Chapter 7

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

"Ooomph. Dahan dahan naman Seul!" reklamo ni Krystal na halos masubsob na ang mukha sa dashboard ng sasakyan.

"Sorry! Dahan dahan ko naman inapakan yung brake eh." Natatarantang sabi ni Seulgi.

"Relax ka lang kasi!"

"Paano ako magrerelax ang sungit sungit ng nagtuturo sakin?"

Agad namang na killer eyes ni Krystal si Seulgi.

"Heh. Joke lang." Sabay peace sign. "Dadahan dahanin ko na po."

Nakailang ikot pa sina Seulgi bago nagdecide na itigil na ang practice at nagugutom na ang baby damulag sa tabi niya.

"Saan tayo?" Tanong ni Krystal after nila makapagpalit ng pwesto sa driver's seat.

"Sa Jollibee nalang para maiba." sagot ni Seulgi sakanya.

"Tinitipid mo nanaman ako. Ilang oras kita tinuruan ah." pagrereklamo ni Krystal.

"At ilang oras mo din akong pinagalitan at sinigaw sigawan."

Bago pa man makarebat ng sagot si Krystal inunahan na siya ni Seulgi.

"Joke lang ulit!" sabay nagpakita ng dalawang finger hearts kay Krystal. "San mo ba gusto?"

"Zark's?"

"Okay Zark's! Leggo!"

"Wowww! Tara na baka magbago pa isip mo madalang lang to." agad pinaandar ni Krystal ang sasakyan at nagpunta na sila sa mall.

---

"Thanks Stal, see you later." Tinanggal ni Seulgi yung seatbelt at binuksan yung pinto.

"Huwag mo kalilimutan yung gift ko ah." Cecelebrate nila mamaya birthday ni Krystal sa bahay nila. Actually, bukas pa talaga ang birthday niya kaso bukas din ang balik nila sa apartment at may pasok na din kinabukasan.

"Kinain mo na kanina yung gift ko."

"Huy ano ka? Iba yun. 'Wag kang kuripot diyan."

"Haha. Okay hintayin mo yung madami kong kiss sabay hug." saka ito nagpaulan ng madaming flying kiss kay Krystal.

"Mukha mo, hindi ko kailangan yan. Bumaba ka na!" 

Sinulyapan ni Krystal sa side mirror si Seulgi at napangiti ng makita niyang tumatawa pa din ito habang kumakaway.

 

Mga anim na bahay lang ang pagitan ng bahay nina Seulgi sa bahay nila kaya agad din namang nakagarahe si Krystal.

"Oh ba't ngayon ka lang, kumain ka na ba?" bungad sakanya ng mama niya nung makasalubong niya sa kusina.

"Opo ma, kumain na kami sa labas ni Seulgi."

"Haay kayong mga bata oh. Parang hindi kayo magkasama sa apartment. Pagdating dito sa probinsya kayo pa din ang laging magkasama."

Hindi na sinagot ni Krystal ang mama niya at dumiretso lang sa ref para uminom ng tubig. Wala naman siyang gagawing iba kaya naisipan niya nalang na puntahan ang kanyang ate sa kwarto nito.

Dire-diretso lang si Krystal na pumasok sa kwarto ng ate niya at nahiga sa tabi nito sa kama.

"Pwede namang kumatok di ba?" Narinig niyang sabi ni Jessica na nakasandal s headboard ng kama habang nagbabasa ng libro.

Di niya ito pinansin at nagpakabusy sa pagbrowse ng phone niya. Nakita niyang pinost ni Seulgi yung pictures nila kanina. Yung isa nung nasa sasakyan sila, yung isa nung kumakain sila ng burger.

Napansin niya din na nagbago na ng profile picture si Seulgi. Dati picture lang ng bear, ngayon yung picture na nilang dalawa ni Irene. Nakaramdam nanaman siya ng kakaibang lungkot at napahinga ng malalim.

 

"Problema mo diyan?" Curious na tanong ng ate Jessica niya.

Nahiga ng patagilid si Krystal paharap sa ate niya.

"Te."

"Hmm?"

"Normal lang ba na malungkot yung kaibigan mo dahil may boyfriend ka na at siya na lagi mong kasama?"

Napatigil si Jessica sa pagbabasa at napatingin kay Krystal.

"Sinong boyfriend mo?"

"Wala! Hindi ako!"

"Ahhh. So ikaw yung nagseselos?"

"Hindi! Ano ba? Saka hindi ko naman sinabing nagseselos ah."

"Ganun na din yun kasi. Kanino ka nagseselos"

"Hindi nga ako! Nakakainis naman 'to." Napaupo na si Krystal sa matinding pagtanggi nito.

"Talaga ba? Uhmm. Depende siguro. Kanino ka ba nagseselos?" Nakangiting tanong ni Jessica na nang-iinis pa.

"Haist! Bahala ka na nga diyan!" Marahas na tumayo si Krystal at padabog ng palabas ng kwarto ni Jessica.

"Haha. Krys sige na lika na dito. Haha." Pasigaw na tawag sa kanya ni Jessica pero hindi ito pinansin ni Krystal at nagtuloy tuloy sakanyang kwarto.

"Kainis! Ba't di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha