high five

Wild Guess
Please Subscribe to read the full chapter

Naputol ang masarap na tulog ni Irene dahil sa tunog ng alarm niya. Kinapa niya ang kaniyang phone sa nightstand ngunit wala iyon do'n. Habang nananatiling nakapikit ay iginala niya ang kaniyang kamay sa kama para hanapin ito. Nang mahanap ay agad niyang pinatay ang alarm.

 

Humikab siya at marahang dumilat. Para siyang tangang nakangiti sa kawalan habang pinupunasan ang matang halata pa rin ang pinaghalong kilig at antok. Hindi niya na namalayan na agad siyang nakatulog kagabi matapos ang second wave ng kagagahan niya.

 

Hindi naman kasi biro ang mga kaganapan kahapon na si Irene din naman mismo ang pasimuno. Natatandaan niyang matapos sabihin ng girlfriend niya ang mga katagang nagpatigil ng mundo niya kagabi ay gusto nang kumawala ng pinipigilan niyang sigaw kaya't pinatay na niya ang tawag at agad na ibinaon ang mukha sa unan para tumili.

 

Chineck niya ang kaniyang phone at mas lumawak ang ngiti ni Irene nang makita ang mga text ni Wendy na nakatulugan niya na.

 

[02/12 Wed, 23:52] Wan: bakit mo binaba? narinig kitang humikbi

 

[02/12 Wed, 23:53] Hyun: asa ka bat naman kita iiyakan

 

[02/12 Wed, 23:53] Hyun: ganda ka?

 

[02/12 Wed, 23:54] Wan: pwede mo namang aminin na kinilig ka hindi naman kita aasarin ;)

 

[02/12 Wed, 23:54] Hyun: mama mo kinilig matutulog na ko

 

[02/12 Wed, 23:55] Wan: hahahahaha

 

Para siyang sasabog sa kilig at ginhawang naramdaman dahil sa kasiguraduhang natanggap mula sa mahal niya kagabi. Bwisit na 'yon, hindi inasahan ni Irene ang banat nito kasi paiyak na talaga siya dahil sa pagtatalo nila. Inunahan siya ng pangamba, at hindi pa nakatulong na tanging mga salita lang magtataguyod sa kanila ngayon dahil sa punyetang pustahan nila.

 

First, true, and last. The only.

 

Tangina, si Irene na talaga ang nagwagi.

 

Ang sarap tuloy ng tulog niya kahit puyat siya.

 

[02/12 Wed, 23:57] Wan: okay, matulog ka na. mamahalin pa kita bukas nang higit pa sa ngayon

 

[02/12 Wed, 23:58] Wan: i love you, hyun.

 

Okay na, buo na agad ang araw niya. Eto na ang good sa good morning at ang maganda sa magandang umaga.

 

[02/13 Thurs, 8:09] Hyun: i love you more, wan. see u later :p

 

Ang saya mabuhay. Ang ganda ng sikat ng araw. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang ganda ng huni ng mga ibon. Ang sarap sa pakiramdam nang magmahal, at mas lalo na ang mahalin pabalik.

 

Napabuntong hininga na lang si Irene at nagpasalamat kay Lord sa pagbibigay sa kaniya ng isa pang araw para mabuhay, para makaramdam ng pagmamahal mula kay Wendy, at masuklian ito ng mas higit pa.

 

Hindi na natanggal ang ngiti sa kaniyang labi magmula nang bumangon siya hanggang sa mayari na niyang gawin ang kaniyang morning routine. Excited na siya sa mga mangyayari ngayong araw. Ramdam niyang malapit nang magbunga ang pinaghirapan niya.

 

Saktong paglabas niya ng kwarto ay ang pag-alingawngaw ng kalansing ng gate sa labas. Hindi iyon pinansin ni Irene at nagpatuloy lang sa kusina para maghanda ng almusal. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagbukas ng main door ng apartment niya.

 

Napataas ang kilay ni Irene dahil isa lang naman ang may hawak ng spare key. Pero wala naman silang usapan na bibisita ito nang ganito kaaga. Mamaya pang 10:30 ang pasok nila.

 

"Seungwan?" Gulat niyang tawag sa girlfriend niya pagkatapos ibaba ang hawak na kaldero sa counter. Ngiting-ngiti ito habang inaalis ang susi sa doorknob at muling ibinulsa. "Bakit andito ka? Ang aga pa?"

 

Isinara nito ang pinto at inilock iyon bago ituon ang atensyon sa kanya. Nanatili itong nakapamulsa at presko itong naglakad patungo sa kinaroroonan niya, "Ayaw mo ba?"

 

Parang naestatwa si Irene habang pinagmamasdan si Wendy na matikas na nakatayo sa kaniyang harap—gwapong gwapo, bagong ligo at amoy baby powder. Bigla tuloy siyang nahiya sa itsura niya, "H-hindi naman, nagtataka lang ako."

 

Agad na tumalikod si Irene at wala sa sariling binalikan ang naudlot niyang pagsasaing at paghahanda ng makakain habang pinapakiramdaman ang bawat kilos ni Wendy sa kaniyang likod.

 

"Maagang gumayak si Byul kasi may group project sila," pagkukwento nito habang abala si Irene sa pagtatakal ng bigas, "So nag-offer akong maghatid ta's dumaan na ako rito."

 

"Hmm." Nilingon niya si Wendy na hindi pa rin natatanggal ang mata sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang maganda rin ang gising katulad niya. Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa nang may ngiti rin sa labi, "Kumain ka na ba?"

 

Mahinang singhap ang lumabas sa kaniyang bibig nang maramdaman ang mainit na katawang dumikit sa kaniyang likod. Bago niya pa ito suwayin ay pinatahimik na siya ng halimuyak ng pabango at ng higpit ng yakap nito. Tinignan niya ang maamo at nakangusong mukha ni Wendy na nakapatong sa kaniyang kanang balikat.

 

Bigla tuloy siyang naconscious, pero walang pakielam si Irene kahit wala pa siyang ligo. Maganda naman siya 24/7 at amoy holy water ang pawis niya. Perks ng pagiging favorite ni Lord.

 

Umiling ito at mas lalo pang ngumuso, "Feed me, Hyun."

 

Kumalam ang sikmura ni Irene habang nakatitig sa mapupulang labi ni Wendy. Sigurado siyang ang gutom na nararamdaman niya ay hindi mapupunan ng kahit anong pagkain.

 

Hindi pa, sa ngayon.

 

"Ikaw ha," sita ni Irene matapos umiwas sa tukso. Hindi pa tapos ang laro, at wala siyang balak sumuko. Dinagdagan niya ng kalahating gatang ang bigas bago ito unaban, "Nandadaya ka."

 

"Hindi ah," tanggi nito at marahang humalakhak. Kinilabutan si Irene sa bahagyang panginginig ng katawan ni Wendy sa kaniyang likod dahil sa pagtawa. "Hindi naman ako nakahawak sa'yo."

 

Yumuko si Irene para tignan ang mga braso ni Wendy na nakapalupot sa bewang niya. Nakakapit ang mga kamay sa magkabila nitong braso para maiwasan ang pagdampi ng mga palad nito sa katawan ni Irene. Gusto niyang pumalatak sa panghihinayang.

 

Hirap siyang gumalaw sa pagluluto ng almusal nila. Pero kahit na gano'n ay hindi nagreklamo si Irene. Sino ba siya para tanggihan ang grasya ng Panginoon? Isa lang naman siyang hampaslupang marupok na umiibig kay Wendy.

 

"W-Wan," alanganing tawag niya sa jowa niyang pinaglihi sa tuko. Inangat nito ang mukha mula sa pagkakabaon sa kanyang leeg para tignan si Irene na unti-unting namumula.

 

"Bakit?"

 

"May kukunin ako sa b-baba."

 

Ramdam niyang sumilip si Wendy para tignan ang sitwasyong kinakaharap niya, "Edi kunin mo?"

 

Nasapawan ng init sa kaniyang kalamnan ang lamig ng nakabukas na ref sa harap niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at minatahan ang pinakababang shelf kung saan naroon ang tupperware na naglalaman ng ulam na iiinit niya sana. Pero para makuha niya 'yon ay kailangan niyang tumuwad at putangina, masyado pang maaga para magkasala.

 

Mas lalong ramdam ni Irene ang pagkuskos ng maong na pants ni Wendy sa likod ng kaniyang hita. Ang hanging lumabas sa bibig nito kasama ng mapanuksong tawa ay sapat na para mag-alab ang nag-aapoy na mukha ni Irene. Mas lalo na ang kanang tenga niya kung saan dumadampi ang matangos na ilong ng girlfriend niya.

 

"Son Seungwan," matigas niyang tawag dito at mas lalo lang lumakas ang halakhak nito. Alam ni Wendy ang mangyayari kung sakaling aabutin nga ni Irene ang balak niyang kunin. At ang hinayupak, nasisiyahan pa sa sinasapit niya.

 

"Kunin mo na, Hyun," natatawang usig nito, "Wala naman akong ano, wala kang mararamdaman."

 

"Seungwan! Oh my god."

 

"Hala? Wala pa nga akong ginagawa?"

 

Napamura siya sa loob-loob niya. Eto na ba ang karma niya? Gumaganti na ang jowa niya sa mga panunukso niya? Tanginang Seulgi 'yon, sabi niya hindi papalag si Wendy kapag si Irene ang naghamon! Fake news ampota. Sasabunutan niya 'yon mamaya pagpasok.

 

(Excuse me, baka pwedeng pakisara po muna no'ng ref? Lalabas 'yung lamig, sayang ang kuryente.)

 

"Isa," pagbabanta niya.

 

"Sure ka? Isa lang? Last time kinaya mo 'yung apat."

 

Putangina.

 

Gusto niyang patahimikin ang gago gamit ang labi niya.

 

"Ang bastos mo, my god."

 

"Ang bastos, nakahubad," inosenteng pagpapaliwanag nito, "Sabihin mo lang kung gus-- Aray! Puta!"

 

Agad niyang kinuha ang tupperware matapos siyang pakawalan ni Wendy. Padabog niyang isinara ang ref at asar na tinignan ang manyak niyang jowa na bumubungisngis pa rin habang nakahawak sa gilid ng tiyan nito kung saan tumama ang siko ni Irene.

 

"Do'n ka na nga lang sa sala!" Pagtataboy ni Irene kay Wendy na halos mapaupo na sa sahig kakatawa.

 

"Kunwari ka pa," hinihingal na sabi nito. "'Diba kaya ka nga nagpa-guessing game kagabi para--"

 

"Shut up!"

 

"Tapos tama naman pala ako! Suot mo 'yung polo ko," turo nito sa damit niya. Ang maamo nitong mukha ay may bahid na ng kademonyohan at ligayang-ligaya sa pambubuking sa mga kagagahan niya, "May pa-pikit pikit ka pang nalalaman dyan."

 

Hindi na kinakaya ni Irene ang kahihiyang bumubuhos sa pagkatao niya. Asar talo ang madam niyo, napakapikon kahit siya ang pasimuno. Kaya hindi na nagdalawang-isip si Wendy na tumakbo palayo nang umamba siya ng suntok.

 

"Gago ka, bumalik ka rito!"

 

"Akala ko ba sabi mo sa sala na lang ako?!"

 

"Tangina mo, napakadami mong alam!"

 

"Ang alam ko lang ay mahalin ka, ayiee-- H-hoy, puta, bakit ambilis mo tumak-- Aray naman!"

 

"Papalag ka pang gago ka."

 

"H-Hyun, teka! Masakit na, hoy… Isusumbong kita kay Mama!"

 

At nakalimutan na nga nila ang nasusunog na sinaing.

 

*****

 

Tumunog ang scanner sa entrance ng library nang itapat ni Irene ang ID niya. Iginala niya ang mata para hanapin si Wendy. Nakarating na siya sa bandang dulo ng silid nang makitang pinalilibutan ito ng mga kaklase niya.

 

Abala si Wendy sa pagtuturo at hindi man lang nilingon ang maladyosang presensya niya nang dumaan siya sa aisle. Hindi rin siya pinansin nito kahit na padarag siyang umupo sa bakanteng table sa kaliwa.

 

[02/13 Thurs, 14:05] Jwoy: san ka? bigla kang nawala

 

[02/13 Thurs, 14:06] Ayren: lib, malapit sa thesis section

 

Mabilis lang lumipas ang oras ngayong araw. Hindi naman sumakit ang tiyan nilang dalawa ni Wendy dahil sa sunog na kanin at malamig na ulam. Hindi rin sila na-late at buti na lang ay hindi rin sila nadisgrasya papasok ng university kahit puro kaladyaan ang ginawa nila sa kotse.

 

Malinis na kaladyaan. Walang malisya.

 

Confident din si Irene sa exam nila sa Rizal. After ba naman ng pakulo ni Wendy kagabi ay natural lang na inspired siya magsagot. Wala rin namang kwenta ang pinagtalunan nila kagabi dahil ang tanong sa essay ay bakit daw sa piso nakalagay si Rizal kung Pepe naman ang palayaw nito.

 

Ang labo 'diba? Hindi rin nagets ni Irene kung anong konek. Buti na lang at bonus points lang 'yon. Kahit naman hindi niya makuha 'yon ay sure uno na siya sa subject.

 

At para naman sa last exam nila for midterms bukas, ibang usapan na 'yon.

 

[02/13 Thurs, 14:08] Wan: bakit andyan ka? dito ka sa tabi ko.

 

Napatingin siya sa kanan at bumungad sa kanya si Wendy na nakaakbay sa monoblock chair sa tabi nito. Marahan nitong tinapik ang upuan, inaaya siyang umupo roon. 

 

Umiling si Irene bilang sagot sa text nito. Ngumuso ito habang itinataas ang kaliwang manggas para ipakita ang namumulang braso nito na sinuntok ni Irene kanina. Matapos ay ipinatong ni Wendy ang ulo nito sa kamay nitong nakatukod sa sandalan ng upuan.

 

Mukha itong tuta na pinalayas ng amo nito dahil sa bagsak nitong kilay, nagsusumamong mga mata at nakangusong labi. Lakas ng loob magmukhang kawawa kahit sa totoo lang ay si Irene ang dapat kaawaan.

 

Nakapagtiis siya ng isang araw, at hindi siya makapaniwalang hindi pa rin bumibigay si Wendy. Lahat na ng katarantaduhan, ginawa na niya. Nauubusan na siya ng bala. Wala na siyang alas na pwedeng ilapag. Kuya Kim, saan ba siya nagkulang? 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
i am: innocence

Comments

You must be logged in to comment
Shinee7012 #1
Chapter 5: enjoy na enjoy ako omg huhuhuhu iba talaga ang marupok rene agenda ang cute
wenrene_221329
#2
hahaha sana all pinagpala ni lord
sinciiichx
#3
Chapter 1: re-reading :>
milkyyy_way #4
Chapter 5: Iba talaga pag pinagpala ni Lord. Si Irene na talaga. Haha! Hindi tumigil hangga't hindi siya nadidiligan.

Anyways, ang galing as usual, otornim! Ang ganda ng pagkakasulat. Medyo nagkanosebleed nga lang sa ibang words but aaaaaahhhhh ~ shet. Iba talaga!
sinciiichx
#5
Chapter 5: A-AMEEEEN AUTHORNIM THANKYOUUU pagpalain ka dahil nadiligan si madaaaam wopp
Blue_owled2113
#6
Completed???????
Baechu34 #7
Pagkain at si hiddenstage na lang talaga nagpapasaya sakin ngayong quarantine
94JeTi
#8
Chapter 5: Di lang si madam ang nagwagi kundi Pati mga Seekers. Di bale otornim naniniwala naman akong may espesyal na lugar para sa'yo sa langit. Hahahaha
shonwanigop
#9
Chapter 5: Ayun oh nadiligan din hahahahahaha