Chapter 6

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

Pinagtimpla ko na ng kape, pinaghain ko ng sinangag na may hotdog at itlog, ako na din naghugas ng mga pinagkainan kahit siya yung nakatoka pero mga maiigsing thank you at isang maliit na ngiti pa lang ang natanggap ko. Well atleast may ngiti na.


At ngayon naman mukhang magkakapasa ako sa kamay dahil everytime may malaking alon at napapatalon ang bangka, may free pisil akong nakukuha. 
Nilapitan kasi kami nung kuya na kausap namin kahapon na pwede na daw tumawid yung bangka sa kabilang isla. Medyo malakas pa din ang alon pero keri na. Wala na din naman kaming oras mamaya kaya napagdesisyunan namin na magpunta na ng umaga.

Mas maeenjoy ko sana yung pagkakahawak ni Irene sa braso ko kung hindi lang ako nahihilo. Pota dapat kinontian ko lang yung pagkain ko ng sinangag kanina eh.

"Wow!" narinig ko mga kasama ko kaya binuksan ko na mga mata ko na kanina pa nakapikit. Nagcoconcentrate kasi ako na hindi masuka.
At wowww nga. Yung isla na ito mas madaming mga puno. Walang mga nakatayong bahay or hotels. Tama nga sabi ni kuya na may white sand pero hindi naman daw katulad nung sa Boracay. Ewan ko hindi ko naman kasi makukumpara dahil hindi pa ako nakarating don. At yung tubig grabe ang linis. Nakikita ko mga paa ko sa ilalim nung pagbaba namin.

Excited naman na nagtakbuhan yung mga kasama ko. May nagpicturan na, nagswimming at nag explore ng isla.

Naiwan kami ni Irene na nakatayo lang at pinapanuod sila.

"Lakad tayo?" aya ko sakanya.
Tumango lang siya at nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lang kami na pinagmamasdan ang paligid. May mga nadaanan kaming tent para sa mga turista na gustong mag overnight dito.
Sinusulyap sulyapan ko si Irene at pinapakiramdaman. Hindi ko mahawakan yung kamay niya kasi nakacross sa harap niya.

Nararamdaman ko na yung init. Parang pakiramdam ko masusuka pa din ako. Medyo sumasakit na din ulo ko kaya laking pasalamat ko nung tumigil sa paglalakad si Irene at umupo sa may bato sa ilalim ng puno. Nakiupo na din ako sa tabi niya para magpahinga.

"Inom ka muna." nakita ko yung bottled water sa harap ko at napatingin kay Irene.
Nginuso niya yung bottled water kaya kinuha ko na at ininom. Nakalahati ko din bago ko ibalik sakanya.
"Ang putla mo. Okay ka lang ba?" kita ko yung concern sa mukha niya.
"Okay lang. Medyo nawala yung sakit ng ulo ko nung uminom ako." Naalala ko hindi pa pala ako nainom ng tubig magmula kaninang nagkape ako.
"Baka nadedehydrate ka na, ubusin mo na to." Inilapit niya ulit yung bottled water sakin pero binalik ko sakanya.
"Okay na ko, inumin mo na yan."
Binuksan niya yung bote at uminom pero nagtira pa din siya para sakin.
"Oh. Ubusin mo na yan."
Actually nauuhaw pa ako kaya kinuha ko na at inubos yung laman. Naginhawaan ang pakiramdam ko at nawala ang sakit ng ulo ko. Totoo pala yung sinabi ng Science Teacher namin dati na kailangan ng oxygen ng utak.

Nanlaki yung singkit kong mata ng bigla kong marealize. Shet uminom ako sa bote na ininuman ni Irene. Para akong nagfreeze saglit. Erase! Erase! Ano bang pinag iisip mo diyan? Nakakahiya ka!

"Seul okay ka na ba? Naiinitan ka ba? Namumula ka oh." Pag aalalang sabi ni Irene.
"Di, okay na ko! Okay na. Ako okay na." Nagmamadali kong sagot. Tama nga yata sabi sakin ni Joy huhu antanga mo Seul.
"Okaaay." mahinang sabi ni Irene.

 

Balik nanaman kami sa katahimikan.

 

"Galit ka pa ba?" tanong ko kay Irene ng hindi siya tinitignan.
Sinilip ko siya saglit at nakitang nakatingin lang din siya sa baba. Haay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinarap ko siya para tanungin kung ano ba kinagagalit niya kaso naunahan niya ako.

 

"Sorry." Mahinang sabi niya.
"Huh?" Yan lang yung lumabas sa bibig ko dahil hindi ko ineexpect na magsosorry siya.
"Hindi naman ako galit eh." Sinulyapan niya ko saglit pero agad din niya binaling yung tingin sa iba na parang nahihiya.
"Eh bakit halos hindi mo ako pansinin?"
"Naiinis lang ako"......."at nalulungkot. Sorry for being sensitive."
"Sorry din. Kumain naman ako nung hito na binigay mo eh konti nga lang. Pero pramis! kakainin ko lahat kahit ano pang ihain mo. Saka hindi naman kita sinisisi kung bakit nalasing si.... aray!" nabigla ako nung hinampas ako ni Irene sa braso.

 

"Hindi naman kasi dahil dun eh!" Naiinis na sabi ni Irene. "Para kasing wala akong alam tungkol sa iyo. Yung mga paborito mo saka mga ayaw mo. Di katulad ng mga barkada mo alam lahat tungkol sa iyo. Lagi mo na nga sila kasama tapos tayo minsan lang pero....pero parang mas gusto mo pa din sila kausap kesa sakin." Napahinga ng mal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha