1: Kung Di Rin Lang Ikaw

DAGSA (Sumisinta)

Sorry sa wrong grammar at typo, maya ko nalang iproofread ✌✌

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?


"Ang cute nyo po dito ni Mommy!!"

Napatingin naman si Seulgi sa tinuturo ng bata, binuksan na naman kasi nito ang wallet nya.

"Ikaw, lagi mo naman nakikita yan. May gusto ka lang ipabili na bagong laruan no?"

Natuwa naman si Seulgi sa biglang paglabi ng bata.

"Huwag mo ko idadaan sa ganyan baka mapagalitan na naman tayo ng Mommy mo pagbinilhan kita."

Patuloy lang sa pagtingin sa kanya ang bata, kabisado nya na to. Panigurado nagiipon na ito ng paawa effect at ayan na nga may mangingilid ng luha sa gilid ng maliliit nitong mga mata.

Napailing ka na lang. Sabi mo nga manang-mana kamo sya sa Mommy nya.

Wala namang hindi nakuha si Irene na ginusto nya. At mukhang ganun din si Yeri, kaya wala ka na magagawa, alipin ka nila eh.

"Okay, okay sige na.. pasalamat ka cute ka..."

"Hihihihihahahha pwease stoppp"

Di naman mapigil sa pagtawa ang bata ng saglit mo syang kiniliti habang nakared yung traffic light.

Nakarating kayo sa mall, habang nag-iikot may tumawag ng pansin kay Yerim.

Yung green bear na stuffed toy.

"Pweassseee??"

"Eh andami mo na kayang stuffed toy, sigurado ka na ba dyan baby?"

"Opo"

"Bakit naman yan nagustuhan mo? Ayaw mo ba nitong color blue na penguin o kaya ayan si Yoda ng Star Wars?"

Iling ng bata sayo at hinigpitan ang hawak sa stuffed toy, mukhang di na papaawat tong bata na to.

"Hayyy Yermieee yari na naman tayo sa Mommy mo neto!"

Pinagdadasal mo na sa lahat ng Santo na wag mong maramdaman ang delubyong nagngangalang Irenea. Dahil matampuhin na kung matampuhin ang madam ng buhay mo pero ganoon talaga sya. At it does not make you love her any less.

"No, Mommy won't be mad, don't wowwiii"

"At bakit naman ha?"

"Kasi sabi nga ni mommy you look like a bear so, this is you. How can Mommy hate someone she loves?"

Wala ka na nagawa nasweet talk ka ng bata kaya nabawasan na naman ang laman ng wallet mo. Ayos lang naman dahil sa simpleng pangungusap lang puno na ang puso mo.

-----

Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa


4yrs ago

"Psst!"

"Seul!!"

"Anong ginagawa mo, Hyun?! Nababaliw ka na ba?"

Nakita mong wala itong payong at basang sisiw sa park na sikreto nyong tambayan.

"Pabayaan mo ko! Ano na sinabi nya sayo?"

"Anong pabayaan? Halika na nga! I'm sorry, alam mong hahanapin kita kahit anong mangyari"

Binuhat mo syang walang pakiwari kaya napasigaw yung bitbit mo ng kaunti.

"Timang ka talaga Geronimo! Ibaba mo nga ko! Hindi ko alam bakit ganyan ka!! Nakakainis!"

"Yoko nga! Ano ba?! Basang-basa na tayo di ka pa mapirmi. Aray! Irene talo mo pa sa likot yung bull frog na hinati natin nung highschool!!"

"Aba, sa ganda kong to!! icompare ba naman ako sa palaka bahala ka dyan Seulgi!! Ibaba mo ko!!"

Ayan na, katakot takot na hampas ang natanggap mo kaya muntik mo na sya mabitawan pero di mo sya hinayaang malaglag mag-isa, sinamahan mo sya.

Yan ang ending dalawa kayong nakahiga sa basang damo at nakatingala lang sa madidilim at makapal na ulap, nagpapakalunod sa ulan.

"Huwag mo na ulit ulilitin yun, Joohyun. Hindi ko na alam saan kita hahanapin."

"Hmmp, takot ka talagang mawala ako no?"

Bumangon sya at pinagmasdan ka.

"Oo naman takot ko lang mawalan palakang tumatalon sa buhay."

"Gago ka talaga!! Sasabihin ko pa man din buti ka pa, tas yan pala rason mo!! Dyan ka na nga!"

Tangina, kala mo magwowalk out na hindi pala, di pa nakuntento sinakal ka ng slight kaya nakainom ka ng tubig ulan.

Okay lang naman sayo kasi mas dinagit pa ng patagong ngiti nya ang hangin na para sayo sana, kesa sa sakal nya.

Humalakhak pa nung nasamid ka.

Iba rin talaga tong taong to, di ka tinigilan. Hinayaan mo lang. Mahal mo kasi eh.

Lalagok ka ng maalat na patak ng ulan para sa ikaliligaya nya.

-----


Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw



10 yrs ago

"Cute mo don hyun"

"Talaga Seul?"

"Oo kamukha mo yung palakang nahuli ko sa bukid kagabi.... hehehe"

"Bwiset ka!! "

"Totoo naman, ganda mo don sa green gown mo!"

Una mo kasing kita sa kanya nakasuot sya ng bistidang green na umattend sa pabirthday sayo ng magulang mo. Tumatak sa mura mong isipan yung nakakatawang palayok na hindi nya mahampas kasi pandak sya. Idagdag mo pa na halos wala syang nakuha sa pabitin kasi lahat ng mga kaedaran nya mas matangkad sa kanya.

Nalaman mong mas matanda sya sayo, sa sobrang dami ng bata dito sa barangay nyo hindi rin nakakagulat na magkaiba kayo ng circle of friends. Joohyun had to stop studying for 2 yrs dahil sakitin sya kaya pagpasok nya kayo na ang naging kaklase nya.

You often reminded Joohyun na wag masyadong pressurin ang sarili nya dahil lang sa edad nya at wag pansinin yung mga mapanuksong ugali ng iba.

Di rin nagtagal bago sya maging close sayo, some of her higher year friends din kilala ka na at yung barkada mo. Inevitably, may mga magtropa kayong nagkatuluyan at ikaw naman panay ang hagis mo ng barya sa wishing fountain ng school para same fate sana kayo ng tropa mong si Byul na natipuhan ni Solar, si Joy na panay ang landi kay Wendy na tingin mo bibigay na at wag magaya sa maliit mong kaibigan na si Jisoo na olats kay Jennie.

Tadhana nyo nalang ni Irene ang hinihintay mong umoo kasi sa totoo lang jowang-jowa ka na anytime basta sya.

Madalas nyong baybayin yung bagong semento at mahabang kalsada sa bukid nyo after ng klase.

"Seulgi, tingin mo makakapasa tayo?"

"Ikaw Hyun papasa ka talaga ang galing-galing mo eh... pangUP ka kaya!"

Puri mo sa kanya, wala ka naman talaga balak magexam eh kung ikaw lang ang papapiliin ayaw mong malayo sa pamilya mo, ayaw mong umalis sa tahanan nyo.

Pero si Joohyun kasi malayo ang gustong tanawin, okay na kasi sya di naman na sya masyadong nagkakasakit tapos dagdag mo na rin na sabi nya nga matanda na sya kaya nya na ang sarili nya.

No, she's not selfish. Matalino si Joohyun, she graduated Salutatorian, kinulang ng 0.5 pts para maging top 1. Ikaw ayun tagapalakpak nya nung sabitan sya ng medalya ng Mommy nya.

"Hay nako Seul, nahirapan kaya ako.. ikaw naman pang Uste!! I'm sure magiging sikat kang arkitekto"

Isa kasi sa munting pangarap mo ang pagtatayo at pagguhit ng bahay para sa pamilya mo. Di naman kayo mayaman pero di din naman kayo mahirap, sakto lang.

Si Joohyun ang mayaman kaya alam mo, papayagan na sya ng parents nyang tumuloy sa Maynila.

Napatingin ka sa luntiang kinalakhan nyo, minsan naiisip mo bakit hindi sapat yung nasa harapan ng isang tao? Bakit pa ba ito naghahanap ng iba pa?

"Hyun, swerte lang kung papasa ako don alam mo naman low capacity lang ang utak ko.."

"Wag ka nga Seul!! Pasado naman grades mo!"

"Hahahha oo pasakol kamo, pasado pero palakol!"

"Eh di naman kayo seryoso nina Byulyi pero tignan mo naman."

"Paano nga kung hindi Hyun?"

Malamlam mong tingin sa kanya, alam mo kasing malaki ang posibilidad na di ka makapasa at ayaw mo talaga iwan ang pamilya mo. Pero sabi nga ng Inang mo, gusto ka nyang pag-aralin sa Maynila, alam na alam kasi nun gusto mo talaga magarkitekto.

"Seul, hindi pwedeng hindi."

"Ano?"

"Hindi pwedeng hindi kasi gusto kitang kasama."

Nilingkis nito ang mga kamay nya sa braso mo di pa nasiyahan isinandal ang ulo sa balikat mo habang pinapanood nyo ang paglubog ng araw.

Kaya gusto mo rito sa bukid, napakalinaw ng kulay ng langit. Walang mga matatayog na gusali ang pipigil sayong mamasdan ito.

Maganda at natural.

Pero lumingon ka sa taong nasa tabi mo na tahimik ding nakatuon sa taas.

Kaso lang hindi mo rin kayang sya ang mawala sa pangin mo.

Mahal na mahal mo kasi eh.

---

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?


6yrs ago

Magkasama kayo ni Hyun sa dorm na inuupahan nyo medyo mahirap nga lang para sayo dahil mas malapit yun sa UP kesa sa Uste.

Nasa phase kaya yata ng pagiging ewan, nagkaroon ka ng bagong kaibigang nagngangalang Lisa. Nalala mo pa yung kwento nya pano gisahan ni Irene si kuto nung hinatid ka nya sa dorm ng lasing.

"Hoy solge, wag ka na uminom, weak ka ha!! Pucha para kang may asawang kasama sa dorm, dinaig pa nanay ko sa sermon amputa."

Tinawanan mo lang nasampolan pala sya ni Madam. Taeng yan si Lisa, oo, wish mo lang na sana asawa mo na yon.

"Timang syempre sya lang naman roommate ko magaalala talaga yon!"


"Basta wag ka na sumali!! Ako na sasagot sa iinumin mo pagpinilit ka ng mga ugok!"

Napailing ka na lang takot na takot sila kay Irene. Kunsabagay ikaw din naman, bulagta ka nga agad pagpinagdilatan ka ng mata nun.

Isang tingin lang kabisado mo na alam mong gusto nyang tumigil ka na sa kung anong kalokohan ang ginagawa mo.

Pero may isa kang malabong trip na hinayaan ka nya, paano ba naman kasi di ka nya gets. Natutunan mong magkulay ng buhok at piniling kulayan ito ng green.

"HAHAHHA Ano yan Seul? Bumili ka ng lumot sa palengke? Sa lahat nalang berde pa"

Bungad nya sayo, hindi naman masama istura mo tsaka isa pa highlights lang naman.

"Lumot ka dyan, hindi no bagong style to palibhasa makaluma kang sadya!"

Tinadyakan ka nya, laitin mo na lahat wag lang edad at height nya kasi mapupuruhan ka talaga.

"Matulog na nga tayo!!"

Oo nga pala natandaan mo, sa bed mo sya nakikitulog nitong mga nakaraang araw dahil sa bagyo.

Ang clingy ng natipuhan mo kaya ayan kalong kalong mo sya bisig mo.

Pinagmamasdan mo syang tahimik na natutulog walang pinagbago ang taong to mula sa una mong memorya sa kanya.

Di mo naman mabanggit kay Irene kaya green kasi ito yung unang kulay na tingin mo bagay na bagay sa kanya.

Yung maliit at cute na Joohyun na suot-suot ang bestida nyang green na bumati sayo ng happy birthday.


Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa



Pero gaya rin ng bagyo ayaw mo mang dumating sadya dadaanan ka pa rin.

"Sorry Hyun.."

"Pero Seulgi konti nalang oh matatapos ka na! Bakit titigil ka pa? Hindi ba pwedeng--"

"Hyun, nagkasakit si Pang hindi ko pwedeng hayaan ang sakahan sa mga kapatid ko at kay Imang, mga hayskul palang yon at medyo may edad na rin si Nanang."

Alam mong kaya ganyan si Joohyun bukod kasi sa naranasan nya na huminto ay ayaw nyang mag-isa.

"Plus, Jennie or Chaeng would be here dba? Taga ateneo naman ang mga yon, for sure may isang papayag na makishare."

"Wala na bang ibang paraan Seul?"

Gusto mong sabihin sa kanya na may pagkaselfish ang hiling nya. Hindi rin naman madali sayo pero ito ang dapat mong gawin.

"Hyun, kailangan ko na umuwi"

Tangina daig nya pa si Judy Anne Santos sa pag-iyak.

"Seulgi, please stay.."

Gustuhin mo man hindi ka inayunan ng tadhana.


Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw



Simula nung umuwi ka laging natawag si Irene sayo tuwing 8pm kaya eto hawak-hawak mo ang phone habang nakayakap sa poste malapit sa bukid nyo, ganon kalala ang signal.

"Happy birthday hyun!!"

"Seul nakakainis ka pa rin.."

Alam mong medyo nagtatampo dahil di ka naluwas.

"Sorry na talaga bawi ako sa sunod okay?"

Wala itong imik sa kabilang linya.

"Hyun naman, alam mong di ko sadya ang nangyari, nagkaproblema kasi dito sa bukid. Inayos ko pa, talaga namang aalis ako para puntahan ka.. eto nga oh kung kaya ko lang pitasin tong buwan at iregalo sayo, gagawin ko."

"Wag mo ko dinadaan sa ganyan Geronimo. Galit pa rin ako sayo, simula hayskul nagcecelebrate tayo ng magkasama."

"Andyan naman sina Solar ha, kumpleto nga rw barkada nyo eh."

"Ehh kahit na ba!"

"Anong kahit na ba?"

"Hindi naman sila ikaw... yung araw ko hindi kumpleto kung hindi kita kasama.."

Natameme ka.

"Ganun din naman ako Hyun.. please medyo mahirap lang talaga ngayon.."

"Hmm.. miss na miss na kita Seul."

"Ako rin Hyun, miss na kita."

"Goodnight Seul!"

"Goodnight at happy birthday Hyun!"

I love you pero bulong mo lang hanggang ngayon at dinadalangin na sana iihip ito ng hangin papunta sa kanya kasi hindi mo pa rin kaya umamin.

Tikom man ang bibig mo dahil sa takot na mawala sya kasi nga mahal na mahal mo eh.


====

 


Nagising ka naman mula sa pag-alala, nakauwi na kayo ni Yeri at ayun knockout na to dahil sa kakalaro nyo sa timezone. Nanonood ka lang ng tv nang narinig mo yung mahinang katok sa pinto mo kaya binuksan mo, alam mong sya na yan.

"Seul!!!"

Tumalon at niyakap ka nito, dramarama kween talaga to.

"Hi hyun.. namiss mo ko?"

Yapos mo rin pabalik sa kanya. Namiss mo kasi sya.

"Sorry Seul!"

"Okay lang Hyun!! Kamusta?"

"Sorry talaga, nagpasaway ba si Yeri sayo? Okay naman we enjoyed our trip sa Bangkok! Grabe sobrang nagustuhan ko yung sunrise sa Bangkok buti nirecommend mo yun."

"Sus yun lang? Lambot din ng kama don sa hotel na yun no?"

Nahampas ka nya. Nakita mong namula sya ng bahagya.

"Joke lang hehehhe sabi ko na nga ba magugustuhan mo yung view dun, ikaw ang pumasok sa isip ko sa saglit kong stay don. Kaya nung nabanggit ni Junmyeon na may plano sya sa anniversary nyo, sinabi ko na!"

"Thank you Seul!! It really fits me, ang serene nung lugar at super ganda ng view!! Salamat, lalo na sa pagbabantay kay Yerimie.."

"Kala ko nga mageextend kayo, wala namang prob sa kin. Mabait naman si Yerim, cute cute pa buti nalang di nagmana sayo ng kasungitan."

"Nako Seul sorry ulit, di ka namin nainform na nadelay yung flight namin ni Myeon kaya kami natagalan. But hey, may taray din yang anak ko especially pagnagtantrums. Ewan ko ba ba't sayo never syang naggaganun, mas favorite ka yata ng anak ko kesa sa kin."

Lumabi rin sya, naalala mo naman kanina si Yeri about sa laruan. Parehong-pareho silang mag-ina. Alam nilang mahina ka pagdating sa kanilang dalawa.

"Lovable kasi ako hyun, wala ka maggagawa don"

"Oo nga lovable ka but until now, you never tried getting into another relationship. Don't tell me you haven't moved on yet from that cheater ex of yours? That Seonyi?"

"Sunmi, yon Hyun. Hindi naman, wala palang talaga akong balak..."

Naningkit ang mata sayo ni Joohyun at mukhang balak ka pang sermunan.

"Nako, Seulgi. May pinsan akong single baka gusto mo idate?"

Pareho kayong napalingon ni Joohyun sa nagsalita, ayan na pala si Junmyeon tapos na magparking ng sasakyan nila.

"Grabe kayong mag-asawa bakit ba atat na atat kayong magjowa ako?"

"Bakit naman hindi, look at me and hyun. Ang saya kaya being with the one you love. You deserved to be happy, Seul."


Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?



Talaga naman, nagawa pa ng dalawang manok sa harap mo na simpleng tumuka.

"Hon, nandito pa si Seul."

Rinig mo yung sinabi ni Irene, normally kikilabutan lang ang iba sa pda pero ikaw naginginig ang tuhod mo.

Kaya mo idaan sa biro pero pagtotohanan na, yan ayawan na.

Nakakagago nga kala mo paglumipas ang oras makakasanayan mo rin pero ganon nga lang talaga baka kulang pa, kasi kahit tanggap mo na. Syempre, mahal mo pa rin sya kaya nararamdaman mong bibigay na ang mata mo at baka magwala na yung pinipigilan mong pumatak.

Hindi pala tubig ulan ang tatapos sayo, itong sakal sa puso mo na nararamdaman at tinitiis mo palagi tuwing ganito sila sa harap mo.

Natandaan mo pa yung itsura mo nung umuwi si Joohyun biglaan sa lugar nyo at may kasa-kasamang lalaki. Apparently, sya pala yung sinasabi sayo nina Lisa na bagong manliligaw ni Irene. Base nga sa lagay nya, sabi nila mukhang may pag-asa kay bebelabs mo to.

Hindi rin nagtagal naging sila, kasi tipo nga talaga sya ni Joohyun at mukhang olats ka dahil inuwi pa nito sa baryo nyo.

---


Pero kahit papaano, buti na lang di ka naman ganun kahate ng mundo at natawag ang pansin nyong tatlo ng batang papungaspungas habang hawak ang bagong biling teddy bear. Naglalakad patungo sayo. Hindi pa nya nahahalata na nandoon na nag mommy at daddy nya

"Ddeul"

"Hmm? Yerimiiee?"

Hindi ito sumagot at kusang yumakap sayo gamit ng parehong braso nya kaya nasapol ka onti ng hawak nitong laruan. Humilig sa leeg mo at nahimbing ulit.

"See? Sabi ko sayo favorite ka nyan."

Gusto mong malusaw sa tingin sayo ni Joohyun kung hindi mo lang bitbit yung katotohanan na ibang pagmamahal ang meron sya sayo baka bigyan mo ng mas malalim na ibig sabihin ang matamis nyang ngiti ngayon. Eh paano ba naman she might be looking fondly at both of you and Yerim but she's leaning her whole body Junmyeon, her head placed on his shoulder.

Pamura nga, isa lang, tanginaaa.


Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?



Hayyy, magkatulad talaga silang mag-ina. Masaya at malungkot ka dahil sa kanila.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat mo dahil nga manang-mana si Yeri kay Joohyun.

Kasi nga kahit gaano man kalaki ang sugat sa puso mo hindi mo naman magagawang magalit kay Joohyun man o kay Yerim.

Una sa lahat, hindi kasalanan ang hindi ka gustuhin pabalik ng taong mahal mo. Pangalawa, lalong hindi tama na madamay ang walang kamuang-muang na bata sa pait na kinahantungan ng tadhana at pag-ibig sa buhay mo.

Ayaw mo ng gulay, ayaw mo ng ampalaya. Kalahati man ni Yeri yung taong pinakakinaiinggitan mo sa lahat, hindi ka naman makapagtanim kasi kuhang-kuha ng cute na batang yan ang buong imahe at personalidad ng taong mahal na mahal mo.


Kaya nga pinagpapasalamat mo dahil kahit papaano alam mong masaya sya. Si Yerim ang patunay kung gaano sya kasaya at wala kang dapat ipag-alala pa.

Buti nga talaga at carbon copy sya ng nanay nya.

May panibago ka na naman kasing mamahalin. Sabi ng mga kaibigan mo baka maging sisidlan ng poot yang damdamin mo kapag nagbunga na ang pagmamahalan ni Joohyun at ng asawa nya.

Akala mo rin sa totoo lang pero, nung tinawag ka ni Joohyun pagkatapos nitong ipanganak si Yerim. Luha at ngiti ang sinalubong nya sayo.

"Seul, ang ganda-ganda ng anghel ko."

Feeling mo tuloy sa inyong dalawa ni Irene si Yerim paano ba naman sayo nya unang pinasilayan ang maliit nyang anghel. Ah oo nga pala, wala nga kasi yung tatay ng bata pero papunta na, nalate lang dahil sa trabaho. Kaya ikaw at tropa nyo ang sumugod-bahay gang kina Joohyun at hinatid ito sa ospital.

"Thank you, Seul. If not for you, Yerim would not be here."

Oo nga pala aside from the fact na ikaw ang kasama nya sa delivery room. Naalala mo, you helped them get back together maraming beses na sa rollercoaster nilang relationship.

"Uy hindi ha, mahal nyo kasi ang isa't isa."

Matamis na ngumiti si Irene sayo, doon pa lang wala ka ng laban. Parang kang sundalong handang magbuwis ng buhay sa ikakasaya nya. Naalala mo mismo yang katangahan mong pagsugod sa ulan at suyurin ang lugar nyo makita lang sya dahil sa paglayas kuno nito dahil nag-away sila ng matindi ni Suho.

Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw


Kung gaano ito kasira nang madatnan mong nagpapaulan at umiiyak sa inuupuan nyong bench sa maliit na parke na nasa pusod ng barangay nyo. Hindi mo malimot kasi don mo lubos na pagtanto, na handa kang mamamatay para sa ngalan pag-ibig.

Totoo naman, sabi mo pa nga sa kanya. Kapag mahal mo, sya pa rin ang pipiliin mo sa bawat saglit at wala ng iba. Walang galit ang mas malaki sa pagmamahal na mayroon ka sa taong pinapanalingin mo bawat gabi.

At yun nga, si Junmyeon ang pinili ni Joohyun, ang palaging pinipili nya.

Alam mong di mo rin sya masisisi kasi para ka lang nagsasalamin. Kaya aminin na natin, kahit gusto mo mang tuktukan ang sarili, wala talagang mali sa sinabi mo.

Kasi sa araw-araw, oras-oras, sa lahat ng bagay kahit pa sobrang hapdi na nagkaroon ka ng mga galos, naiwang may malalaking peklat at yung di nabibilang na luhang naubos mo, hindi ka madadala at ulit-ulitin mo pa sa iba't ibang uniberso. Hinding-hindi ka magpapapigil na ang tanging piliin ay si Irene kahit pa hindi ka nya kayang mahalin pabalik.

Di mo na maalala yung mga naging usapan nyo basta heto ka ngayon, pinapanood ang likod ng mag-anak habang papalayo na sila sa lugar mo.

Dapat isasarado mo na yung pinto pero nakita mong biglabg lumingon si Irene. Signalling na you look at your phone

Kumunot ang noo mo, wondering ano naman kaya yon. Pero si Irene yan kaya susundin mo ng walang pasubali.

"Seul thank you sa pag-aalaga kay Yerim. Para na rin we could get quality time ni Junmyeon. Thank you ulit and I love you! Oo nga pala eto yung number ng pinsan ni Junmyeon 639xxxxxxxxx medyo bata lang sayo ng kaunti, a flight attendant tapos she's really nice pa 😉. Her name's Tzuyu, give love another try okay?"

Umiling ka. Matagal mo na kasing pinagdesisyunan at wag na tayong maglokohan.

Alam mong hindi ka handa at hindi na, kahit kailan pa. Yung mandamay pa ng tao sa larong talunan ka, ayaw mo na.

Yung nag-iisang puso mo kasi na binigay mo na kay Joohyun, wala ka ng balak pang kunin sa kanya.

Bakit, para saan pa ba?

Sabi mo nga kasi kung hindi rin lang naman talaga sya, ay hindi na lang.

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
may nagbabasa pa po ba neto?? Kapit lng try ko iretrieve ung draft ng rebound and kathang-isip. Tuluyan na po kxe bumigay ang asking iPad 😭😭😭 halos 4 years na Pala di nakakamove on si Seulgi dito 😭😭😭

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1023 streak #1
Chapter 18: 😭😭😭😭
jaangwaang
887 streak #2
Chapter 18: otorrrr. kamusta ka ??? huhuhu rereading habang naghihintay ng update
moksy12 #3
Chapter 3: ang sakit nmn nito be haha pota awang awa na ko kay seulgii 😭😭😭😭
seulsbear
#4
Chapter 4: I'm still hoping for the last chapter🥺🥺
RedRose0289
#5
Chapter 4: Author-nim...2 Concert na po ng Ben & Ben na.attendan ko...nagtataka na ung kasama ko kung basket anlakas ng Tama saken ng 'kathang isip" eh hindi naman ako broken...haahahaha...
Still waiting for the last chapter of this...hehehe
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 18: otorrrrrr. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung part 2
RedRose0289
#7
Chapter 4: Skl..hehehehe..
Nasabi ko sa kawork ko na bumili kme ticket ng B&B send off con.
Taz tinanong nya ko alin daw sa songs nila ung pinakagusto ko? Sabi ko itong Kathang-isip...
Sabi nya why? Sabi ko kasi somehow relate at isa tong FF na to sa dahilan kung baket iba ung dating at meaning ng kanta na to saken...hehehe...
RedRose0289
#8
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1430787/1'>1: Kung Di Rin Lang Ikaw</a></span>
Ok...antagal ko ng ndi naiiyak...

Kaya binasa ko to,same effect pa rin...ubos pa rin ang luha ko...ahahaha.

Kaya matutulog na ko...

Author-nim padaan lang..🤭
kkdalgi #9
Chapter 18: Huhu still waiting parin sa part 2 ng rebound
RedRose0289
#10
Chapter 3: Pag gusto kong masaktan in a may tugma way,pumupunta ako dito...ahahhaha..
Just saying Hi again authornim...heheheeh