Unti-unti (1/2.)

DAGSA (Sumisinta)

Try nyo pakinggan yung Unti-unti ng UDD while reading this 😀😀😀

Pagnakabold flashback po yun....

Enjoy reading! Sorry natagalan ✌✌

--

 

"Saan ka na Seulgi?!"

Napabalikwas ka sa tinuran ng ate mo na nasa kabilang linya. Oo nga pala may lakad kayo ngayon.

Sino bang niloloko mo? Eh sakit mo talaga na hindi magising-gising ng maaga!

"Ah a-ate eto on the way na."

Tumapat ka sa electric fan para kunwari nabyahe ka na sa jeep, kaso graduate with honors ang ate mo nung kolehiyo sya.

"Tadyakan kita dyan, wag mo nga iano sa electric fan sakit sa tenga!"

"Hehe sorry na eto na babangon na po.."

"Bilisan mo at ipapakurot ko kay Nanay yang singit mo pagdi ka nakarating dito agad! Maligo ka na at maglunch!"

Nakng teteng tanghali na tanghali na talaga buti di ka nagising sa tambo ng Nanay mo. Baka lumabas yon at namili kaya di pa naakyat sa kwarto mo.

"Huy, oso! Wag ka na mag 5 minutes, pakisabi nalang kina Nanang yung panghapon na showing nalang kukunin natin kaya baka di tayo maghapunan dyan ha. Ikaw kasi anong oras na magising, maglilibot muna kami ng ate Sica mo..:

Ayun ililibre ka ng ate mo manood ng sine tutal naman daw tapos na exams mo at on the way kana sa last year mo sa school. Hayyy, saya nga naman paggraduating ka na.

Hindi naman nasabi ng ate yuri mo na Goyo pala ang papanoorin, ibig sabihin pangatlong beses mo na to.

Buti nalang naging paborito mo na to kaya kahit alam mo na ang mangyayari excited ka pa ring ngumunguya ng popcorn katabi ang magjowang Yulsic.

Kaso may hindi ka napaghandaan, mabasagan ng eardrums dahil sa katabi mo. Mumurahin mo sana kasi daig pa ang plapla sa lakas ng tili, kunot-noo kang bumaling, di lang ikaw halos lahat ng nanonood.

Pero pare-pareho kayong natameme, paano mo naman magagawang mainis sa mala-anghel na itsura ng dalagang may megaphone sa lalamunan.

"Sorry po."

Pisti ka Solge, pero bakit ang kyuuutttttt nya kamo??!!! Parang di nakakagawa ng kasalanan to. Ang lumalumanay pa ng boses.

Nakita mong napapitlag sya pagmay mga nakakagulat na putukan.

At sa di inaasahan, napahilig ang ulo nya sa balikat at gilid mo para hindi mapasigaw. Di ka na nakanood, nanigas ka shutaaa. Di mo na naririnig ang sound effects ng movie, halos talunin ng kabog ng dibdib mo ang ugong ng paligid.

Mamamatay ka na kaya?

Nabalik lang ang ulirat mo ng muli kang makarinig ng pigil na tili. Nanlalamig ang mga kamay mong tinulungan sya.

"Hmm?"

Taka nitong baling sayo, ay iba rin sya nga tong kanina pa sumisiksik sa gilid mo.

"Ah ano kasi medyo kabisado ko na sya since pangatlong beses ko na ito napanood.. may pagsabog kasi sa scene na yun.."

"Ganun ba? Thank you ha, magugulatin lang talaga ako. Ay !"

Pagkatapos ng palabas, feeling mo kasing gwapo ka na ni Paulo Avelino kaso nga lang para kang binaril sa tenga.

----



Ilang araw ka nang nagtitiis sa tigtetrentang burger steak sa canteen nyo. Ilang linggo ka na kasing nanonood ng sine.

Nagbabakasakaling marinig ang tili este boses ng anghel na nakatabi mo noon.

Tinamaan ka nga naman ng magaling, lintek na pag-ibig yan nanahimik ka lang naman sa upuan mo ba't kailangan ka pang gulatin.

Walang pasintabi, ngayon para kang batang hagis nang hagis ng barya sa perya pero laging bokya at plato lang kinakahintnan.

"Hoy gigi, isuka mo na yan hahaha"

Batok sayo ni Lisa dahil nangingilid na ang luha mo sa pagpilit ubusin ang binili mo.

"Wengweng maawa ka na nga dito, palechong kawali mo nga to!"

Utos ni Byul sa tropa nyong rich kidzx na si Wendy. Pangmayaman na meal na kasi yon for only 55 pesos, once in a blue moom ka lang nakakaafford non.

"Huy, umambag kayo! Laki ng talo natin sa pusta dahil obob kayo ni Lisa maglaro."

Naaalala mo pa yang pusta na yan, tangina sya lang kasi nasa isip mo di mo napansin pinapakain ka na ng bala ng kalaban nyo sa cod. Tapos mga pabuhat pa tong kasama nyo ni Wendy, kaya walang nagawa kundi ibigay ang laman ng wallet nya.

"De, okay na sa kin to. Kahit panulak na lang, Weng!"

Sa ngalan ng pag-ibig, uulamin mo lahat kahit pa suyang-suya ka na.

Naalala mo kasi last day na ng Goyo ngayon bago maalis sa sinehan kailangan mahabol mo.

Kundi, parang ka lang timang na tinamaan ng kidlat at umaasang masusundan pa ng kabanata ang pagmamahalan nyo.

"Shuta ka Byul HAHAHAHA!"

Letse, yung sampung pisong panulak mo sana pinaligo nila sayo.

Binuhusan ka ng katotohanan na baka isa ka lang ekstra na minsang dadaan sa buhay nya.

--

"Oy!"

"Huyyyy!!"

"Pringol!"

"Gi!"

Kitang nag-aaral ka ng mabuti, may mga dimunyu talaga.

"Cut tayo!"

"Uu nga, punta tayo Quiapo!"

"Ano gagawin mo dun?"

"Tange, syempre papawisikan si Solge ng holy water para mawala ang pagtulala!"

"Gagu ka Lisa, basbas tawag don!"

Hinampas mo ng notebook. Pero mabilis ka naman kausap kaya ikaw na ang umunang lumarga.

Binabaybay nyo na ang Quiapo ng may maisip tong magagaling mong mga kaibigan.

"Manila Bay nalang tayo! Sigurado lulugaw lang tayo dito sa Quiapo eh!"

"Hoy kumain muna tayo sa lugawan bago pumunta don e puro chicha meron tayo di tayo mabubusog non!"

Pumwesto kayo sa paborito nyong kainan, da best kasi sa halagang 10 pesos lang solb na solb ka na sa lugaw. Sariling taste mo pa, dahil kanya-kanya kayong timpla gamit ng calamansi, bawang, paminta, toyo at chili flakes, rapsa talaga! Damay mo pa ang katabi nitong ihawan, wala na finish na naman ang pera nyo. (Shoutout kay Manong na nagtitinda ng lugaw lagpas isetann, sa tapat ng chowking. Grabe, sulit na sulit, sobrang sarap pa! Plus yung bbq sa binondo, yummerzx.)

Ikakain mo nalang ang pagkadismaya mo dahil kahit naabutan mo ang huling showing e, wala ka namang nasilayang magandang dilag na may ginintuang tinig.

Tanggap mo na eh, kahit magdugo pa tenga mo basta para sa kanya titiisin mo.
Di bale na pandinig ang matupok, huwag lang sya ang mawala sa paningin mo.

Nakarating na kayo sa Manila Bay, nagulat ka sa dami ng tao. Baka may event, di nyo lang knows, wala namang keme sa inyo kaya gora lang.

Andyan naman si finance manager Wengweng nyo para saluhin ang mga pwet nyong walang barya.

Ah may pafireworks pala saktong-sakto, may nabunot na sako si Lisa sa bag nya kaya kanya-kanya kayong tambay at kurot sa tigpipisong chichiryang pinagbibili nyo kanina.

"Tipirin nyo nga mamaya wala na tayo sa gabi nyan!"

"Pagpalabas wala na tayo machicha, hoy byul sabi na dahan-dahan!"

Di kayo pinansin, kakapal pa ng mukha bumili ng c2 sa naglalakong tindero. Mabilaukan kamo sana, samantalang ikaw walang ganang ngumuya.

Kahit ang baho sa Manila Bay kerzx lang sayo kasi mas umaalingasaw ang sawi mong puso.

Umaygad, senting-senti ka dahil naglalayag ang kamalayan mo kasabay ng yateng nakapalaot sa tubig.

"Nasinghot yata si Gi, ilang araw ng nainlab sa hangin ampota!"

"Batukan mo nga Weng!"

"Gagu, di nalingon! Tulak kaya natin sa tubig?"

Palubog na ang araw, matatapos na naman ang maghapon. Ibig sabihin may panibagong 24 oras kang di sya kapiling.

Sadlyf.

Di bale ayan na, eto na padisplay ng langit.

*boom*

"Huy Seul!!"

Nagulat ang mga kaibigan mo dahil nagpabaling-baling ka at bigla-nigla ka nalang tumayo't umalis ka sa tabi nila.

Napakadaming tao pero basta hawi ka lang ng hawi at panay paumanhin hanggang sa marating mo ang destinasyon mo.

Sabi mo pagnakita mo na, hindi mo na palalampasin pa.

Nakapikit pa rin ito pero nagmulat nung mapapitlag dahil sa paghawak mo sa nakatakip nyang mga kamay sa tenga.

Nakita mong tinitigan ka nya pero tinuon mo ang mga mata mo sa makulay na firework display sa ibabaw nyo.

Kahit pa ang lakas ng ingay ng paputok wala kang ibang marinig kundi ang dagundong ng puso mo nung bumalik sya sa panonood na lamang at hinayaan kang hawakan sya. Sa bilis at lakas nito, di ka na magtataka pagnakita mo na kasama sa display ang puso mong dinaig pa ang sinturon ni hudas sa nakakabinging pag-iingay.

Tangina, may nadulot ding mabuti ang pagtambay mo sa Roxas Boulevard.

"Hi! Ah naalala ko kasi yung boses mo."

Nawiwirduhan syang lumingon sayo.

"Ah thank you ulit. Mukhang malakas pala ang tili ko."

"Saks lang, sadyang nagingibabaw ka sa lahat, ah este medyo nga."

Para kang timang ang lakas ng loob mong lumapit sa kanya pero di mo na alam ang gagawin mo.

"Uhh you want some coffee? Treat ko lagi mo na lang ako nasesave sa kahihiyan dahil sa pagkamagugulatin ko."

"S-sure"

Di ka nainom ng kape kasi dinedeny yon ng tyan mo, shet sana makaaabot ka sa bahay.

Basta wag lang masayang ang golden opportunity na pinagkaloob sayo ni rowld.


----

S:Luviie k0uh, kumain ka na?

Text mo sa kanya balak mo kasi hintayin sya sa lobby ng opisina katatapos lang ng review mo.

I:Di pa nga po love, y?

S:Wla lang, wag ka po papalipas ha?

I:Ahh, yun na yon?

S:Oo bk8????

I:La, kamusta review mo? Kumain ka na rin baka puro aral ka...

Napahagikgik ka, tampurorot na naman ang bebe mo. Weekdays kasi review mo tapos nagwowork sya kaya sobrang dalang nyo magkita, minsan nga umattend ka pa ng weekend session kaya di na kayo nakapagdate ng 2 linggo.

Nakasakay ka sa jeep, nakangiting pinapanood ang daan. Iba talaga pag-inlove. May sarili kang bgm sa utak kahit halos mapunit na tenga mo pamanok na pula sa speakers ni Manong drayber.

Pagkarating mo, nagtanong ka sa nasa info desk. Wew, may meeting pala si beloved mo. Pero sisiw lang sayo maghintay.

Nakahintay ka nga ng 20 yrs bago mo sya makita, ano ba naman ang 2 hrs na meeting dba?

Hehehe kaso nga lang isa kang oso, gutom ka na. Kulong-kulo na ang tiyan mo after 1 hr.

Syet, tinatawag ka pa ata ni mother nature!

Dali-dali kang pumunta, syempre yun pa bukod sa pag-ibig ang hindi napipigil. Sa sobrang sira ng tiyan mo, kaunti nalang ipaflush mo na ang sarili mo.

Potangina, wala ka pala ipangpaflush. Potanginax2 wala kang dalang wipes ahuhuuhu bat ang yaman-yaman ng firm ng labidabs mo pero walang tubig yung bidet. Tangina, design lang?!

Kanino ka hihingi ng tulong? Wonder petzx help accccckdjejehshahau sagutin nyo yung tawag.

Apakademonyo ng bldg na to wala na ngang tubig, wala pang tissue!

Napressure ka, wala kang choice kahit nahihiya ka. Ayaw mo kasi malaman ng jowa mo na for 4 months pa lang kung gaano ka kadugyot. Wala ka na choice huhuhu goodbye sa pagpapaimpress mo.

Tsanggala tas pagiigibin mo pa ng tubig dito. Sensitive pa man din pang-amoy ng bebeluvs mo baka iwan ka na ng tuluyan. Amputaaaaa dyahe talagaa!!!

Bahala na kesa naman magdamag ka dito, lalangawin ka for sure pagnagtagal ka pa.

:Hyun?

:Hyun?

:Luvieeedeul hehhhehe help?

:Seul?? Love, anong nangyayari?

:Hyunnieee, ano kaseee huhuhu

:What? What happened? Wait nga.

Shockzx muntik na mahulog sa mamahaling tiles ang mumurahin mong phone. Pakshet bakit natawag si Joohyun?!!! Text text lang nakakahiya baka maamoy nya sa kabilang linya!

"Seul??

"Hello?"

"Anong nangyari sayo?"

"Ah eh sorry sa istorbo huhuhu alam ko asa meeting ka pero ano kasi hyun.."

"Nag-aalala na ko, ano ba yon?"

"Pwede makahingi ng baby wipes mo huhuhu andito ako sa cr sa may lobby nyo, sira yung cr dito luvvvv huhuhu sorry.."

"My god Seul! Yun lang ba? akala ko naman may masama ng nangyari sayo!! Hintayin mo ko dyan pababa na ko..."

Binaba nya ang tawag, sana rold magkaflush na kasi gusto mo isama pati sarili mo, buong kaluluwa at pagkatao. Lamunin ka na ng inodoro pls lang. Umiyak ka, aba puta nakakaiyak yon talaga, namamanhid na rin kasi ang tagal mo na nakaupo doon.

Ilang sandali pa narinig mo yung mahinang katok.

"Seul?"

Ayan na, guardian angel mo.

"Hyun.."

Taeng yan, humagulgol ka don.

"Abot ko na sa ilalim, okay? Kuha lang ako water."

"Thank you.."

Iniabot nya sa ilalim ang buong lalagyan ng wipes nya. Narinig mo rin ang takbo ng tubig sa labas.

Leche talaga, palatak mo. Di mo masisisi si Hyun pagnakipaghiwalay sya sayo dahil dito. Ikaw din naman kung pwede hihiwalayan mo rin sarili mo.

Tangina, sayang yung pagpipigil mo maglabas ng sama ng loob pagnasa kotse ka nya kasi hiya ka mabahiran ng msangsang na amoy ang passenger seat ni Hyun.

Nagalcohol ka after, kumuha ng pabango sa bag, shuta yung kikay kit pala ni Joy ang nadampot mo, pareho kasi kayo makalat ng roommate mong yon kaya pala naiwan mo yung wipes, bwiset!

Napatawag ka kay San Pedro kung pwede maaga magpaenlist sa kanya. Nakakahiya talaga, sana iaapporve yung papers mo sa langit, most friendly ka naman nung kinder.

Kusot-kusot mo ang mata mo ng lumabas, gusto mo magtakip ng mukha, kaso napaatras ka, paano si Hyun agad bumungad sayo may bitbit na timba.

Di nya pwedeng makita ang bakas mo!

"Hyun!"

Sinarado mo ulit.

"Seul bakit? Eto na yung tubig.."

"P-pwede patabi na lang sa gilid. Ako na bahala dito Hyun, salamat! Hintay mo na lang ako sa lobby."

"Oh, okay sige basta if you need help pa.. dun lang ako sa labas ng cr ha.."

Takte, ang liit nung timba, di kinaya powers mo kaya nag-igib ka ulit. Nung nagpaulan ng kamalasan dala mo yata yung palanggana nyong blue.

Grabe, nagretouch ka para naman may silbi yung kit na nakuha mo. Ano kayang klase ng pagmumukha ihaharap mo kay Hyunnie?

Naiiyak ka na. Ibang klase pala ng surprise ang dinrop mo dito. Di ka pa lumalabas.

"Seul?"

Narinig mo yung tawag sayo ni Hyun mula sa labas. Hinintay ka talaga nya.

"Uyyy love?"

"Hehehe eto na love"

Sinubukan mong itawa kahit namula na ilong mo sa kakaiyak.

"Umiyak ka?"

Kunot-noo nya, kinuha ang kamay mo at sya na nagpunas ng luha mo.

"Bakit ka ba umiiyak?"

"Nahihiya ako, Hyun eh..."

Iling nya sayo.

"Why? May masama ka bang ginawa para mahiya?"

Dehins mong sagot.

"Wala naman pala eh at isa pa, wala ka naman dapat ikahiya sa nangyari. Normal naman gawin yon."

"Oo pero nakakahiya pa rin tapos naistorbo pa kita."

"Hay naku love! Tara na nga for sure, plan mo na sabay tayo kumain ng lunch."

"Ah eh, pwede dinner nalang pala tayo magsabay Hyun?"

"At bakit hindi pa ngayon?"

"Uwi muna ko dorm, may nakalimutan ako."

"Ano naman yon? More important than having a date with your girlfriend na 2 weeks na di mo dinedate?"

Pagsasara nya ng mga braso, kanina lang holding hands kayo. Ang totoo nyan maliligo ka nahihiya ka talaga kahit pa naamoy mo yung pabango basta ang dugyot pa rin ng feelz mo.

"Ah hindi pero kailangan ko talaga yon kunin."

"Hindi, after lunch mo na kunin. Ihahatid pa kita. Sigurado ako, dito ka dumiretso agad pagtapos ng review mo, you need to eat."

"Hyun naman."

"No, Seulgi."

Sandali pa ay nilabas nya ang phone nya at may tinext.

"Ayan, you'll be with me hangga't di ko sinasabing pwede ka na umalis."

, mukhang she cancelled yung natitira nyang schedule, lalo na nakakahiya. Magwewear-off din ang pabangong nilagay mo hay rowld help.

"Hey if nahihiya ka lang because of what happened earlier then don't think about it anymore.."

"Pero Hyun-"

Nakalimutan mo competitive tong jowa mo.

"Osige nga paano kung ako nasa posisyon mo? What would you do? At ikaw, sakin, pabayaan mo akong umalis?"

"Ah eh kung gusto mo umalis di kita pipigilan."

"Ahhh even when you missed me?"

"Huh??"

"I'm not letting you go kasi namiss kita plus pagkatapos mo maghintay ng matagal, tingin mo hahayaan kita umalis? Don't think about how you smell kasi you still smell like you. I like it.

Yumakap pa sayo. Napalaki ang mata mo. Shet, mabantot ka kaya!

"Huuyy Seul"

"Ambaho ko na kaya, pls shower lang ako please luvie ko please hyun..."

Sinusubukan mong umalis sa yakap nya.

"Di ka nga mabaho!"

"Mabaho"

"No! So pag sa kin nangyari to you'll let me leave dahil lang sa mabaho ako?"

"Hala hindi ah, kahit yata end product ng pagkain mo mabango eh!"

"Oh my god, Seulgi!"

"Totoo naman amoy downy ka lagi hehehe."

"Ok fine, sa unit ko na lang tayo. I'll cook while you shower. But please, wag ka na ulit mahihiya. It's inevitable. Paano nalang pagmag-asawa na tayo dba?"

"Mag-asawa?"

"Opo, love mag-asawa."

Kiniss ka sa labi ng Hyunnie mo. Putangina, tinamaan ka ng kidlat. Tinatanggap na ni San Pedro application mo sa langit.

"!! Seul!"

Di ka makapaniwala kasi nanggaling yun sa taong gusto lang kayo maging super friends nung una.

---

"Tangina ang landi talaga ni HokaGi!"

"Kumain ka na?~ yak solge... Pota malamang mayaman naman yan!"

Di mo pinansin, mga epal kasi silip ng silip sa conversation nyo ni loml mo.

"Huy Seul kinukurakot ni Lisa sisig mo!"

Patibong lang yan ni Wendy kaya di mo pa rin pinansin tangina typing pa rin kasi si bebe mo, ayiieee bebe mo pero di ka nya bebe awwwtzx.

"Kala ko ba 'fwendzx' lang daw kayo ha?"

Panimula ni Lisa na nginunguya ang kalahati ng fewa ni Byul.

"Uu nga pero kung magtxt araw-araw, kala mo magjowa.."

"Yun nga ang sabi nya."

Nalungkot ka naman kasi nga kaya ilang buwan din bago ka nakakain ng masarap na ulam eh puro fewa at burger ang laman ng tyan mo dahil pinagipunan mong yayain kumain sa labas si Irene.

Oo nga pala, pakilala nya sayo nung SB date este treat nya sayo. Di rin nakatilong ang pagbigay ng name nya dahil you ended up stalking her sa socmed nya at ghad lalo kang nadapa.

Sa FEU pala sya nag-aaral kaya todo tambay kayo nina Lisa sa may Morayta para pwede ng "coincidence" pagnagkita kayo.

Sa dami ng coincidences na yon, napalapit sya sayo pati ang tropa nya sa tropa mo. Nagkailangan pa nung una but dahil sa saltik na taglay ng tropa mo, her friends were entertained kaya naglead pa sa bigayan ng numbers.

Si Lisa ang pinakamaswerteng unggoy ayon kay Darwin kasi hinahabol sya ng chix friend ng bebe mo, si Roseanne. Tangina ng hayop na to, si Jennie raw type nya kaso may boypren na kaya ayan, sya ang nililigawan ni Rosie.

Si Wendy naman, nakanam wala pa raw sa isip nya magjowa pero naabutan mong binabanatan ng harana si Ligaya nung nahuli mong magkavc sa messenger. Tangina, di nga raw jowa nasa isip nya kasi aaswahin nya na. Aba pota, speedz lang.

Si byul naman nainlababo kay Solar na may jowa kaya ayun ang nangyari eh takbuhan sya nito pagnagrereklamo at naghihingi ng payo. Pero marespeto tong kaibigan mo, wala syang intensyon na ipursue ang taong hawak na ng iba. Kahit pala gago tong kaibigan mo, may paninindigan at di nanunulot. Tahimik dinadamdam ang paso nya. Parang ganun pa rin abnormal umakto.

Di mo naman akalain ikaw pala ang magdadala ng love interest sa buhay nyong magtotropa na panay comp shop lang. Doon nyo pare-parehong naramdaman ang mabaril sa dibdib.

"Uy hanuna?"

"Eh ssabi nya kaibigan lang daw ang turing nya sa ken. Streyt si ate gurl mga bakla."

"Oo nga no, nakwento pala ni Solar na naka 3 bfs yan si Madam so opkors ruler talaga si ateng. Puro pogi daw mamehn kaso manloloko naman."

"Sus eh bakit si Chae- ay Rosie pala nagkajowa ng hatdog pero ako na ang gusto."

"Napakayabang mo, tampalin ka namin! Kapal ng apog magpahabol!"

"Di naman sa ganon yon kaso syempre si Jen nga ang crush ko nung una ayoko naman paasahin si Chae."

"Cheche ka pa dyan, sabihin mo gusto mo rin naman sya pakipot ka lang!"

"Ewan ko sayo Weng, palibhasa nahanap mo na si Ligaya!"

"Hay tingin nyo ba wala talaga ko pag-asa ke Irene? Suko na ba ko?"

"Surrender ka na gaya ni Byul, tignan mo yan tinaggap hanggang friends labg sila. Ngayon, ginantimpalaan ni Rowld ng chix."

"Tangina unggoy daldal mo!"

"Hoy Lisamarie!! Sino?!!"

"Yung nanalong Miss JPIA nung nakaraan, si Krystal ;)"

"Gague??? Pano umabot katarantaduhan nito sa accountancy?"

"Iba rin amputa taga6th floor pero 5th ang nabingwit!"

"Wag nga kayo, crush ko sya dati dahil nakita ko sa fb ng hs friend ko, ganda na matalino pa. Tapos nitong last month lang pinagkilala kami nung common friend namin. Yun lang naman, naghangout lang."

"Puta??? Ba't parang ako lang pala walang unlad sa tin??? Hoy ano pa magkwento ka pa!!"

"Wala na nga yun lang tsaka masyadong out my league si ateng krystal kaya wag nyo nga ko inaasar doon, yoko umasa. Basta happy crush lang. Pero seryoso Ging, stahp ka na kay Irene, mas masakit pag lalo pang pinatagal mahirap yan.."

"Uu nga, hangga't kaya mo pang bumitaw.."

Inialis ang tingin sa mga kaibigan at bumuntong-hininga, sa pustang talong-talo ka na mas humihigit pa rin ang kagustuhang tumaya para makabawi.

"Yun lang, hindi ko na yata kayang bitawan pa."


---

Nananaginip ka pa yata.

May dyosa kang katabi.

Holy.

Nagdugo ang ilong mo sa nakita mo.

Umaygad, uu nga pala!

Well, pabirthday gift sayo ni Joohyun ang sarili nya.

Huwaw, edi ikaw na talaga!

Akala mo nga, kinukuha ka na ulit ni San Pedro kagabi kasi nagpadala ng anghel para sunduin ka.

Fake news pala, sa ibang langit ka pala dadalhin.

Hayy, Joohyun, luviee ko, hyunnie bakit ka ganyan?

Paano na? May susunod pa kaya? Charot bwiset ka Solge erase erase... umagang-umaga ha!

Baka talaga isunod ka na sa list ni San Pedro!

Naalala mo maghanda ng warm bath para sa kanya. Sabi nila, it would be good for her.

"Hyun?"

"Hmmm"

Hehehehe mukhang napagod nga, normally ikaw kasi ang mahirap gisingin.

"Hyunnie.."

"Seul? Bakit?"

Bungad mo sa kanya.

"Gising na po, mahal ko."

"Tulog pa tayo."

Dumantay sayo. Omaygad, rowld I'm sorry mukhang di nya pa po natatandaan na wala syang suot.

Wag naman ganyanan marupok ka eh.

Haruuy niyakap ka, aba aba ang braso mo nagkakasala, wag dyan huy wag dyan!

Paglayo mo sa braso mo pero half tuko half kuneho tong hyun mo.

"Ano ba ginagawa mo, Seul? Ang lamig kaya dito ka lang."

No no no no no, putanam. Yung pinakaiiwasan mo, doon ka pa dinukdok ng Hyunnie mo.

Close your eyes, Solge. The sun is bright kitang-kita kayo sa langit. Pigil lang kaya mo yan.

Kaya mo yan!

Shet, ano yon may pabackground ang jowa mo?!

"Hmm, Seul."

Wala ka naman ginagawa ah. Imagination mo lang yata. Pikit lang.

"Seulgi?"

Di ka sumagot, hindi yan si Hyunnie mo. Tulog yon.

"Seul? Wala ka talagang gagawin?"

Napamulagat ka, akala mo tulog to.

"Kailangan ba ako na lang ang kikilos palagi?"

Tangina.

Patawarin nyo po si Seulgi.

San Pedro, San Pablo, San Juan, San Lorenzo, San Jose, San Sebastian, San Bartolome, San- san ka pa hihingi ng resbak?

Naubos mo na lahat ng Santong kilala mo pero wala pa ring dumarating na tulong. Pigilan nyo po si Joohyun.

"What? Titingin ka lang? Nagsawa ka na ba agad?"

"Huh?"

Lumabi at nagtanong.

"Isang beses mo palang kaya natitikman."

Natulala ka. Loading. Naiinis na sya sayo.

Hinawi ang buhok nya.

Napakurap ka x10000.

"Hey stop blinking!"

"Seulgi!"

"Seul!"

"I can't believe I'm going to do this."

Yung nakaawang mong bibig, may bisitang hindi mo inaasahan. Kusang naglakad papaloob, pati bubong di pinalagpas.

"Lasa kang colgate love."

Nginitian ka ng mapula nyang mga labi.

Sige na nga, white flag ka na.

Kung pinapanood ka ngayon ng manok ni San Pedro, lilitsunin mo nalang yon, para wala silang pruweba.

"Ba't nakasuot ka ng damit?"

Puna nya sayo.

"Nilamig ako kanina tsaka, oo nga pala yung paligo mo doon, Hyun baka lumamig."

Aalis ka na naman sana.

"No! Dito ka lang akala ko ba game na!"

Tangina, naglalaro pala kayo? Di na nga lang pambata.

Sa sobrang impatient nya sayo, sinira nya yung polo mo.

Wow, flying buttons.

Nasa taas mo sya, sinisinagan ang mukha ng sikat ng araw.

Inabot mo, nung una mo syang makilala, lagi mong tanong kung totoo ba sya?

Ang hirap paniwalaan na naipapagkasya mo na ngayon sa palad mo, ang mundo.

Yung mga mata nyang bihis ang imahe mo.
Binabagtas nito ang kabuuan mo, di nagtagal masuyong nag-iwan ng halik sa palad mo.

"Mahal kita."

Naluha ka sa sinabi mo, kasi sa lahat ng hindi mo maipaliwanag ito lang ang kaya mong tanggapin at paniwalaan.

"Iyakin ka talaga, Seul. Kahit kagabi umiyak ka."

"Eh kasi naman sabi nila masakit daw yon kaya ayoko gawin sayo."

"Ayaw gawin? So you don't want making love to me kaya ba patumpik-tumpik ka pa kanina?"

"Di po sa ganun love, ayoko lang na nasasaktan ka."

"It would hurt sabi nila, di naman ako masyadong nasaktan because you've been so gentle, you have nothing to worry about."

Pinunasan ang luha mo.

"Nasaktan pa rin kita kahit konti lang."

"Shhh, tahan na."

You can't help but remember last night, ang awkward but special. You gave everything you had sa kanya at ganun din sya sayo. Inalayan kang may buong pagmamahal.

Ang nag-aalab, hindi nagpapayapos at ang rumaragasa, hindi napipigilan.

"love.."

Maliliit mong panalangin, binubulong sa kanyang labi habang salakop ang bawat gilid, pababa sa nag-iinit nitong damdamin.

"Seul?"

"Po?"

"Mahal din kita..."

Nakakapaso ang bawat dampi ng kanyang balat. May pintig ang bawat yakag kaya't nagpapatangay ka sa hinahanap nyang lalim ng kaligayahan.

"Love.... Seul!"

Kung ang masilayan sya ng ganito ang magiging huli mong sandali.

Mamamatay kang nahuhumaling sa kanya.

-----

Nagulat ka gising na pala sya.

"Hyun?"

"Hmmm?"

"Bakit pala hawak mo phone ko?"

"Tumunog kasi Seul, may nagmemessage ng ganito kaaga?"

"Huh? Patingin nga."

Katatapos mo lang kasi maghilamos nang mapansing nasa side nya na ang phone mo.

"Ahh Hyun, si YooA to sya yung bagong intern namin sa kumpanya. Sa akin kasi inassign, sorry mukhang nadistorbo tuloy ang tulog mo."

"Ooh, younger than you?"

"Yes po, mahal. Sorry talaga, lika cuddle tayo saglit bago ako umalis."

Hindi mo pinansin pero parang may iba sa tingin nya sayo, sinusuri ka ng mabuti. Aware ka naman na di kayo gaya ng iba pagdating sa mga social media accounts ninyo. Medyo hindi ka keen sa idea of exchanging passwords etc., you felt it is too personal. Hindi naman sa may tinatago ka, ah basta disagree ka sa ganun.

Good thing, Irene is on the same page with you. May tiwala ka sa kanya kaya sana sya rin.

There's no point na pakielaman ang account ng isa't isa. But she knows the passcode ng phone mo at may fingerprint syang saved don.

Sana enough na yon.

--

"Seulgi, sino tong Sunmi na to?!"

"Ha? Senior ko yan nung hs ako dati, medyo naging close kami kasi pareho kami kasama sa dance club. Bakit?"

"Bakit?? Bakit? Are you seriously asking me that? Dapat alam mo!"

Kamot ulo mong syang sinagot.

"Anong meron?"

Tinitigan ka ng matalim. Nakaipit ang dalawang kamay sa gilid. Nakikita mo lang ganyan sya pagdi sya natutuwa sa mga associates sa team nya.

Putangina ano to deliberation?!!

"Hyun?"

"Anong meron kamo? Well, just to inform you that Sunmi posted a picture of you together in your pajamas while kissing you on the cheeks!!"

Hala ka, yan yata yung inattendan mong gala kasama ang hs friends mo last week. Sa bagong bahay kasi ni Sunmi at ng gf nya ang venue, batchmate mo yung nakatuluyan nya. Wala naman talagang ibig sabihin kasi ganyan na talaga sayo dati si Sunmi, binebaby ka. Natatawa nga lang yung gf nya sa inyo.

Freshman ka kasi nung sya ang club leader kaya nasanay kang clingy yan sayo, huggable ka raw kasi parang teddy bear. Lusog kasi ng cheeks mo nung hayskul.

Kaya di mo alam, anong mali mo? Friends do kiss on the cheeks, dba?

"Ganun talaga yan si Ate Sunmi, mahal. Clingy na yan sa kin mula hs pa."

"And? You're supposed to let her pa rin?"

"Ah oo??"

Inirapan ka.

"Oo? Okay, then sya ang ilabas mo ngayon for a date."

Tinalikuran ka at binagsak ang pinto ng kwarto nya.

Huh? Anong nangyari dun? Matagal mo kayang plinano tong date nyong dalawa dahil katatapos lang ng busy season nila sa trabaho. Kahit gusto mo sya noon yayaain sa labas, hindi mo magawa kasi alam mo makakaistorbo ka lang.

Kaya sana ito yung way para mareward sya from the stressful months at paghahabol nila ng deadlines.

"Hyun!"

Tawag mo, hala ka nilock ang pinto.

"Hyun? Buksan mo to."

Mamamaga yata kamay mo kakakatok. Pero wala kasing tigas ng pader ang jowa mo, di ka talaga pinagbuksan.

Nag-aalala ka, bahala na. Pumwesto ka sa gilid ng pinto. Ilang oras ka ding naghintay akala mo, she'd eventually get out pero hindi.

Naabutan mo na lang ang sarili mong pumipikit na.

---


Akala mo.

Akala mo, basta pagsya kaya mo intindihin lahat.

Kaya mo tiisin at paulit-ulit syang unawain.

Akala mo, ikaw na tong pinakamapagpasensyang tao sa buong mundo, kaya nga pangako mo hindi ka mapapagod.

Kaso, ngayon iba na, unti-unti ka na nakararamdam ng pagkahapo.

Pilit na humihigit ng mas malalalim pang paghinga baka sakali mayroon ka pang maibubuga.

Kuyom ang mga kamay, nagmamarka na yung kuko mo sa palad mo pero walang kabg maramdamang sakit. Imbis, pagkatalo at pagkabigo sa tagal mong hinihintay.

"Seulgi, naririnig mo ba ko? Yan, ganyan na ganyan yang si Bogum noon!"

Napapikit ka sa pangalang tinuran nya. Kailan ba matatapos ang pagbayad mo sa mga kasalanang hindi mo naman pagmamay-ari?

"Kesyo na lowbatt daw kaya di man lang nakapagtext yun pala kinakalamantari nya na yung babaeng kateam nya sa opisina nila! Teambuilding daw, may extracurricular palang aktibidades na ginagawa."

Ang talim ng tingin sayo na para bang ikaw ang may gawa non.

"Hyun, sinabi ko naman sayo wala kaming mapagsaksakan dun, yung powerbank ko naman alam mo naman minsan sinusumpong yun. Kaya nga eto, dito nga muna ako sayo dumaan bago sa bahay dahil alam kong nag-aalala ka."

Hinga mong maluwag at least pinagsalita kanya. Pero hindi ka pa rin makalapit dahil ang tingin nya ganon pa rin di nagbabago.

"Powerbank, powerbank sus ano ka si Junmyeon din?! Eh halos maubos nga nya yung labi ng babaeng katropa nya pagmay outing ang barkada nila. May pera ka naman ba't kasi di mo pa palitan yon!"

Kaunti nalang talaga, hindi mo na alam ano pang mangyayari. Kailan ba nya malalaman na hindi naman ikaw sila at hindi dapat ikumpara?

Di mo rin kasi maamin, malapit na ang anniversary nyo at pinagiipunan mo yung necklace na nakita mo sa bagong labas na collection ng Damiani.

Hindi isyu ang pera sa kanya kaya nga eto nag-aaway este inaaway ka niya sa loob ng malawak nyang condo unit.

"O ano, sunod mong idadahilan nagbrownout sa pinuntahan nyo kaya di ka nakapagcharge? Yun ba, alam ko na rin yan nagamit na rin ni Minho sa akin. Kinakana naman pala yung ex nya, porket nasa kabilang tower lang."

"Hyun, wala akong-"

"Wala kang ginagawang masama? Of course, sino bang tao ang umaamin sa sarili nyang kasalanan at mangumpisal sa hindi naman pari sa simbahan."

Irap nya sayo, namumula na ang mukha nya sa inis at mataman kang tinignan muli. Wala naman hindi totoo sa sinabi mo, dapat 1 week kayo don pero umuwi ka na after 3 days kasi naman nahulog yung phone mo nung naghahanap ka ng signal after matapos ang brownout at nakapagcharge ka na. Alam na alam mo na magiging ganito sya.

Kahit pa mawalan ka ng trabaho, machismis na walang pakisama at kj, wala kang paki basta si Hyun, wag lang sya ang may maisip na masama sayo.

Wag lang kayong masirang dalawa.

Wag ka lang magbibigay ng dahilang ikasisira nang sinusubukan mong ayusin.

Kailan ba magigising si Joohyun na hindi ka imahe nina Bogum, Suho o Minho, na ikaw to, ikaw si Seulgi na mahal na mahal sya? (Uyy natoy charott hahaha)

Paos na paos na yang boses mong di man lang nya naririnig kahit wala ka pang sinasabi kasi nga, yung paborito nyang linya an 'alam ko na yan', 'nadahilan na yan sa akin dati'.

Kahit hindi naman talaga yon ang nangyari hindi ka na makaimik, nakapaggawa na kasi sya ng katotohanang paniniwalaan nya.

Mahal na mahal mo sya pero bakit parang hindi nya yon makita?

Saan pa ba sa mga mata mo ilalagay para lang malaman nya?

Paanong pagkulong pa ba sa mga kamay nya ang ipipilit mo para, maramdaman nyang hindi mo sya iwawala at lalong wala kang intensyong magpumiglas sa kanya?

Ano pa bang gagawin mong klase ng paghihintay at pagpapasensya para naman matutunan nyang hindi ka tutulad sa iba?

Ilan pa bang pagtuturo nya ng daliri ang titiisin at papalampasin mo kahit hindi ka naman nagkasala?

Kailan ba sya manininiwala na mahal na mahal mo sya kahit anong nakaraan pa ang bumaon sa kanya?

Kailan ba nya tatanggapin na mahal mo sya at higit syang iingatan para mawala ang hapdi ng mga paso nya mula sa pag-ibig nyang nagdaan?

Kailan ba niya mararamdaman yang pagsinta at pagtangi mong walang kapantay?

Kailan niya nga kaya yon mararamdaman, kapag ba wala ka na?

Kapag ba tapos ka nang umintindi?

Mararamdaman nya pa kaya, kapag napagod ka na?

Mahal na mahal mo sya pero, utang na loob, ubos na ubos ka na.

Malamlam ang mga tinging sinukli mo sa kanya. Wala kang maramdaman bukod sa pagkadismaya sa sarili mo dahil, hindi mo makita na kaya mo pang gawin ang lahat para lang masuyo sya.

Naiinis ka, sa sarili, kung bakit ngayon parang wala kang mahanap na lakas para habulin ang malayong takbo ng mga hinala nya at iharap sa kanya, isa-isang pabubulaanan.

Kasi nga nagkakamali lang sya, bakit ba parang wala ka nang mahugot na hangin sa loob para magpaliwanag pa? Payag ka na, na isipin nya lahat ng gusto nyang isipin sayo.

Kasi para saan pa ba kung ipapaintindi mo sa kanya ang lahat, eh ang malinaw lang naman nakapangko pa rin ang anino nya sa lumipas.

Gusto mong tumawa, yung malakas at mapakla, kasi ni hindi mo inakala na aabot ka sa ganitong punto. Mahal na mahal mo sya at desidido kang si Joohyun na talaga ang para sayo.

Hesitant syang papasukin ka sa buhay nya lalo because of her exes, heart-breaking experiences. Takot na syang sumubok pa.

Kaya nga sa pangungumbinsi mo, sabi mo noon, hindi ka mahihirapang magmahal kahit pa may bagahe sya.

Kung gusto nya pa nga kako, isa-isahin nyong dalawa na buksan at higitin palabas ang mga laman nito, para wala na syang dalahing kinikimkim.

Wala rin sayo, kahit gaano kabigat ang mga batong nasa palangganang bitbit nya, pinulot nyang maingat kasama ng maliliit na bubog na tinatawag nyang puso. Nung sinusubukan nyang pahalagahan ang sarili nya, nagpalibot ng mga bato sa paligid nito.

Di mo tuloy maiwasang maisip, baka naman sa dami ng mga bato, nalimot kung alin pa ba ang kanya sa mga pinagkukuha nya.

Pero ganoon pa man sumumpa ka, ikukumpuni anuman ang nasira sa kanya.

Kaya nga andito ka, pinapanood ang nagsisilaglagang piraso mo habang sya, walang kaalam-alam na sa bawat salita nya ay binabasag ka nya.

Wala yatang halaga ang dalawang taong pagmamahal mo sa kanya.

Wala ka nang magawa kundi magtaas ng puting tela.

"Ano Seulgi naghihintay ako? Ano tama ako diba?! Kaya di ka na makasagot dyan!!"

Sigaw nya pa rin sayo, wala kang mahanap na emosyon bukod sa galit. Suminghal pa sya nang magtama ang mga mata nyo. Nangingilid ang luha nyang may halong pagkamuhi sayo.

"Pare-pareho lang kayo!!"

Di mo napansing nakalapit na sya sayo. Nasampal ka.

Nasaktan ka sa lakas nito, hindi pa nakuntento sumuntok pa sa balikat mo.

Napaisip ka ng tuluyan, nagtanong, si Hyun pa ba tong kaharap mo, yung taong mahal na mahal mo?

"Tama ka na Irene, tama na."

Wala na kasing saysay ang bawat salitang lalabas sayo.


======

Note: Sensya tlaga kung medyo off at magulo ang shot ma to kaya reluctant ako ipost kaiyaq...  this is probably my last update here sa ngayon kasi yung next chapters naman sa TNT ang sisimulan ko tapusin. Sorry had to cut this into 2 wala pa kasi akong ending ahuhuhu...

see you sa sunod na chapter ng TNT sikapin ko muna at least makapagudate ng 2-3 chapters doon bago ako bumalik dito sa para sa Unti-unti part 2 or a new shot. Di ko sure hehehe... hayun sana wag kayo mainip.. 

 

stay safe!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
may nagbabasa pa po ba neto?? Kapit lng try ko iretrieve ung draft ng rebound and kathang-isip. Tuluyan na po kxe bumigay ang asking iPad 😭😭😭 halos 4 years na Pala di nakakamove on si Seulgi dito 😭😭😭

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1025 streak #1
Chapter 18: 😭😭😭😭
jaangwaang
888 streak #2
Chapter 18: otorrrr. kamusta ka ??? huhuhu rereading habang naghihintay ng update
moksy12 #3
Chapter 3: ang sakit nmn nito be haha pota awang awa na ko kay seulgii 😭😭😭😭
seulsbear
#4
Chapter 4: I'm still hoping for the last chapter🥺🥺
RedRose0289
#5
Chapter 4: Author-nim...2 Concert na po ng Ben & Ben na.attendan ko...nagtataka na ung kasama ko kung basket anlakas ng Tama saken ng 'kathang isip" eh hindi naman ako broken...haahahaha...
Still waiting for the last chapter of this...hehehe
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 18: otorrrrrr. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung part 2
RedRose0289
#7
Chapter 4: Skl..hehehehe..
Nasabi ko sa kawork ko na bumili kme ticket ng B&B send off con.
Taz tinanong nya ko alin daw sa songs nila ung pinakagusto ko? Sabi ko itong Kathang-isip...
Sabi nya why? Sabi ko kasi somehow relate at isa tong FF na to sa dahilan kung baket iba ung dating at meaning ng kanta na to saken...hehehe...
RedRose0289
#8
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1430787/1'>1: Kung Di Rin Lang Ikaw</a></span>
Ok...antagal ko ng ndi naiiyak...

Kaya binasa ko to,same effect pa rin...ubos pa rin ang luha ko...ahahaha.

Kaya matutulog na ko...

Author-nim padaan lang..🤭
kkdalgi #9
Chapter 18: Huhu still waiting parin sa part 2 ng rebound
RedRose0289
#10
Chapter 3: Pag gusto kong masaktan in a may tugma way,pumupunta ako dito...ahahhaha..
Just saying Hi again authornim...heheheeh