Chapter 9: Baka Ang Gabi

Tulog Ka Na Muna

Ang pangit man aminin pero medyo drawing yung pag schedule nila ng Sundays for Seungwan. Paano ba naman kasi, weekend yun? Syempre bilang nasa events industry ay busy ang araw na iyon para kay Seungwan. 

 

Hindi naman sa never na sila nagkita. Sadyang rare lang din yung Sunday hangouts nila. 

 

Pero buti na lang hindi iyon ang kaso ngayong araw ng Linggo. Magkasama na sila. Sabay na kakain ng lunch sa isang bagong bukas na restaurant.

 

“Bakit ba lingon ka nang lingon?” Tanong ni Seungwan sa kaharap niyang kanina pa hindi makapili ng order. Imbis kasing sa menu ito tumingin ay kung saan-saan napupunta ang mga mata.

 

“Shh! Wag ka maingay!” Mataray na sagot nito sa kanya.

 

Napatingin naman sa paligid si Seungwan. Magkakalayo yung mga tables dito tsaka hindi naman malakas ang boses niya kanina. Sigurado siyang walang nakarinig sa kanila. Hindi niya tuloy magets kung bakit siya pinatahimik ng kasama.

 

Nang hindi pa rin matinag si Joohyun sa paglingon-lingon nito sa paligid ay hinablot na ni Seungwan ang hawak nitong menu.

 

Nagulat naman ang kaharap. “Huy! Bakit mo kinuha yung menu? Meron ka naman dyan sayo ah?”

 

“Meron nga.” Ipinakita pa niya ang menu sa gilid. “Pero di mo naman ginagamit yung sayo tsaka ang hirap mo kausap. Edi ginulat na kita. Ano ba kasing problema mo, may hinahanap ka ba?”

 

Kunot-noong tumayo si Joohyun. Lumipat ito ng upuan para tumabi kay Seungwan bago kunin ulit ang menu niya at seryosong maghanap ng makakain.

 

Habang medyo nakatago ang mukha sa malaking menu, nagsimulang magpaliwanag si Joohyun. “Wag ka maingay pero sabi ni mom kalaban daw namin sa sales tong restaurant na to. So inaya talaga kita rito para tulungan mo kong i-judge yung pagkain nila.”

 

Kahit hindi sigurado ay inangat na rin ni Seungwan sa mukha niya ang menu. Ginaya na lang niya ang pagtatago ng kaibigan. “Okay? Pero…alam mo namang hindi pa ako nakakakain sa restaurant niyo diba? Paano ako magcocompare?”

 

Marahas na napalingon sa kanya si Joohyun. “What?! Bakit ngayon ko lang yan nalaman?!”

 

“Aba ewan ko sayo.” Iniisip ni Seungwan kung ibababa na niya ang menu kasi baka mukha silang tanga pareho. “Di ka naman muna nagtanong. Sabi mo lang may bagong bukas kang restaurant na gusto kainan. Sana next time kasama ako sa plano diba?”

 

Sasagot pa sana si Joohyun kaso bigla silang may narinig na tunog.

 


“EHEM”

 


Dahan dahan nilang ibinaba ang menu para hindi na matakpan ang mga mukha. Parehong kinakabahan at baka may nakahuli ng tunay nilang pakay sa lugar na to.

 


Yung waiter pala.

 


“Excuse me lang po mga ma’am. Nag-aalala kasi yung manager ko baka kung ano raw po ginagawa niyo sa likod ng menu? Bawal po PDA rito, pakiayos na lang.” Seryosong pagbabanta nito.

 

Napalingon tuloy sa kasama si Seungwan at doon niya lang narealize na masyado nga silang magkadikit. Ang lapit nila sa isa’t isa yung tipong wala nang space sa gitna para sa holy spirit. Konti na lang din at magtatama na ang kanilang mga noo.

 

Parang napako naman si Joohyun sa pwesto kaya si Seungwan na ang unang nagbaling ng tingin sa waiter. “Ah sorry po! Wala po kaming ginagawang masama. May pinag-uusapan lang po kasing private pasensya na ho.” Pagpapaliwanag niya.

 

“Okay po ma’am, understood. Nasa corner table din kasi kayo kaya medyo…alam niyo na? Pasensya na rin po. May order na po ba kayo?”

 

Doon lang nakabawi si Joohyun. Bigla itong naglista ng sandamakmak na order. Sobrang dami at sobrang bilis nitong magsalita. Napaisip tuloy si Seungwan kung rapper siya sa past life niya.

 

Pagkatapos ng mahabang order ay tumingin ito sa kanya. “Seungwan, ako na nag order para sating dalawa. I hope you don’t mind.”

 

Tinitigan siya nito sa mata na tila may ipinapahiwatig. Naisip niya na lang baka tungkol sa ‘research’ nito ng restaurant ang dahilan kaya nag agree na lang siya.

 

“Ah—Ahh! Oo! Okay lang yung order. Wala na kong idadagdag.”

 

Inulit ng waiter ang order bago tuluyang umalis sa table nila. Ilang segundo lang ang lumipas at…

 


Sabay na natawa ang magkaibigan.

 


“Oh my god akala ko mahuhuli tayo.” Medyo hinihingal na sabi ni Joohyun.

 

“Oo nga eh!” Pag sang-ayon niya. “Pero ang funny na akala niya may ginagawa tayo sa likod ng mga menu hahaha!”

 

“True! Bakit naman kaya tayo magmomol sa isang restaurant ng tanghaling tapat diba?” Confused na tanong nito.

 

“Ah so kung dinner time okay lang? Possible?” Pagbibiro niya.

 

Walang mintis ang mga banat Seungwan. Napapangiti pa rin nito ang kaibigan.

 

“Syempre hindi ganon!” Ito lang ang nasabi ni Joohyun bago bumalik sa ‘research’. “Kung sa restaurant namin yun, hindi kami manga-accuse na may customers na nagmomomol. That’s all I’m gonna say.” Pagmamalaki nito bago sumandal sa sariling upuan. Humalukipkip pa at nag cross ng legs.

 

“Hahaha wow. So kakain lang ba tayo rito para kupalin yung service nila? Parang hindi ko gustong mag spend ng lunch time nang ganto.”

 

Makulit na nag belat sa kanya si Joohyun. “Wala kang magagawa. Nandito na tayo tsaka naka-order na ko. Wag ka mag-alala marami naman yun, may mapagpipilian ka kung sakali. Sorry di kita pinaorder.”

 


Akalain mo nga naman. Hihingi rin pala ng pasensya.

 


“Dami mo ngang order kala ko kukunin mo lahat eh. Akala ko pa naman di ka pa nagchecheck ng menu nila. Ikaw na rin pala magbayad ha? Bilang ikaw naman umorder ng lahat.” Pagbibiro pa niya.

 

“Yeah don’t worry ako naman talaga.” Seryosong sabi nito.

 


Grabe. Ang hirap din talaga magbiro sa mga burgis. Patola agad eh.

 

“Huy joke lang yun! Hating kaibigan tayo ano ka ba.” 

 

“No. My treat since di ko sinabi sayo yung reason kung bakit dito tayo kakain. Don’t argue with me na.”

 

Parang nagka-war flashbacks naman si Seungwan doon sa helmet situation kaya hindi na lang siya umangal. Matatalo lang siya. Mas mabuti pang kunin at tanggapin na lang ang grasya.

 

 

 

------------------------

Makalipas ang isa’t kalahating oras, punong puno na ang tyan ni Seungwan at tila bang sasabog na ito. Okay lang naman kasi masaya ang tastebuds niya sa nangyari. In fairness, masarap din naman sa restaurant na ito.

 

Ngunit sa kabilang upuan, isa’t kalahating oras na nakakunot ang noo ni Joohyun. Wala itong nagustuhan sa lahat ng inorder nila kaya naman takang-taka kung paano nangyaring kalaban ng restaurant nila ang lugar na ito.


“Siguro kung may laser mata mo, nabutas mo na yung table hanggang sa dulo ng mundo,” marahang pang-aasar ni Seungwan.

 

“Ah, talaga? Edi buti pala wala. My eyes are normal. They’re pretty, but normal,” naka-smirk na balik ni Joohyun.

 

“Alam mo ikaw…” medyo natatawa-tawang sagot niya. Medyo kakaiba talaga yung pakiramdam kapag sinasakyan ni Joohyun ang trip niya. Siguro kasi medyo malayo sa itsura nito yung papatol sa corny jokes. Naisip niyang ibahin na lang ang usapan, “Anyway, ano, tapos na ba tayo kumain? Di ko na kaya ha baka masuka na ko pag umorder ka pa.”

 

“Yeah, tama na. Okay na to marami na tayong natikman. I therefore conclude…na mas yayaman kami.” mayabang ang ngiti na sambit ni Joohyun.

 

“...ha? Paano naging ganun yung conclusion?” litong tanong naman niya.

 

“Eh kasi kung hindi masarap sa restaurant na kalaban namin, saan ba kakain mga tao? Edi samin din, right? Ha! We win. Samin pa rin ang diners.”

 

Bakas sa mga mata at labi ni Joohyun ang tunay na pagkatuwa sa nalaman. Kahit naman medyo nagbibiro siya kanina ay seryoso talaga siya sa ‘research’ na ito. Bukod sa chef kasi siya sa restaurant nila, syempre ayaw niya namang malungkot ang mga magulang kapag nakitang umaalis ang regular diners nila.

 

Ngunit sa mga nalaman niya ngayon, confident siyang mananatili sa kanila ang loyal diners. Ang saya lang. Nakakataba ng puso at nakakawala ng kaba.

 

“Hey, Seungwan.”

 

“Hmm?” 

 

“Gusto mo pa rin ba si Matthaios?”

 

“Hahahaha oo naman! Bakit? Wag mo sabihing papakantahin mo nanaman ako ng songs niya. Joohyun, sobrang busog ko pramis. Gusto ko na nga lang mag yosi eh. Wala na ko kayang gawin.”

 

Napa-eyeroll naman si Joohyun dito. Kaya niya lang naman pinakanta si Seungwan dati kasi di niya alam kung ano ba yung songs nung Matthaios na yun.

 

“Hay nako. Hindi yun. Yung isa ko kasing friend, si Jisoo, nagwowork sa KIA Theater.”

 

“Oh, tapos? Fan din siya ni Matthaios?”

 

“Umm, no. I don’t think so.”

 

“Lah eh anong connect?”

 

“Eh kasi may concert siya dun. Well, may concert dun yung ilang OPM artists. Hindi mo ba alam?”

 

Gulat na gulat si Seungwan sa nalaman. May halo ring excitement na bakas sa kanyang mga mata. “HA?! Talaga ba??? Kailan daw? Anong oras? May tickets na ba?”

 

Natatawa si Joohyun habang naglilista siya ng mga tanong. Sagot nito, “Yes, talaga. Sa Wednesday raw. I think 7 PM? Yes, last last week pa nagsale yung tickets. I think sabi ni Jisoo ubos na though?”

 

Kitang kita naman ang pagbagsak ng mundo ni Seungwan. “Shet na malagket! Ugh. Ba’t di ko nabalitaan?”

 

Tumaas ang isang kilay na Joohyun, “What? How would I know? Akala ko ba fan ka? Hahaha. Wala ka pala eh.”

 

Sinagot naman ito ng magkasalubong na kilay ni Seungwan. “Tsk, wag ka nga! Busy kaya ako, di ako masyado nakakacheck ng current news. Tsaka, oh well, baka di rin naman ako pwede if ever. Alam mo na, minsan biglaan kaming may events na kailangang puntahan.”

 

Gusto pa sana asarin ni Joohyun ang kaibigan pero medyo naaawa na siya rito. Halatang nalungkot kasi sa nalaman. “Hmm pero mukhang wala pa naman kayong naka-sched no? I mean, at least from what you’ve said I’m assuming na wala pa, right?”

 

“Ata? Sandali lang.” Agad namang nilabas ni Seungwan ang phone at chineck ang kanyang calendar. “Yeah, wala pa naman…” Unti-unting kumunot ang noo nito. “Hoy, bakit Joohyun, mag-aabang ba tayo ng scalpers? Nako yan sinasabi ko sayo eh. Fan ka na rin ‘no? Yung totoo? Sus umamin ka naaaa.”

 

“Seungwan De Guzman, you’re so ridiculous.” Ngiting ngiting sagot ni Joohyun.

 

“What?! I’m not! Grabe ka hanggang ngayon may problema ka pa rin kay Matthaios?”

 

“Hindi ganun!”

 

“Eh ano?”


“Wala, ridiculous ka lang. Hahaha!” Tawa nanaman nito.

 

“Ano ba yan ang panget mo naman ka-bonding. Tara na nga uwi na tayo.” Kunwaring pagmamaktol ni Seungwan.

 

“Ay nako tampo na ang baby~”

 

“Ay, hala friend. Baby mo na ko? Yiiie crush niya ko.”

 

“What the? Once again, Seungwan De Guzman, you’re so ridiculous.”

 

Mabilis na hinakawan ni Seungwan ang dibdib. “Aray! Grabe ka naman magsalita. Oo na alam ko namang Sundays mo lang ako.” Kunwaring pagi-inarte nito.

 

“Ugh ewan ko sayo hahaha.” Naiiling na sabi ni Joohyun. “Anyway! Tama na yan. I have good news.”

 

Tinapos na rin naman ni Seungwan ang pang-aasar. “Hmm? Ano yun?”

 

“Well, as I’ve said, my friend Jisoo works at the venue. So…I got you tickets!!! Ah actually I got a lot of us tickets haha sabi kasi ni Jisoo…”

 

Hindi na natapos ni Joohyun ang sasabihin niya. Paano ba naman kasi, sinunggaban na siya ni Seungwan ng isang mahigpit na yakap.

 

“Hyun! Joohyun! Ahh! Hulog ka ng langit! Salamat! Salamat!!!”

 

Bukod sa matinding hug, napahinto rin si Joohyun sa pagtawag ni Seungwan ng ‘Hyun’ sa kanya. Hindi siya sure kung bakit. May mga kaibigan naman siyang tumatawag sa kanya ng ganun. Siguro dahil mas close na sila siguro.

 

Kumalas na si Seungwan sa pagkakayakap. “Wooh! Grabe. Lika na nga. Get up na at alis na tayo dito. Baka makiss pa kita sa sobrang tuwa hahahaha.”

 

Medyo nag freeze nanaman si Joohyun sa narinig. Pero isang tingin lang sa kaibigang nauna nang maglakad papalayo ay nalaman niyang hindi naman big deal ang sinabi nito. Napakamot na lang siya ng ulo at tuluyan na ring lumabas ng restaurant.

 

 


------------------------
Agad na kumalat sa buong Montemayor house ang mabuting balita ng Diyos (Joohyun).

 

Monday ng gabi, ang Montemayor children ay naglalakad papunta sa tindahan ni Tatay Mak kung saan kasalukuyang nakatambay ang mga tenants.

 

Malayo pa lang ay naririnig na ng magkakapatid ang kaguluhan sa may tindahan.

 

“Ganito kasi yon!”

 

“Hindi! Ito muna dapat!”

 

“Mali. Bilangan natin. Ah 5, 6, 7, 8!”

 

Saktong pagdating nila sa harap ng tindahan, biglang kumanta si Seungwan habang nagsasayaw sina Seulgi, Yves, at Byul.

 

“Tila ako’y nakalutang na sa langiiiit.” May hawak pa siyang bote ng smirnoff na ginawang microphone. “Ngunit nalulunod sayong mga ngiti! At kung! Hanggang dito lang talaga tayooo…”

 

“3! 4!” Sigaw naman ng tatlo para sabay sabay na sayawin ang choreo ng Tala.

 

Sa kasamaang palad para sa mga tenants at sa katuwaan naman ng mga Montemayor, ay nagkabanggaan lang sila imbis na makapagsayaw nang maaayos.

 

“Aray ko! Ano ba namang dance step yun Moonbyul?!” Reklamo ni Yves.

 

“Oo nga gagi parang wala namang ganun ah.” Dagdag pa ni Seulgi.

 

Si Seungwan naman ay halos mapaupo na kakatawa. “Hahahaha grabe Byul pauso ka langya.”

 

“Grabe naman kayo!” Sagot nito. “Nagkamali lang ng isa eh!”

 

“Anong isa? Pang apat na practice na natin to.” Reklamo ulit ni Yves.

 

Kahit naguguhulan, medyo natatawa rin naman ang mga Montemayor.

 

“Hahaha ang pangit niyo.” Pang-aasar ni Yeri.

 

“Ano ba kasing ginagawa niyo?” Tanong ni Joohyun. “Anong trip yan?”

 

“Uy ate ganda! Nandyan ka pala.” Ngiting asong ulol si Moonbyul. “Bawal ka dito, wag mo kami tignan.”

 

Syempre, tumaas naman ang kilay niya. “Tindahan kaya to ng tatay ko. Ba’t ba kayo nagsasayaw ng Tala? Gagawin niyo yung Tala Challenge?”

 

“Ah eh hindi naman sa ganun.” Akmang aakbay pa si Moonbyul kay Joohyun pero agad na hinampas ni Joy ang braso nito. Tinignan siya ng masama ni Byul at nagpatuloy, “Eh nilibre mo kasi kami ng tickets sa concert. Tas sabi nito ni Seungwan favorite mo raw si Sarah G.”

 

“Oo nga so gusto lang namin magpasalamat.” Pagtatapos ni Seulgi.

 

“Aaaaand…naisip niyong nakakatuwa magkalat dito sa harap ng tindahan?” Kutya ni Yeri.

 

“Huy pasmado bibig mo.” Nakangiting sabi ni Seungwan. “Nagpa-practice pa lang kasi kami, ah sila pala.”

 

“Bakit di ka kasali? Di ka magte-thank you kay ate?” Tanong naman ni Joy.

 

Abang na abang naman si Joohyun sa isasagot nito.

 

“Hoy! Isa ka pa pasmado rin bibig mo. Nag thank you na kaya ako dyan. Diba, Hyun?”

 

Nagtinginan naman ang lahat kay Joohyun dahil sa nickname na sinambit ni Seungwan.

 

“Ahh…haha yeah pero parang…gusto rin kita makita sumayaw?”

 

“OoooOOoooHHHH!!! Seungwan hinahamon ka!” Mabilis na pang-aasar ni Moonbyul.

 

“Hinahamon ka! Payag ka non! Pakitaan mo!” Gatong ni Seulgi.

 

Di rin naman nagpahuli si Yves na biglang nagbilang. “Ah 5, 6, 7, 8!”

 

Biglang tumayo ng diretso, mga kamay ay nasa harapan ng dibdib para sa unang dance move. Kahit siya na ang sasayaw ngayon, si Seungwan pa rin ang kakanta. “Tila ako’y…” At ginawa nga niya ang sikat na unang dance move.

 

 

Ngunit bigla siyang tumigil.

 


“Oops! Okay na yon! Teaser muna! Hahaha!” Hagalpak naman sa tawa si Seungwan dahil kitang kita sa mukha ng lahat ang pag-aabang sa gagawin niya. Agad namang nakipag-apir sa kanya si Moonbyul na approve na approve sa ginawa niyang pambibitin.

 

Pagkatapos pare-parehong mag-eyeroll, napagpasyahan ng magkakapatid na Montemayor na pumasok na lamang sa bahay nila at hayaang mag practice ang apat na magkakaibigan.

 

Habang naglalakad papasok ng bahay, hindi maalis ang ngiting naka-ukit sa mga labi ni Joohyun.

 

 

------------------------
Maaga pa lang ay nasa KIA Theater na sina Seungwan, Joohyun, at iba pang mga kasama. Walang standing section dahil sa layout ng venue ngayong gabi kaya naman komportable silang nakaupo habang hinihintay magsimula ang show.

 

Marami-rami ring magpeperform tonight. Bukod kay Matthaios, nandyan sina Arthur Nery, Janine Berdin, December Avenue, Donnalyn Bartolome, Skusta Clee, Sarah Geronimo, Ben&Ben, at iba pa. Isang gabi ng OPM Festival talaga.

 

Hindi na rin naman nagtagal ay nagsimula na ang performances. Malalang rollercoaster ride ng feelings ang nangyari.

 

Nandyan yung halos maiyak sila sa Isa Lang ni Arthur Nery. Yung ma-hype sila sa Kakaibabe at Omo ni Donnalyn. Yung makaramdam ng kakaiba sa Need You nina Skusta Clee. Yung maalala si Nanay Cat sa Catriona ni Matthaios. Yung magwala sa Tala ni Sarah G. At ang maiyak nang tuluyan sa Sa Susunod Na Habang Buhay ng Ben&Ben. Full circle kumbaga.

 

Umuwi silang lahat na punong puno ang mga puso. Iba pa rin talaga ang OPM. Sobrang tagos sa puso kahit ano pang genre yan. Napakasaya ring makasalamuha ng Pinoy concert goers syempre. Pasok sa banga ang humor ng lahat pati na yung mga random na nagsisigawan at nag-aasaran kapag may slight dead air sa concert. 

 

Ngunit dahil si Seungwan ay si Seungwan, kahit alas dos ng umaga na sila nakauwi, ay nagpa-iwan pa rin ito sa tindahan ni Tatay Mak. Sa byahe pa lang pauwi ay bagsak na ang iba kaya naman pagdating sa bahay ay dumiretso na ang mga ito sa kwarto. Si Seungwan na lang ang naiwan para magkwento kay Tatay Mak ng mga kaganapan.

 

“Ang saya ‘Tay!” Gising na gising na bati ni Seungwan. “Next time ho sama kayo!”

 

“Hindi na. At baka pati ako pagsayawin niyo pa.” Nakangiting sagot ni Tatay Mak. “Oh ano pala nangyari? Nasayawan niyo ba si Joohyun? Nung ano ba yun, yung Tala ba?”

 

“Hahaha opo! Kaso hindi habang nakanta si Sarah. Nakaupo kasi kami sa venue eh tas syempre nakakahiya sa mga nasa likod pag tumayo kami. Tinry ni Byul pero pinaupo agad siya nung mga nasa paligid hahaha.”

 

“Haha ganun ba? Eh paano, saan kayo nagsayaw?”

 

“Doon na lang po sa may parking. May video kasi kami ng mga performance eh so ayun po pinlay na lang namin tas sinayaw bago sumakay sa van hahaha.”

 

“Hahaha ayos! May video ba yan? Patingin naman kami ni Nanay Cat niyo.” Masayang request nito.

 

 

“Meron ho ata si Seulgi. Tanong ko bukas pakita ko sa inyo.”

 

 

“Uy!”

 

 

Bigla namang naputol ang kwentuhan nina Seungwan nang biglang dumating si Joohyun.

 

“Uy ka rin!” Sagot ni Seungwan. “Anyare, ba’t ka nandito?”

 

“Bawal ba?” Mabilis na sagot nito.

 

“Anak, are you going to stay here?” Singit ni Tatay Mak bago makahirit si Seungwan.

 

“Yes, Dad. Samahan ko muna si Seungwan. Bakit po?”

 

“Medyo antok na ako. Magsasara na ako at papasok na. May kukunin ka pa ba Seungwan?”

 

Iniinom pa lang ni Seungwan ang unang bote niya ng smirnoff pero para sure, humingi na siya ng isa pa. Syempre, isang Marlboro black na rin.

 

Pagkatapos maibigay lahat ng binili ni Seungwan, nag-ayos na nga ng tindahan si Tatay Mak at nagsara. Sobrang inaantok daw siya tonight kaya hindi na masyadong magpapagabi. Hinintay niya lang din daw talaga makauwi ang mga anak at sina Seungwan.

 

 

“So anyway…” Panimula ni Seungwan. “Bakit ka nga nandito? Akala ko matutulog ka na?”

 

“Ha wala naman akong sinabi?” Tanong pabalik ni Joohyun.

 

“Ahh nga naman. Pumasok ka na kasi so akala ko lang…”

 

Tumango-tango ito. “Pumasok lang ako to freshen up kaunti. Di pa naman ako sleepy kasi parang ang dami ko pang energy from the concert. It was really fun.”

 

Napangiti si Seungwan nang maalala ulit ang mga nangyari kanina. “Oo nga eh. It was really nice. Thank you ulit sa tickets at sa pag-invite samin ha? Nag-enjoy kami sobra.”

 

“Okay na yun. Naenjoy ko rin naman yung sayaw niyo sa parking lot hahaha!”

 

Kahit halatang may halong pang-aasar, natuwa pa rin naman si Seungwan sa reaksyon ng kaibigan. Maganda sa pakiramdam niyang napasaya nila ito.

 

Saglit na katahimikan ang bumalot sa dalawa habang inaalala ang nangyaring concert. Pero pagkatapos ng ilang segundo, sabi ni Joohyun, “Medyo may kulang though.”

 

Hindi agad nakasagot si Seungwan kasi uminom siya mula sa bote. “Hmm? Ano yun?”

 

“I think it’s because we were seated? Siguro mas masaya kung may standing section and nandun tayo. We could’ve danced or something.”

 

“Ay wow nagsasayaw ka pala?” May pagkamanghang tanong niya.

 

Bahagyang natawa naman ang kaibigan. “Haha, no. It’s just…ewan. We could’ve enjoyed the moment more I guess.”

 

“Hmm gets naman. Medyo nakaka-contain ng energy yung seats haha. Well, sana nakisayaw ka samin sa parking lot hahaha si Yeri nga sumali eh.”

 

“Whaaat ayaw ko nga. I’m shy! Ang dami kayang napatingin sa inyo dun. Tsaka ayaw ko nung may choreo. Hindi naman ako marunong sumayaw eh mapapahiya lang ako.”

 

“Ay so ano pala gusto mo? Yung pang slow dance ganun? Mga Arthur Nery songs?”

 

Napaisip naman si Joohyun sandali. “Umm not really. Siguro kung during the concert I won’t mind dancing naman to fast songs. Syempre iba yung energy dun eh. But, I keep on thinking lang din na it would’ve been nice to slow dance sa…Ben&Ben songs for example.”

 

“Sus hahaha paano mags-slow dance eh hagulgol ka sa Sa Susunod Na Habang Buhay. Baka nadapa ka pa sa labo ng mata mo pag ganun.”

 

“Wag ka nga mayabang!” Irap sa kanya ni Joohyun. “Nakita kaya kita. Nagpunas ka rin ng luha no!”

 

“Well, true. Pero at least di ko naisip sayawan unlike you hahaha!” May malumanay na ngiti sa mga labi ni Seungwan kaya hindi na-offend si Joohyun kahit patuloy ang pang-aasar nito.

 

“Whatever. Ewan ko sayo. Basta tingin ko it would’ve been nice.”

 

Lumagok ulit si Seungwan ng beer. “Hmm okay sige. Valid. Pero kung slow dance edi dapat may partner? Nako sino nanaman iniisip mo?”

 

Sa totoo lang, medyo kanina pa kinakabahan si Seungwan. Okay na eh. Masaya na si Joohyun tonight. Kaso sa tono ng mga sinasabi nito parang naaalala nanaman ang ex niyang iniwan siya. Baka mamaya malungkot nanaman.

 

Saglit na tinitigan siya ni Joohyun. Bakas sa mga mata nito na alam niya kung anong iniisip ni Seungwan. Pero bukod sa mga nangungusap na mga mata, walang ibang makukuha mula sa mukha ni Joohyun. Hindi tuloy masigurado ni Seungwan kung nalulungkot ba ito, nagagalit, o kung ano.

 

“Marami eh.” Pagbasag ni Joohyun sa tahimik na staring contest. “Marami akong inisiip. Well, actually, dalawa lang pala. Sino kaya mas magaling sumayaw? Si MWF or si TThS?”

 

Halos mabitawan ni Seungwan ang bote dahil sa kakatawa at sa relief na rin. Siguro, kahit naiisip ni Joohyun ang ex, hindi naman na ganun kasakit sa kanya. Nakukuha na kasi niyang magbiro eh. Kung nangyari siguro ito mga ilang linggo ang nakalipas, baka pumasok na si Joohyun sa bahay at nagmukmok nanaman mag-isa.

 

Nakahinga ng maluwag si Seungwan. Sambit nito sa isip, ‘Good for you, Hyun. Good for you.’

 

Pero dahil naghihintay ng sagot si Joohyun, nagsalita rin out loud si Seungwan. “What if…i-pag dance battle mo sila?”

 

“Ano?!” Tumatawang sagot ni Joohyun.

 

“Anong 'ano'? Dance battle! Laban gamit ang sayawan! Tapos kung sino mananalo siya na lang pwede maghatid sayo. Oh diba, mababawasan ka ng makulit na manliligaw.” Proud na proud si Seungwan sa ideyang nilatag niya.

 

“Hahaha you’re so ridiculous talaga. Of course di ko yun gagawin sa kanila. Baka…maturn off lang ako sa kanila both.”

 

Napa-smirk naman si Seungwan sa narinig. “Ewan sayo, Joohyun. Bakit kasi di mo na lang sabihin sa kanilang dalawa. Parang wala ka namang gusto sa kanila.”

 

Medyo sumeryoso naman ang kausap. “You know, I think alam naman nila. Sooner or later, titigil na rin maghatid yung mga yun. Tumataas pa naman gas recently.”

 

Tumango-tango si Seungwan. “Oo nga taas ng gas ngayon. So bale ia-asa mo na lang sa world economy yung pangbabasted sa kanila?”

 

“Parang ganun na nga.” Napabuntong hininga ito.

 

Napansin naman ni Seungwan na medyo nawala ito sa mood. Kaya minabuti niyang bumalik na lang sa lighter na topic. “Okay so bale bawal silang dalawa. Pero may nakakalimutan ka ata?”

 

Napalingon naman si Joohyun sa kanya. “Ha? Ano yun?”

 

Binaba niya ang bote at humarap nang maayos sa kausap. Nagtitigan sila sandali bago sinabi ni Seungwan na, “May Sundays ka pa remember? You have another option.” Nilabas niya ang phone at mabilis na pinlay ang video ng Ben&Ben mula sa concert.

 


“Hyun, can I have this dance?”

 


Panandaliang lumipad ang isip ni Joohyun sa kawalan. Ang alam niya lang, tinitignan niya ang nakatayong si Seungwan na nago-offer ng kamay nito sa kanya. Parang hindi niya nakikita ang paligid, nakalimutan na niya ang oras, at parang hindi na rin gumagana ang ibang senses niya. Ang alam niya lang, nakikita niya si Seungwan at naririnig ang pagtugtog ng Ben&Ben.

 


Maybe The Night

 


Pagkatapos lumunok ng dalawang beses, mas lumapit pa sa kanya si Seungwan at hinawakan ang kamay niyang napako na sa may upuan.

 

Gamit ang malambot nitong kamay, napatayo nito si Joohyun mula sa kanyang pwesto kanina. Lumayo sila sa upuan upang mas magkaroon ng espasyo.

 

Dahan-dahang dinala ni Seungwan ang kanyang mga kamay papunta sa mga balikat nito. Ang mga kamay naman ni Seungwan ay dahan dahang bumaba sa kanyang bewang.

 

Pero hindi agad ito humawak. Tumitig muna ito kay Joohyun na tila naghihintay ng permisong ilapat niya ang kanyang mga kamay sa katawan ni Joohyun.

 

Naintindihan naman agad ni Joohyun ang mensahe nito. Mabagal pero madiin siyang tumango para malaman ni Seungwan na ayos lang. Walang problema sa kanya ang paglalapit ng kanilang mga katawan.

 


Moon has never glowed this color~

 

Unti-unting gumalaw si Seungwan at nagsilbing gabay ni Joohyun para magsimulang sumayaw.

 

Hearts have never been this close~

 

Ang mga mata’y may malambot na pagtingin at nakatitig pa rin sa isa’t isa.

 

I have never been more certain~

 

Patuloy lang ang dalawang mabagal na umiindayog sa musika.

 

I will love you ‘till we’re old~

 

Sabay na nag-alis ng tingin ang dalawa sa isa’t isa. Pareho nilang minabuting tumingin sa taas. Sa taas kung nasaan ang langit, mga bituin, at ang buwan.

 

Maybe the night holds a little hope for us, dear~

Maybe we might want to settle down, just be near~

Stay together here~

 


Parang nagslow motion ang mundo. Kung kanina lang ay medyo nagkaiwasan sila, ngayon, si Joohyun ay dahan-dahang inilapat ang ulo sa dibdib ni Seungwan. Hinilig naman ni Seungwan ang pisngi nito sa ulo ni Joohyun. 

 

Sabay na humigpit ang pagkakayakap nila sa isa’t isa habang patuloy ang pakikinig, pagramdam, at mabagal na pagsayaw sa kanta.

 


We follow the pull of fate, into this moment~

We follow the pull of fate, into this moment~
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?