Pagtingin

DAGSA (Sumisinta)

Pagtingin

Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita


Psst...

Eung?

Tara na?

Saglit lang, Seulgi...

Kamot-ulo man ay hinintay mo siya sa harap ng maliit at kinakalawang na nilang gate. Hawak-hawak ang de keypad mong selpon binabalikan ang mensaheng kanina mo pa sinend sa kanya.

Aga-aga mo nga syang binulabog para di ka papakin ng mga lamok dito kaso ayan, sadyang ang tagal mag-ayos.

Nagtataka ka para saan pa ba?

Eh wala naman ng mas gaganda pa sa kanya.

Kung kaya mo lang sabihin yon, siguro isang milyong ulit mo nang nagawa.

"O, Seulgi halika muna dito sa loob at mag-almusal!"

Nadatnan ka pa kasi ng nanay ni Joohyun sa harapan nila, galing ito sa pamamalengke nakatricycle. Inabot at tumulong ihatid ang pinamili sa loob ng bahay.

Niyaya ka pero umiling ka lamang at ngumiti. Minsan mo na kasing naubusan ng pagkain ang mga kamag-anakan nila dahil sumalo ka noon magboodle fight sa kanila, doon ka lang naman kasi sa kabilang baranggay. 

"Hay nako mga batang to, magsikain muna bago umalis."

Bumababa na kasi itong si Joohyun sa may hagdan nila.

"Nay, di na po kami kakain dito ni Seul baka mahuli kami sa praktis.."

---

"Oy Joohyun! sakay na kayo dito ni Seulgi!"

Tinignan ka ni Joohyun kung anong isasagot.

"Huwag na po, Manong Sol."

Sinangayunan ka at umiling.

Alam mo naman kasi na hilig nitong katabi mo ang paglalakad. Ang liit-liit ng binti pero napakakompetitib, mas mabilis raw sya kesa sayo.

"Kumain ka ba sa inyo bago umalis?'

"hindi rin eh.."

"Bakit kasi ang aga mo sa amin ha?"

Ngumiti ka ng sutil at siningkit ang mga mata. Makapagsalita ito, akala mo sya hindi nagpalipas.

Nang makarating kayo sa may kanto bago lumiko.

"Daan muna tayo sa lugawan, Hyun."

"Oo na, sinadya mo naman para makita mo si Hyojung."

Irap nya sayo, si Hyojung kasi ang kaibigan mong nagseserb doon. Tignan mo ito, pareho lang kayong gutom.

"Gutom lang yan, Hyun.."

"Mukha mo, Seulgi..."

Tinignan ka ng mariin, mahina kang tumawa pero naiintindihan mo.

"Oo na at kakain lang, hindi babatiin."

"Good."

Inangkla pa lalo ng tuluyan ang nakapulupot nyang kamay.

---

"Bakit, Hyun?"

"Pahinga muna tayo, Seul."

Masyado pala kayong natuon sa pagpapapraktis. Hingal ka na rin pero tuloy ka pa rin di mo man lang napansin tumigil na pala tong nasa likuran mo.

"Wala ka bang kapaguran?"

"Ha? Ah baka kasi magkamali pagtumigil ako."

"Seul naman, kaya mo yon. Oh eto inom ka muna."

Gusto mo sana sabihin sa kanya na may baon ka kayang tubig pero tatanggi ka pa ba sa pag-abot nya sayo ng tumbler nyang purple.

"Salamat."

Ngiti nya pabalik sayo.

Walang anu-ano'y pagkasoli mo ay uminom itong parang uhaw na uhaw.

Si Hyun talaga, siya pala ang uhaw, inuna ka pa.

Minsan hindi mo sya maintindihan, may tig-sarili naman kayong tokwa't baboy pagoorder pero gustong-gusto nakikikuha sa platito mo.

Sayang daw kasi mas tipid ka pa nga raw pagsalo na lang kayo.

Ayaw mong isipin pero iisipin mo na.

Sa isip-isip mo para bang mag-asawa na kayo.

---

Bahay na po ko, madam

Good, kumain k n rn. Dpat ksi sumalo k n nung niyaya k ni Nanay.

Naku eh siguro sa susunod nlng kamo.. nagluto kc ng paborito ko si Mama.

Ah ganun ba, pasabi hi kay tita!

Kmuzta k n rw sbi ni Mama..

Eto po maganda pa rin po hahaha char.. sabhin mo ok lng aq..

Sus nasabi ko n ung una tsk tsk yabang..

O, bkit angal ka? 🤨🤨

Ah eh hindi po

Good! Hmm dapat lang... at kumain kna rin dyan, kukulo n nmn yng alaga mo...

Ebarg k nman... kala mo sa tyan ko may sawa...

Hndi sawa, sikmura yata ng oso yan..

Hahaha oo na oo na aq n matakaw! Ayan n tinatwag n q ni Mama para bumaba.

Okay..ok, eat well Seul!

Ikaw din, Hyun :))

---

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala



Daig mo pa si Moises sa paghawi ng mga tao, palibhasa dami kasing nabibingwit nitong natipuhan. Pagkatapos na pagkatapos nyong sumayaw pinalibutan na sya ng mga pirena este shokoy ay mga manliligaw nyang todo puri sa kanya.

Nakalimutan mong isa ka nga pala sa mga yon pinagkaiba mo lang babae ka kaya sirena.

Nung niyakap ka ng mga kaibigan mo at tinapik-tapik ang likod mo sa pag-asang di ka na tatamaan ng karuwagan. Alam mong di ka na dapat aatras pero napahinto ka.

"Joohyun, eto nga pala para sayo."

"Ay Salamat Dong!"

Kita mo, si Donghae, yung crush na crush ni Joohyun nung elementary. Naalala mo kung paano ka hatakin nito para panoorin maglaro ang crush nya dun sa malaking court sa tabi ng school mo. Natigil lang nitong hayskul kayo, siguro dahil marami na ginagawa, busy na sa academics.

"Yayayain sana kitang lumabas, Joo. Huwag kang mag-aalala ihahatid naman kita pauwi."

"Ahh ano kasi..."

"May lakad ka ba dapat?"

"Wala naman pero.."

Nakita mong lumilinga-linga ito. Kusang umatras ang paa mo at tumalikod. Nagpatianod sa dagat ng mga tao, lunurin ang kulay ng damit mo para hindi nya mapansing nawawala ka.

Mukhang makakaabala ka pa kasi. Kaya naman mas pinili mong bigyan ng sangkatuparan ang hiling ni Joohyun nung mga bata pa kayo.

"Ang gwapo talaga ni Dong no, Seul? Grabe ang galing pa maglaro. Ah basta paghayskul na tayo, sana ligawan nya ako!"

Alala mo sa malaki nyang ngiti at malapanaginip nyang banggit sa nais nya. Musmos pa, dasal mo lang noon huwag mawawala ang kislap ng mga mata nya. Sa unang taong nagtiyaga sayo bukod sa kaibigan at pamilya mo.

Tinago mo sa likod yung malapad mong hawak.

Iaabot mo na sana yung sketchpad na may sulat ka para sa kanya.

Kasalanan mo bang mas mabilis nararating sa pagbibigyan ang salitang binibigkas kaysa sa mga letrang sinusulat?

Pinaghandaan mo pa naman. Inilahad mo ang lahat ng mayroon ka, yung mga drawing mong puro sya, pagnatutulog, pagnag-aaral ng seryoso at pagnangingiti. Pinatapos mo lang tong presentation nyong dalawa at aamin ka na, aamin ka na sana.

Kung dehins at negatib, ilulusot mo na lang bilang pasasalamat na rin sa pagpili nya sayo na maging kapartner nya sa sayaw. Sisirin mo na lang din yung tabing-ilog dyan malapit para anurin ang kahihiyang aabutin mo.

Nauwi lang ang lahat sa pagtalikod, pagkuyom ng palad at sa dugyot mong pag-iyak.

Kunwari ok lang, na kailangan mo lang ng panahon maglabas ng hinanakit

Ookay ka rin kahit hindi.

Nalunon mo na lahat ng salita, na kung pwede lang ay isisigaw mo ng malakas.

Ang dami-dami mong gustong sabihin pero niisa hindi mo mausal.

Napakadami na nitong kinikimkim mo, hindi mo na mabilang.

Sa lahat kasi ng nararamdaman mo, may isasagad pa ba?

Naiinis ka, bakit ang daya? Bakit ang daya-daya?

Ano bang magagawa mo kung kahit kailan hinding-hindi mo talaga mapagtatapat sa kanya na gustong-gusto mo sya mula noong una mo syang makilala?

O masabing mamahalin mo sya hanggang sa huling araw, oras, minuto at sandali ng buhay mo?

Ano bang magagawa kung hanggang ganito ka lang?

Mga kamay mong bumubuo ng salita, sa bawat kumpas ang mensaheng pinaaabot mo at putol-putol na pag-iimik na sa pandinig ng iba ay ungol o tunog lang.

Noon, natutunan mo nang tanggapin. Ang maliit mong mundo na kahit walang ingay ay may kulay, kuntento ka na pero biglang dumating ang isang taong magiging dahilan bakit halos gusto mo nang itapon lahat ng baryang mayroon ka sa balon, hihiling ng boses at pandinig.

Kahit pa kamo yung pumipiyok-piyok pa, papatusin mo na.

Masisisi ka ba?

Masisisi ka ba ng mundo kung tatawagin mo itong madaya?

Minsan ka lang magiging hidhid, sa pag-ibig ka lang naging hidhid.

Ang dami mo na kasing gustong sabihin.

--

Iibig lang kapag handa na
Hindi
na lang kung trip-trip lang naman
Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman


Nadatnan mo si Seulgi sa lugar ninyo.

Nakatalikod at nakatingala, pinanonood ng mag-isa ang paborito mong tanawin.

Ang unti-unting paghalik ng araw sa dagat, ulap at lupa.

Naiinis ka, ayaw mo kasing mag-isang naglalakad sa buhanginan.

Naiinis ka dahil hinayaan ka nyang umalis, bakit naman nyang iisipin na gusto mong sumama doon sa mga shokoy na yon?

Naiinis ka dahil akala nya hindi mo mapapansin ang walang imik nyang paghakbang palayo.

Naiinis ka, ayaw na ayaw mong pinamimigay ka niya.

Kung alam nya lang kasi na hindi mo naman kailangan ng mabubulaklak na salita tulad ng pinamumodmod sayo ng sandamakmak mong manliligaw.

Na alam mo, na bawat sulyap nya ay hindi nagkulang sa pagtatangi, sa ginagawa nya para sayo na laging pinapahiwatig kung gaano ka kahalaga sa kanya at lalo na sa mga mata nyang hindi maalis ang pagtingin sayo.

Kung nababatid nya lang din sana kung gaano kalakas at kalayo ang abot ng ligaya mo tuwing may sinusulat at ginagawa syang nakakatawa. Yung lihim mong ngiti pagnaaaninag mo na ang anino nya sa gilid sa ng classroom mo, hinihintay ka at sabay lalakad pauwi. Mga likhang sining nyang halos magpalaglag panga sayo kaya kahit nahihiya ka nagpapaturo ka sa kanya, sinasabayan mo syang gumuhit para makapunta ka sa kanila.

Sana huwag ka rin nyang hingan ng salita, dahil walang tutumbas sa damdamin mo tuwing kasama sya. Sana sapat din para malaman nyang ang katahimikan nya ang tahanan mo. 

"Seulgi!"

Tapik mo sa balikat. Nakita mo kung paano bumaba ang kamalayan nitong nakatuon sa itaas papunta sayo. May mantsa pa ng luha ang mga pisingi. Nagtataka na para bang hindi inaasahang narito ka.

Nagtatanong bakit wala ka doon?

Lihim kang bumuntong-hininga. 

Makakalimutan mo yata kung paano nga ba ulit yon, nagsanay ka, paulit-ulit. Kaso, nang makita mong humalik sa pisngi nya ang sinag ng araw gusto mong magselos.

Santong dasalan pa rin ba o ipapaspas mo na?

Iniangat mo ang mga kamay mo, nagsulat sa hangin. Siguro naman sa dami ng taong lumipas, mga araw na puno ng alinlangan at pagkakataong pinalagpas nyo pareho, ngayon sigurado ka na.

Kaya't ibinigay ang maliit mong puso at sa wakas, maliwanag mong sinabi sa paraang naiintindihan nya.

"Mahal din kita, Seul."

---

Pinalibutan ng bagyo ang mga mata mo, nang mapagtanto ang sinabi nya.

Ang lalim ng yanig ng dibdib mong dadaigin pa yata ang lakas ng paghampas ng alon. Nagkaroon ng ingay ang paru-paro sa loob mo kahit pa wala kang babalang naririnig mula sa mundo.

Sapat na.

Kahit hindi mo mausal ang nararamdaman, malinaw na sayo na alam nya na lahat ng nililihim mo.

Ang mahigpit pala nyang yakag at pisil sa kamay tuwing uuwi na kayo. Hindi nya agad pagpasok sa loob ng bahay nila pagkahatid mo sa kanya, susundan ka pa ng tingin at maghihintay sa text mo bago matulog.

Kaya pala iba ang timpla nya kapag sina Hyojung at Tzuyu na ang kasama mo, takot sya na baka mas gugustuhin mo ang higit na nakakaintindi sayo at yung mga senyasan nyong kayo lang ng mga kaibigan mo ang may alam na minsan nakakaligtaan ni Joohyun ang ibig pahiwatig ng mga ito.

Kaya pala, gustong-gusto nya matuto. Hindi na sumasapat sa kanya ang pasahan ng papel at notebook na sinusulatan nyo para magkausap.

Kaya pala ang tiyagang inaaral nya ng husto ang lenggwahe ng daigdig na kinabibilangan mo.

Ayaw nya kasing mawala ka dahil pareho kayong may pagtingin sa isa't isa.

Iipunin mo na lang pala lahat ng barya kaysa itapon sa balon.

Kailangan mo kasi yon para sa lugaw date nyo sa susunod na araw-araw ng buhay mo.

Pwede naman palang ilapat ang mga labi at ititik din sa kanyang bibig ang hindi mo masabing 'mahal na mahal kita, Hyun'.

 

 

Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin

 

--

hehehehello puh

gusto ko lng sabihin na ebarg yung NAKAUWI NA, kaya sa mga di pa non nakakabasa.. basahin nyo po, sobrang lodi ni otornim, ang galing po ng pagkakasulat :)) search nyo lang d2 sa aff...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
may nagbabasa pa po ba neto?? Kapit lng try ko iretrieve ung draft ng rebound and kathang-isip. Tuluyan na po kxe bumigay ang asking iPad 😭😭😭 halos 4 years na Pala di nakakamove on si Seulgi dito 😭😭😭

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1025 streak #1
Chapter 18: 😭😭😭😭
jaangwaang
888 streak #2
Chapter 18: otorrrr. kamusta ka ??? huhuhu rereading habang naghihintay ng update
moksy12 #3
Chapter 3: ang sakit nmn nito be haha pota awang awa na ko kay seulgii 😭😭😭😭
seulsbear
#4
Chapter 4: I'm still hoping for the last chapter🥺🥺
RedRose0289
#5
Chapter 4: Author-nim...2 Concert na po ng Ben & Ben na.attendan ko...nagtataka na ung kasama ko kung basket anlakas ng Tama saken ng 'kathang isip" eh hindi naman ako broken...haahahaha...
Still waiting for the last chapter of this...hehehe
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 18: otorrrrrr. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung part 2
RedRose0289
#7
Chapter 4: Skl..hehehehe..
Nasabi ko sa kawork ko na bumili kme ticket ng B&B send off con.
Taz tinanong nya ko alin daw sa songs nila ung pinakagusto ko? Sabi ko itong Kathang-isip...
Sabi nya why? Sabi ko kasi somehow relate at isa tong FF na to sa dahilan kung baket iba ung dating at meaning ng kanta na to saken...hehehe...
RedRose0289
#8
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1430787/1'>1: Kung Di Rin Lang Ikaw</a></span>
Ok...antagal ko ng ndi naiiyak...

Kaya binasa ko to,same effect pa rin...ubos pa rin ang luha ko...ahahaha.

Kaya matutulog na ko...

Author-nim padaan lang..🤭
kkdalgi #9
Chapter 18: Huhu still waiting parin sa part 2 ng rebound
RedRose0289
#10
Chapter 3: Pag gusto kong masaktan in a may tugma way,pumupunta ako dito...ahahhaha..
Just saying Hi again authornim...heheheeh