Chapter 8

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

Irene : Pababa nako niyan. Sorry talaga.:(
Seulgi : Okay lang wag k magmadali. Andito lang ako sa loob ng kotse.

Nakakuha nako ng driver's license last December. Gamit ko na din yung kotse na binigay ng kuya ko. Nag-loan kasi siya ng bagong sasakyan.

Kanina ko pa hinihintay si Irene sa parking lot ng apartment nila. 4th monthsary namin ngayon at niyaya ko siyang kumain sa labas pero past 8pm na hindi pa din siya nakakababa.

Okay lang naman kasi sinabihan naman niya ako na hindi siya sure dahil madami silang tinatapos for school. Ako lang 'tong nagpumilit na magpunta.

Niyaya niya ko pumanhik sa taas kaso nahihiya ako sa mga kasama niya kaya eto ako ngayon, inuunti unti yung tubig na dala ko para medyo mapawi na din ang gutom. Parang gusto ko nang kumuha dun sa dala kong chocolates.
Simple lang naman sana yung plano ko ngayon. Dinner lang saka ko binilhan si Irene ng flowers and chocolates.

Napangiti ako ng makita ko na si Irene na patakbong palapit sa kotse.

"Sorry talaga. Sabi ko kasi sayo pumanhik ka muna eh. Kumain ka na ba niyan? Kumain ka na muna kaya sa taas" Natawa ko sa sunod sunod na sabi ni Irene pagka pasok niya ng kotse.

"Okay lang ano ka ba. Sa apartment nalang ako kakain. Gusto lang naman kita makita kahit saglit lang eh." Kinuha ko yung flowers saka chocolates sa backseat at binigay kay Irene.

"Happy monthsary!"

Nakita ko yung masarap na ngiti ni Irene. Ito talaga yung gusto kong makita eh. Worth it ang gutom.

"Thanks Seul, Happy monthsary!." Lumapit siya skin at hinalikan ako. Paglayo niya sakin, humabol pa ako ng isa pang mabilis na halik.

Napatawa siya tapos biglang nag pout.

"Wala din akong dala para sa'yo." haha ang cute halikan ng pout niya.

"Eh di ba napagusapan naman natin na hindi natin kailangan magbigayan ng kung ano ano every month?"

"Eh ano 'to?" sabay nguso sa flowers and chocolates na nasa lap niya.

"Iba naman yan eh. Siyempre di mawawala yan and dinner. Dapat lagi tayo magkasama sa araw na 'to. Ito ang seulrene day!" Nakangiti kong sabihin sakanya.

"Haha Saan mo naman napulot yan? Kaso nasira ko na agad. Pang 4th palang pero di na natin nagawa."

"Magkasama pa din naman tayo ah." Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmasdan yung suot niyang singsing. Kapares nito ang singsing na suot ko din. Regalo ni Irene nung bday ko.

"Haaay." Napahinga ng malalim si Irene at sumandal sa upuan ng nakapikit.

"Pagod?"

"Sobra. Nakakatuyo ng utak."

"Panik ka na din agad para matapos kayo ng mas maaga. Saka wag kang papagutom."

"Wait lang." Binuksan ni Irene ang mga mata niya at lumingon sakin. "Gusto din kita makasama ngayon eh."

Lumapad yung ngiti ko. Ang sarap sa tenga pakinggan na pareho kami ng nararamdaman. Kaya hindi ko mapigilan na halikan siya ulit sa labi.

Inialis ni Irene yung kamay niya na hawak ko. Naramdaman ko ang pag panik ng dalawa niyang kamay sa balikat ko. Tumayo yung mga balahibo ko nung dumampi ang kamay niya sa leeg ko.

Bahagyang naghiwalay ang mga labi namin pero hindi kami umalis sa pwesto. Nakita kong nakapikit pa ang mga mata ni Irene. Nararamdaman ko din ang kanyang malalalim na paghinga.

Niyakap ko siya sa baywang at muling hinalikan. This time mas malalim. Nakakapang init ng katawan. Lalo na nung nagtama ang mga dila namin na parang naglalabanan. Walang ayaw magpatalo. 

Narinig kong may nahulog sa sahig pero walang pumansin.

First time ko mahalikan si Irene ng ganito. Before kasi sweet kisses lang. Halos makalimutan ko kung nasan kami ngayon kung hindi lang sa narinig naming pinto na bumukas.

Pareho kaming napalayo at napatingin sa labas habang hinahabol pa ang paghinga.

Meron palang nagpark ng sasakyan malapit sa lugar kung san kami naka park. 

Tahimik naming pinagmasdan yung lalaki na bumaba sa sasakyan. Pagkapasok niya ng building sabay kaming nagtawanan ni Irene.

Pinulot ni Irene yung chocolates sa sahig ng sasakyan. "Kailangan ko na din bumalik sa taas. Uwi ka na din para makakain."

"Huwag ka din papagutom ah."

"Bawi ako Seul. Ako ang taya sa dinner natin ah. Ingat sa pag-uwi"

Nakatanggap pa ko ng isang masarap na halik at isang napakagandang ngiti bago bumaba ng sasakyan si Irene.

----

Papasok na ako ng building ng apartment nung nakita ko si Krystal pababa ng kotse kaya hinintay ko na siya sa loob.

"Si Suho ba yun?" nakatanaw pa din ako sa kotse na kakaalis pa lang.

"Oh? Hmmm. Anong ginagawa mo diyan?" Medyo gulat na sabi ni Krystal. Hindi pala niya ako napansin agad.

"Kakadating ko lang din."

"Ahh. Tara."

Tahimik naming hinintay yung elevator.

"Buti kasama mo si Suho?" Sinusulyap sulyapan ko si Krsytal na nakatingin lang sa pintuan ng elevator.

Pagpasok namin saka palang siya sumagot.

"Kumain kami sa labas."

"Bakit?"

"Nagcrave daw siya bigla ng steak "

"Bakit nga?"

"Ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha