Ikaw at Ako (2)

DAGSA (Sumisinta)

Extras :))

 

---

 

Napahalukipkip ka sa gilid ng isang puno.

Umuusok ang ilong at ang bumbunan sa selo--- ah sa init pala. Sinusukuan na ng maliliit mong mga binti ang haba ng lakaran at akyatan.

"Pahinga po muna tayo!"

Inikot mo ang mga mata mo dahil bago pa man nya masabi yan eh nauna ka na.

Titigil ka kung kailan mo gusto.

"Uhh Seulgi, eto oh tubig!"

"Uyy salamat!"

Kaya nga kayo huminto para magpalamig dahil ang karamihan sa inyo nagmamantika na sa ilalim ng araw.

Pero mas lalo pa yatang kumukulo ang dugo mo sa landi-- ah mali, sa napakatayog ng anyong lupa na to!

"May sariling tubig naman nakikiinom pa sa iba."

Gigil mong bulong nang makitang tanggapin ito ng taong ayaw mong pangalanan.

Rinig mo pang nagpasalamat, aba!

"Masamid ka sana!"

Dalangin mo sa hangin, sakalin nawa ang espiritu ng mga malalandi dito.

Di na nahiya at ginalang ang mga diwatang nakatira sa bundok!

"Malayo pa ba tayo Seulgi?"

"Ah hindi naman Hyojung, before lunch makakarating na tayo doon sa taas."

Tangina, mas malawak pa sa kapatagang pinanggalingan nyo sa bayan ang ngiti ng mokong na to habang nakikipag-usap sa bago nyang babae.

Napairap ka nang makita mong ininuman ng Hyojung na yon ang tumbler na kanina lang ay inalok nya kay hindi dapat pangalanan.

Kasing taas na yata ng araw ang blood pressure mo.

Gusto mo nang matapos ito, bahala na. Basta ikaw mauuna ka na.

"Huy Rene!"

Dinig mong tawag sayo ni Jennie, isa sa mga kaibigan mong sumama sa outing ng org nyo.

"Irene!"

Sigaw din ng iba nyo pang kasama. Wala kang paki, makarating na nga sa taas mag-isa.

Hindi mo naman kailangan ng kasama.

"Aray!"

Ay iba rin may nagalit yatang lamang lupa sayo dahil sa diin kasi ng hakbang at pagdadabog mo habang naakyat ka.

"Awwww.. ang sakit! Hnngg!"

"Miss!"

Miss? Miss?!! Ano raw?!

Nakalimutan mo sandali ang sakit ng pagkakatapilok, hindi ka na kilala ng dahil sa babae nya.

Putaena, ikaw, ikaw ang legal wi-- ang legal asaw-- ay hindi pa pala! Legal jowa lang!

Mali pa rin, secret jowa kasi..

"Miss ka dyan?!"

"Hehehe baka kasi marinig nila."

Inilihis mo ang paa mo nang akmang hahawakan nya ito, lalo ka lang nasaktan.

"Aaaaggghh"

Hindi ka na nakapanglaban pa at tuluyan nya nang natignan at hawakan ang paa mo.

Kita mo ang pagkunot ng kanyang noo, nakasalubong ang kilay at halatang nag-aalala. Muntik mo nang mapatawad kaso napatingin ka sa labi nya naalala mo ang pagdampi ng bibig nito sa tubigan na pagmamay-ari ng iba.

Punyeta!

"Kaya ko!"

Himutok mo paano tutulungan ka nya tumayo.

"Nakakatayo naman ako mag-isa."

Muntik na, nakita mong papalapit na sa inyo ang mga kasama mo. Kaya pinipilit mong kumawala sa akay nya.

"Sampa na."

Ayaw mo nga. Bakit ba? Piggyback psh.

Hindi nga masakit.

Self self maganda ka, matibay ka.

Hindi ka marupok!

At lalong hindi ka sako ng bigas para magpabuhat.

"Seulgi!"

"Ano?"

"Ibaba mo ko!"

"Hindi pwede."

Uy shuta, hindi ka kasi pumayag sumampa, ayan, ayan Irene Bae binuhat ka para bang ihahatid ka na sa altar.

"Seulgi! Parating na sila, ibaba mo ko!"

"Ibababa lang kita, kung magpapabuhat ka sa likod."

Kung pwede nga lang eh, kumapit ka na sa maskels nito at ikasal ka na sa kan-- ano ba!

"Hmmpp, oo na."

Nang makapwesto ka na sa taas nya, hinanap ng mata mo ang babae nya at tinitigan.

Ikaw ang top.

Charot!

Lalo mo hinigpitan ang pulupot sa leeg ni Seulgi.

"Hyun.."

"Ano?"

"Yung braso mo aaccckkfhf."

"Manahimik ka, tiisin mo! Ayan na sila."

Naawa ka naman kaya niluwagan mo na.

"Irene! Grabe ka teh, may lakad?"

Echoserang baekhyun na to, nangingialam na naman. Matalas pa man din amoy nito sa paminta baka madiscover kayo Seulgi.

"Seulgi okay lang ba sayo, buhatin ang madam namin?"

"Ah oo okay lang naman. Miss ikaw okay ka lang dyan?"

"Hoy Irene, d k man lang nagpakilala sa tour guide natin!"

"Uhhmm thank you, hmm seul..gi?"

"Ay di ka pa sure teh? Seulgi nga! Kanina pa natin kasama yan!"

Tadyakan mo kaya tong baklang to.

"Walang anuman, diwata!"

Putangina gusto mo maglupasay sa kilig, yan kasi tawag nya sayo dati nung una ka niyang makitang naliligaw sa gubat.

"Ayyiiee may nabighani na naman ang alindog ni madam."

Hutaenang baklang to, di ka pa tinatanong tungkol sa natapilok mong paa at talaga puro landi ang atupag.

"Baek, wag ka na nga dyan baka lalo mahirapan si Seulgi sa pagbuhat kay Irene.

Sita ni Chanyeol, na jowaers ni baeklavan. Nagsidatingan na rin pala ang ibang mga kagrupo nyo.

"Irene, baka naman hindi ka okay dyan? Dito ka nalang."

Dumating si Suho sa tabi nyo.

"Okay na ko dito Suho. Thanks."

"Pero, I insist Irene, mas magiging komportable ka sa akin."

Napahinto ang may buhat sayo. Ramdam mong humigit nang paghinga.

Hinarap ang lalaking kanina pa nakabuntot sa inyo. May baong lalim ang tono ng pananalita nya. Humigpit ang pagalalay at yakag nito sa binti mo.

Hindi ka mahuhulog mag-isa.

"Nasa akin naman na si Irene at wala akong balak ibigay sya sayo."

Mariing tumingin, ang liit ng mata pero atapang na tao.

Nilubayan naman kayo nito.

Hindi pala umuurong sa sabungan tong manok mo.

Ustu m0 nmn ba yon?

Pinagdadamot ka?

Shuta.

Oo! Yes na yes ka na sa kanya!

Char...

Okay, forgiven ka na bebibear.

"Hindi naman ako papayag na ipamigay mo."

"Ha? Ipamigay?"

"hindi nga po kaya chill ka na dyan..."

 

Umiling lang.

 

"Hyun, akin ka lang kaya..."

Lumabi, tangina, sayang yon hindi mo abot.

Grabe yon sizt kaya hinalikan mo na lang ang buhok nya.

Lihim kang ngumiti at yumakap lalo.

Wala nang mas ibabaw behavior don sa sinabi at ginawa nya.

AFDSGHKFJFLJJKDHDL


===

 

A/N: hi! Long time no ud? Hehehuhuhuhu pagwala ako d2 baka andun ako sa kbila hahahha ipromote ko na nga hahahah >>>> TNT, if bet nyo lang basahin ayun check out my other SR tagalog story :)))
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
may nagbabasa pa po ba neto?? Kapit lng try ko iretrieve ung draft ng rebound and kathang-isip. Tuluyan na po kxe bumigay ang asking iPad 😭😭😭 halos 4 years na Pala di nakakamove on si Seulgi dito 😭😭😭

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1025 streak #1
Chapter 18: 😭😭😭😭
jaangwaang
888 streak #2
Chapter 18: otorrrr. kamusta ka ??? huhuhu rereading habang naghihintay ng update
moksy12 #3
Chapter 3: ang sakit nmn nito be haha pota awang awa na ko kay seulgii 😭😭😭😭
seulsbear
#4
Chapter 4: I'm still hoping for the last chapter🥺🥺
RedRose0289
#5
Chapter 4: Author-nim...2 Concert na po ng Ben & Ben na.attendan ko...nagtataka na ung kasama ko kung basket anlakas ng Tama saken ng 'kathang isip" eh hindi naman ako broken...haahahaha...
Still waiting for the last chapter of this...hehehe
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 18: otorrrrrr. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung part 2
RedRose0289
#7
Chapter 4: Skl..hehehehe..
Nasabi ko sa kawork ko na bumili kme ticket ng B&B send off con.
Taz tinanong nya ko alin daw sa songs nila ung pinakagusto ko? Sabi ko itong Kathang-isip...
Sabi nya why? Sabi ko kasi somehow relate at isa tong FF na to sa dahilan kung baket iba ung dating at meaning ng kanta na to saken...hehehe...
RedRose0289
#8
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1430787/1'>1: Kung Di Rin Lang Ikaw</a></span>
Ok...antagal ko ng ndi naiiyak...

Kaya binasa ko to,same effect pa rin...ubos pa rin ang luha ko...ahahaha.

Kaya matutulog na ko...

Author-nim padaan lang..🤭
kkdalgi #9
Chapter 18: Huhu still waiting parin sa part 2 ng rebound
RedRose0289
#10
Chapter 3: Pag gusto kong masaktan in a may tugma way,pumupunta ako dito...ahahhaha..
Just saying Hi again authornim...heheheeh