Chapter 4: Parang, Pero, Kasi

Tulog Ka Na Muna

Tumikhim si Yeri at dumiretso sa pagkakaupo.

 

“Ipinatawag ko kayong lahat para isang mahalagang mensahe.”

 

Nagkatinginan ang lahat ng nasa table. Walang may alam kung seryoso ang sinabi ng bunsong Montemayor o may kalokohan nanaman ito.

 

Pagkatapos ng ilang segundo, naglakas loob si Seungwan. “Uhh…actually si nanay Cat tumawag samin?”

 

Itinaas ni Yeri ang dalawang kamay na para bang nagpepray over sa mga nasa table. “Hep! Shh! Silence! Silencio! Quiet!”

 

“Lah daming sinabi.” Bulong ni Moonbyul sa gilid.

 

Napailing na lang si nanay Cat sa nangyayari. “Hay bunso tumigil ka na nga. Ako na kakausap sa kanila.”

 

Ibinaba ni Joy ang baso ng tubig na kakatapos niya lang inuman. “Mom kasi iniispoil niyo masyado yung tyanak na yan.” Sabi nito sabay irap sa kapatid.

 

“Sa ganda kong to?! Tyanak?!”

 

Dito na sumingit si tatay Mak. Baka kasi magka gyera pa sa bahay nila. “Oh tigilan niyo na yang magkapatid at baka magalit pa nanay niyo.” Hinawakan nito ang kamay ng asawa para hindi na rin pagalitan ang dalawa.

 

“Si ate kasi parang tanga.” Pikon na sabi ni Yeri.

 

Akmang tatayo na si Joy sa kinauupuan. “Tinawag mo pa kong ate! Nakakahiya naman!”

 

Tatayo na rin sana si Yeri pero biglang umalingawngaw ang seryosong boses ni nanay Cat. “SEULGI MANZANO.”

 

At syempre bilang crush ng bayan, napatingin sa kanya ang dalawang nagbabangayang magkapatid.

 

Hindi naman maipinta ang mukha ni Seulgi. Parang nanginging pa nga. “Y-yes po?”

 

Tinignan ni nanay Cat ang magkapatid. “Umayos kayo ng pwesto. Mag iwan kayo ng space sa gitnang upuan. Dyan uupo si Seulgi.”

 

Habang ngiting tagumpay ang dalawa, parang nanlumo naman ang best friend ni Seungwan. “P-po? Bakit po a-ako uupo dun?” tanong nito habang dahan dahang naglalakad papunta sa pwestong tinititigan ni nanay Cat.

 

“Hahahaha kawawang bata. Shield ka, anak, para di magtusukan ng tinidor yang dalawa.” Enjoy na enjoy na sabi ni tatay Mak.

 

Seryoso pa rin ang mukha ni nanay Cat. Nagsimula lang umaliwalas ito nang makaupo na si Seulgi sa gitna ng magkapatid. Nakakatawa yung itsura mukhang hihimatayin na sa kaba.

 

Hindi tuloy maiwasan matawa ng mga magkakaibigan. Medyo inubo na nga si Seungwan kasi sinubukan pa sana niyang itago ang mga tawa. Matalim din kasi ang tingin sa kanila ni Seulgi.

 

“Anyway, now na that’s settled, pwede na ba natin simulan?” tanong ni nanay Cat sa tenants niya.

 


“Yes, ma’am. We’re ready na po.” Magalang na sagot ni Seungwan bago buksan ang mahiwagang TFU planner.

 

“As you know, 18 na si Yeri.” Panimula ni nanay Cat. Seryosong nakikinig lang naman ang TFU team.

 

“Pero hindi siya nag grand debut party. Ayaw niya raw so nag travel lang kaming family. But now…” napabuntong hininga ito. “Gusto niya raw mag debut. Next month. Sa 19th birthday niya.”

 

Nagtaas ng kamay si Yeri. “Correction! Yung tawag dun ay ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’.” Sabi nito nang walang hingahan.

 

“So basically…parang debut?” nag-aalangang tanong ni Yves.

 

“Oo pero gusto ko yung mahabang version. Ganun natin tatawagin, okay ba?”

 

Mabilis na sumagot si Moonbyul. “Hindi.”

 

“Bakit hindi?!”

 

“Kasi ang haba? Pareho lang naman!”

 

“Eh gusto ko!”

 

“Eh ayaw ko!”

 

 

*ting ting ting ting ting*

 

 

Tunog ng baso ni Seungwan na mahina niyang pinapalo ng kutsara. “TIME OUT!” saway niya sa bagong magkaaway na sina Yeri at Moonbyul. “Wag niyo na pag-awayan. Malinaw naman sating lahat yung meaning eh.”

 

Sasagot pa sana si Moonbyul pero inunahan niya na ito. “Tama na. Birthday niya so choice niya. Tsaka mahiya ka naman kina nanay at tatay.”

 

Nang mapatingin si Moonbyul sa mag-asawa ay napayuko ito at humingi ng tawad. Si Yeri naman nang-aasar pa yung mukha kasi nanalo siya sa argumento.

 

“Oh diba? What did I say? Spoiled!” singit ni Joy. Parang gustong gusto na nitong umalis sa dining table.

 

“Hindi naman sa ganon.” Pagpapaliwanag ni tatay Mak. May soft spot talaga ito para sa bunso. “Hindi niya kasi naexperience yung debut so gusto lang namin iparamdam. Tsaka ikaw ano bang gusto mong birthday celebration? Gawin din natin. Whatever you want anak.”

 

Kitang kita ng lahat ang pagliwanag ng mukha ni Joy. Kala mo sinabihan siyang siya ang star ng pasko sa sobrang saya. “Talaga dad? Mom? Promise??”

 

Nag ngitian ang mag-asawa. “Yes darling, whatever you want.” Maamong sabi ni nanay Cat.

 

 

Spoiled lahat ng tao sa bahay na to. Sure na si Seungwan. Kahit nga silang tenants lang dapat grabe na yung accommodation na ipinaramdam ng mag-asawa. Paano pa kaya sa mga anak nito?

 

 

Ahh pero hindi pala siya sigurado kay Joohyun. Sa maiksing pagkakakilala niya rito, parang hindi naman katulad nina Joy at Yeri ang attitude nito. Although wala pa naman experience si Seungwan sa version ng Joohyun na may gustong hingin. Siguro yung tungkol sa helmet? Kaso di naman siya nangulit nun, medyo bossy lang.

 

Well that makes sense. Sanay silang lahat na nakukuha ang gusto nila, sa iba’t ibang paraan nga lang. Tingin ni Seungwan mas naiintindihan na niya ang mga Montemayor ngayon.

 

“Okay!” Nilakasan niya ang boses niya para mabalik sa kanya ang atensyon ng lahat. “So going back po doon sa ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’…”

 

“Yown! Nakuha mo!” Tumayo si Yeri para maabot si Seungwan na nasa kabilang side ng table. Nanghihingi ng high five.

 

Pinagbigyan niya naman ito. Bunsong bunso talaga.

 

Magsisimula na sana ulit si Seungwan kaso biglang pumasok sa dining room si Joohyun mula sa kitchen kasunod ang ilan nilang helpers.

 

“Dinner time na po.” Sabi nito bago ilapag sa table ang mga niluto niya.

 

Di siya sigurado kung sa pagkain o sa nagluto ginanahan si Moonbyul pero bigla itong naging excited.

 

“Ate ganda! Mukhang masarap to ah?” Tinignan nito ang mga nakahaing mechado, menudo, afritada, at kaldereta. “Pero bakit di ka po naka chef’s uniform? Sayang inabangan ko pa naman.”

 

 

Ahh. Sa chef pala ganado. Hindi sa mga ulam.

 

 

Parang napako naman sa pagkakatayo si Joohyun. “Ano? Bakit ako magsusuot ng uniform sa bahay? Binabayaran mo ba ko ha?” Pagtataray nito.

 

“Hahaha ayan kasi. Sinabi ko na sayo kaninang naka-apron lang, di ka pa naniwala.” Natatawang sabi ni tatay Mak.

 

“Dad?! Bakit niyo pinapatulan yan si Moonbyul?”

 

“Ay hayaan mo na anak. Harmless naman yang batang yan.”

 

“Kahit na! Lagi kaya yan bumabanat!”

 

Nagkunwaring umubo si Moonbyul. “Ehem! Ehem! Nandito lang po ako.”

 

“Annoying mo kasi. Dapat lang marinig mo.” Sabi ni Joohyun bago ito umupo sa tabi ni Seungwan. “Kumain na nga tayo.”

 

 

Kahit sinabi yun ni Joohyun ay walang kumilos kahit sino. Yung pamilya Montemayor parang inaabangan ang magkakaibigan. Nagkatinginan tuloy ang apat.

 

“Pwede po magtanong?” Nahihiyang sabi ni Yves.

 

“What?” Direktang sabi ni Joohyun.

 

Napangiti si Seungwan. Binulungan niya ang katabi. “Sungit mo.”

 

“Nagtatanong lang.” Bulong nito pabalik.

 

 

“Ano yun anak? May problema ba?” tanong ni nanay Cat.

 

“Ah eh wala naman ho pero bakit…”

 

Tinulungan siya ni tatay Mak. “Bakit…?”

 

“Bakit…bakit ho orange lahat?” tanong ni Yves sa wakas.

 

 

Hati ang madla. Ang pamilya Montemayor, biglang tumawa. Ang tatlong magkakaibigan, lost na lost ang mga mukha.

 

 

Pero si Seungwan? Si Seungwan neutral lang. Kasi sa totoo lang gutom na talaga siya kanina pa. Kahit ano pang kulay ng niluto ni Joohyun eh wala na siyang pake. Gusto na lang sana niya kumain. Di na nga niya maisip na meeting to dapat para sa ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’.

 

Kung iisipin, maganda na rin sigurong nagtanong si Yves kasi ngayon hindi na nagsusungit ang chef nila.

 

Nakangiti na itong nagpaliwanag. “Favorite ni dad yung mechado, favorite ni mom yung menudo, favorite ni joy yung afritada, at favorite ni yeri yung kaldereta. Once a month talaga ganto kami mag dinner. Sorry di pala ako nag heads up. Ayaw niyo ba nyan?”

 

Si Seungwan De Guzman ay pinanganak na pala-aksyon kaya naman agad niyang inabot ang sandok at ang lalagyan ng kanin. “Ah hindi! Okay lang! Lahat naman kinakain namin.” Tuloy tuloy na sabi niya habang naglalagay ng kanin sa sariling plato. “Tara kain na tayo oh.” Nilagyan niya na rin ang plato ni Joohyun bago iabot sa iba ang lalagyan ng kanin.

 

Buti naman at sumunod ang lahat. Kanya kanyang kuha na sila ng kanin at kung ano mang orange na ulam na gusto nila ngayong gabi.

 

Saglit na napuno lang ng tunog ng mga kubyertos ang paligid. Lahat abala sa pagkain. Away away pa sila kanina nagkalimutan tuloy na dinner time nga pala tong meeting nila sa bahay ng mga Montemayor.

 

 

Nang mapawi ang gutom, dahan dahan na ang naging pagkain ni Seungwan. Naisipan na rin niyang magsalita ulit.

 

“Ikaw ba Joohyun, anong favorite mo? Bakit puro sa kanila lang to?”

 

Napalakas ata ang boses ni Seungwan kaya nakiepal ang mga kaibigan niya.

 

“Baka kanin.” Sagot ni Seulgi na punong puno ang bibig. Kung paanong naiintindihan pa ang sinabi niya eh hindi na rin sigurado si Seungwan.

 

“Sure ako orange juice yan.” Sabi ni Moonbyul.

 

Natawa naman ang lahat kahit si Joohyun. “Sige na nga bati na tayo kahit manyak ka.”

 

“Hoy ate ganda! Hindi ako manyak! Tsaka sandali, orange juice nga sagot?” Mixed emotions na sabi ni Moonbyul. Sa isang dako, nainsulto siya. Gusto niya lang naman makita yung uniform. Sa kabilang dako, proud siya sa sarili kasi mukhang tumama yung sinabi niya kahit joke lang sana.

 

“Syempre hindi.” Nakangiti pa ring sagot ni Joohyun. “Favorite ko magluto. Yun lang, walang ulam. Kaya ako na lang nagluluto ng favorites nila.”

 

“Awts sweet naman pala ni chef.” Pang-aasar ni Seungwan sa katabi. Tinawanan lang siya nito pabalik.

 

“What happened pala nung nagluluto ako? Napag-usapan niyo na kung anong gusto nito ni Yeri?” tinuro ni Joohyun ang kapatid gamit ang kutsara.

 

“Hindi pa. Alam mo naman tong mga kapatid mo at sinabayan pa ng mga anak anakan kong tenants.” Medyo stressed na sabi ni nanay Cat.

 

Medyo natawa si Joohyun. “Sabi na nga ba.”

 

 

Nagising naman sa katotohanan si Seungwan. Oo nga pala. Nandito sila para sa meeting, nandito sila as TFU. Hindi sila nandito bilang mga tenants na nakikidinner sa pamilya Montemayor.

 

“Pasensya na po nanay Cat. Actually pag gantong unang meeting pwede naman pong ako na muna kausapin niyo. Para lang masimulan natin and then tsaka papasok sa picture yung buong team para mag finalize ng details.”

 

“Ehhhhh! Ayoko! Gusto ko kasama si crush!” hinatak ni Yeri ang kamay ni Seulgi na nasa ere. Napigilan tuloy ang pagsubo nito ng kutsarang may pagkain at napakagat na lang sa hangin.

 

“Ah teka pwede kumain muna ko?” Napakatakaw rin talaga nitong best friend niya.

 

Bumitaw naman si Yeri at nagpatuloy sa pagkain si Seulgi. “Tama naman si Seungwan.” Sabi nito habang ngumunguya. “Alam niya yung mga kaya at hindi namin kayang gawin so kahit wala kami, mabubuo mo pa rin yung debut na gusto mo.”

 

Parang na-offend naman si Yeri. “Minus points ka dun crush!”

 

Napigilan nanaman ang pagsubo ni Seulgi. “Anong ginawa ko?”

 

“Hayaan mo yang tyanak bebe ko. Sakin plus points ka lang lagi.” Nagmamadaling pagsingit ni Joy.

 

Nag intervene na si Seungwan bago pa magkasagutan ulit ang magkapatid. “Seulgi kasi nga ang tawag ay ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’.”

 

Napansin ni Seulgi na bumalik na si Seungwan sa usapang TFU kaya hindi na ito pumalag. “Ah right. Yun nga pala sabi ng client. Sorry puno kasi bibig ko eh ang haba nung sentence.”

 

Tumingin si Seungwan sa mag-asawa. “So paano po? Si Yeri na lang po ba kausapin ko?”

 

Nakita niyang sumenyas si tatay Mak gamit ang mga mata nito. Parang sinusubukan siyang sabihan ng ‘hindi’.

 

Kumunot ang noo ni Seungwan na napansin naman ng lahat. Hindi niya maintindihan bakit di na lang sabihin ni tatay Mak.

 

“Hindi pwede.”

 

 

Ah. Kasi si nanay Cat ang batas.

 

 

“Hindi pwede kasi baka kung anu-ano ipagawa niyan ni Yeri. Gusto namin makapag celebrate siya kaso baka kung ano hingin sa inyo.” Pagpapatuloy ni nanay Cat.

 

“Okay po. So kayo po? Usap tayo after dinner?”

 

 

“Hindi pwede.”

 

Si Yeri naman ang nagsalita. Pero hindi siya ang batas.

 

 

“Bunso.” Warning ni tatay Mak.

 

Parang biglang sumeryoso ang mag-asawa.

 

“Joke lang mom, dad, tinry ko lang kung magwowork hehe.” Nag peace sign si Yeri sa lahat. “Pero hindi pwedeng kayo mag decide kasi oldies na kayo. No offense.”

 

“Okay edi ate mo na lang.”

 

“Ayaw!” sabay na sagot nina Joy at Yeri.

 

“Hindi ikaw. Si Joohyun ang tinutukoy ko.”

 

“Po? Busy ako.” Matipid na sagot ng panganay.

 

“Anak, di ka pa bumabalik sa trabaho tapos nandito ka lang naman sa bahay madalas. Anong busy sinasabi mo dyan? Kausapin mo si Yeri sa gusto niya tapos ikaw ang kumausap kay Seungwan, sa TFU.”

 

“Mom ano ako, mouthpiece niyan ni bunso? Kaya niya naman magsalita.”

 

“Yung job mo ay i-filter ang sasabihin ng mga kapatid mo. Tsaka mukhang masyadong mabait yang sina Seungwan baka mag give in sa lahat ng wishes ng kapatid mo.”

 

“Pero parang tatagal po yung process pag ganun. 1 month na lang birthday na niyan. Pwede namang sila na mag-usap.”

 

“Ah sorry po, ayoko sana manghimasok kaso tama po si Joohyun.” Nahihiyang sabi ni Seungwan.

 

“Okay. Fine. Compromise. Si Yeri ang kakausap pero gusto ko lagi kang kasama sa meetings Joohyun. This is final.”

 

 

Eh si nanay Cat nga ang batas.

 

 

“Yes po.” Mahinang sagot ni Joohyun.

 

“Lastly, hindi niyo na pwedeng pag-usapan to while inside this house. Hindi natin hawak ang oras ng TFU mga anak. Bigyan niyo rin sila ng boundaries. Talk about your birthday planning kapag nandun lang kayo sa TFU office. Understood?”

 

“Opo.” Sagot nina Joohyun at Yeri.

 

“Kayo rin mga anak.” Isa-isang tinignan ni nanay Cat ang apat na magkakaibigan. “This is still your home so hindi niyo kailangan magtrabaho dito. Kahit gaano pa kakulit sina Yeri. Okay?”

 

Masaya si Seungwan at mga kaibigan. Napag-usapan na nila to sa byahe pauwi kanina. Wala sa kanilang gustong mag mix ng personal at professional na buhay. Muntik na nga nila tanggihan ang dinner meeting na ipinakausap ni nanay Cat.

 

Pero syempre lahat naman ay tunay na may soft spot para kay Yeri. Buti na lang si nanay Cat na ang set ng boundaries para sa lahat.

 

Maluwag ang loob na sumang-ayon ang TFU team at nagpatuloy na sila sa pagkain. Naging laman na lang ng mga kwentuhan ay light topics na pwedeng pag-usapan ng lahat.

 

 

Napatingin si Seungwan sa katabi at napaisip.

 

 

Ano kayang mangyayari sa susunod na mga araw bago ang ‘parang debut pero hindi debut kasi hindi na debut pero parang debut’ na birthday celebration ni Yeri?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?