Ikaw at Ako
DAGSA (Sumisinta)
Sorry na po, tinatapos ko pa yung dalawang shot hahahha pero di ko pa tapos kaya mag-aalay muna ako ng napakaikling sandali....
---
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
"Ang ganda no?"
Nilingon mo pa kasi di sumagot ang katabi mo, nakaawang ang bibig at naglalakbay na ang isip habang nanlaki ang mata sa nasa itaas.
"Maganda nga, sobra!"
Natawa ka kasi she's really amazed.
"Alam mo it's kind of refreshing to have someone like you."
"Ano ko buko juice?"
"Sira! Nasanay ako na imbes na view ang pinepraise ng mga kasama ko, ako ang sinasabihan na maganda at sa kin nakatulala."
Finally, binaling nya ang atensyon nya sayo at siningkit ang mga mata. Ibang-iba sya sa lahat.
"Oh, ganun ba? Maganda ka naman pero mas maganda yon."
Hinampas mo. Itulak mo kaya ito para magsama na sila ni mother nature tutal mukhang don sya inlab.
"Ah wow Seulgi hiyang-hiya ako."
"Hehehhe simangot agad? To naman nagbibiro lang ako."
Di mo pinansin bahala sya, kaunti na lang dadagukan mo na to.
"Uyy, Hyun"
Seryoso ang tono nya at ayan naman. Lumalalim na ang tingin nya sayo.
"Eung?"
Sinubukan mong hindi magpahalatang apektado ka.
"Matagal ko naman ng alam, Irene."
"Haynako ang alin?"
Maling paggalaw ng piyesa sa chess sa ginawa mo. Hindi mo dapat tinapatan, tinagpo ang tingin nya. Ang daya nakain ang rook mo. Wala ng harang. Malapit ka nang malusaw.
"Na wala kang kasing-tulad."
Nakita mo ang pagbuntong-hininga ni Seulgi na tila ba mawawalan ng hangin dahil sa mga pinagtatapat nya. Umiwas na ng tingin at nilibot sa paligid.
"Lalo kang nangingibabaw sa lahat ng to. Sa totoo lang ang hirap magpigil wag kang titigan, para ka kasing di tunay, mahiwaga at panaginip."
"Seulgi"
Ilang taon na kayong nagiging ligaya at pag-ibig ng isa't isa hanggang ngayon turing nya sayo isang magandang panaginip, hindi madaling paniwalaan.
Gusto mo rin sanang sabihing ganon din sya para sayo, katuparan ng hiling at imposible. Walang kasing halaga.
"Wala kang kapantay, Hyun. Nag-iisa ka."
Ninakaw sa labi mo ang sasabihin mo sana. Tumugon ka lang, mabagal pero may napansin ka, nanginginig ang labi nya.
"Seulgi?"
Di umimik bagkus nakita mong humakbang palayo at nagpulot ng sarili, nakapikit pa rin at tila may iniisip.
"Mahal bakit?"
Nag-aalala ka.
"Saglit, Hyun.."
Pumitas ng tala, nagulat ka sa bigla nitong pagluhod. Sinamba ka ng walang tulad.
"Saksi si bathala, ang gabi at ang buwan, na ikaw ang araw-araw kong panalangin. Kung papayag ka, sayo ang bawat sandali ng buhay ko."
Kaya pala, tamad na tamad kasi tong mahal mo sa mga ganitong bagay. Mas gusto nya pang humilata sa bahay kesa maglakad ng hanggang makarating sa rurok ng mga bundok.
Ngayon lang sya nag-yaya. May binabalak pala.
"Mahal, araw-araw mo rin ba kong mamahalin?"
Ang kamalayan mo dinagit na ng kalawakan sa kasiyahang hindi mo masukat. Naiintindihan mo na angbpakiramdam ng isang bagyo, halo-halong emosyon, hindi napipigil at bumubuhos.
"Hyun?"
"Hindi lang araw-araw, Seul. Walang dulo, walang hangganan."
Sinilid sa bituin ang pangako, buong pagmamahal at pag-iingat na binihisan ang iyong daliri. Sukat na sukat.
Iyong-iyo.
At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo
Ikaw at Ako
=====
Comments