subtle question ba yan para malaman political beliefs ko?”

 

“Ha? Di ah? Walang ganon.”

 

Natawa si Joohyun kasi hindi naman talaga tinatago ni Seungwan ang intensyon. “Wag ka mag-alala, therapist ang choice ko.”

 

Uminom ulit si Seungwan para itago ang ngiti sa mga labi. “Ako rin, ako rin. Therapist choice ko di hamak na mas mura yun tsaka may ambag sa buhay ko. Oks, next question!”

 

Saglit na nag-isip si Joohyun. “Kunwari 11:11 right now. Anong wish mo?”

 

Medyo tumamlay si Seungwan. “Makatulog.”

 

Malambot ang mga tingin ni Joohyun nang magtama ang kanilang mga mata. Parang gusto magtanong pero nahihiya ulit.

 

Nagpaliwanag na lang si Seungwan. “Di ko talaga alam promise. After graduation, hirap na ko lagi makatulog. Nag try na ko ng scented candles, meditation music, eye mask, tsaka kung ano ano pa. Wala talaga eh. At this point, tanggap ko na lang. Pero most days, gustong gusto ko talaga makatulog nang maaga kasi grabe yung pagod.”

 

“Salamat.” Mahinang sabi ni Joohyun.

 

Nagtaka naman si Seungwan. “Para saan?”

 

“Wala lang. Kasi sumagot ka nang maayos.”

 

“Aba aba aba! Kanina pa kaya maayos mga sagot ko!”

 

Natawa si Joohyun. “Okay fine, maayos ka sumagot. Yung mga tanong mo lang pala ang questionable.”

 

“Questions nga eh edi questionable.”

 

Napailing si Joohyun. “You know naman na that’s not how questions work right?”

 

Ngumiti lang si Seungwan at uminom ulit.

 

 

“Sige ito maayos ayos na tanong. Anong favorite mong music genre?”

 

“Wala talaga kong specific genre na gusto. Pero favorite ko si Sarah Geronimo.”

 

“Weh seryoso??” gulat na tanong ni Seungwan. Sobrang nanlaki ang mga mata nito.

 

“Oo bakit? May problema ka dun?”

 

“Gulat lang ako kasi…” tinuro ni Seungwan ang kabuuan ni Joohyun. “Ewan di ko lang inexpect na Popster ka pala.”

 

“Grabe ka kay Sarah G ha?”

 

“Hala hindi ako nang aaway. Ge akin yun. Sorry po.”

 

“Hahaha joke lang Seungwan. Ikaw ba may favorite kang genre?”

 

Napahawak sa baba si Seungwan at nag-isip. “Actually wala rin. Kahit favorite artist wala ako. Pero siguro yung pinakapaborito kong pakinggan sa Spotify, yung Kalye Hip-Hop Playlist.”

 

“Nako naalala ko na. Ikaw yung nag bring up ng Catriona nung una tayong mag meet diba?”

 

“Oo pero yung tao naman tinutukoy ko. Si Moonbyul lang talaga yung parang gago buti hindi nagalit nanay mo.”

 

“Mabait yun si Mom. Gusto niya nga kayo eh.” Nakangiting sabi nito.

 

“Ah ayun buti na nga lang. Pero ayos din talaga si Matthaios.” Kwento ni Seungwan.

 

“Ha? Sino naman si Matthaios?” nagtatakang tanong ni Joohyun.

 

“Edi yung kumanta ng Catriona! Solid songs nun pasok na pasok sa vibe ko eh.” Binuksan ni Seungwan ang cell phone para magpatugtog ng Matthaios songs.

 

Hindi talaga ganito yung tugtugan ni Joohyun pero natutuwa siya sa pagka enthusiastic ni Seungwan.

 

Lumipas lang ang oras sa pakikinig nila ng Kalye Hip-Hop songs ni Seungwan at Sarah G songs ni Joohyun.

 

 

Nang pumatak ang alas kwatro, kumilos na si tatay Mak para magsarado. Tumayo na rin naman si Joohyun na pagod na sa kakatawa sa mga usapan nila ni Seungwan. Ang dami kasing reaction nito sa mga kantang pinakinggan nila.

 

 

“Papasok na ko mga anak. Kayo ba?” tanong ni tatay Mak.

 

“Sabay na ko dad. Ikaw Seungwan?”

 

Nginitian lang ni Seungwan ang dalawa. “Maya na ko. Una na po kayo, goodnight!”

 

Naglakad na papasok ng bahay ang dalawa.

 

 

Buti na lang napatagal ang kwentuhan nila ni Joohyun, napabayaan tuloy ni Seungwan ang alak niya. Kaya ngayon may maiinom pa siya.

 

Makalipas ang ilang minuto ay parang may nakatayo nanaman sa likod niya.

 

This time, hindi na nag hesitate si Joohyun. Hinawakan niya ang balikat ni Seungwan kaya napatingin ito agad sa kanya.

 

“Salamat, Seungwan.”

 

Nagkibitbalikat si Seungwan. “Sus. Small thing. Small thing.”

 

Bahagyang natawa si Joohyun at nagpaalam na muli. “Goodnight.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?