Chapter 8: 2 Fast 2 Furious

Tulog Ka Na Muna

“Wow! Napansin mo yun?? Nag mini drift ako dun sa may kanto?! Ugh. I’m so proud of myself!” Malakas na kwento ni Seungwan pagkatanggal ng kanyang black helmet na may blue light strips. Nakatigil sila sa harap ng tindahan ni tatay Mak.

 

Kita naman sa mukha ng kakaalis lang din ng helmet na si Joohyun na aliw na aliw siya sa kasama. “Syempre nakita ko, nakaangkas kaya ako sayo? Haha.”

 

“Grabe lang! Tingin ko pwede na akong maging racer.” Patuloy na kwento nito habang sinusubukang mag balance ng motor dahil pababa na si Joohyun mula rito.

 

“Sure. Kung yun gusto mo eh.” Hinawakan ni Joohyun ang handlebar ng motor para makababa na rin si Seungwan.

 

Sasakay na sana siya ulit kaso pinigilan siya ni Seungwan. “Wait wag mo na paandarin. Tulak na lang natin papasok ng warehouse.”

 

Hindi na nagsalita si Joohyun at nakangiti lang na itinulak ang minamahal na Harley.

 

“Alam mo expert din ako mag drift sa Kart Rider. Tingin ko kaya ko yun i-apply in real life.” Kwento pa ni Seungwan. Hindi pa rin ito over sa mini drift na naachieve kanina.

 

“Alright, whatever you say Seungwan. Pero bawal ka mag practice dito sa baby ko. Bili ka ng motor mo!”

 

 

Hindi na narinig ng mga nasa tindahan kung ano pa ang isinagot at ikinwento ni Seungwan. Malapit na kasi makatawid ng kalsada ang dalawa upang magpark ng motor.

 

 

“Ingay mag-usap tapos di man lang nag hello. Akala ba nila sila lang tao sa mundo?” tanong ni Joy sa mga kasamang nakatambay sa labas.

 

“Nako. Kung nakita mo lang si Seungwan nung nagtrabaho sa TFU si Joohyun. Ewan ko ba sa dalawang yan.” Sagot ni Seulgi.

 

Mabilis na lumingon si Joy sa kausap. “Hoy crush! Oo nga pala. Bakit si ate sinama niyo sa work ako hindi? Wala ba kayong ‘Bring Your Girlfriend Day’ sa work??”

 

Humagalpak naman ng tawa sina Moonbyul at Yves na nagsasalo sa Pic-A na nabili sa tindahan.

 

 

“Stomoyon Seulgi, crush tawag sayo pero girlfriend mo na pala? Bakit di ka nagsasabi sa amin?” paggatong ni Yves.

 

Lalo namang natawa si Moonbyul at muntik pa tuloy masamid sa chips na kinakain. “Pero ako yung favorite part ko sa sinabi niya eh yung fact na pinatamaan niya si Seungwan tapos tinrap niya rin si Seulgi at the same time. Hahaha! Joy Montemayor lang malakas!!”

 

Proud na proud naman ang itsura ni Joy habang naghihintay ng sagot mula kay Seulgi.

 

“Sorry pero di kita girlfriend. Tsaka wala kaming ganun sa office wag ka na umasa.” Diretsahang sabi nito.

 

“Psh.” Tumayo si Joy at humarap sa bahay nila. “Okay lang crush. Magiging girlfriend mo rin ako, hintay ka lang.” Kumindat pa ito bago tuluyang pumasok sa bahay.

 

 

Sakto namang dumating na sina Joohyun at Seungwan sa tindahan.

 

“Uy! Nandito pala kayo?” Bati ni Seungwan sa mga kaibigan.

 

Sa mahinang boses ay minock ito ni Yves. “uY nAnDiTo PaLa KaYo?”

 

Narinig ito ni Joohyun na mas malapit kina Yves at Moonbyul kaya napatingin siya sa magkaibigang tumatawa. “Ano yun?”

 

“Wala wala. Sabi niya pasok na raw kami sa loob.” Pagsagip ni Moonbyul sa kaibigan. “Ikaw ba Seulgi, dito ka lang?”

 

Tumayo si Seulgi sa kinauupuan at iniabot ang bote ng Coke kay tatak Mak. “Hindi ah. Ayoko ngang mag thirdwheel dito sa labas. Ang lamig lamig pa naman.”

 

Nagsikuhan at nagtawanan ang tatlong magkakaibigan bago pumasok sa loob ng bahay.

 

 

Napatingin tuloy si Seungwan kay Joohyun. Nalimutan niya pala sermonan ang mga kaibigan tungkol sa walang tigil nilang pang-aasar sa dalawa.

 

“Pagpasensyahan mo na. May tama nanaman ata mga kaibigan ko.”

 

Ngumiti at tumango lang si Joohyun tapos umupo sa usual bench nila ni Seungwan.

 

Agad namang lumapit si tatay Mak sa may bintana. “Oh anak Smirnoff mo. Ikaw Joohyun may gusto ka bang inumin?”

 

“Wala po.”

 

Kinuha ni Seungwan ang bote at nagbayad bago umupo sa tabi ni Joohyun. Usually pag ganto, bumabalik na si tatay Mak sa upuan niya sa loob at manonood ng favorite niyang vloggers.

 

Pero ang weird kasi nakatayo pa rin ito sa may bintana kahit wala naman na silang kailangan. Nakangiti pa ito.

 

“Dad? Bakit po?”

 

“Ah wala naman.” Nakangiti pa rin itong sumagot. “Kamusta date—ah drift. Drift kako, yun sabi mo kanina diba? Drift o kaya drive. Kamusta lakad niyo?”

 

 

Nagkatinginan nanaman ang dalawa.

 

 

“Ayos lang po tay.” Si Seungwan na ang sumagot. “Mas komportable na po ako mag motor ngayon kesa nung first time pinasubok sakin ni Joohyun yung Harley. Mabagal lang kami pero enjoy naman.”

 

Lalong lumawak ang ngiti ni tatay Mak. “Mabuti yan! Mabuti yan!”

 

“Dad ang weird mo.” Hindi na nakatiis si Joohyun. “What’s up?”

 

“Wala! Anong weird ka dyan? Sige na nga at mag-usap na kayo dyan. Hindi na ko mangingielam.” Huling sabi nito bago isuot ang airpods at maupo.

 

 

Medyo matagal ang katahimikan na bumalot sa dalawang magkaibigan. Medyo awkward.

 

 

“Okay, that’s it.” Biglang sambit ni Joohyun.

 

Naputol naman ang pag-inom sana ni Seungwan ng alak. “Hmm? Ano yun?”

 

“Wala sana kong sasabihin kasi baka trip lang ng friends mo kaso pati si dad nagcocomment na eh. Masyadong weird. May something ba Seungwan?” Straight to the point na tanong nito.

 

Sa totoo lang naguguluhan din naman si Seungwan kaya napainom muna siya bago sumagot sa kausap. “Honestly? Di ko rin alam. Isang araw bigla na lang nang-aasar sina Seulgi. Kala ko one time thing lang pero di na nila ko tinigilan.”

 

Nakasimangot si Joohyun. Hindi satisfied sa nakuhang sagot. “Okay. So bakit pati si dad?”

 

Medyo natawa tuloy siya. “Haha aba ewan ko Joohyun. Tatay mo yan, di naman akin?”

 

“May point.” Pag back down nito saglit. “Pero bakit kaya? Crush mo ba ko? Be honest.”

 

 

Buti na lang hindi ganito ang attitude ni Joohyun sa Harley niya. Kung wala rin siyang preno preno pagdating sa pagmomotor eh malamang napahamak na ito.

 

Natawa nanaman tuloy siya. “Hahaha! May nagsabi na ba sayo…na medyo makapal mukha mo?” Nagniningning ang mga mata ni Seungwan sa pang-aasar.

 

Tinulak siya ng kausap gamit ang balikat. “May nakapagsabi na ba sayo…na bwisit ka?” Bawi nito bago tumawa na rin. “Tinatanong ko lang kasi parang wala namang ibang explanation? Okay lang promise. Pwede ka naman umamin sa akin.”

 

“Hahahaha! Sobrang kapal talaga?!” Hindi kinakaya ni Seungwan ang kausap. Napainom muna ulit siya bago magpatuloy. “Gusto mo ng honest?”

 

Nagtaas ng kilay si Joohyun para ipahiwatig na nag-aabang siya.

 

“Okay game. Honest. Maganda ka, wala naman atang aangal dun. Mayaman ka, good quality pwede mo ko buhayin. Ayoko sana sabihin dahil mayabang ka na nga as is pero sige…hot ka, I don’t think need ko ng reason para suportahan o i-justify ang quality na yun.”

 

 

Bawat lista ng quality ni Seungwan ay palaki nang palaki ang ngiti ni Joohyun. Tinry pa nito pigilan sa umpisa pero medyo malaki talaga ang ulo. Enjoy na enjoy sa nangyayari kasi navavalidate siya.

 

 

“Hmm ano pa ba?” Pag-iisip out loud ni Seungwan. “Mabait ka, nilibre mo ko ng helmet tsaka tinuturuan mo ko mag motor. Hardworking ka, napansin ko naman yun sa TFU event. Ayan. Marami akong pwedeng sabihin tungkol sayo Joohyun. Pero hindi kasama dun yung mga salitang ‘crush kita’. Kasi hindi. I like you, but not that way.” Pagtapos nito sa litanya niya.

 

Hindi naman nawala ang mga ngiti sa labi ni Joohyun. Pareho pa rin ito nung kanina. Mukhang hindi naman kabawasan sa ego niya ang hindi pagkagusto ni Seungwan sa kanya.

 

“Okay, that’s good. Kasi hindi rin kita gusto that way so I guess pareho lang tayo. Friends, right?”

 

Itinaas ni Seungwan ang bote ng alak. Kung may hawak lang si Joohyun eh nakipag cheers pa sana siya. “Right. Pagpasensyahan mo na friends ko, kausapin ko na lang. Ikaw pigilan mo rin yan si tatay Mak.” Natatawang bilin niya.

 

“I will but I think di sila titigil.” Napailing na lang ito.

 

“Haha feel ko rin. Wait, uncomfortable ka ba pag nang-aasar sila?” Gusto masigurado ni Seungwan para alam niya paano kikilos sa kaibigan.

 

“No? Not really. Worried lang ako baka may something pero clear naman na friends lang tayo so okay lang. Ikaw ba, uncomfortable for you?”

 

Saglit niya itong pinag-isipan. “Personally, hindi. Sanay naman akong inaasar nila kung kani-kanino. Nag worry lang din ako baka naiilang ka or something.”

 

“No naman. I’m fine with it.” Ngumiti ito.

 

“Okay. Endure na lang natin I guess.” Huling sabi ni Seungwan bago sila mag-usap ulit tungkol sa joyride na nangyari kanina.

 

 

 

------------------------

 

Bumalik na ulit sa trabaho si Chef Joohyun.

 

Makalipas ang isang buwan ay dumadalang na ang pagdadala nito ng motor. Madalas ay may tagahatid sundo na ito.

 

Noong una, napansin lang ni Seungwan kasi may kotseng nag-aabang sa labas ng gate tuwing papasok sila ng office sa umaga. Akala niya nakikisabay lang pero hindi nagtagal ay napansin na rin niyang may naghahatid sa kaibigan tuwing gabi.

 

Hindi naman nila mapag-usapan. Bihira na kasi magpunta sa tindahan si Joohyun. Sabi ni Yeri lagi raw maaga natutulog marahil dahil pagod sa trabaho. Kakabalik lang nito mula sa pahinga, baka nag-aadjust pa. Pwede ring dahil sa maaga ang pasok nito kaya wala na sa mood magpuyat.

 

Kung ano man ang dahilan ay hindi sigurado si Seungwan. Ayos lang. Busy rin naman ang TFU recently kaya madalas eh gusto niyang quiet and alone time ang pagtambay sa tindahan pag madaling araw. Yun na lang kasi ang way niya para mag unwind.

 

 

At syempre, magpalipas ng oras dahil hindi pa rin siya makatulog.

 

In fairness, these days 4 am na nga talaga siya inaantok. May nagbago na rin kahit papaano. Sabay na sila pumapasok ni tatay Mak sa bahay.

 

 

Ngayong gabi, akala ni Seungwan eh walang magbabago.

 

Mali pala siya.

 

Nasa pangalawang bote na siya nang biglang may tumabi sa kanya sa bench.

 

 

Si Joohyun.

 

Bagong gising, nakafluffy pajamas at pupungas pungas pa.

 

 

“Uy? Ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong niya. “Sleepwalker ka ba?”

 

Kahit nakapikit ay natawa pa rin si Joohyun. Dumilat ito bago magsalita. “Hindi. Nag alarm ako ng 3 am para maabutan kita dito.”

 

“Oh? Bakit naman?”

 

Tinapik tapik ni Joohyun ang mga pisngi para tuluyang magising. “Wala lang. Miss na kita, tagal natin di nakapag hang out. Tsaka may kwento ako sayo.”

 

Natatawa si Seungwan habang iniinom ang Smirnoff niya. “Sus nambola ka pa. Mukhang wala ka lang masabihan niyang kwento mo eh.” Pang-aasar niya.

 

Mahina siyang tinulak ni Joohyun bago tumayo. Lumapit sa bintana ng tindahan at nanghingi ng Chuckie kay tatay Mak.

 

Nagpatuloy ito pagkabalik ng upuan. “Privilege kaya makinig sa kwento ko. Ikaw palang yung non-Montemayor na makakarinig na ito.”

 

Napataas ng kilay si Seungwan. “Ah wow? Pasensya ka na ha? Salamat naman daw sa opportunity sabi ng buong angkan ng mga De Guzman.”

 

Napangiti si Joohyun. “Ang fun mo talaga kausap.” Sincere na sabi nito. “Anyway, yung kwento ko…I’m dating na ulit.”

 

Bukod sa napataas nanamang mga kilay, nanlaki rin ang mata ni Seungwan. “Ay weh? Yung ba yung naghahatid sundo sayo?”

 

“Yup.”

 

“Ah. Kala ko Grab.” Panloloko nito. “Congrats, I guess? Cheers nga tayo dyan Miss Montemayor.”

 

Nakipag cheers naman si Joohyun gamit ang Chuckie niya. “Salamat. Try ko lang naman. Sabi kasi ni Jennie, close friend ko, subukan ko raw ulit. Nothing serious. Dating lang ganun.”

 

Tumango tango siya. “Hmm tama naman. Nice suggestion.”

 

“Ikaw ba? Wala kang dinedate ngayon?” Curious na tanong nito.

 

“Wala eh.” Uminom siya ng beer. “Wala kong time, busy ako.”

 

“Ikaw busy? Dami mo ngang time tumambay rito.”

 

“Lah?!” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. “Iba naman yun. Di kasi ako makatulog hahaha. Wag ka nga! Porke may dinedate ka dyan eh.”

 

Ngumit ng nakakaloko ang kaibigan. “You know what? Dalawa yung dinedate ko gusto mo sayo na lang yung isa?”

 

Inubo siya sa narinig. Walangya. “Seryoso ka ba? Hahaha. Ano yan, laruan? Bakit pinapamigay?!”

 

“Hahaha!” Tawang tawa naman ito. “Sayo nanggaling yan, hindi sa akin. Baka lang kasi interested ka. I meant lang na may pwede akong ipakilala sayo.”

 

“Sus Joohyun.” Inirapan niya ito pero hindi naman siya seryosong naiinis. “Kung di mo gusto yung isa, sabihan mo na lang o kaya i-ghost mo. Kesa pinapasa mo pa sakin, nako ka.”

 

“Ang sama ng ugali mo, bakit ko igghost?” Natatawang tanong nito. “Tsaka pano ko yun gagawin eh hinahatid sundo nga ako.”

 

“Yan yan yaaaaan! Dapat kasi di ka nagbibigay ng address para madaling takbuhan hahaha.”

 

“Hahaha true. Medyo nireregret ko na nga. Miss ko na magmotor.”

 

 

Nagkatinginan silang magkaibigan.

 

Parehong may ngiti sa mga labi.

 

Parehong napaisip sa mga panahong may oras pa sila para mag joyride.

 

 

“Ako rin. Miss ko na.” Sabi ni Seungwan.

 

Umakbay sa kanya si Joohyun. “Soon. Ikot tayo ulit. Not tonight kasi pangalawang bottle mo na ata yan plus naka pajamas lang ako.”

 

Napatingin ulit tuloy siya sa suot ng kaibigan. Ngayon pa lang nagsisink in na nag alarm talaga ito para lang gumising at maabutan siya sa tindahan. Hindi niya maiwasang mapangiti. “Okay. Soon.”

 

 

Saglit silang natahimik bago macurious si Seungwan sa mga manliligaw ng kaibigan. “Oh game kwentuhan pa tayo. Ano ba pangalan niyang mga manliligaw mo para mas madali pag-usapan?”

 

Bumitaw si Joohyun sa pagkaka-akbay. “Wag na natin pangalanan. Mukhang di ko naman magiging boyfriend. Tawagin na lang natin silang MWF at TThS.”

 

“Hahaha! Days of the week, seryoso? Bakit? Isang linggong pag-ibig lang ba yan?” Pang-aasar niya.

 

Napa eyeroll tuloy si Joohyun. “Hindi! Yan kasi yung schedule nila maghatid sundo sa akin.”

 

“Nyahahaha! Scheduled pala! Di mo naman sinabi driver pala hanap mo. Sana tinry mo si Seulgi, baka gusto ng raket hahahaha.”

 

Sinakyan naman ni Joohyun ang trip niya. “Tapos ano? Makikiagaw pa ko sa mga kapatid kong may crush sa kanya? No thanks.”

 

 

Pinag-usapan pa nila ang dalawang manliligaw na apparently ay workmates din pala ni Joohyun kaya walang alinlangan na maging service niya. Mga chef din daw sa restaurant nila.

 

Parang marami pa silang gustong pag-usapan kaso nag 4 am na. Nagsimula na magsarado si tatay Mak at inaantok na rin naman sila.

 

Nakailang hikab na nga si Joohyun. Epekto siguro ng pagputol nito ng tulog para makapag-usap sila.

 

Naunang pumasok sa bahay si tatay Mak.

 

Ang dalawang magkaibigan ay mabagal na naglalakad mula sa tindahan papasok sa sharehouse.

 

 

Nang makarating sa hagdanan tungo sa second floor ng bahay ay nagpaalam na si Joohyun. Nakahakbang na siya ng dalawang baitang kaya mas mataas siya kay Seungwan. Hinawakan niya ito sa balikat bago magsalita.

 

“Akyat na ko Seungwan. Nice talk. Goodnight.”

 

Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ni Joohyun na nakapatong pa rin sa balikat niya. “Salamat sa paggising in the middle of the night. Next time mag sched tayo para di ka na mahirapan. Pwedeng ako na yung Sundays mo.” Pagbibiro niya.

 

Kahit halatang malapit na mapapikit sa antok ay nakuha pang tumawa ni Joohyun. “Aba. Complete na pala ang week ko. Goodnight, my Sundays.”

 

Nagsimula nang lumayo si Seungwan sa hagdan. "Feel na feel mo rin eh no? Napakayabang naman pong tunay. Sige na. Goodnight Joohyun!” Paalam nito bago kumaway at maglakad patungo sa basement.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?