LBM

Wild Guess
Please Subscribe to read the full chapter

"Sorry," paghingi ng paumanhin ni Bogum habang sinusulyapan siya mula sa driver's seat, "I got a feeling pero ayoko lang mag-assume."

 

"Wala 'yon," sagot ni Irene, "Wala naman kasing nagtatanong, so hindi rin kami sumasagot. Well, if our actions are not loud enough, ewan ko na lang din."

 

Napahalakhak ang lalaki sa mayabang niyang litanya na sinundan naman ni Irene. Naging komportable na rin siya sa presensya nito, lalo na't alam na ng lalaki na magjowa nga sila ni Wendy. Mabait din naman si Bogum, at magaling makisama.

 

"Right. Now that you've mentioned it, both of you are not really subtle about it," sang-ayon nito. Mapang-asar ang ngiti nito habang tinatapik-tapik ang manibela, "Saya siguro ng may instant tutor ka sa Math. Lodi 'yong si Wendy, eh."

 

Speaking of…

 

"Nakakaasar nga 'yon," pakunwaring tampo ni Irene, "Uunahin pang turuan 'yung ibang mga kaklase natin bukas kesa sa'kin. Makatarungan ba 'yon? Excuse me, ako ang jowa!"

 

"Daan ka na," pilosopong sagot ni Bogum. Muling itong natawa nang irapan siya ni Irene. "So kaya ka pumayag na sumabay sa'kin? Kase nagtatampo ka kay Wendy?"

 

Tumango si Irene dahil totoong nagtatampo siya kay Wendy kahit hindi iyon ang tamang dahilan.

 

"K-kung okay lang," nauutal na sabi ng lalaki, "Ako na lang ang magtuturo sa'yo."

 

Napangiti na lang si Irene dahil umaayon ang tadhana sa plano niya. Kusa nang inihahain ni Bogum ang sarili niya bilang pain para mabingwit si Wendy.

 

Hindi agad nakasagot si Irene at nilingon lang ang lalaki. Agad na nagpanic si Bogum, "W-walang malisya! Kung o-okay lang naman sa'yo. Kahit isama mo 'yung iba mong friends, s-sila Jo--"

 

Napatigil sa pagsasalita ang lalaki sa biglaang malakas na pagsinghap si Irene nang matanawan niya sa malayo ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa tapat ng apartment niya. Nahigop na yata niya lahat ng hangin sa loob ng kotse sa ginawa niya. 

 

Kirby ka, ghorl?

 

"! Stop!"

 

Buti na lang at nakaseatbelt silang dalawa, kundi ay nasubsob na sila sa dashboard nang biglang magpreno ni Bogum alinsunod sa pasigaw na utos ni Irene.

 

", , !" Parang aatakihin na siya sa puso sa sobrang pagpapanic niya. Mababaw at mabilis na rin ang kanyang paghinga habang dali-dali niyang kinuha ang nakasilent niyang phone sa bag, "!"

 

Hindi niya inaasahan na mangyayari 'to. Hindi parte ng plano niya na mahagupit ng paparating na bagyong Wendy. Mukhang babahain ng dugo ang apartment niya.

 

Sino ba kasing gaga ang nakaisip na biglang iwan ang girlfriend niya para sumabay sa ibang tao pauwi—take note, may gusto pa ang nasabing lalaki kay Irene—at ang idadahilan niya ay "humilab yung tiyan ko bigla. sorry, nauna na ko. di ko na talaga kaya, buti nadaanan ako ni bogum. ingat pauwi."

 

At sinong gaga rin ang nanginginig sa takot ngayon nang bumungad sa kaniya ang 21 missed calls at 14 messages mula sa girlfriend niyang malamang ay nag-aalburoto na habang hinihintay siya sa loob ng apartment niya ngayon.

 

Sino 'yong gaga na 'yon? Pwede bang pakilibing na nang buhay? To think na pinuri pa ni Irene ang sarili niya sa planong isinagawa niya, at sinadya niya pa talagang hindi magreply kay Wendy.

 

"Irene?" Naguguluhang tawag ni Bogum sa kanya, "Ang putla mo. Okay ka lang ba?"

 

[02/12 Wed, 17:47] Wan: what? ano bang nakain mo kanina? bakit hindi mo agad sinabi?

 

[02/12 Wed, 17:49] Wan: sagutin mo tawag ko, hyun

 

[02/12 Wed, 17:50] Wan: god sana hinintay mo na lang ako, pababa na ako nung nagtext ka

 

[02/12 Wed, 17:53] Wan: are you okay? i'm worried please sagutin mo naman

 

[02/12 Wed, 17:54] Wan: naiflush mo ba yung phone mo o ano????

 

[02/12 Wed, 17:55] Wan: pwede ka namang mamasaheros? bakit kelangan mong sumabay sa gagong yan?

 

[02/12 Wed, 18:01] Wan: i'm outside your place. overspeeding and texting while driving… you made me break some rules, love

 

[02/12 Wed, 18:02] Wan: and you sure are good at making me feel jealous and angry and worried and frustrated all at the same time

 

[02/12 Wed, 18:03] Wan: answer my ing calls goddamnit!

 

[02/12 Wed, 18:05] Wan: bae joohyun papasukin mo ko

 

[02/12 Wed, 18:08] Wan: what the irene????

 

[02/12 Wed, 18:08] Wan: where the are you???

 

[02/12 Wed, 18:10] Wan: tangina sagutin mo naman! or at least reply to me please

 

[02/12 Wed, 18:15] Wan: ano na??? may girlfriend pa ba ako???? buhay ka pa ba????

 

Buhay pa nga ba siya? Sa ngayon, oo. Mamaya siguro hindi na. Tinawag siya ni Wendy sa lahat ng pangalan niya, from love to Bae Joohyun to Irene. Tangina, mukhang tatawagin na rin siya ni San Pedro later.

 

Napaigtad siya nang hawakan siya ni Bogum sa kanyang balikat, "Irene? Okay ka lang?"

 

Okay pa nga ba siya? Sa kada isang message ni Wendy na binasa niya ay katumbas ng isang tabo na may malamig na tubig na binubuhos sa kaniya. Sa mga kagagahang ginawa niya ay naghukay lang siya ng sarili niyang libingan. Gusto na niyang humimlay. Lord, pakikuha na nga si Irene.

 

Nilibot niya ang mata niya sa paligid at napagtanto niyang nakagilid na ang sasakyan ni Bogum. Tinanaw niya ang kotse ni Wendy, ilang kanto ang layo mula sa kinaroroonan nila at napabuntong hininga na lang si Irene. Hindi siya namalikmata o nananaginip, nauna talaga ito sa kanila na makauwi.

 

Ilang saglit pang nagpakalma si Irene bago mapagdesisyunang ipagpatuloy na ang nasimulan niyang katarantaduhan. Paninindigan na niya ang pagiging gaga at desperada niya. Eto na eh, nandito na siya. Tutal, hindi naman siya aakto nang ganito kung simula't sapul ay walang pustahang naganap. 

 

Paulit-ulit ang litanya niya sa kaniyang isip para kumbinsihin ang sarili na wala siyang ginagawang masama. Basta gumaganti lang siya, kasalanan ni Wendy ang lahat. Bahala na, kahit baluktot ang katwiran niya.

 

Muntik pang makalimutan ni Irene na magpasalamat kay Bogum nang bumaba siya sa sasakyan. Nag-iinternalizationism na siya para sa pag-arte niyang gagawin 'pag nagkaharap na sila ni Wendy.

 

"T-teka, Irene!" Pigil ng lalaki, "Okay ka lang ba talaga? Gusto mong pu--"

 

"Okay lang ako," pagsisinungaling ni Irene at pinaskil ang pekeng ngiti sa mukha, "Salamat nga pala sa paghatid. Ingat ka pauwi."

 

Mabilis siyang naglakad patungo sa apartment niya. Bawat hakbang na tinatahak niya ay bumibilis ang tibok ng puso niya. , kailangan niyang magfocus. Inilatag na niya sa isip niya ang magiging script niya mamaya.

 

Kumalansing ang gate sa pagkakabukas at sara nito. Malamang ay alam na ni Wendy na dumating na siya. Ready na ba siya? Wala na bang atrasan 'to? Mas mahirap pa 'tong nangyayari sa kaniya kesa sa quiz nila sa Math kanina, jusko.

 

Huminga siya nang malalim bago buksan ang pinto.

 

Pero mukhang huling hinga niya na 'yon dahil agad na bumungad sa kanya ang matalim na titig ni Wendy. Nakaupo ito sa sofa na nakaharap sa pinto, habang nakadukwang at nakapatong ang dalawang siko sa bahagyang nakabukakang mga binti. Tanging ang nakakunot na noo at mga matang nanlilisik lang ang kita niya dahil natatakpan ng magkasalikop na kamay ang ibabang parte ng mukha nito.

 

Nanigas siya sa kinatatayuan niya at halos makalimutan na niya ang script niya. Ano na nga uli? Tanginang mga titig naman kasi 'yan, bakit tumatagos?

 

"S-Seungwan?" Nauutal niyang sabi at gusto na lang niya magpalamon sa lupa. Pero hindi pwede, kailangan niyang panindigan ang eksenang idinahilan niya. 

 

Agad niyang sinara ang pinto at halos padabog na ibinababa ang bag sa katabing sofa. Pinilipit niya ang mukha niya na parang namimilipit din sa sakit ang tiyan niya. Characterizationism.

 

"S-, sorry, Wan," nagmamadaling paumanhin niya at nilagpasan ang jowa, "Magc-CR muna ako. , 'di ko na talaga kaya."

 

Kumalabog ang pinto ng CR at napasandal na lang si Irene doon. Ramdam niya ang pangangatog ng tuhod niya, hindi niya nga lang alam kung dahil ba sa kaba na baka mahuli siya sa akto niya o dahil sa nag-aalab na titig ni Wendy.

 

Putangina, bahala na talaga.

 

Pakunwaring umire si Irene at ilang saglit lang ay pinindot na niya ang flush. Naghugas siya ng kamay at naghilamos na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
i am: innocence

Comments

You must be logged in to comment
Shinee7012 #1
Chapter 5: enjoy na enjoy ako omg huhuhuhu iba talaga ang marupok rene agenda ang cute
wenrene_221329
#2
hahaha sana all pinagpala ni lord
sinciiichx
#3
Chapter 1: re-reading :>
milkyyy_way #4
Chapter 5: Iba talaga pag pinagpala ni Lord. Si Irene na talaga. Haha! Hindi tumigil hangga't hindi siya nadidiligan.

Anyways, ang galing as usual, otornim! Ang ganda ng pagkakasulat. Medyo nagkanosebleed nga lang sa ibang words but aaaaaahhhhh ~ shet. Iba talaga!
sinciiichx
#5
Chapter 5: A-AMEEEEN AUTHORNIM THANKYOUUU pagpalain ka dahil nadiligan si madaaaam wopp
Blue_owled2113
#6
Completed???????
Baechu34 #7
Pagkain at si hiddenstage na lang talaga nagpapasaya sakin ngayong quarantine
94JeTi
#8
Chapter 5: Di lang si madam ang nagwagi kundi Pati mga Seekers. Di bale otornim naniniwala naman akong may espesyal na lugar para sa'yo sa langit. Hahahaha
shonwanigop
#9
Chapter 5: Ayun oh nadiligan din hahahahahaha