Umaaraw, Umuulan
DAGSA (Sumisinta)
Para sa ting lahat na tumataya, nadadapa at nangangarap...
---
Wala
Wala
Isa pa nga ulit
Letter S
Saavedra
Salazar
Sandoval
Santos, Abbi
Santos, Beatriz
Santos, Julie
Santos, Isabelle
Samaniego
Tangina.
Wala talaga
Wala ang pangalan mo
Walang Irene Santos sa listahan.
Bagsak ka sa exam
Pangatlong beses na pero wala pa ring dugtong ang pangalan mo.
Nakatulala ka sa cellphone mo.
Ilang minuto ang lumipas nang bigla itong magvibrate, nabasa mo ang pangalan nya.
"Hey, love..."
Tumigil sandali naghahanap ng mga sasabihin.
"I know this is probably the time that you want to be by yourself pero nandito lang ako..."
Yung pinipigil mong dumagsa, umagos na.
Ito na yong taong tanggap ang bawat ikaw sa bawat sandali sa buhay mo.
"Huwag ka aalis, okay?"
Kahit ngayong ikaw ay mahina, biruin mo nalunok mo na yata lahat ng klase ng pagkadismaya.
You graduated laude but you've been failing the board exam thrice already.
Nalasahan mo na rin ang pride mo.
Baka nga tama sila, masyadong mataas ka mangarap. Baka nga tama sila at maling-mali ka na umakyat sa matayog na bundok.
"Pauwi na ko, Rene."
Di ba dapat nga papatunayan mo?
Seulgi's right for you, di ba?
Hindi naman sya nakasira sa pag-aaral mo, with honors ka nga nagtapos eh.
Kaso hindi pa rin daw non mabubura ang kaimoralan nang mayroon sa pagitan ninyo ni Seulgi.
Kaya nga you moved out, hindi kasi matanggap ng tatay mo yung perfect daughter nya gusto rin ang daughter ng kumpare nya.
Pareho nyong sinalo lahat ng paratang, maski pagbabago ng mundo sa inyo pa pinupukol.
Mga kabataan daw ngayon, puno ng bahid.
Kaya when you graduated, ang Mama mo na laging proud sayo ang nandun lang sa graduation mo.
Okay lang, okay lang kahit hindi magtiwala ang iba. Basta ang Mama mo naniniwala sayo.
At si Seulgi na tagakuha ng litrato nyo, masaya ka pa rin.
Gusto mong matawa, mapakla at ipit.
Siguro tuwang-tuwa ang tatay mo sa panibagong pagkatalo mo.
Yan, yan ang napapala ng mga kagaya mo.
Ibababa mo na sana ang tawag ngunit may pahabol pang mensahe.
"I love you."
Lalo kang naiyak sa sinabi nya.
Mahal?
Kapag nasa baba ka parang hindi ka karapat-dapat. May halaga ka pa ba?
Ano lang bang meron ka?
Pagkabigo
Paano magagawang magmahal ng isang taong walang kayang ibigay?
Bakit?
Bakit ikaw pang walang laman?
Walang kahit ano.
Paanong minamahal ka pa rin nya?
"Seul---"
Hindi mo sya matawag ng buo. Paano mo pupulutin ang sarili mo?
Baka nagkataon lang, baka matindi pa ang regla ng mundo kaya hindi ka mapagbigyan.
Siguro hindi mo palang time.
Hindi pa siguro sayo nakalaan sa oras na ito. Baka sa susunod pa.
"Mahal?"
Ilang oras na ba ang dumaan at nasayang mo?
Sa dami ng tanong mo nakarating na pala sya, nakauwi na sa tahanan nyo.
Ni hindi mo napansing may nakapasok na pala sa kwarto at tumabi sayo.
"Seulgi..."
Akala mo mauubos na yung luha mo pero heto ka ang lakas ng iyak habang nakakong ka marahang yakap sayo ni Seulgi.
Tahimik lang sya.
Minsan kasi hindi nakakagaan ang mga salita at sa ganiting sitwasyon pa kung saan wala rin itong maibibigay na kasiguraduhan.
Para kasing bibigyan ka lang ng bendang itatapal sa sumisirit na tubo sa ilalim ng lababo.
Kaya hindi, huwag
Wag kang bigyan ng false hopes, minsan kailangan mong harapin ang totoo.
Hindi yung nakabalot pa sa papel, hindi mo naman yon mapupunit kahit gustihin mo pa sa sobrang galit, sa hindi pagkatanggap at sa sobrang unfair dahil wala kang magagawa, yon ang realidad.
Bakit hindi rin ba mahahalintulad ang mga salita sa band-aid, kapag ganito kalugmok ang nararamdaman mo?
Kaya mas kailangan mo lang sya, kasi alam mong di sya panandali lang.
She's been here with you, mula pagkabata hanggang ngayon.
Pipigilan kang mahulog mula sa upuan, pagnakakatakot masyado yung pinapanood nyo yung kamay nyang nakaantabay na para kapitan at yung ngiti nyang kahit guhit na ang mata alam mong ikaw lang nakikita nya.
Kaso nga lang ang hirap kapag ganito, yung hindi ka maayos. Maulap ang langit sa loob mo.
Ang hirap pa rin kahit andito na sya.
Kumapit ka ng mahigpit. Yung puso mong panay ang bigat kahit pinapakawalan mo na lahat.
"Seul... hindi ko na alam..."
Hinayaan ka nyang ituloy ang sasabihin
"Bakit ganito?"
Inaalo ka nya paulit-ulit. She's never been good with words pero hindi sya pumapalya sa mga pinipiling gawin.
Nag-iwan ng masuyong halik sa noo mo.
Kahit hindi pa rin nawawala ang bagyo lalo lang nyang pinaramdam sayo na kasama mo sya.
"We'll both try and figure it out.. tatabi lang ako sayo palagi.."
Sapat nga siguro hangga't may nananatili at hindi ka nag-iisa.
Hindi ka pa naman mali hangga't may tinatanaw na itaas lilipad kang matayog.
Hindi ka hanggang diyan lang.
May ibubuga ka pa.
Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi, huh
Sa dambuhalang kalokohan,
Bukas sisikat din muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang maghintay,
Kaya't kaibigan wag kang magpapatalo,
Kaibigan itaas ang noo, yeah.
Para sa ting lahat na tumataya, nadadapa at nangangarap...
kahit walang jowa kaya natin to hahaha itatawa ko na lang hahahahha kasi putangina wala pa rin akong unlad sa buhay, ilang sablay pa kaya hahahhaha bahala na hahahhaha ayoko na isipin hahahhah
Comments