Chapter 7: Work, Work, Work, Work, Work~

Tulog Ka Na Muna

Sa tindahan ni tatay Mak. 4:00 am. Kakatapos lang magsarado.

 

“Sure ka ba Seungwan?”

 

“Oo, sure ako Joohyun. Ikaw ba?”

 

“Umm…oo. Game.”

 

 

 

Sa dining table ng mga Montemayor. 7:00 am. Sabay sabay na kumakain ng almusal ang pamilya at ang mga tenants.

 

“Sure ka ba Seungwan?”

 

“Yes. Ikaw ba?”

 

“Umm…oo. Game.”

 

 

 

Sa TFU van. 7:45 am. Paalis ng sharehouse.

 

“Sure ka ba Seungwan?”

 

“Yup, I’m sure. Ikaw ba?”

 

“Umm…oo. Game.”

 

 

 

Sa TFU office. 8:00 am. Kakarating lang ng team kasama si Joohyun.

 

“Sure ka ba Seung—”

 

“Oo! Sure yan si Seungwan! Sure din kami sayo Joohyun kaya wag ka na kabahan.” Pagputol sa kanya ni Seulgi.

 

Naririndi na kasi ito sa kakatanong ng babae. Buong umaga niya napuno lang ng paulit ulit na usapan ng dalawa. Ngayong nasa office na sila, hindi na kaya tumahimik ni Seulgi. Magkasama sila ng room ni Seungwan sa office kaya ayaw niyang hayaan na lang ang nangyayari.

 

“Sorry Seulgi.” Nahihiyang sabi nito. “Baka lang kasi makaabala ako sa inyo imbis na makatulong.”

 

“Hindi yan. May tiwala naman ako sa judgment ni Seungwan. Tsaka syempre sayo na rin.” Maluwag ang ngiti sa labi ni Seulgi kasi sincere naman ang sinabi niya.

 

 

Mula sa pagkakatayo sa pinto ay tinawag siya ni Seungwan para maupo sa chair sa harap ng desk nito.

 

“Upo ka muna dyan Joohyun. Mamaya papasok dito si Yves para i-brief ka sa tasks niyo later okay? Dito ka muna mag-uusap muna kami sa kabilang room.” Sabi nito bago umalis saglit.

 

 

Habang tumatakbo ang oras eh natatakot na talaga si Joohyun. Kanina kasing madaling araw nagrereklamo siya kay Seungwan na nabuburyo na siya sa bahay. Walang wala na talaga siyang magawa.

 

Yung isa tuloy nag offer na sumama siya sa TFU team today. Sama raw siya kahit isang event lang para naman may iba siyang makasamang mga tao tsaka paligid na makita.

 

Umoo naman agad si Joohyun. Siguro pag madaling araw kasi parang ang safe ng lahat. Hindi nakakatakot ang mundo. Pero syempre nakuha niya rin namang mahiya. Ayaw niyang sumama lang at maki-sightseeing sa team. Gusto niya tumulong.

 

Kaya nag offer siya maging assistant kahit papano. Sa totoo lang hindi raw need nila Seungwan pero pwede naman niya gawan ng paraan. Sanay lang naman si Yves na maraming ginagawa kaya hindi nila kailangan ng assistant pero ayun ibig sabihin may trabahong pwede madelegate kay Joohyun.

 

Ayan tuloy, ngayong sumikat na ang araw at mas nakakatakot na ang mundo, kabang kaba si Joohyun sa mga pwedeng mangyari sa party na inarrange ng TFU team. Sana lang hindi siya makagulo tsaka helpful talaga siya. Wag naman sanang parang saling kitkit lang sa organizing team.

 

Parang ang dami niya hinihingi masyado ano?

 

Siguro ganoon talaga kapag sanay ka magtrabaho na establishment na pagmamay-ari niyo tsaka ikaw ang boss. Mas komportable. Mas alam mo ang galawan. Okay lang magkamali. Ayan tuloy parang ang demanding niya sa bagong environment na ito.

 

Pero sabi kasi ni Seungwan makakatulong daw sa kanya yung bagong environment. Para naman maiba ang usual niyang mga naiisip at di siya kainin ng kalungkutan tungkol sa ex niya.

 

 

Ang bait din talaga ni Seungwan. Lagi siyang handang tulungan.

 

 

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Yves sa office room nina Seungwan at Seulgi. Kinwento nito sa kanya ang magiging process ng event pagdating nila doon tsaka kung ano yung mga kailangan niyang gawin.

 

Bilang bibo kid, may dala rin siyang planner na actually ginaya niya lang kay Seungwan. Nakuha niya yung idea kasi lagi itong may dalang planner tuwing may meeting sila dati.

 

Helpful naman kasi doon siya nagsulat ng notes tungkol sa mga bilin ni Yves. Pero mabait din naman ito at sinabihan siyang lumapit lang anytime kung may gustong linawin o itanong.

 

 

Hindi namalayan ni Joohyun na matagal tagal din pala ang naging usapan nila ni Yves. Saktong pag-alis nito ay tumawag si Seungwan kay Seulgi na siya namang nilagay nito sa speaker para marinig din niya.

 

“Seungwaaaan! Saan ka na?”

 

“Eto kakatapos lang makipag usap sa taga gawa ng tarpaulin. Kamusta kayo dyan, si Joohyun?”

 

Napatingin sa kanya si Seulgi bago sumagot sa kaibigan.

 

“Okay naman. Nag briefing sila ni Yves, may dala rin siyang planner. Parang Mini Me mo pala to?” Nang-aasar na sabi ni Seulgi. Inirapan niya lang ito pambawi.

 

“Haha gags ka. Hayaan mo sa trip niya. Oh pano bili na lang ako lunch habang nasa labas pa ko, silog na lang. Anong order niyo? Patanong na sa lahat.”

 

“Hotsilog ako master.” Lumingon sa kanya si Seulgi. “Ikaw Joohyun?”

 

“Kung ano na lang yung kay Seungwan.”

 

“Oh Wan narinig mo yun? Same lang daw sayo.” Hindi siya sigurado pero parang medyo nang-aasar yung tono ng boses ni Seulgi. Kaso bago pa siya makapagtanong eh nagsalita ulit ito.

 

“Joohyun pwede favor? Patanong naman sa kabilang room anong order nila? May tinatapos lang ako dito.” Turo nito sa desk niya.

 

Totoo namang kanina pa tila may dinodrawing si Seulgi kaya pinaniwalaan na ni Joohyun. Tumayo ito para pumunta sa kabilang room.”

 

 

*Knock Knock*

 

“Uy Joohyun! Ano yun may tanong ka ba?” sabi ni Yves na kasalukuyang nakaupo sa shared couch nila ni Moonbyul.

 

“Ah wala, salamat. Nagpapatanong si Seungwan kung ano raw order niyo sa silogan?”

 

“Awit! Ate ganda! Ginagawa ka bang waitress ng kaibigan namin? Payag ka non chef?” Singit ni Moonbyul na kaninang nakaupo sa may desk niya pero ngayon ay papalapit na rin sa couch. Tumabi ito kay Yves.

 

“Haha di naman ganon. Si Seulgi nga nag-utos sakin eh. Ewan ko ba bakit crush yun ng mga kapatid ko.”

 

“Hindi ko rin alam. Di hamak na mas gwapo naman ako kesa kay Seulgi Manzano.” Nagkunwari pang nalungkot si Moonbyul. “Anyway, chixsilog po sa akin. Para matinik sa mga chix!” Humagikgik ito.

 

Natawa na lang sila ni Yves sa pagpapaliwanag nito ng order niya.

 

“Ako, tocilog na lang pakisabi. Salamat!”

 

“Okay noted. Balik na ko sa kabila.”

 

 

Agad namang sinabi ni Joohyun kay Seulgi ang order ng dalawa at bumalik na ito sa pag-aaral ng notes niya mula sa briefing kanina. Nag-usap pa sa phone ang dalawang magkaibigan pero hindi na niya inintindi ang mga ito.

 

 

Hindi nagtagal ay nakabalik na rin si Seungwan sa TFU office. Dala dala nito ang order nilang lahat, tapsilog para sa kanilang dalawa.

 

Nagsama-sama ang lahat sa pantry para doon kumain since kasya naman sila. Habang kumakain at nagkukwentuhan ang apat na magkakaibigan eh hindi naman maipinta ang mukha ni Joohyun.

 

Masarap yung tapsilog to be honest pero nawawalan siya ng gana dahil sa kaba. Napansin agad ito ni Seungwan.

 

 

Inakbayan siya nito bago magsalita. “Team, diba sure naman tayo sa pagsama ni Joohyun sa event mamaya?”

 

“Yes!”

“Oo naman!”

“Yup!”

 

Sabay sabay na sagot ng tatlo. Tapos nagtanong si Seungwan. “Ikaw Joohyun, sure ka ba? Promise okay lang samin either way pero syempre gusto ka namin makasama. Masayang experience to promise.”

 

 

Hinga nang malalim.

 

Isa pa.

 

 

“Umm…oo. Sure na talaga. Game na!”

 

 

------------------------

 

Events Place

1:30 pm. TFU team plus Joohyun.

 

Pagkatapos mag lunch ay nag-ayos lang sandali ang team bago magpunta sa venue. Same place lang to kung saan nag birthday si Yeri kaya nabawasan ang kaba ni Joohyun. Agad namang naging busy ang lahat kaya bumuntot na siya kay Yves. Marami pa silang gagawin para sa 25th anniversary ng isang college org na gaganapin mamayang 7 pm.

 

Nagsisimula pa lang ang pag set up pero nagagandahan na si Joohyun. Pula kasi yung theme dahil Red Flavor daw ang name ng org pero hindi ito masakit sa mata kasi magaling mag design si Seulgi. Marami ring velvet na ginamit kaya parang naging royalty ang dating.

 

 

Habang abala si Joohyun sa pagsunod kay Yves at paggawa ng tasks nito, si Seungwan naman ay busy rin sa pagcoordinate ng lahat ng tao.

 

So far, so good.

 

Hectic pero hindi naman sila gahol sa oras kaya may panahon pa siya para paminsan minsang tignan si Joohyun. Wish niya lang eh nakakatulong talaga itong suggestion niya para sa babae at hindi ito masyadong nasstress.

 

 

*Click*

 

 

Napapikit si Seungwan sa nakakasilaw na flash ng camera ni Moonbyul.

 

“Pinicturan mo ba ko?? Anong trip mo?” Medyo inis na tanong niya rito.

 

Nakangisi siyang sinagot ng kaibigan. “Test shot lang. Ganda kasi ng tingin mo sa malayo parang gusto mo tunawin eh.”

 

Nakakahalata na si Seungwan. Parang napapadalas ang pagpapahiwatig nina Seulgi at Moonbyul sa kanya.

 

“Para kang tanga. Tinitignan ko lang naman kung okay siya.”

 

Tila walang pake namang nakatingin lang si Moonbyul sa shots na tinake niya sa camera. “Siya? Sinong siya?”

 

Naiinis na talaga si Seungwan. “Edi si Joohyun. Sino pa ba?”

 

“Eh wala naman ako sinabing pangalan? Sabi ko nga nakatingin ka sa malayo? Hahahahaha huli ka boi.” Binitawan ni Moonbyul ang camera at hinayaan itong sumabit sa leeg niya. Humalukipkip ito para angasan si Seungwan dahil nadulas ang kaibigan.

 

Napahawak naman ito as bewang. “Ewan ko sayo magtrabaho ka na nga lang. Kung tapos ka na mag test shots, lumayas ka muna sa harap ko. Harang ka sa mga busy rito eh.”

 

“Ayun nagsungit na hahaha. Okay boss! Doon muna ko sa gilid, charge lang.” Sabi ni Moonbyul bago pumunta sa gilid ng venue kung saan may saksakan para makapag charge siya ng equipment.

 

 

 

------------------------

 

Events Place

10:30 pm. Tapos na ang formal program part. Pauwi na ang TFU team.

 

Kalahating oras lang ang tinagal ng pag-aayos nila ng gamit kaya naman maaga aga silang makakauwi tonight. Alas diyes natapos ang formal party at successful naman kaya masaya ang buong team.

 

Pero merong mas masaya kesa sa team at si Joohyun yun. Enjoy na enjoy siya sa naging trabaho nila. Sobrang daldal tuloy nito habang nasa van pauwi.

 

“I’m sooo happy! Ang saya ng work niyo grabe. Medyo nafeel ko rin naman to nung birthday ni Yeri pero iba pala kapag ikaw yung nag oorganize from start to finish. I feel so accomplished!” Masayang kwento nito.

 

Satisfied din naman si Yves na naging mentor nito for the night. “Efficient ka rin kasi magtrabaho Joohyun kaya masaya yung experience. Parang gusto ko na tuloy ng permanent assistant. Wag ka na bumalik sa restaurant niyo?” Biro pa nito.

 

“Sige pag-isipan ko yan. Magkano ba swelduhan boss?” Humarap ito kay Seungwan.

 

“Free labor. Hug lang makukuha mo saming apat hahaha.”

 

“Kow!” Biglang sigaw ni Moonbyul. “Seungwan kung gusto mo yakapin, ikaw na lang. Wag mo na kami idamay!”

 

Nagtawanan naman ang mga sakay ng van bukod sa taong target ng asaran. “Utak mo talaga Byul. Wag mo nga ko igaya sa mga galawan mo.”

 

Bumulong pa ng sagot ang kausap pero dahil nasa passenger seat ito ay hindi na masyadong narinig ng tatlong nakaupo sa likod. Parang si Seulgi na designated driver na lang ang nakaintindi kasi bahagyang natawa ito.

 

 

May masama talagang naiisip ang dalawang yun. Mukhang kailangan sermonan ni Seungwan sa madaling panahon.

 

 

“But I think mas mag-eenjoy ako pag birthdays ng mga bata yung ioorganize.” Patuloy na kwento ni Joohyun. Hindi ininda kung ano man ang pinapatamaan ni Moonbyul kanina. “Yung crowd kasi ng college students…”

 

Naalala nanaman ni Seungwan ang mga nangyari sa party. Peaceful siyang tao generally pero kanina parang gusto niya mambigwas ng mga estudyante.

 

“Oo nga Joohyun! Sobrang benta mo sa college students. Parang yung iba mas focused pa sayo kesa sa program na nagaganap sa harapan nila eh.” Pagsali ni Seulgi sa usapan.

 

“Kaya nga!” Dagdag pa ni Yves. “Akala ko may kailangan samin yung mga tao, yun pala lapit lang nang lapit para itanong pangalan mo.” Natatawang pagkwento nito.

 

“True. Medyo sagabal sa work to be honest haha.” Medyo mayabang na sagot ni Joohyun. “Buti na nga lang nag-iikot si Moonbyul, ni-redirect ko na lang sa kanya tutal mukhang papatol naman yang kaibigan niyo.”

 

Sobrang komportable na ni Joohyun sa kanila. Nakikisabay na ito sa mga asaran tsaka hindi na rin nakikinig lang sa mga kwentuhan. Magandang progress bilang hindi niya naman madalas makasama ang magkakaibigan bukod kay Seungwan. Iba rin talaga nagagawa pag magkasama sa bagong life experience.

 

 

“Thank you very kamsa Miss Joohyun Montemayor. Dami kong nakuhang numbers tonight hehehe.”

 

Wala talagang pinipili to si Moonbyul. “Hoy! Check mo muna kung legal na yung mga yon. Baka mamaya minors pa, uupakan kita.” Paala ni Seungwan dito.

 

“Kadiri ka naman!” Sumilip pa si Moonbyul sa likod ng sasakyan para ipakita ang mukhang naiinis sa narinig. “Syempre tinanong ko sila agad bago ko kunin numbers! Di naman ako tanga.” Umayos na ulit ng upo ito sa passenger seat.

 

Nagtawanan lang ang ibang mga sakay ng van. Proud si Seungwan at naisip niyang ayain si Joohyun. Naging masigla rin kasi ang buong team dahil sa bago nilang kasama. Kapag silang apat lang kasi ay mas tahimik sa venue at sa byahe pauwi. Masyado na silang sanay sa isa’t isa kaya mas ramdam nila ang pagod kesa ang enjoyment na tulad ng nangyayari ngayon.

 

 

Hindi nagtagal ay nakauwi na sila sa sharehouse. Sabay sabay silang lumabas ng warehouse kung saan nakapark ang van.

 

Sa gitna ng kalsada, nagsabi si Seungwan na magpapaiwan na muna sa tindahan. Hindi naman na nagtanong pa ang tatlo niyang kaibigan. Nagpaalam lang ang mga ito na bababa na raw sa basement para magpahinga.

 

Pag-upo ni Seungwan sa bench ay nagulat na lang siya dahil may kasunod siyang umupo rin.

 

 

Si Joohyun pala.

 

 

“Oh bakit nandito ka rin? Di ka pa ba matutulog?” Tanong niya sa katabi.

 

“Nope!” Energetic na sabi nito. “Gusto ko pa makipag-usap tsaka ikukwento ko rin kay dad yung nangyari.”

 

Sakto namang nasa may bintana ng tindahan si tatay Mak. May hawak na agad na Smirnoff para kay Seungwan. Galing din talaga para na silang well oiled machine ni tatay.

 

“Salamat po.” Inabot niya ang alak at uminom.

 

“Kamusta ang event niyo? Okay naman ba?” Tanong nito sa dalawa.

 

“Yes dad!” Excited na sabi ni Joohyun at nagsimula nanaman itong magkwento ng experience niya ngayong araw.

 

Pinanood lang ni Seungwan ang mag-ama. Pansin niyang kumukunot ang noo ni tatay Mak kapag medyo hindi niya gets ang nababanggit sa kwento pero hindi nawawala ang ngiti sa labi nito. Mukhang masayang masaya kasi masaya rin ang panganay. Mahal din talaga si Joohyun ng tatay niya.

 

 

Nakakataba ng puso ang lahat ng nangyari tonight. Naging masaya ang team, masaya si tatay Mak, at masaya si Joohyun. Parang wala nang mahihiling pa si Seungwan. Kuntento siya basta walang pinoproblema ang mga tao sa paligid niya.

 

 

Pero siguro kung hindi naman kalabisan humiling pa ng isang maliit na bagay, yun ay ang mag yosi ng Marlboro Black. Medyo namimiss na niya at kahit maaga pa eh gusto na sana niya gawin ang bisyo.

 

Kaso alam na niyang ayaw ni Joohyun ang amoy nito.

 

Next time na lang.

 

May Smirnoff naman na siya okay na siguro to. Bawas bad habits na rin kahit papaano.

 

 

Nagkwentuhan lang ang tatlo hanggang mag alas kwatro ng umaga. Hindi alam ni Seungwan kung saan hinugot ni Joohyun ang ganung klaseng energy bilang kahapon ng alas kwatro eh nagpupuyat din sila pareho dito sa tindahan. Mukhang iba talaga ang naging epekto sa kanya ng distraction na ito.

 

 

“Papasok na kami ni dad Seungwan. Ikaw ba? Dito ka muna?” Tanong ni Joohyun sa kanya nang matapos magsarado si tatay Mak.

 

Nag stretching siya sandali bago tumayo sa bench. “Hindi. Pasok na rin ako parang inaantok na.”

 

Gulat na gulat ang kanyang kausap. “What? 4 am pa lang ah? Diba 5 am sleeping time mo?”

 

Napangiti si Seungwan. Kung pag-iisipan niya ang nangyayari eh malamang mawawala ang antok niya kaya sa susunod na lang niya ito pagmumunimunihan.

 

Sabi niya na lang, “Ewan baka pagod lang. Tara pasok na, tulog na tayo.”

 

Inakbayan silang pareho ni tatay Mak habang papasok sa loob ng sharehouse.

 

 

 

Mukhang hindi lang kay Joohyun may magandang dulot ang distraction na nangyari ngayong araw.

 

 

 

A/N: Hi po naaalala niyo pa ba yung org name from KILBP? La lang miss ko lang sina hangal kaya may slight cameo rito yung Red Flavor hahaha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ivywrites
#1
Chapter 9: Nakailang beses ko n tong inulit basahin.. Pero kinikilig p rin ako putek hahahahah
LockLoyalist
#2
Chapter 9: Ang sweet naman ng moment nila huhu cutieeeee
SEEKER_
#3
Chapter 9: Parang nagkakagusto na si madam kay Wendy. Shet nangangamoy angst. Well kahit naman siguro magkakagusto sa katulad ni Wendy. Ang gaan kasama, masarap kausap, hardworking etc.
SEEKER_
#4
Chapter 4: Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy yung pinagkaiba nung mga ulam na yon. I'm dumb like that basta orange may tomato sauce sksksksksk
SuperHolly214
#5
I need to reread first kasi nakalimutan kona to wait lang
mklarisse_ #6
Chapter 9: Omg naman???? Authornim intense kilig dmejdmdm
anothersabstory
#7
Shet update wait
speac_sci
#8
Chapter 9: Ano to? Anong progress to? Kinikilig akoooooo pakingsheyt na malagkit ekis ang walang inlaban wenrene pa rinnn
taintedcolor #9
Chapter 9: yaaaaass papunta na tayo sa exciting part 🤩
feerspeciar
#10
Chapter 9: ang pinakahihintay na pagbabalik!!! aminan time na for wenrene na ba?