Rebound (1/2)

DAGSA (Sumisinta)

 

A/N: Mej matagal na tong nadraft tas di ko rin matapos-tapos hahaha at opo nakakuha ako ng idea mula sa isang chapter sa Buwanang Dalaw ni lodi IRGayShark (Thank you po sa pagpayag otor! Naapektuhan ako masyado ng choices ni Madam hahaha 😂) Gusto ko lng iexpress gaano aq kagrateful s knila dhil nakukulayan ng stories nila and dull life ko. If may hindi pa nakakabasa ng Buwanang Dalaw, basahin nyo na po. Kung gusto nyong maradaman lahat ng pwede maramdaman, go na go ;)

 

eto rin yung nsa baba nilipat ko lang... enjoy reading!

--

 

Rebound -Silent Sanctuary 🥰

 

“Seul.."

 

Pangilang ulit mo nang tawag sa kabilang linya.

 

"Seulgi.. sagutin mo naman.."

 

Pigil mo sa lalabas mo ng hikbi.

 

"Please kausapin mo ko."

 

"Sorry.. I'm so sorry. Seul babe please."

 

Wala pa ring tugon.

 

"I'm sorry... Maghihintay ako, hihintayin kita basta bumalik ka..."

 

"Hihintayin kita.. hmm?"

 

Binagsak mo ang telepono mo, hinagkan ang magkabilang binti.

 

Ganitong-ganito ang pwesto mo lagi pagdinadatnan ka ni Seulgi. Unti-unting lalapit sayo. Walang kahit anong salita, yayakapin ka ng tahimik.

 

Hihintayin hanggang sa mabuo ka.

 

Kaya gagawin mo rin, ikaw naman ang maghihintay.

 

---

 

"First year kayo? Hi! Ako nga pala si Irene Santos ng II-Darwin. Sali kayo sa club nmin ha!"

 

Nakaawang ang bibig mo, nasa ibang dimensyon ka ba? Di naman sa pagiging ano pero kung ganito na ang pagbabasehan mo walang duda na yung mga naging crush mo nung elementary ay mga uhugin.

 

Kasi grabe, sobrang ganda nya, walang bahid ng rumi, ni maarawan yata hindi to pwede, taeng yan hindi nakapaglaro yata si ate gurl ng ten twenty sa kalsada nila wala man lang galos ang mga binti at lalong di yata nakapagtumbang preso walang kalyo at di magaspang ang mga kamay

 

Nahiya kang abutin, madumihan mo pa ang palad nya. Ito namang bespren mo, mayaman din kasi to, kaya walang pagaalinlangan inilapit din ang sarili sa dyosang nasa harap nyo.

 

"Sure po, I'm Wendy and this is Seulgi po."

 

Sinagot ito ng matamis na ngiti ni Irene.

 

"Maghihintay ako ha."

 

----

 

"Hi! Diba taga I-Newton ka?"

 

"Ah opo.."

 

Nahihiya mong tugon, akala mo di ka na nya kilala di ka kasi sumali dun sa club. Di ka mahilig dun, si Wendy talaga ang talented, maruning kumanta at acting, drama club kasi yong sasalihan.

 

"Edi kaklase mo pala si Wendy Ramos?"

 

"Bestfriend ko po?"

 

Nabigla ka nang matuwa ito at tuluyan nang inokupa ang upuan sa harap mo. Hindi mo alam kung idadalangin mong sana bilisan ni Wannie sa praktis nya, awkward ka kasing tao at di ka magaling pagdating sa mga estranghero.

 

Lalo na sa mga taong gusto mo.

 

"Ah talaga? Sakto!!"

 

Walang kasing ningning ang mata nyang bumaling sayo.

 

"Pwede mo ba kong tulungan sa kanya?"

 

Yung sigla at tuwa sa boses nya parang masyadong matinis.

 

Natusok yata ang dibdib mo.

 

"A-ano po bang maitutulong ko ate Irene?"

 

"Oh my god, you're an angel... grabe, thank you!!"

 

Pinaglakip ang mga kamay nyo, napansin mong kusang pinunan ng malilit nyang daliring ang bawat puwang na mayroon ka. Kasyang-kasya, para bang sinukat. Bagay? Siguro. Kaso sayang lang kasi hindi naman ikaw ang gusto.

 

Mahina kang bumuntong hininga. Iniwang abo ng una mong pag-ibig, ang musmos mong puso.

 

----

 

"Tagal mo."

 

Napapadyak ka sa inis paano ba naman nagsabi sya sayo na susunduin ka pero pinaghintay ka ng isang oras. Coding kasi sasakyan mo kaya hinatid ka nya kanina.

 

"Sorry Hyun, di ko kasi alam na matatagalan yung meeting.."

 

"Sa susunod kasi huwag ka mangangako at pwede naman sana ako maggrab."

 

"Sorry talaga Hyun tsaka madalang din grab kasi stuck din sa traffic oh.."

 

"Kahit na ba at least yung isang oras na hinintay ko sana kinastuck na namin sa traffic kanina baka andon na ko sa condo ngayon.."

 

Iritable mong hinanap ang cellphone sa bag naiinis ka pa sa kanya.

 

"I'm sorry talaga, Hyun."

 

Sinubukan ka nyang hawakan pero mahigpit ang mo sa phone.

 

"Ano ba Seulgi!"

 

Di mo sinasadya mapalakas pero dala na rin ng sobra mong inis ikaw ba naman magmukhang tanga don sa may shed. Kung alam mo lang sana nagtake out ka na rin dahil gutom na gutom ka na talaga.

 

Bumuntong hininga sya at dahang-dahang hiniwalay ang kanyang kamay.

 

"May yum burger at fries dyan sa compartment. Hyun, kain ka na."

 

Pero mataas ang pride mo, hindi mo pinansin at kinalikot lang ang phone.

 

Mukhang magtatagal pa kayo sa daan, umabot na ng isang oras ang paglalaro mo ng candy crush, stuck pa rin kayo sa traffic.

 

Namayani lang ang katahimikan hanggang sa narinig mo yung kilalang-kilala mong ugong ng tiyan.

 

Kumakalam na pala sikmura ni Seulgi.

 

Hindi rin pala kumain ang isang to. Nawala naman ang inis mo pero napalitan ng inis dahil nagpalipas na naman sya. Ang hilig hilig nyang gawin yan!

 

Binuksan mo yung nasa harap mo, may 4 na yum burger, 2 jolly hotdog, yung fav nyo parehong peach mango pie, 2 large at syempre drinks.

 

"O kain ka na."

 

Kinuha mo yung burger at nagsimulang subuan ang driver mo.

 

"Sorry, Hyun. Plano ko talaga to take you out for dinner kaso nagextend so I opted na magdrive thru nalang. Di ko naman akalain na magiging ganito ang traffic."

 

"Hmmm... next time sabi ko di ba wag na wag magpalalipas ng gutom..."

 

"Ikaw din."

 

"Anong ako rin?! O ahhh..."

 

Kumagat ka rin sa kinagatan nya. Tuwing may stoplight agad-agad mong pinapakain sa kanya yung burger at fries.

 

"Penge coke.."

 

Pinainom mo, nakasukbit na sa bibig nya ang straw nang may mapansin ka.

 

"Seul.."

 

"Hmm.."

 

Sinilip mo sya ng mabuti habang busy syang nagdadrive at ikaw lumalantak sa iba pang pagkain na nakatingin sa kanya.

 

"Harap ka.."

 

"Maya, Hyun doon pa traffic light oh.."

 

Punas mo sa gilid ng labi nya nang tumigil muna kayo.

 

"Dumi mo kumain talaga!"

 

"Thank you."

 

Hawak nya sa kamay mong nasa pisngi nya.

 

Di pa nakuntento. Naghum pa. Huminto rin yata ang pagdaloy ng dugo mo.

 

"I've got all that I need right here in the passenger seat."

 

Titig na titig sayo ang kupal. Pinagsalakop pa ang kamay mong nasa pisngi nya at yung kanang kamay nya. 

 

Di ka na binitawan kahit nung magsimula na kayong umusad.

 

Dyan, dyan sya magaling.

 

"Kainin mo na nga lang to!"

 

Sinaksak mo sa bibig yung buong jolly hotdog. Dami nya alam.

 

Ayaw mo ngumiti, di ka ngingiti! Ano ba yan, Joohyun!

 

Sige na nga, di ka na galit.

 

----

 

Di mo inaasahan na uuwi syang lasing. Agad-agad kang napabitaw sa bungkos ng bulaklak na tinatago mo pa sa likod mo para maalalayan sya ng maayos.

 

"Hyun..."

 

"Shhh ayako ng maingay"

 

Lasing nyang sabi sayo dahil malapit ang bibig mo sa tenga nya. Nang marating nyo ang kwarto maingat syang inihiga. Kumuha ka agad sa banyo nyo ng kailangan mo, palanggang, tubig at towel.

 

Tuloy-tuloy mo syang pinunasan at pinalitan ng damit. Ang pinagtataka mo habang ginagawa mo yon, ang dami nyang binubulong, di mo na pinansin pero may pangalan syang nabanggit kaya napakunot ang noo mo.

 

"Seu-"

 

"Hyun? Andito lang ako."

 

Hanap nito at nang matagpuan, humawak sya sa kamay mo at pinisil.

 

"Hmmm, Seungwan shwyehdue"

 

Yun lang ang naintindihan mo sa sinabi nya. Hindi mo alam kung anong iisipin, siguro inevitable na mabanggit sya ni Joohyun kasi nasabi mo sa kanya na pauwi na si Wannie kasama yung girlfriend nyang si Joy.

 

Hindi mo naman magawang bumitaw dahil ang tindi ng pagkakapakit nito sayo kaya nagpasya kang itabi ng maayos ang palanggana at towel na ginamit mo sa bedside table niyo.

 

Humiga ka na sa tabi nya, bukas mo nalang aayusin yang nasa gilid nyo at yung mga pagkain na hinanda mo. Wawalisin mo na lang yung mga piraso ng pulang rosas na kinalat mo sa buong kusina nyo.

 

Bahala na basta bukas mo na lang din sya tatanungin bakit sya nagkakaganito.

 

Tumapat ka sa kanya, marahan ang paghaplos sa napakaamo nitong mukha. Tumatama man sa mukha mo ang hininga nyang amoy suka at alak, wala lang sayo.

 

Nagdampi ng halik sa labi.

 

"Happy anniversary, Hyun. Mahal na mahal kita."

 

Bulong mo sa kanya at tuluyang pumikit para samahan syang humimbing.

 

Kaya sige, bukas na lang.

 

Ipagpapabukas mo na lang ang pagkadismaya para tapos na ang 2nd year anniversary nyo.

 

Hindi ka iiyak at malulungkot sa mahalagang araw na ito.

 

--

 

Reunion ng 4th yr barkada mo, wala si Seulgi kasi syempre di naman kayo magkaedaran non.

 

Pero parating na yon kasi susunduin ka raw nya. Sabi mo huwag na kaso mapilit, edi sige bahala kamo sya.

 

Para raw masigurado nyang okay ka, nung isang linggo kasi nauwi kang nakainom. Kaya ayan, pupuntahan ka raw nya.

 

Masyadong maaalalahanin ang jowa mo.

 

"Dali na Joo, satin-satin lang naman to.. wala pa naman si Seulgi o!"

 

"Ano ba kayo? Huwag na nga."

 

Tutol ng ilang mong kaibigan, di mo naman magets tumayo ka kasi para magcr sandali. Pagbalik mo mukhang may napagkasunduan na gawin.

 

"Eh bakit ba kasi?"

 

"Lika na ikaw na sumalang.."

 

"Ano truth or dare na naman? Di na kayo nagsawa! Maging creative nman, myghad..."

 

Pagubos mo sa pangatlong bote na iniinom mo. Medyo hilo ka na.

 

", marry at kill.. Sinu-sino yun para sayo?"

 

"Huyyy bakla tigilan nyo na nga si Irene.."

 

"KJ mo naman Jen!!"

 

"Obvious naman na kasi sagot dyan ni Joo!"

 

"Ah talaga?"

 

Sabay lapag ng dalawa pang baso sa harap mo, mga demonyo tlaga eh halatang may tama ka na pero tudyo pa rin.

 

"Ano say mo Irene?"

 

"Yun oh shot pa!!"

 

Nilagok mo yung dalawang shot ng tequila. Sa sobrang init ng lalamunan mo gusto mo na magsalita.

 

"?? Hmm si Seul kasi masarap sya hahaha marry? Si Wannie and kill? Syempre yung current gf nyang si Joy...pano ko pakasalan kung may sabit?"

 

Matalim mong sabi, di mo napansin lahat yata nawala ang kalasingan sa sinabi mo. Kanina ka pa umiinom kaya yata dulas ng dulas ang katotoohanan sa dila mo.

 

"Irene woah.. si first love pa rin? Kala namin moved on kana kasi abot na kayo ni Seulgi ng 2 years dba?

 

"It's been really good with Seul kagaya ng sabi ko I enjoy kasi masarap at magaling sya hahah sa tru lang tyo... halos carbon copy din ni Seungwan sa bait kaya nga yata di ko pa rin malimutan yon.."

 

"Uy Joo.. ano ba yang sinasabi mo? Lasing ka lang."

 

"What?? I guess, I should not have given her a chance no? They are too alike... just that I hate it when Seulgi always always asked me to talk.. masasaktan lang sya pagnagsalita ako.. see?"

 

Nagnakaw ng isang shot, kailangan mo kasi to ang tagal nitong gumulo sa isip mo.

 

"Tangina kasi minsan ko nalang maisip tapos biglang uuwi na raw yung bestfriend nya at kasama ang jowa, balak pang makistay sa guest room ng unit namin ni Seulgi! Nakakainis talaga.."

 

Padabog mong sabi, inis na inis ka. Si Seulgi kasi payag lang ng payag

 

"Paano naman ako magpipigil kung nandito na ulit sya? Putangina naman."

 

Iyak mo kasi nga mahal mo pa, mahal na mahal mo pa rin. Tangina lang kasi. Masakit. Masakit na uuwi sya pero may kasama ng iba. Wala kang ibang maisip kundi ang siguradong paghihirap mo sa mga susunod na araw.

 

Lahat ng kaibigan mo natigilan at inaalo ka.

 

Wala man lang kayong kamalay-malay at habang dinudukdok ang sarili sa mesa, sa delubyong ginawa ng pag-amin mo.

 

---

 

 

Nagulat ka pa kasi paggising mo nag-iba yata itsura ng unit mo. Naghilamos ka muna bago bumaba para hanapin ang kaibigan mo.

 

"Gising ka na pala Joo!"

 

"Ahmm anong ginagawa ko rito?"

 

Akala mo susunduin ka ni Seulgi. Napasimangot ka.

 

"Oo nga pala, tumawag sya nung gabi na, sabi nya kinailangan daw magOT at may tinatry silang ibeat deadline."

 

Tumango ka nalang sakit ng ulo mo eh.

 

"Dapat kasi di na lang sya nangako, sana I could have hold back sa alcohol."

 

"Uh Rene?"

 

"Bakit, Jen”

 

"Totoo ba yung sinabi mo kagabi?"

 

"Alin?"

 

Wala kang matandaan.

 

"Sabi mo kasi, mahal mo pa rin si Wendy."

 

Nabitawan mo ang hawak mong cup buti nalang plastik lang at malakas lang ang tunog.

 

May iba na kasing nabasag.

 

---

 

"Seulgi!"

 

Nagulat ka pa ng may pumili sayo, inaasahan mo kasi isa ka sa mga matitirang hindi mapipili. Hindi ka kasi palasali sa mga club, ayaw mo kasi ng mga kompetisyon. Maliban na lang pagrequired or pag may plus grade doon ka lang nasali.

 

Kanina ka pa nga naiinis nang malaman mo pang para sa activity nyo na ito ay dapat may pumayag na taga upper year na makipagpartner sa inyong freshmen.

 

Parte ito ng year-end activities, hirap ka na nga makisocialize sa mga kabatch pagkatapos sa higher years pa?

 

"Ate Irene?"

 

Pukaw mo sa pumili sayo, napatingin din kasi si Seungwan nang isigaw ni Irene ang pangalan mo. Bakit nga naman kasi ikaw?

 

Di rin naman nagtagal, natawag agad si Wendy. Sino bang hindi gusto makapartner ang pinakatalented na freshman?

 

Napaisip ka, baka kasi naaawa lang sayo tong si Irene kaya ikaw ang pinili nya agad. Kunsabagay di ka na magtataka, sya lang naman sa higher years ang kilala ka. Yon nga lang ay dahil bestfriend ka ng type nya.

 

"Hmm?"

 

"Thank you."

 

"Hahaha nukaba grades ko rin naman nakasalalay dito no. Anyway, pwede sa unit ko nalang tayo magpractice?"

 

"Ah eh sige po.."

 

"See you mamaya. Oo nga pala, dance yung sinulat kong gagawin natin. Bye!"

 

"Hala?!"

 

Oo nga pala silang higher years ang magdedecide what to present, bukod kay Wan walang ibang nakakaalam na marunong kang sumayaw.

 

Kayo kasi ni Wendy ang nahiwalay sa tropa nyo nung elem, lagi kasi kayo pambato sa jingle etc. Pero kalaunan tumigil ka, sa sobrang competitive kasi nakakalimutan mo na ienjoy ang ginagawa mo.

 

Nang matapos ang klase, kinawayan ka ni Irene na nasa bandang gate na.

 

"Hi Seulgi!"

 

Naghi sayo pero sa katabi mo nakatingin.

 

"Uhmm hi Wendy..."

 

"Hi Ate Irene!"

 

"Oo nga pala may practice pa.."

 

Nasabi mo ng malakas, kakaalala mo lang din kasi at mukhang nagkaideya naman ang admirer ng espren mo.

 

"Gusto mo ba sabay ka na sa min ni Seulgi? Doon kasi kami magpapractice sa amin eh..."

 

"Oo nga Wan, sabay ka na.."

 

Nakita mo kasing nanghihingi ng tulong sayo si Irene na kumbinsihin si Wan. Good thing pareho silang taga-North.

 

"Yay!!"

 

Tuwang-tuwa ito ng pumayag ang katabi mo.

 

Ang ganda-ganda nya. Sana lagi syang masaya.

 

----

 

May napansin ka kahit ayaw mong pansinin.

 

Si Seulgi kasi.. parang kasing may nagbago.

 

Dati pagsinabi mong huwag ka na nyang sunduin makikipagtalo yun at maya-maya lang asa baba na ng office bldg mo.

 

Pero ngayon, sumang-ayon to. Reply nya sayo? K.

 

Puta, tipid sa load?

 

Kaya patapik-tapik ka sa binti mo habang naghihintay ng masasakyan.

 

Ayaw mong umasa pero palinga-linga ka sa phone mo at sa gilid mo mamaya kasi may pamilyar na kotseng papalapit sayo.

 

Kaso wala, hanggang sa may nabook ka ng grab. Walang Seulgi na sumundo at dinatnan sa condo.

 

Kahit busy yon sa trabaho, hindi ka naman non nakakalimutang itext o kaya sabihan na malelate sya ng uwi.

 

Nakahiga ka na nang maisipan mong buksan ang instagram mo. Sa totoo lang, di ka rin makatulog kasi wala pa ang katabi ehem, si Seulgi.

 

Hindi ka naman palacheck ng instagram ng iba pero nang may mascroll kang di mo inaasahan, you stopped doon.

 

Nakatag si Seulgi, wow, nasa bar sya tapos hindi man lang nagsabi sayo?

 

Tapos, zinoom mo pa, yung nakaakbay sa kanya si Yura ba yon?

 

Yung senior nyong gustong-gusto si Seulgi after ng performance nyo nung Year-end.

 

Bwisit na bwisit ka nga don dahil kung makalingkis feeling close kay Seulgi noon!

 

Didn't you make sure na alam nyang kayo na ni Seulgi? Bakit ba hindi nya magawang dumsitansya kahit kaunti?

 

Ano pa bang kailangan iturok sa kokote nyan para magets nya yon?

 

Sabi mo, di ikaw ang unang tatawag.

 

“Hyun?”

 

“Umuwi ka na, anong petsa na.”

 

“Huh uhh di pa kami tapos Hyun.”

 

Nagsisinungaling ba sya? Kailan pa natutunan ni Seulgi gawin yon? 

 

“Nasaan ka?”

 

“Nasa bar..”

 

“Hindi pa kayo tapos na ano? Na maglandian?”

 

“What? We’re just—“

 

"Kasama mo ba si Yura?"

 

Ang tagal bago sumagot, ano bang ginagawa nila kasama ang Yura na yan?

 

“Client namin sya, Hyun.”

 

Client?

 

So tangina, 3 months na nila tinatrabaho yan. Ibig sabihin 3 months na rin nyang nililihim sayo na nagkakasama sila ng esang yan.

 

“Umuwi ka na!”

 

Agad mo pinuntahan yung ig ni Yura, aba nakita mo sa feed nya si Seulgi. Apat naman sila sa team, bakit si Seulgi lang ang picture at thank you post?

 

Naghintay ka pa ng isang oras. Nang marinig mo ang kotse nya nakikipagtalo ka sa isip mo kung baba ka ba para salubungin sya ng galit mo o dito ko magkukunwari wala kang pake.

 

You chose the latter, nagtulugtulugan habang pinapakiramdaman ang mga kilos nya.

You heard the door opening, she’s probably gonna take a shower downstairs since nakita nyang tulog ka na.

 

Nagbilang ka dahil saglit lang naman magshower yon. Pero 30 mins na yata wala pa ring natabi sayo, nasaan naman kaya yon?

 

You went down, off na ilaw sa CR. Where could she be then?

Ayun nasa sofa, knockout. Napabuntong-hininga ka, you are supposed to be super angry!

 

Kumuha ka ng spare blanket at dinantay sa kanya.

 

Her face looks so squishy at namumula ang pisngi. You can’t help na dukdumin ganyan tlaga sya pagnalalasing. Kaya you hated it so much pagsya ang umiinom na hindi barkada nya ang kasama. She has a low alcohol tolerance.

 

Again, you still hated na nagawa nyang maglihim at magsinungaling sayo.

 

Kaya sinundot mo ang butas ng ilong dahilan para mapaungol at kumunot ang noo.

 

“Tskk... bleh”

 

Medyo nahirapan ka matulog dahil sanay kang katabi sya buti na lang the pillow smells like Seulgi pa rin kaya okay na rin plus nasa baba lang naman yung kumag, you don’t have to worry much.

 

Pagkagising, kustara’t tinidor lang ang kumakalansing. Walang umiimik, sya nga ang magpaliwanag dapat pa bang ikaw ang magtagong.

 

You sighed hanggang sa pag-alis at pagpasok sa trabaho magkahiwalay kayo. It’s been months nung huli nyang sundo sayo. Di kasi sya nakasunod sa pangako nya nung reunion nyo since the meeting was extended daw.

 

Teka nga? Wag mong sabihin hinahandle nya na yang project na para kay Yura that time.

 

You are going to make Seulgi talk, hindi mo na pwede palampasin. Maaga ka nakauwi kaya naman nalipasan ka na wala pa rin sya.

 

“Seulgi”

 

Hatinggabi na nung nakauwi.

 

“Mag-usap tayo.”

 

“Tungkol saan?”

 

“Yura”

 

Napasinghap sya at nilingon ka na.

 

“Ano bakit ka tahimik?”

 

“Wala naman akong sasabihin tungkol sa kanya.”

 

“Wala? You even hid the fact na matagal nyo na palang handle ang project nya!”

 

“We’re both busy di ba? Wala akong tinago.”

 

Sumasagot na ng ganyan sayo si Seulgi.

 

“Hyun, pagod na ko. Kung pwede lang stop making a big deal about it.”

 

“Sorry naman ha kasi sa instagram ko pa malalaman na yung malantod na babaeng kasa-kasama for 3 freaking months.”

 

“Hyun, trabaho yon! Why are you making it seem like may masama syang ginagawa?”

 

“Nakalimutan mo na ba? She, Yura freaking kissed you nung high school!”

 

“Hyun, matagal na yon. It’s just a simple kiss and I let her kasi kailangan lang sa play. Pwede bang tigilan mo na to?”

 

“No, hindi to tapos hanggang di ko sinasabi!”

 

Nakita mong itinaas nya ang kanyang mga kamay. Sumusuko na. Tinotoo nya, hindi na sya nagsalita pa ulit. 

 

Hinayaan kang maghysterical mag-isa. Unang beses ka nyang pinabayaan lang at nakatingin ng tahimik, tikom ang bibig. 

 

Walang balak makipag-usap sayo.

 

Kinaiinisan mo ang katahimikan nya. 

 

Dati you hate confrontation, you remembered how you avoided it kahit naging kayo na ni Seulgi, the both of you, sort of, decided to go with the flow.

 

Ngayon it was her turn na gawin sayo. She kept shut and let you talk hanggang sa wala ka nang masabi.

 

--

 

Ah kaya naman pala, tumpak ang hula mo. Kaya ikaw ang piniling kapartner sa presentation para sa yr-end activities.

 

Bukod siguro sa naawa sya sayo ay balak rin palang gawin kang lab rat.

 

Paano ba naman magluluto raw siya para kay Wendy nalaman nya kasing mahilig ito sa pagluluto at pagbebake at ikaw?

 

Ang unang alay, ang tribute, ang bayani, in short ipapatikim nya muna sayo. 

 

Ikaw ang mahuhusgaan kung diretso baba o taas ay mali, ikaw pala ang huhusga sa luto nya.

 

Kumikislap ang mga matang nakasilip sayo, shuta, rold kunin nyo na lang ako.

 

Kawawa namam kasi ang kidney mo, pota isang mangkok yata ng toyo at asin ang binuhos nya.

 

Alat!

 

Di mo magawang ngumiwi kasi nagkaantabay sya.

 

"Seulgi?"

 

"Hehehe masarap sya ate Irene mukhang mapaparami ako ng kain."

 

"Talaga? Napanood ko lang yan sa youtube."

 

Mali yata sya ng channel na sinunscribe welcome panlasang dagat siguro (shawtawt po sa panlasang pinoy lodiii po kita hihihi)

 

Aakmang kukuha sya.

 

"Ate Irene ubusin ko na lang to ha. Dba sabi mo okay pa naman yang soup.."

 

"Yes pero want ko rin nyan adobo.."

 

"Di ko nasabi sayo pero same kami ng fav ni Wan. Kung okay lang sayo, ate akin na lang to lahat."

 

"Grabe Seulgi, I'm really flattered. Ikaw ang unang tao nagustuhan ang luto ko. Sana si Wendy rin!"

 

Dalawa naman ang kidney mo, ayos lang sigurong malunod ang isa.

 

Sasagipin mo lang naman yung kay Irene.

 

---

 

Hindi pa nga kayo nagkakabati ng maayos ni Seulgi.

 

Ito na yung pinakamalaking problema mong dumating.

 

Ang first love mo at ang gf nya.

 

“Wannie”

 

“Wendy-“

 

Sabay kyo ni Joy nsgabot ng tissue kay Seungwan na nalagyan ng sauce sa labi.

 

“Thanks babe.. ahm salamat din Rene”

 

Si Seulgi tahimik lng na napatingin sayo. Magbespren nga sila, pati to may carbonara sauce, dungis talaga kumain kahit kailan.

 

Akmang pupunasan ang gilid ng pisngi nya gamit ng hawak mong tissue na para sana kay Wendy.

 

Napatigil ang kamay mo sa ere. She held your wrist dahilan para mapatigil ka.

 

“Kaya ko na, Hyun.”

 

Wow, that’s a first. Siya naman kaya ang may kasalanan sayo.

 

“Oo nga pala, I hope we won’t be bothering the two of you so much. We’ll stay until next week lang naman. Kasi pupunta kami sa family nila Joy sa Laguna.”

 

Tangina imemeet na ni Wendy ang parents nitong gf niya, naalala mo hindi man lang kayo umabot sa ganoong stage.

 

.

 

“Wan sabing okay lang, tsaka di naman nagagamit masyado yung guest rooms. Yung isa nga naconvert ko pa as an office. Feel free to say here as ling as you want.”

 

Rinig sagot ni Seulgi, napakuyom ang palad mo. Anong as long as you want? Ang disaster nito. 

 

Pero hmmm oo nga naman then, you have a week to prevent Seungwan from meeting that girl’s family. 

 

May chance ka pa.

 

Kayo ng first love mo.

 

“Oo nga naman Wendy, you can stay here na lang.”

 

Sabat mo. Sana nga magstay.

 

That’s sweet of you, ate Seulgi and ate Irene. Sabi ko nga kay Wannie, we should bring you with us sa Laguna. EK tayo!”

 

EK? Pambata? Sa isip-isip mo, how can Wendy want someone so childish? But, oo nga pala your first date with Wendy was sa star city so okay, it’s a tie kayo ni gurl.

 

“Joyie baka busy sila.”

 

Ah no, no hindi naman. Kami na kaya maghatid sa inyo since maluwag naman sched ko this weekend. What do you think, Hyun?”

 

Syempre nakakasa na ang OPERATION BAWI mo sa first love mo. (Sorry bomb sunbaenim ngayon lang naman dw magbabawi si madam hahah)

 

Go, gora! 

 

“Ah oo, free rin ako sa weekend.”

 

Convince her to runaway pagdating nyo sa Laguna at iwasan matuloy ang meet the fam ceremony.

 

Sabi nga nila, it’s not over til you give up.

 

—-

 

AAAHHHH SEULGI!! Ayoko na nakakatakot dito!”

 

“Aray ate! Ate Irene, nasasakal na ko!”

 

Ang tindi ng yakap ni Irene sayo habang nasa pila, paano ba naman nagsinungaling sya sa bespren mong mahilig din daw sya sa extreme rides kaya ayan sa sunod na weekend magStar City sila. 

 

Eh bakit kayo nandyan ni Irene ngayon?

 

Itrain mo raw sya, para raw mawala takot nya so she could ride with Seungwan next Sunday.

 

Tangina, posible ba yon? Mawala ang takot? May crash course ba para doon kasi ikaw rin, gusto mo magenroll.

 

Malapit na yata kasi ang araw na kinakatakutan mo. 

 

Si ate Irene at ang best friend mong si Wendy.

 

Masama ka na bang tao dahil hindi ka masaya kung sakali?

 

Seulgi!!! AAACCCCKKKKDHDHEYEHHDHD SEULGI-YAH!”

 

Puta, dahan-dahan na umaangat yung rollercoaster. Oo nga pala, next in line na kayo kanina.

 

Pataas din ng pataas ang boses ni Irene.

 

Di ka naman matatakutin pero shuta mauubusan ka yata ng dugo, napakahigpit ng hawak ni Irene sa kamay mo.

 

“Ate Irene kalma ka lang..”

 

“KALMA? ANG TAAS-TAAS NA! AHHHH AYOKO NA!”

 

Ate—“

 

“ABA GINOONG MARIA—— AAHDGDHDGDFFKDJGDJKKAHAHHSHS”

 

Magdadasal sana tong katabi kaso binitawan na kayo mula sa taas.

 

AAAHGSGSGFFSFSFSGSHSHSJJSJ MAMA AAACCKCKCJHXSGGSGSGS”

 

Ikaw naman humawak lang lalo sa kamay nya, kasi wala nang mararating ang mga salit dahil humahagis-hagis na kayo sa ere. Gusto mo sana itaas ang kamay mo para maenjoy ang hangin kaso lang di mo sya magawang bitawan.

 

Ilang saglit lang napansin mong di na sya nasigaw.

 

“Ate! Ate Irene!”

 

Shuta nakapikit, hinimatay ba sya?

 

Ate!”

 

Hanggang sa matapos na wala pa rin syang malay, nakapikit at tahimik.

 

“Huy ate?”

 

Nang makahinga kayo sa gilid, mukha naman nahimasmasan. 

 

Niyugyog mo slight, tenkyu naman at rumesponde. She groaned at mahinang nagsabi

 

“Seulgi, naduduwal yata ako.”

 

Inalalayan mong tumayo, nilabas mo ang plastic sa bag mo.

 

“I gotchu ate ;)”

 

“Siraaagxgsgsgshsudhdhsuuseggs”

 

At nakita mong marevive at magcome back to life ang breakfast nyo kaninang umaga. Yummerz. Buti matibay sikmura mo.

 

-

 

Ate sure ka na ba?”

 

“Oo nga ang kulit mo Ddeul!”

 

Pinipigilan mo mangiti or kiligin sa panickname nya, hayyy ate Irene naman masyado kang pafall amppph...

 

“Sabi mo fave mo ferris wheel why the sudden hesitation?”

 

“Ah eh nagwoworry lang ako sa inyo ate.”

 

“Hahaha you’ve seen me conquer other extreme rides with you, nalagpasan ko na nga anchor’s away eh... this should be langgam to me no?”

 

Wow, kala mo di nagsuka right after sa mga ride na yon. Sige na nga ang cute mo magyabang, maniniwala na nga.

 

“Hehehe basta po di ko kayo pinipilit.”

 

“It’s okay with me nga plus di mo naman ako pababayaan?”

 

“Oo naman ate, nandito lang ako.”

 

Ang memorable nito para sayo. You held hands theoughout the ride while she chickens from looking outside nung nasa tuktok na kayo, pikit na pikit.

 

“Kulit! Okay nga lang ako, ayoko sumilip sa baba!”

 

“Dali na ate Irene, ganda kaya! Tsaka di ka matatakot, mas maaamaze ka lang.”

 

no...”

 

“Ate di naman kita ingungod sa binatan, open your eyes lang para mawitness mo oh..”

 

Sobrang ganda ng citylights kapag lubog na ang araw. Sayang kung di nya man lang makikita ito ng sandali.

 

“Ate please 🥺🥺.” 

 

Nagpacute kahit di nya alam.

 

arrghhh fine, hawakan mo ko ng mabuti.”

 

Pinulupot lalo ang braso nya, unti-unting lumapit sa bintana para dumungaw. Agad na nanlaki ang mata sa nadatnan, mga labing hindi mapigil sa paghanga.

 

“Sabi sayo ate, maganda diba?”

 

May kinuha sya sa bag nyang maliit.

 

“Let’s take a picture.”

 

Iniabot sayo ang phone nang makahanap kayo ng pwesto.

 

Ate?”

 

“What?”

 

Muntik mo na mahulog yung phone nya pero sure ka naman na di ka namaligno kasi nakunan ng camera. She checks the photo while laughing at you.

 

Cute mo hahahaha!”

 

She kissed you.

 

Helppppppp

 

She kissed you on the cheeks.

 

Di ka pa rin nakakamove on when you felt her tap your right cheek with her finger.

 

Thank you for being with me, Seulgi.”

 

Nalaman mong hindi pala talaga masaya ang mahulog. 

 

Kwento kasi ni Wan sayo nung sunod na Linggo, nagconfess daw si ate Irene sa kanya while riding the ferris wheel at her first kiss was gone nung pumayag syang maging sila na.

 

Hehehe tangina nga naman 🙃 di ka pala special.

 

 

—-

 

Di ka makatulog kaya naiisipan mong tumambay sa balcony. Hind pa rin kayo gaano nagpapansinan ni Hyun.

 

Nainis ka kanina, you admit it. Sana naman di nya yon gawin sa mismon harapan mo. 

 

“Ate Seul?”

 

“Uy Joy, di ka rin makatulog?”

 

“Yes, ate.. might be jet lagged pa”

 

Inabutan mo rin sya ng iniinom mo.

 

“Thanks ate.. uhh, if you don’t mind lang naman, may prob ba kayo ni ate Irene?”

 

“Please drop the ate hahaha para namang di kami same age ni Wan.. hmm yes..”

 

You sighed, dapat mo bang sabihin. Pero sabi nga nila masyado kang mabai at di jaya magsinungaling.

 

“I’ll be honest with you, Joy. Si Irene kasi she hasn’t moved on from Wan.”

 

“Ahhh..”

 

Nagulat ka when she reacted nonchalantly.

 

“Di ka ba natatakot?”

 

“Hmm?”

 

“Si Hyun, mahal nya pa si Wan.

 

“That’s not the case from what I’ve heard.”

 

Naguguluhan ka, diba dapat ikaw ang nafifill sa kanya ng details about Irene still wanting Wan for herself. That you decided to let Hyun do what she wants, na marinig mong sabihan ka nyang tanga for just letting your gf at sya na tawagin kang masama for not doing anything to stop Irene na paghiwalayin

 sila ni Wendy.

 

“I think ate Irene just misunderstood what she felt plus I don’t really care may tiwala ako kay Wannie. Mahal ko sya and she loves me too, it doesn’t matter ano nararamdaman ng iba para sa min.”

 

“Huh?”

 

“Well, because wannie told me it’s also the reason why she got over ate Irene so quickly. She thought ate Irene was actually in love with you and not her.”

 

“Ano? Teka, mali yan! Kung alam mo lang gaano kasira si Irene noon bcs wan chose to break up with her!”

 

“Ate seulgi it’s bound to happen. Hindi lang dahil sa ldr situation, ate Irene’s totally not honest with her feelings.”

 

“Joy you haven’t seen the two of them up close dati plus kaya lang naman kami naging malapit ni ate Irene noon ay dahil I’m helping her get Wendy.”

 

“Ate Seulgi naman, dyan ka na kasi naniniwala but didn’t you ever think na posibleng mahulog ang tao sa tulay?”

 

Napailing ka ng maraming beses.

 

“Paano naman mangyayari yon, Joy? Rebound lang ako! Kahit saang anggulo ko pa tignan. That’s all I am to her! A rebound.”


 

 

 

Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko

Rebound mo lang pala ako....

 

 

—-

A/N: Mej matagal na tong nadraft tas di ko rin matapos-tapos hahaha at opo nakakuha ako ng idea mula sa isang chapter sa Buwanang Dalaw ni lodi IRGayshark. (Thank you po sa pagpayag otor! Naapektuhan ako masyado ng choices ni Madam hahaha 😂) Gusto ko lng iexpress gaano aq kagrateful s knila dhil nakukulayan ng stories nila and dull life ko. If may hindi pa nakakabasa ng Buwanang Dalaw, basahin nyo na po. Kung gusto nyong maradaman lahat ng pwede maramdaman, go na go ;)

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
may nagbabasa pa po ba neto?? Kapit lng try ko iretrieve ung draft ng rebound and kathang-isip. Tuluyan na po kxe bumigay ang asking iPad 😭😭😭 halos 4 years na Pala di nakakamove on si Seulgi dito 😭😭😭

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1025 streak #1
Chapter 18: 😭😭😭😭
jaangwaang
888 streak #2
Chapter 18: otorrrr. kamusta ka ??? huhuhu rereading habang naghihintay ng update
moksy12 #3
Chapter 3: ang sakit nmn nito be haha pota awang awa na ko kay seulgii 😭😭😭😭
seulsbear
#4
Chapter 4: I'm still hoping for the last chapter🥺🥺
RedRose0289
#5
Chapter 4: Author-nim...2 Concert na po ng Ben & Ben na.attendan ko...nagtataka na ung kasama ko kung basket anlakas ng Tama saken ng 'kathang isip" eh hindi naman ako broken...haahahaha...
Still waiting for the last chapter of this...hehehe
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 18: otorrrrrr. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung part 2
RedRose0289
#7
Chapter 4: Skl..hehehehe..
Nasabi ko sa kawork ko na bumili kme ticket ng B&B send off con.
Taz tinanong nya ko alin daw sa songs nila ung pinakagusto ko? Sabi ko itong Kathang-isip...
Sabi nya why? Sabi ko kasi somehow relate at isa tong FF na to sa dahilan kung baket iba ung dating at meaning ng kanta na to saken...hehehe...
RedRose0289
#8
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1430787/1'>1: Kung Di Rin Lang Ikaw</a></span>
Ok...antagal ko ng ndi naiiyak...

Kaya binasa ko to,same effect pa rin...ubos pa rin ang luha ko...ahahaha.

Kaya matutulog na ko...

Author-nim padaan lang..🤭
kkdalgi #9
Chapter 18: Huhu still waiting parin sa part 2 ng rebound
RedRose0289
#10
Chapter 3: Pag gusto kong masaktan in a may tugma way,pumupunta ako dito...ahahhaha..
Just saying Hi again authornim...heheheeh