Chapter 1

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

"Krystal!"

Narinig ni Seulgi ang malakas na sigaw kaya natapos ang kanyang pagmumuni muni sa sulok ng kanilang gym.

Napatingin siya sa may-ari ng boses at nakita niya ang tatlong babae na mga 5th year Accounting students na palapit kay Krystal.

 

"Ate Irene bakit po?" pagtatakang tanong ni Krystal. Medyo hinihingal pa dahil katatapos lang maglaro ng badminton.

"Pwede ka ba sumama samin sa cafe sa harap ng school mamaya?" nakangiting tanong ni Irene sabay hawak s braso ni Krystal.

"Ano pong meron?"

"Basta secret. Sige na please? Di ba may utang ka pa sakin?" Malambing na pakiusap ni Irene na may konting pacute. Kaya naman napakamot nalang ng ulo si Krystal at napa-OO nalang. "Libre nyo ba?" pa-joke na tanong nito.

"Oo naman, kami nagyaya eh. Sama mo na rin yung barkada mo" saglit na nagtama ang tingin nina Seulgi at Irene bago pa sila sabay na lumingon ulit kay Krystal. "See you maya mga bandang 6pm ha. Bye!"

Magtatanong pa sana si Krystal kaso agad na nagpaalam si Irene kasama ng mga kaibigan.

 

Parehong sinundan ng tingin nina Krystal at Seulgi ang grupo nina Irene hanggang sa makalabas na sila ng gym.

"Close pala kayo ni Irene?" tanong ni Seulgi at iniabot ang isang bote ng tubig.

Uminom muna si Krystal at nagpunas ng pawis bago umupo sa tabi ni Seulgi.

"Hindi naman ganun kaclose. Nakasama ko lang sila nung birthday party ni Ate Yuri yung bestfriend ni Ate Jessica, nung hindi mo ako sinamahan bwisit ka!" sabay hampas sa braso ni Seulgi.

Tatawa tawa naman itong si Seulgi na lalong kinainis ni Krystal at tinignan siya ng masama.

"Ito naman antagal na nun galit ka pa din? Sorry na nga ok?" ngingiti ngiting sambit ni Seulgi "Yihhhh ngingiti na yannn. Bilis na ngiti na, nakakatakot yang itsura mo!"

"Siraulo! Bakit ka ba nandito?"

"Hinihintay ka. Saka di ba pupunta tayo sa cafe?"

"Tayo?"

"Sorry besh pero walang tayo."

"Ang tino mong kausap. Bahala ka jan!" patayo na si Krystal pero nahawakan siya ng tumatawang si Seulgi.

"Ang seryoso neto. Joke lang. haha." sabay gulo ko sa buhok niya. "Teka ano ba kasing utang mo kay Irene?"

"Eh kasi nung sa birthday party, merong makulit na matanda na pumoporma sakin pilit hinihingi number ko. Tapos ang busy pa ni Ate Jessica wala akong kasama sa table. Buti nalang nakita ako nina ate Irene."

"Wowwwww. Di lang siya napakaganda, napakabait pa. Nasa kanya na ang lahat." nakangiting sabi ni Seulgi na parang nanaginip ng gising.

"Bakla!"

"Pogi naman"

"Magpapalit nako ng damit bahala ka dyan mag daydream" sabay bitbit ni Krystal sa bag niya at umalis.

 

---

 

Lisa - Nakauwi nba kyo?

Seulgi - nsa gym pa me. wait ko si stal

Seulgi - si joy nakaalis n un knina p

Lisa - si wends dn eh, may date sila ni bf

Lisa - auko pa umuwi. wala ba kau lakad? sama akooooo

Seulgi – asan bf mo?

Lisa – parang gago to

Seulgi – haha ayaw mo kasi magsabi eh

Lisa – sbihin mo lng kung ayaw nyo ko isama

Seulgi - eto n si stal, tampo nman agad to dmo bagay ulol! cafe hrap skul otw n kmi

Lisa - ok otw nko!

 

---

 

"Seul!"

Sabay na napalingon sina Seulgi at Krystal kay Lisa na nakaupo sa corner table ng cafe. Lumapit sakanya si Seulgi at sa kabilang table naman lumapit si Krystal.

"Lisa tara dun tayo sa table nina Irene" pabulong na sabi ni Seulgi kay Lisa.

"Bakit di mo sinabi na may kasama kayong iba?" naguguluhang tanong ni Lisa.

"Okay lang yan, para hindi lang ako yung ma out of place haha"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha