Chapter 9

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

Tapos na finals kaya chill chill nalang ako nito. Hintay nalang ng grades tapos officially start na ng summer vacation sa wakas.

Kasama ko ngayon si Irene papuntang apartment. May bisita kasi si Yoona kaya change location kami ng tatambayan.

Since wala din naman ang barkada at lahat sila ay may lakad, nagdecide kami na sa apartment nalang namin magtambay.

 

"Oh? Akala kong makikipaglaro kayo ng badminton kina Amber?" tanong ko kina Krystal at Lisa ng makita ko sila sa sala nanonood ng tv.

"Inindian kami eh, may lakad daw sila bigla. Hi Irene! Uyy para samin ba yan?" Nginuso ni Lisa yung hawak ni Irene na pizza.

"Kapal mo talaga bumili ka ng sayo!" sigaw ko kay Lisa

"Hi Lisa. Hi Krystal. Okay lang babe di din naman natin mauubos 'to."

"Oh see! Buti pa si Irene ang bait. Isa pa ding malaking misteryo kung paano mo nagustuhan 'tong oso na 'to." Alam niyo bitter lang 'tong chopstick na 'to eh.

"Si Stal lang pwede kumuha."

"Ulul mo." sabay abot nung pizza at siya pa talaga ang nagbukas. Sa payat niyang yan ang lakas lumamon.

 

Pumwesto na din kami ni Irene sa harap ng tv. Naka indian seat kaming apat sa lapag at sinimulan naming lantakan yung meryendang dala namin.

 

"Gusto niyo ba manuod ng movie?" Tanong ni Krystal na lumingon saglit sa side namin ni Irene. Kakatapos lang kasi nung isang episode nung drama na pinapanuod nila ni Lisa.

"Okay lang Stal kahit anong gusto niyo panoorin."

"Sige lang te alis din naman kami ni Lisa maya maya."

"San punta niyo?" curious kong tanong.

"Kahit san lang. Para mabigyan naman namin kayo ng privacy." Pilosopong sagot ni Lisa. "Di ba babe?" sabay tingin kay Krystal tapos kunwaring nasuka.

"Gagu ka sige lumayas na kayo!"

"Ay excited lang? Di makapagpigil?haha"

Malapit na talaga ko di makapagpigil na batukan to eh.

"Pota ka pinagsasabi mo." buti nalang cool lang si Irene at nakikitawa lang.

"Uyy okay lang di niyo naman kailangan umalis." 

"Hindi te, may bibilhin talaga kami sa labas. Pero saglit lang kami don balik kami later for dinner baka may gusto kayong pabili?"

 

"Uhm.. Dito na tayo magdinner?" tanong sakin ni Irene. Wala pa din naman kasi kaming plano mamaya.

"Sige okay lang. Kayo na bahala Stal. Paki abonohan na din muna. hehe Lab u."

"Ano Stal alis na tayo? Para maagang makapagsimula si Seul. haha May pa couple couple ring pa kayo ah. aha Ayy nasan yung sa'yo Seul?"

 

Putangina. Putangina mo talaga Lalisa.

 

Napatingin ako ng masama sa kanya. Kanina ko pa tinatago tago yung kaliwang kamay ko kay Irene para hindi niya mahalata eh.

Kaninang umaga ko pa kasi hindi makita yung singsing ko.

 

Napatingin sa'kin si Irene pero wala naman sinabi.

 

Parang nakatunog si Lisa at biglang tumayo.

"Tara Stal?"

"Kunin ko lang yung bag ko."

"See you guys later!"

 

...

 

...

 

"Nasan yung singsing mo?"

 

"Ahh...hinubad ko lang kasi kaninang umaga nung uhm naligo ako."

 

"Suotin mo na ngayon."

 

"Ahh...Sige..Ubusin ko lang 'to babe. hehe"

 

"Mamaya mo na ubusin yan."

 

"O-okay."

 

Dali dali akong tumayo at nagpunta ng kwarto. Takte kasi alam ko pinatong ko lang dito sa ibabaw ng study table yun ehh. Na'san ka na ba?

 

Baka naipit lang sa mga nakapatong na gamit dito. Wala.

Binuksan ko isa isa mga drawers ng study table. Wala din.

Baka nasa ilalim mismo ng table. Wala pa din.

Magpakita ka na please. Pinagpapawisan na ko oh.

Hinanap ko sa ilalim ng mga kama namin ni Krystal pero wala talaga.

 

Hindi naman siguro mapupunta sa kama kasi natatandaan ko talagang pinatong ko yun sa study table bago maligo kanina.

Inangat ko yung mga unan saka ko pinagpag yung kumot nung biglang may nahulog sa sahig at gumulong.

 

Pota? Pano ka napunta dito? Tumalon ka?

 

Hinabol ko siya at nagpasalamat. Huwag ka nang lalayo sakin please magkakasakit yata ako sa puso ng dahil sayo.

"Gumulong lang pala sa kama hehe" Pinakita ko yung singsing na suot suot ko na kay Irene.

"Lagot ka sakin pag nawala mo yan."

"Hinding hindi ko 'to iwawala babe nu ka ba. hehe. Ligpit ko muna 'to." Dali dali ko niligpit yung pinagkainan namin para lang kunwari busy ako ganun.

"Babe anong gusto mong movie?" Tanong ko kay Irene na naka upo na sa sofa. Ako dito muna sa sahig. Hindi naman sa natatakot ako sakanya saka wala naman akong ginawang mali hindi ko naman nawala yung singsing. Pero dito lang muna ko sa sahig okay?

"Ikaw na bahala."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha