Chapter 1: Are You Ready For This?

Tulog Ka Na Muna

Araw ng paglilipat ngayon. Sa wakas, pagkatapos ng ilang buwan, makakatira na ulit ang magkakaibigang sina Seungwan, Seulgi, Moonbyul, at Yves sa isang tunay na tirahan.

 

Yung apat ay hindi lang magkakaibigan, business partners din sila sa TFU o ang ‘Tugstugs FOUR U’ – ang one-stop shop for all your party needs.

 

 

Birthdays? Easy.

 

Weddings? Sure!

 

Anniversaries? Go!

 

Walwalan? Tara!

 

 

Kahit anong celebration pa yan, TFU ang bahala sa inyo. Well…maliban na lang sa gender reveal parties kasi hindi nila kayang sikmurain ang heteronormative ‘celebration’ na ito.

 

Nagsimula ang idea ng pagbuo ng ganitong business noong nasa college pa lang silang apat. Ngayon, dalawang taon na ang TFU at nagsisimula na silang mapansin ng mga party people.

 

Paano ba naman kasi? Walang makakatapat sa charisma ng apat.

 

 

Si General Manager Yves Enriquez kayang ayusin lahat ng gusot. Kung may dissatisfied clients man, iharap lang si Yves at magbabago ang timpla ng mga ito. Magaling kasi makipag-usap tsaka may aura siya na parang ginugusto ng mga clients at guests na kaibiganin siya.

 

Si Photographer Moonbyul Padilla naman sobrang angas ng shots. Madalas din mag viral yung mga same day edits nito kaya ang taas ng engagements nila sa social media. Ang problema nga lang, mahirap ito kasama sa weddings. Buong duration kasi ng event eh parang agila na nangdadagit ng mga bridesmaids.

 

Si Set Designer Seulgi Manzano naman ay ang pinaka artistic na tao sa buong mundo. Hindi niya naman ikakaila, Pinterest Girl siyang tunay, pero nakakatulong yun para lumawak ang imagination niya tungkol sa current trends. Kahit ano pa ang personality ng client, bubbly o energetic, dark, feminine, masculine, androgynous, at iba pa, lahat yakang yaka ni Seulgi.

 

At syempre ang walang kapantay na si Events Coordinator Seungwan De Guzman. Yung people pleasing personality nito ang dahilan kung bakit successful lahat ng events nila. Hindi papayag si Seungwan na may clients silang malulungkot sa service ng TFU. Hindi rin siya papayag na ang employees nila ay hindi masaya sa trabaho nila kaya overall, inaalagaan ni Seungwan ang lahat.

 

Dati, nakatira talaga sila sa kanya kanyang mga bahay kaso medyo madugo kasi yung trabaho nung nagsimulang mapansin ang TFU several months ago. Ang ending tuloy ay halos sa office na sila nakatira.

 

Isang floor ang sakop ng TFU office sa isang commercial building. Mayroon itong conference room kung saan nagmemeeting ang team, receiving room kung saan nila kinakausap ang clients, dalawang comfort rooms, pantry, at dalawang rooms para sa apat na magkakaibigan. Magkasama sina Seungwan at Seulgi tapos Moonbyul at Yves.

 

Napagdesisyunan nila kung sinu-sino ang magkakasama sa pamamagitan ng draw lots. Lagi nilang ginagawa ito kapag hindi sila nagkakasundo sa mga plano. Parang yung pangalan ng TFU. Lahat sila may entry kung anong ipapangalan sa shop.

 

 

*Flashback*

 

“Suggestion ko, ‘Angat Ka Sa Apat’! sabi ni Seungwan na isang oras na nag-iisip ng rhyme sa salitang ‘apat’. Sinulat niya ito sa whiteboard nila.

 

Hindi makapaniwala si Seulgi sa narinig. “Ayoko. Ano tayo, government program? Ganun yung tunugan eh.”

 

Bahagyang natawa si Yves. Agree siya kay Seulgi kaya isiningit na niya yung suggestion niya, “Ako, ‘Foursquare’!”

 

Sinulat din ito ni Seungwan bago nagtanong, “Saan mo naman nakuha yun?”

 

“Sinearch ko lang. May meaning daw yun, sandali…” hinugot nito ang cell phone mula sa bulsa, “Umm…ano raw parang firm and resolute!”

 

“Hmm pwede naman. Kaso parang ang seryoso?” sagot ni Seulgi na pinapaikot ang kinauupuang swiveling chair.

 

“Eto eto walang tatalo...” Sabi naman ni Moonbyul. “Nag-isip din ako ng rhyme…‘Panalo Ka Sa Kwatro’!”

 

Tumigil si Seulgi sa pag-ikot, “Ang pangit! Para naman tayong pangkabuhayan showcase!”

 

Masama ang loob ni Moonbyul. “Paano naging pangkabuhayan showcase yun??”

 

“Basta! Parang pangalan ng prize sa isang noon time show!” pagmamatigas ni Seulgi.

 

“Naisip mo lang yun kasi mahilig ka manood ng TV! Lahat na lang ayaw!” sagot ni Moonbyul.

 

Sumasakit ang ulo ni Seungwan. Pangalan pa lang di na sila magkasundo jusko po. Kahit ganun, sinulat niya pa rin naman sa whiteboard ang lahat.

 

“Tumahimik nga kayo. Ano ba Seulgi may suggestion ka pa ba o magrereklamo ka lang talaga?”

 

“Sakin yung pinakamalupit.” excited na sabi nito. “TFU: Tugstugs FOUR U!” sumenyas pa ito ng four sa mga daliri niya at itinuro ang mga kaibigan sa ‘u’. Inagaw niya kay Seungwan ang pentel pen at siya na ang nagsulat just in case hindi nagets ng mga kaibigan ang spelling na gusto niya.

 

“Oh ano kayo ngayon? Walang makapalag ah?” pagmamayabang pa nito.

 

“Baka hindi tayo seryosohin.” Sagot ni Yves.

 

“Walang rhyme, gusto ko ng rhyme.” Reklamo ni Moonbyul.

 

Tumingin silang lahat kay Seungwan. Nag aabang kung dadagdag pa ito sa slight bardagulan. Napamasahe tuloy siya ng ulo, “Baka isipin sound system lang ino-offer natin.”

 

Napahalukipkip si Seulgi sa sinabi niya. Tama nga naman kasi. “Pero diba lalagyan pa nating ng tag line? Yung about sa party needs? Edi malalaman nilang marami tayong ginagawa.”

 

Saglit silang natahimik para mas mag-isip pa ng ibang ideas. Hindi rin nagtagal, nagsalita na si Seungwan.

 

“Oh paano? May suggestion pa kayo? Kung wala, dating gawi na lang?”

 

“Draw lots?” tanong ni Seulgi.

 

“Draw lots.” Sagot ni Seungwan.

 

 

Kumuha na ng papel si Moonbyul para masulatan ng suggestions nila. Hinati niya rin agad ito sa apat. Kinulong niya sa dalawang kamay ang mga nakatiklop na papel, inalog alog, tapos ibinagsak sa table.

 

“Kaninong turn na bumunot?” tanong ni Moonbyul.

 

Lumapit si Yves sa table, “Turn ko na.  Si Seungwan last time, yung tungkol sa kulay ng mga kurtina sa office.”

 

May sistema na rin sila sa bubunot. Nag draw lots sila dati kung paano ang pagkakasunod sunod nila para walang sisihan o kaya dayaan. Bale ang ikot ay Moonbyul -> Seulgi -> Seungwan -> Yves.

 

Pumikit muna si Yves at pinorma ang mga kamay na parang nagdadasal. “Foursquare, Foursquare, Foursquare.”

 

“Ano yan ritual? Wag mo bulungan yung mga papel hoy!” sabi ni Seungwan.

 

Pumili na ng papel si Yves at…

 

Ayun na nga. Panalo nga si Seulgi Manzano.

 

“YES! TFU LET’S GO!!!” pagcecelebrate nito.

 

Bakas sa mukha ng tatlo ang disappointment kasi hindi nabunot ang mga manok nila. Pero kung magiging honest sila? Nakahinga sila nang maluwag. Kay Seulgi talaga yung pinaka appealing sa mga suggestion. Nagkukunwari lang sila kasi ayaw nila amining magandang ang idea. Oo, petty kung petty ang labanan dito.

 

 

*End of Flashback*

 

 

Ngayong medyo off season ang parties, hindi na nila kailangan tumira sa office. Maluwag luwag na rin ang schedule eh. Pero yung isang natutunan nila dito ay mas efficient sila kapag magkakasama kaya napag-usapan nilang maghanap na lang ng apartment na malapit sa office kesa bumalik sa bahay ng mga pamilya nila.

 

Dito papasok si Yeri Montemayor na patay na patay kay Seulgi. Nagkakilala ang dalawa sa isang summer dance class kung saan naging instructor si Seulgi. Halos lahat ng students nagka crush sa kanya lalo na nung sinayaw niya ang choreo ng Bad Boy mula sa isang kpop band pero si Yeri ang nagwagi.

 

 

Kulang na lang makipagbigwasan siya sa mga naging kaklase nung hinabol niya si Seulgi na palabas noon ng studio. Worth it naman kasi nakuha niya ang number ng instructor na mukhang oso.

 

 

Simula noon ay madalas na kulitin ni Yeri si Seulgi tungkol sa kung ano anong mga bagay. Umabot tuloy sa punto na binigay na ni Seulgi ang personal number niya dito kesa naman pinapasabog ni Yeri ang notifs ng work phone niya.

 

 

Ito rin ang dahilan kung bakit nalaman ni Yeri na naghahanap ng apartment ang magkakaibigan. Sakto naman na yun din ang panahong sobrang nahuhumaling ang nanay niya sa k-drama na pinamagatang 'Age Of Youth'.

 

 

Dun sa drama, may tinatawag na 'sharehouse' na basically parang dorm/apartment lang din na may tenants. Tapos yung may-ari nakatira lang din sa bahay pero nasa ibang floor. Gustong gusto ng nanay niya yung idea kasi matagal na nitong gusto iparenovate ang basement nila pero di nila alam kung anong gagawin. Kaya ayun tuloy, ipinasok ni Yeri sa utak ng nanay niyang pwede na niya maachieve ang pinapangarap na sharehouse.

 

 

Sa totoo lang, hindi nila kailangan ng tenants o pagkakitaan ang sharehouse kasi mayaman ang pamilya nila. Yung tipo ng yaman na galing pa sa mga ninuno nila. Old money kumbaga. Yung bahay nga nila nasa loob ng Zimzalabim Subdivision— ang pinaka exclusive na subdivision sa buong bansa.

 

 

Kaya hindi na rin nakapagtataka na napakalaki ng lupa ng mga Montemayor at ang bahay na nakatayo rito. Hindi na rin nakakapagtaka na napakabilis naparenovate ang basement para magmukha itong fully furnished 1-story home na may 4 bedrooms. Kaninong idea? Syempre kay Yeri. Ibinida na kasi niya sa nanay na nakahanap na siya ng apat na tenants agad.

 

 

Ang maganda sa nanay niya, kapag may bago itong trip, hindi na ito mahilig magtanong. Di na niya inalam kung sino ang mga nahanap ni Yeri at kung bakit ang bilis. Ang tinanong niya lang ay kung ilang tao at kung anong gustong maging kulay ng bedroom wallpapers. Tapos ayan. Instant sharehouse na customized para kina Seulgi.

 

 

 

Kaya nga ngayong araw, abala sa paglilipat ang apat para makapag settle down na sila sa bagong tirahan. Malapit lang ang TFU office dito kaya pabor sa kanila tsaka sobrang mura ng renta. Kung kukwentahin, lugi ang nanay ni Yeri pero wala namang may pake. Ang importante, naisakatuparan nito ang bago niyang trip.

 

 

Mula sa office, bumyahe ang magkakaibigan gamit ang TFU van papunta sa Zimzalabim Subdivision. Pagkarating nila doon ay nakaabang na sa gate ang mga Montemayor.

 

“Welcome! Pasok kayo!” sabi ng nanay ni Yeri.

 

Ngiting ngiti naman ang apat. Para silang naka jackpot. Sobrang laki talaga nung bahay at nasa gate pa lang sila sa lagay na to ah.

 

“Good morning po! Ako po si Seungwan De Guzman!” Bati niya. “Maraming salamat po kami yung napili niyong tenants.”

 

Nasamid naman sa likod niya si Seulgi. “Langya parang PBB pala to.”

 

Mahina lang ang pagkakabulong noon pero siniko pa rin siya ni Seungwan. Napalapit tuloy siya sa pamilya at nagpakilala. “Morning po! Ako po si Seulgi Manzano, yung pinaka cute sa apat hehehe.”

 

“True.” Dagdag ni Yeri.

 

Hindi nagpahuli si Moonbyul nang marinig ang introduction na iyon. “Magandang araw po sa lahat! Ako po si Moonbyul Padilla, ang isinisikretong pinsan ni Daniel Padilla. Worried daw po kasi ang management baka maagaw ko si Kathryn.” Nag pout pa ang mokong.

 

Nang dahil sa hiya, itinulak ni Yves si Moonbyul papunta sa likod niya. “Hi po! Ako po si Yves Enriquez. Wag po sana kayo maniniwala kay Moonbyul. Kung may kailangan po kayo, ako na lang po kausapin niyo.”

 

Kita sa mga mata ng nanay ni Yeri na natutuwa ito sa mga tenants niya. “Good morning, mga anak. Tawagin niyo na lang akong nanay Catalina.”

 

“Wala po kayong nickname?” tanong ni Seulgi.

 

“Ma’am pwede pong nanay Cat? Parang nickname lang ni Catriona hehe.” Sabi ni Seungwan.

 

“AY!” nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Moonbyul.

 

 

Si tanga biglang nagsayaw.

 

 

“I love the way she makes me smile, she makes me smirk, YES SIR!”

 

Nagtatanong pa lang sila kung pwedeng bigyan ng nickname ang may-ari ng bahay tapos itong isa sinayawan na agad ng Catriona Dance Challenge? Ang kapal ng pagmumukha.

 

Dali dali namang inakbayan nina Seulgi at Yves si Moonbyul para hindi na nito tapusin ang dance routine.

 

“Sorry po! Sorry po talaga!” pagmamakaawa ni Seungwan. Maglilipat pa lang sana sila pero baka mapalayas na sila agad.

 

Pigil na pigil ang tawa ng bunsong si Yeri habang mga dalawang segundo pa ang lumipas bago may nakapagsalita sa ibang mga Montemayor.

 

“Hahahaha! Gusto ko iyan! Ano ngang pangalan mo ulit?” sabi ng tatay ni Yeri.

 

“Moonbyul Padilla po yung isinisik—” di na natapos yung usual intro nito kasi tinakpan na ni Seulgi ang bibig.

 

“Hahaha oo, Moonbyul. Ituro mo yan sakin ha? Sasayawan ko itong misis ko mamaya.”

 

“Dad!!!!!!” saway ng tatlo nitong mga anak. Pare parehong nandiri sa narinig.

 

Hindi sila pinansin ng tatay at lumapit na lang sa magkakaibigan para magpakilala. Inilahad nito ang isang palad at sinabing, “Tawagin niyo na lang akong tatay Mak!” nakangiting sabi nito.

 

Bumitaw naman ang magkakaibigan sa pagpigil kay Moonbyul para ibalik ang pagbati nito.

 

“Sige po tuturo ko mamaya sir!” sabi ni Moonbyul.

 

Natawa naman ito. “Tatay Mak na lang mga anak.”

 

“Nickname po yun? Ano naman po full name niyo?” tanong ni Seungwan. Si nanay Cat kasi nagpakilala sa buong pangalan, curious lang siya bat si tatay Mak diretso nickname agad.

 

“Hulaan niyo.” Mapaglarong sabi nito na bumalik na sa tabi ng asawang nakangiti lang din sa kanya.

 

“Macario po?” tanong ni Yves.

 

“Hindi.”

 

“McArthur po!” sigaw ni Seulgi.

 

Medyo natawa ang mga Montemayor. “Hindi rin.”

 

“Maki! Parang sushi?” hula ni Moonbyul.

 

“Aba aba aba. Mga tunog Espanyol, Amerikano, at Hapon? Di naman ako mananakop. Pinoy lang tayo rito!” pagbibiro nito.

 

Hindi talaga nakakatawa pero syempre makikitira lang naman sila dito kaya tumawa yung apat habang ang Montemayor kids ay gusto na lang magpakain sa lupa. Pilit na pilit naman kasi yung comparison.

 

“Ikaw ba Seungwan, may hula ka?” tanong ni tatay Mak.

 

“Baka po trick question! Mak lang talaga o kaya…Makmak?”

 

Tinignan siya nang nakakaloko ng mga kaibigan.

 

“Ano ba yan walang creativity!” sabi ni Seulgi.

 

“Eh kung tama ako? Edi niloko niyo pala pangalan ni tatay? Nako tay taasaan niyo nga renta ng mga to!” pangungulit ni Seungwan.

 

“Sus wala namang tumama sa inyo. Mak as in Makisig ang pangalan ko.” Proud na sabi nito.

 

“Woah parang si Super Inggo.” Mahinang sabi ni Moonbyul.

 

Napa facepalm ang magkakaibigan.

 

Buti na lang kaya makipagsabayan ni tatay. “Gusto talaga kitang bata ka.” Sabi nito kay Moonbyul. “Pero tapusin na natin tong introductions nang makakilos na kayo.”

 

Medyo umiinit na rin sa pwesto nila sa may gate kaya buti na lang minamadali na ni tatay.

 

Itinuro nito ang mga anak. “Bunso namin, si Yeri. Kilala niyo na yan kasi siya ang nag recommend sa inyo. Middle child naman namin, ito si Joy.”

 

“Hi! Hi Seulgi!” bati nito.

 

Napatingin lahat sa kanya. Ang magkakaibigan, curious. Si Yeri, parang gusto sumabog.

 

“Magkakilala kayo?!” tanong ni Yeri.

 

“Hindi.” Sabay na sagot nina Seulgi at Joy.

 

“Ngayon pa lang kami nag meet. Hi Seulgi, single ka?”

 

Mag aasaran na sana ang magkakaibigan kaso biglang sumingit si nanay Cat.

 

“Ay anak kayo ng tatay niyo! Wag niyo ngang ganyanin ang mga tenants ko. Bawal!” sabi nito sa mga anak bago tumingin sa magkakaibigan. “Bawal!” warning din nito sa kanila.

 

Napakamot na lang ng ulo si Seulgi. “Opo, noted with thanks po.”

 

Si nanay Cat pala pwede asaring pang Miss Universe tsaka sayawan ng Dance Challenge pero bawal landiin ang mga anak. Mukhang dito sila magkakatalo talo.

 

Napangiti si tatay Mak sa itsura ng magkakaibigan. Iniba na lang niya ang usapan, “Ito naman si Joohyun, panganay namin.” Turo nito sa isang babaeng kanina pa tahimik sa tabi ni nanay Cat.

 

Hindi ito nagsalita. Ngumiti lang ng matipid at tumalikod na. Naglakad ito papasok ng bahay.

 

“Pagpasensyahan niyo na si ate.” Sabi ni Joy. “Hindi naman yun masungit, mahiyain lang sa strangers. Tsaka hindi niya raw maintindihan bakit kailangan gawing sharehouse yung basement kaya ayan. Pero kapag kaclose niyo na, mabait yun. Sobrang ingay pa nga eh.”

 

Tumango tango lang ang apat.

 

“Pwede niyo muna ipark yung van dito sa harap ng gate para hindi kayo mahirapan magbaba ng mga gamit. Pagkatapos, yung lote dyan sa tapat.” Itinuro ni nanay Cat ang lote sa kabilang side ng kanto nila. Mukha itong warehouse. “Parking yan. Bigyan ko kayo ng susi mamaya para mabuksan yung gate. Pakiingatan na lang at nandyan din ang mga kotse namin. Wag na wag niyo rin gagalawin yung Harley ni Joohyun.”

 

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Woah there. Biker chick pala.

 

“Okay po nanay Cat. Itong van lang naman ang dala tsaka gagamitin namin. Pwede na ho ba kaming pumasok?” tanong ni Seungwan.

 

“Oo, tara na. Naghanda rin ako ng tanghalian para mamaya.”

 

Naglakad na sila papasok ng bahay. Sobrang thankful nila Seungwan. Pakiramdam nila mga bisita sila, hindi tenants. Sino ba kasing landlady yung ganto kaalaga na ipagluluto pa sila ng tanghalian?

 

Pag pasok sa malaking kahoy na pinto ng bahay, isang malawak na common room ang tumambad sa kanila.

 

“May living room din naman kayo sa basement pero pwede rin kayo mamalagi dito sa common room. Wala masyadong gumagamit dito kasi nasa second at third floor ang mga kwarto namin. Off limits kayo doon basta hanggang dito lang sa common room. May kitchen at dining room doon.” Itinuro ni nanay Cat ang isang hallway. “Pwede rin kayo doon although may kitchen at dining area kayong sarili sa basement.”

 

Tahimik na nakikinig lang ang magkakaibigan. Si tatay Mak, naupo sa malawak nilang sofa at nagbukas ng TV. Hindi na raw siya sasama sa tour. Ang naiwan na lang ay si nanay Cat tapos sina Joy at Yeri.

 

Sa likod ng main staircase, may isang pinto na daanan nila pababa ng basement. Base sa mga horror films na napanood ni Seungwan, nakakatakot dapat yung ganito pero maganda ang taste ng mga Montemayor kaya hindi creepy yung pakiramdam. Parang usual lang itong pinto at staircase tapos pagkababa mo mismo ay ang sala ng basement.

 

Manghang mangha ang makakaibigan kasi napakalawak talaga ng area tapos kumpleto pa sa lahat ng kakailanganin nila. Yun nga lang, hindi sila makakapag draw lots sa mga kwarto kasi si nanay Cat na ang nag decide nung nagpalagay ito ng wallpapers.

 

“Oh paano mga anak? Kayo na bahalang mag-ayos ha? Ipapabigay ko kay Yeri mamaya ang house keys niyo para hindi kayo mahirapan kumilos dito sa bahay. Yung room keys niyo naman nasa bedside table ng mga kama niyo.”

 

“Maraming salamat po! Asahan niyo pong aalagaan namin itong basement niyo.” Sabi ni Seungwan. Nagpasalamat din ang tatlo niyang kaibigan bago magsimulang umalis si nanay Cat.

 

“Joy, Yeri, tara na. Wag niyo muna sila guluhin nang makapag settle down sila.” Utos nito sa dalawa.

 

“Mom! Tutulungan ko sina Seulgi!” sabi ni Yeri.

 

“Ako rin!” singit ni Joy.

 

“Hindi! Tigil tigilan niyo ko. Umakyat na kayo.” Sermon ni nanay Cat.

 

Wala namang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod. Pero competitive si Joy, paghakbang nito sa pinakatuktok na steps ng hagdan ay bigla niyang tinawag ang crush, “Bye Seulgi! See you later!”

 

Napailing na lang ito habang natatawa naman ang mga kaibigan.

 

“Kuya three points po kay housemate Seulgi kasi nilalandi niya yung mga anak ng landlady.” Sabi ni Seungwan habang nakatitig sa kisame.

 

“Hindi ko nilalandi yon! Wala nga kong ginagawa!”

 

“Kuya two points po kay miss Joohyun kasi di man lang siya nagsalita.” Sabi ni Moonbyul na nakatitig din sa kisame.

 

“Gago! Bahay nila to baka ikaw ang maforce evict pag narinig ka ng parents non.” Sabi ni Seungwan.

 

“Ako Big Winner dito sure na. Lakas ng topak niyong tatlo eh.” Sabi ni Yves na naglakad na paakyat sa stairs para makapagsimulang magbaba ng mga gamit.

 

 

 

------------------------

 

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung maglipat sila sa sharehouse. Medyo maaga pa pero nakabuo na ng routine si Seungwan at iba niyang mga kasama.

 

Sa umaga, 7:45 am, sabay sabay silang papasok sa office sakay ng TFU van. Dadating sila mga alas otso tapos rekta trabaho na. Mapa event man yan or office day, lagi silang may ginagawa.

 

Kapag may events, syempre depende doon kung anong oras sila makakauwi pero madalas naman nasa bahay na sila ng madaling araw. Nagsstay lang naman sila sa events hanggang formally matapos ang programs. Pagkatapos nun, bahala na ang clients kung anong trip nilang gawing celebration kaya hindi sila required magstay.

 

Kapag naman walang events, nakakauwi sila ng mga 6 pm. Minsan kumakain sila sa labas, minsan naman nagluluto si Yves ng dinner nila. Dito sila madalas guluhin nina Joy at Yeri. Noong mga unang araw ay nangungulit lang ang dalawa na samahan sila sa common room sa taas para tumambay pero di nagtagal, sila na mismo ang nababa sa basement para makigulo sa tenants.

 

Ayos lang. Masaya naman sila kasama tsaka mostly hirap na hirap lang si Seulgi pigilan ang mga banat ng dalawa. Hindi siya makapatol kasi si Yeri parang sobrang bata pa tapos si Joy naman eh parang magkakasala siya pag pinabayaan niyang mawala ang self control niya.

 

Aware ang dalawa sa sitwasyon na ito kasi bukod sa inaasar ng tatlong kaibigan si Seulgi, halata rin sa mukha nito ang dilemma. Kaya naman si Yeri, medyo napipikon nang harmless lang yung panlalandi niya kay Seulgi tas si Joy lalong nang aakit.

 

Pag lumalalim na ang gabi, kanya kanya na sila ng buhay. Buong araw na kasi sila magkasama kaya syempre kailangan din ng alone time. Si Seulgi madalas nasa kwarto niya nagpapatugtog ng LP records sa turntable, si Moonbyul madalas sa sala naglalaro ng PS4 sa TV, si Yves nasa kwarto madalas ka-FaceTime yung manager ng isang events place na nirerent ng TFU usually.

 

At si Seungwan? Nasa labas ng bahay, nakaupo sa bench sa harap ng tindahan ni tatay Mak, hawak sa left hand ang isang bote ng Smirnoff at hawak sa right hand ang isang stick ng Marlboro Black Menthol.

 

Noong unang gabi nila sa sharehouse, lumabas si Seungwan para sana maghanap ng malapit na convenience store. Nagulat siya na yung inakala niyang guard house nung umaga ay parang sari-sari store pala. Sarado kasi yung bintana nung umaga kaya di niya naisip na tindahan pala ito.

 

Nakabantay sa loob si tatay Mak at nag-usap sila. Nalaman ni Seungwan na tindahan talaga iyon. Apparently, mahilig daw pala mag YouTube si tatay Mak tapos nainspire siya doon sa vloggers na gumagawa ng mga swimming pools from scratch.

 

Nung una, hindi naintindihan ni Seungwan yung reference kasi…swimming pools tas biglang naging sari-sari store? Anong connect?

 

Inexplain ni tatay Mak na nainspire lang pala siyang magtayo ng kung ano mang trip niya. Inisip niya kung ano ang kailangan ng Zimzalabim Subdivision at narealize niyang tindahan iyon. Hindi naman kasi siya lumaking mayaman. Lumaki siya sa isang village kung saan may dumadaang nagtitinda ng taho sa umaga, may mga batang naglalaro sa kalye sa hapon, at may naglalako ng balot at penoy sa gabi. Kumbaga, yung tipo ng komunidad na pasok na pasok sa kamalayan ng mga Pilipino. Yung tipong pag pinagdrawing ka sa klase kung ano ang pamayanang Pilipino eh ito yung maiimagine mo. Pero siguro pangalawa lang doon sa walang kamatayang drawing ng palayan, bundok, kubo, araw, at mga letter ‘v’ na kunwaring mga ibon.

 

Nung narealize niya raw yun, naisip niya, gusto niya dalhin yung ganoong klaseng kultura sa buhay ng mga anak niya at sa buhay na rin ng mga tao sa Zimzalabim Subdivision. Madalas daw kasi ang weird para kay tatay Mak na parang ibang iba yung pamumuhay ng mga mayayaman dito kesa sa ordinaryong buhay ng karamihan sa bansa.

 

Kung pag-iisipan, parang niromanticize ni tatay Mak yung konsepto ng mga sari-sari store kasi bakit ba ito nag-eexist in the first place? Hindi ba dahil hindi kaya bumili in bulk ng mga tao dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin? Medyo nag-alala si Seungwan doon pero sabi ni tatay Mak, aware naman daw siya at yung hangarin niya naman ay magandang lugar ang pinanggagalingan kaya hindi na nakipagtalo si Seungwan.

 

Siguro para sa ngayon, ang mahalaga ay tinatanggap ni tatay Mak yung kritisismo tsaka ineeducate niya raw ang mga anak tungkol dito para hindi rin sila lumaking mga matapobreng sanay lang mamuhay nang marangya.

 

Bukas daw ang tindahan simula 11 am ng umaga para sa mga kapitbahay na nagluluto ng tanghalian tas kinulang sa ingredients. Sa hapon naman, maraming mga bata na bumibili ng chichirya tapos sa gabi, may mga tumatambay para uminom konti. Ayaw ni tatay Mak na may nalalasing sa tindahan niya kaya ang limit bawat tao ay tatlong bote lang ng beer tas uwi na.

 

Sa ganitong paraan sila naging close ni tatay Mak. Pagkatapos kasi mag dinner at makipagkulitan sa mga tao sa loob ng bahay, lumalabas si Seungwan para uminom at mag yosi sa tindahan.

 

Kailangan ni Seungwan ang mga bisyo. Dalawang taon na kasi siyang hirap makatulog kahit gaano pa siya kapagod sa trabaho kaya humihingi siya ng tulong sa alak. Tingin niya hindi pa naman siya alcoholic. Mabubuhay naman siyang hindi umiinom tsaka madalas dalawang bote lang naman siya tuwing gabi.

 

Sabi ng prof niya sa Bio nung college, one bottle per day raw ay good for the health kaya naisip ni Seungwan kung dalawang bote magiging good at good na yun edi ibig sabihin better? Kaya naman hindi siya naguguilty sa 2 bots niya. Bonus na lang na tatlo yung limit ni tatay Mak kaya sinusulit na niya.

 

Yung yosi naman, may limit si Seungwan na isang stick lang per day unless apocalypse level yung stress na inabot niya sa araw na yun. Mahilig kasi siyang kumanta at ayaw niya namang makaapekto nang malala ang bisyo sa boses niya kaya di niya na ito jinujustify. Basta ang mahalaga, sumusunod siya sa limit.

 

Tambay si Seungwan sa tindahan simula 11 pm hanggang 5 am. Buti na lang at palaban si tatay Mak kaya bukas pa ito hanggang 4 am. YouTube YouTube lang habang naghihintay kung may bibili. Pagkatapos magsarado nito, isang oras pang namamalagi si Seungwan sa bench bago pumasok sa bahay. Wala siyang magagawa. Ang oras na talaga ng tulog niya ay 5 am to 7 am kahit ano pang gawin niya.

 

 

Isang gabi, nasira ang routine ng magkakaibigan.

 

Payapang nagdidinner ang magkakaibigan nang biglang gumalabog ang pinto pababa ng basement. Nakita nila sina Yeri at Joy na humahangos palapit sa kanila.

 

“Alert! Alert!” sigaw ni Yeri.

 

Napabitaw naman sila ng mga hawak na kubyertos at humandang tumakbo.

 

“Anong nangyari?? May mga kalaban ba???” tarantang tanong ni Seulgi.

 

Tumigil ang magkapatid sa harap nilang apat. Hingal na hingal pareho walang makapagsalita.

 

“S-si…si ate Joohyun.” Sabi ni Joy.

 

“ANONG NANGYARI KAY ATE GANDA?” sigaw ni Moonbyul.

 

May emergency na, nakuha pa rin bumanat ni Moonbyul. Yung unang beses na naglipat sila ay ang una at huli ring pagkakataon na nakausap nila si Joohyun. Hindi pa nga counted na usap yun kasi di naman ito nagsalita. Kaya ayun wala silang ibang alam dito bukod sa kwento nina Joy na chef daw ito sa restaurant ng pamilya nila. Kung makikita man nila ito, casual na dadaan lang sa harap nila tapos aakyat na sa kwarto.

 

“We need help.” Sabi ni Yeri.

 

“Ano ngang nangyari?” medyo nag-aalala nang tanong ni Seungwan. Naisip niya baka may kinalaman sa motor nitong Harley. One time kasi nilapitan yun ni Seungwan tas feeling niya mahihirapan siyang sakyan kasi maiksi legs niya eh. At kung tama ang pagkakaalala niya, halos magkasing tangkad lang naman sila ni Joohyun.

 

“Break na raw sila ng boyfriend niya.” Sabi ni Joy.

 

Hindi nila alam anong kinalaman nila dun kaya bumalik ang apat sa pagkain ng dinner. Walang pumansin sa dalawa.

 

“Huy! Di niyo ba narinig?” inis na tanong ni Yeri.

 

“Narinig. Pero ano namang gagawin namin? Makasigaw ka ng ‘alert’ dyan kala namin may naaksidente.” Sagot ni Yves.

 

“Kaninang tangali pa kasi yun.” Sabi ni Joy.

 

Nilunok muna ni Seungwan ang kinakain bago nagtanong, “Oh tapos?”

 

“Kanina pa siyang tanghali nasa couch sa common room. Kailangan na namin ng tulong.” Seryosong sabi ni Yeri.

 

“What if…hayaan niyo muna siya?” tanong ni Seulgi.

 

“Seul crush kita pero ang pangit ng suggestion mo.” Iritang sabi ni Joy.

 

“Same.” Sagot ni Yeri.

 

“Bakit parang kasalanan ko? Ako ba nakipag break?” gulat na tanong ni Seulgi.

 

“Basta. Kailangan namin ng tulong niyo. Please?” pagmamakaawa ni Yeri.

 

“Wala kong matutulong dyan unless…gusto ba niya momol?” tanong ni Byul.

 

Muntik na mabilaukan si Seungwan sa narinig. “Sahol talaga ng ugali mo! Mahiya ka nga.”

 

“Di ka type ni ate baka sagasaan ka lang non wag mo na subukan.” Sabi ni Yeri. “Tapusin niyo na dinner niyo tapos usap tayo please?”

 

Medyo hindi sila kumbinsido na may maitutulong sila sa isang stranger pero may soft spot ang apat para kay Yeri. Hindi man nila sabihin, parang bunsong kapatid na rin nilang lahat ito.

 

 

Pagkatapos kumain at magligpit, umupo silang lahat sa basement living room para simulang mag strategize para sa Oplan: Joohyun Laban!

 

Ayon sa magkapatid, limang taon din nagtagal ang relationship ni Joohyun at ng boyfriend niya. Hindi naman daw ito ang first love nito pero syempre 5 years din yun kaya mabigat.

 

Sinubukan na raw kausapin ng parents nila si Joohyun pero wala itong masyadong reaksyon. Nakaupo lang sa couch tapos nakatitig sa kawalan. Nakakausap naman pero ramdam mong napipilitan lang.

 

Humingi na sila ng tulong sa apat kasi wala pang kinakain si Joohyun buong araw tapos sinasabi nito na okay lang siya. Doon lang daw siya sa couch. Nag-aalala na ang mga Montemayor baka hindi na talaga ito umalis doon.

 

 

Sabi ni Yeri, tinawagan niya raw sa Zoom lahat ng kaclose ng ate tapos nilapag ang laptop sa harap nito. Baka sakaling willing makipag-usap si Joohyun sa mga kaibigan pero sinarado lang nito ang laptop. Hindi gumana ang connections ni Yeri para mapasaya ang ate niya.

 

Sabi naman ni Joy, dinala raw niya yung aso niyang si Haetnim sa couch para makalaro ng ate niya. Baka raw ayaw lang nito ng mga tao pero syempre mali siya. Ang ayaw ni Joohyun ay mga hayop. Napasigaw lang ito nung dilaan ni Haetnim ang paa niya kaya sumugod si Joy para iligtas ang alaga. Hindi na nga gumana yung plano niya, nasermonan pa siya ni nanay Cat.

 

 

“Okay so we need new plans. Isa isa ko kayong ipapadala sa battlefield.” Seryosong sabi ni Yeri.

 

“Wow ano mo kami, sundalo?” di makapaniwalang tanong ni Seungwan.

 

“Sumakay ka na lang! Let’s go team, ano plano?”

 

“Ikaw pala batas dito, bakit hindi ikaw ang mag-isip?” tanong ni Moonbyul kay Yeri.

 

“Wala nga kong maisip! Tulungan niyo na kasi kami.” Pikon na sabi nito.

 

“Ako na. Ako na una, dadalhan ko ng fruit salad na ginawa ko kagabi.” Tumayo si Yves para ilabas sa ref ang fruit salad. Naglagay ito sa isang mangkok at nagsimulang umakyat.

 

“Goodluck, soldier!” sumaludo si Yeri.

 

 

Ilang minuto lang ay bumaba na si Yves. Puno pa rin ang mangkok ng fruit salad.

 

“Bat walang nagpaalala sakin?? Chef nga pala si Joohyun! Tinikman niya lang tas sabi mas masarap pa raw siya gumawa ng ganto. Yoko na Commander Yeri! MagfaFaceTime pa kami ni Chuu!” nagdadabog na sabi nito bago ilagay ang mangkok sa ref at dumiretso sa kwarto.

 

Napamasahe ng ulo si Joy. “Sinong next?”

 

Nagkatinginan ang tatlo. “Ako na.” sabi ni Moonbyul.

 

“Kung aayain mo lang siya magmomol, wag ka na umakyat. Susumbong talaga kita sa nanay namin.” Warning ni Joy.

 

“Hindi yan ako bahala.” Sabi nito at umakyat na.

 

 

Mas mabilis pa ata yung pagbalik ni Moonbyul kesa kay Yves. May dala itong unan.

 

“Harsh ng ate niyo!” reklamo niya. “Binigay ko lang naman phone ko sabi ko register siya sa Tinder tapos binato ako ng unan. Badtrip muntik mabagsak phone ko eh.”

 

Syempre walang naawa dito. Tinawanan lang nila ang katangahan.

 

 

“Ako na sunod, mga bonak kayo. Wait lang.” Pumasok si Seulgi sa kwarto niya. Paglabas nito ay may dala na itong mga art materials.

 

“Nanood ba kayo ng Parasite? Art therapy ang sagot!”

 

“Tanga Seul! Scammer yung sa Parasite eh!” sigaw ni Seungwan sa kaibigang dire-diretso sa pag-akyat.

 

In fairness kay Seulgi, tumagal din naman siya. Kaso bumalik itong malungkot.

 

“Oh crush anong nangyari?” tanong ni Yeri.

 

Napabuntong hininga si Seulgi. “Pumayag naman siya mag drawing kami kaso puro broken heart ang ginawa! Pati ako nalungkot kahit naka move on na ko sa ex ko. Langya, give up na ko!”

 

Tumingin ang magkapatid kay Seungwan, ang natitira nilang pag-asa.

 

“Okay fine. Susubukan ko na rin.” Sabi niya at naglakad papunta sa ref.

 

“Seungwan kung alak yan wag mo na ituloy.” Sabi ni Joy. Hindi naman sikreto na tambay siya sa tindahan para mag-inom gabi gabi.

 

“Oo nga hindi nainom ng alak si ate.” Dagdag ni Yeri.

 

Pinakita ni Seungwan ang hawak nitong pitsel at dalawang baso. “Tubig to, kalmahan niyo lang. Ge na akyat na kayo sa kwarto niyo ako na bahala.”

 

Medyo suspicious pero sinunod na rin ng dalawa. Gusto nilang makatulong pero antok at pagod na rin sila. Baka mabuting magpahinga rin muna sila lalo na kung sabi naman ni Seungwan eh siya na bahala.

 

Sabay sabay silang umakat. Pagdating sa common room ay dumiretso sa hagdan ang dalawa tapos siya naman ay dumiretso sa couch.

 

 

Paglapit pa lang ay nagsalita na si Joohyun.

 

“Tigilan niyo na ko. Wag niyo na ko guluhin.” Masungit na sabi nito.

 

Nagsalin si Seungwan ng tubig sa dalawang baso. Inilapag niya rin sa table ang isang rolyo ng tissue bago umupo sa couch.

 

“Wag ka mag-alala. Ako na lang natirang sundalo.”

 

Napataas ng kilay si Joohyun sa katabi. “Anong sundalo?”

 

“Mga sundalo nina Commander Yeri at General Joy. Nagtatakbo yung dalawa kanina tas inutusan kaming tulungan ka.”

 

“Ah utos? Salamat. That made me feel so much better.” Sarkastikong sagot nito.

 

Napangiti si Seungwan. “May nangyari sayo kaya sige give ko na. Go lang mag sungit ka.”

 

Hindi na sumagot si Joohyun.

 

“Gusto lang namin tumulong okay? Lahat kami kahit medyo maraming failed attempts. Wag ka mag-alala di naman kita guguluhin. Nandyan yung tubig para kahit papano may laman tyan mo. Nandyan yung tissue kung tumulo man mga luha mo…”

 

“Hindi ko yan kailangan.”

 

“Nandito rin ako.”

 

“Lalong hindi kita kailangan.”

 

Umayos ng upo si Seungwan para komportable siya sa couch. “Okay lang. Kailangan mo o hindi, nandito lang ako. Alam ko hindi naman tayo magkakilala pero ang importante naman may makakasama ka diba? Don’t worry, last na to. Tatahimik na ko.”

 

 

At tumahimik nga si Seungwan. Nakaupo lang siya sa tabi ni Joohyun na hindi rin umiimik o gumagalaw. Yakap yakap lang nito ang sarili.

 

Madilim na ang paligid. Walang nakabukas na ilaw sa common room simula nung umakyat si Seungwan. Pinatay siguro ni Joohyun nang matapos ang drawing session kasama ni Seulgi.

 

Napatingin si Seungwan sa orasan na nakasabit sa pader sa harap nila.

 

Alas dos ng umaga. Oras ng mga demonyo.

 

Late na rin sila nag dinner kanina kaya hindi naman nakakagulat na madaling araw na. Nagkwentuhan pa sila bago makapag strategize kaya ayan. Inabot na si Seungwan ng alas dos para sa parte niya sa Oplan: Joohyun Laban!

 

Makalipas ang ilang minuto, kumilos si Joohyun para inumin ang tubig na dala ni Seungwan.

 

Siguro dala ng oras? Dala ng katahimikan? Hindi sigurado si Seungwan pero sa wakas, napansin niyang nagpupunas na ng luha si Joohyun.

 

Don’t get her wrong, hindi sa trip niyang umiyak ito. Sadyang nag-alala lang siya kasi base sa kwento ng lahat, wala pa itong emosyon na ipanapakita simula kanina. Tingin ni Seungwan magandang first step ito.

 

Hindi naman siya nagsalita. Ayaw niyang makasira ng moment. Hinayaan niya lang umiyak si Joohyun.

 

Nung una parang nahihiya pa ito, medyo pigil pa ang paghikbi. Lumakas yung instinct ni Seungwan na alagaan ito kaya lumapit siya sa pagkakaupo. Inakbayan niya si Joohyun at tinapik tapik ang balikat.

 

Doon na hindi nakapagpigil si Joohyun. Yung mga tapik ni Seungwan parang tinulak siya para hayaan ang sariling makaramdam. Humagulgol si Joohyun at napayakap kay Seungwan.

 

Hindi na muna niya inisip kung nakakahiya bang umiyak sa dibdib ng isang taong hindi niya naman kakilala. Sa ngayon, kailangan niya lang ng masasandalan.

 

Ibinalik ni Seungwan ang yakap at hinayaan lang itong umiyak. Matagal tagal din bago humupa ang mga luha nito.

 

Noong medyo tumatahimik na si Joohyun, nagsimula siyang mag hum ng random tune. Mahina lang. Sakto lang para mapakalma ang babaeng nakayakap pa rin sa kanya.

 

Nagulat na lang si Seungwan nang may pumasok sa pinto. Si tatay Mak pala, kakatapos lang magsara ng tindahan.

 

Lumapit ito sa kanila. Bakas sa mukha ang lungkot dahil sa sinapit ng anak.

 

Bumulong si Seungwan, “Tay tulog na po. Ayos lang kahit ako na bahala.”

 

“Salamat anak.” Bulong din nito. “Pero magpahinga ka na rin, iaakyat ko na siya sa kwarto.”

 

Dahang dahang bumitaw si Seungwan para mabuhat ni tatay Mak si Joohyun.

 

Bago magpunta ng kwarto ay lumingon sa kanya si tatay, “Seungwan, nag iwan ako ng Smirnoff at Marlboro sa tindahan.” Ngumiti ito bago tuluyang umakyat ng hadgan.

 

Hindi maiwasang matuwa ni Seungwan sa narinig. Bumaba siya saglit sa kwarto para magpalit ng tshirt na basang basa na ng luha ni Joohyun.

 

Maaga pa. Alas kwatro pa lang. Siya naman ang kailangan lumagpas sa mga demonyo niya.

 

Lumabas si Seungwan para mapuntahan ang mga sandigan. Upo sa bench. Isang kamay hawak ang yosi at isang kamay hawak ang alak.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?