Tulog Ka Na Muna

Description

Bahay mo, bahay niya, bahay nating lahat. Welcome po! Tuloy po kayo sa sharehouse ng pamilya nina Joohyun Montemayor.

Foreword

Sabi nila tuwing alas dos ng madaling araw, nagsisimula na raw ang oras ng mga demonyo.

 

Ano nga ba yung mga demonyo? Pareho pareho ba tayo ng hinaharap? Siguro hindi. Magkakaiba ito bawat tao.

 

 

Sa sharehouse ng pamilya ng mga Montemayor, may dalawang taong kumakalaban sa mga demonyo nila tuwing sasapit ang alas dos.

 

Yung isa, si Seungwan De Guzman, ilang taon na walang tunay na pahinga.

 

Yung isa, si Joohyun Montemayor, may dinadamdam na bagong hinanakit kaya nahihirapan humimbing.

 

 

Sa gantong pagkakataon nila nahanap ang isa’t isa. Parehong may dinadala. Parehong naghahanap ng makakasama. Parehong kailangan ng makakasangga.

 

Pero ano kayang mangyayari kung ang dalawang magkaibigan, nasa iisang tahanan?

 

 

Pabor kayang gaya gaya ang nanay ni Joohyun sa paborito nitong k-drama na may sharehouse kaya naging tenant nila si Seungwan o…

 

Magiging malabo ba ang mga linya? Ang mga nadarama? Ang pagtingin sa isa’t isa?

 

 

Walang makakaalam hanggang hindi nagsisimula ang istorya nilang dalawa.

 

Pero kahit ano pa ang kahinatnan ng mga buhay nila, ito lang ang lagi’t laging gugustuhin nilang iparating sa isa’t isa—

 

“Aking giliw, tulog ka na muna.”

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?