the only

Wild Guess
Please Subscribe to read the full chapter

Wala pang alas-diyes ay yari nang mag-aral si Irene. Mula kay Segunda Katigbak hanggang kay Josephine Bracken, June 19, 1861 hanggang December 30, 1896, at Sa Aking Mga Kabata hanggang Mi Ultimo Adios ay kabisado na niya. Ez lang.

 

Sa totoo lang, hindi bumababa ng 1.5 ang grades ni Irene sa lahat ng subjects pwera sa isa. Namumukod tangi lang talaga ang Math na dos ang grade niya last prelims. At mukhang mas bababa pa ang makukuha niya ngayong term kung hindi niya gagalingan sa exam sa Biyernes.

 

Magaling naman siya mangabisa, kita naman sa ginawa niyang pag-aaral para sa exam nila sa Rizal bukas. Sadyang nanghihina lang talaga siya 'pag may numbers nang involved. Makakita lang siya ng parang dinedemonyong formulas sa sobrang haba at komplikado, tangina, instant pampatulog talaga.

 

Habang nag-aayos at nagsasalansan ng mga librong ginamit ay nagvibrate ang phone niya na nakapatong sa kanyang notes. Idinako niya ang mata niya sa roon habang patuloy pa rin sa pagliligpit.

 

[2/12 Wed, 21:51] Wan: hyun?

 

Napangiti siya at muling nagbalik ang pagkasabik na panandaliang naudlot dahil kailangan niyang magfocus sa pag-aaral. Ngayong malalim na ang gabi at tapos na siya sa mga dapat gawin ay balak na ni Irene na simulan ang paghahasik ng lagim.

 

[2/12 Wed, 21:53] Hyun: call me in 15 ;)

 

Matulin ang bawat galaw ni Irene habang isinasagawa ang kanyang night routine. Ilang saglit lang ay lumabas na siya sa banyo at bumalik sa kwarto. Bumungad sa kaniya ang maingay na ugong at hindi niya na kailangang tignan ang kanyang phone bago sagutin ang tawag ni Wendy.

 

"Hi, Wan," malambing niyang bati habang naglalakad palapit sa kama, "Done studying?"

 

"Yeah," mahina at paos na sang-ayon nito. Hula ni Irene ay nakadapa ito sa kama na nakaugaliang pwesto nito 'pag nagpapahinga matapos mag-aral, "Ikaw?"

 

Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga sa panghihinayang na sana ay nandon siya ngayon katabi nito—nakahiga sa malambot nitong kama habang hinahaplos at sinusuklay ang mas malambot at maikling buhok ni Wendy habang nakadagan ito kay Irene.

 

"Kayayari ko lang no'ng nagtext ka." Umupo na rin si Irene sa sarili niyang kama at idinantay ang kanang bahagi ng katawan niya sa headboard habang nakaharap sa aparador, "Did my night routine and ready na ako matulog…"

 

"No," pigil nito sa kaniya, "Don't sleep yet, Hyun."

 

"Of course," agad niyang sabi. Wala pa naman talaga siyang balak matulog. At wala rin siyang balak magpatulog dahil marami pa siyang gustong gawin ngayong gabi.

 

Sinaniban na yata siya ng kaluluwa ni Joy na kampon ng kadiliman.

 

Narinig niya itong naghikab at napataas ang kilay ni Irene, "Inaantok ka na?"

 

"Slight," pag-amin nito. Magsasalita na sana siya para kumbinsihin itong huwag muna pero agad din nitong dinugtongan ang sinabi, "Pero ayoko pang matulog. Gusto pa kitang kausap."

 

Mabuti naman kung gano'n. Akala niya ay mabubulilyaso na naman ang plano niya. Pigil ang kaniyang ngiti at kilig. Sana ol ng napupuyat, jinojowa rin. Oh well, 'di makarelate si Irene kasi pinagpala siya ni Lord.

 

"Gusto mo ng pampagising?" Marahan niyang tanong at um-oo naman si Wendy. "Laro tayo?"

 

Ipinaliwanag ni Irene ang gusto niyang mangyari habang unti-unting lumalawak ang nakakalokong ngiti sa labi, "Simple Q&A lang."

 

"Anong mga tanong naman 'yan?" Usisa ni Wendy at sinimulan na niya ang panibagong eksenang gagampanan niya.

 

Baest Actress Night Mode: On. Showtime.

 

"Hmm," huni niya na parang nag-iisip pa ng itatanong kahit planado na ang script niya. Naglalaro ang kaniyang mga daliri habang kinukuskos at pinipisil ang bedsheet sa kaniyang kaliwa, "Kung nandyan ako..."

 

Rinig niya ang kaluskos sa kabilang linya at alam niyang bumangon si Wendy at nag-iba ng pwesto. Ipinagpatuloy niya ang naudlot niyang litanya, "Ano sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon?"

 

Tumigil ang ingay sa kanyang tenga at kung hindi lang dahil sa malalim na paghinga ni Wendy ay aakalain ni Irene na naputol na ang tawag. Napadila siya sa kaniyang labi habang hinihintay ang sagot nito sa kaniyang tanong.

 

"I-I don't k-know," nauutal nitong sabi matapos ang ilang sandali. Tumikhim ito at sumibol ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

 

Inangat ni Irene ang paa niya para iunat ito sa kama, "Hulaan mo."

 

"Most probably magulo ang k-kwarto ko, kung s-sakali."

 

"Bakit naman magulo?" Painosente niyang tanong.

 

"K-kasi," saglit nitong paghinto na parang pinag-iisipang mabuti ang susunod na sasabihin, "N-nag-aaral tayo sana ngayon?"

 

Bumungisngis siya at pinag-ekis ang magkabilang binti. Hinaplos niya ang makinis niyang balat na manilaw-nilaw dahil sa liwanag mula sa lamp sa kaniyang nightstand. Nang makarating ang kaliwang kamay niya sa laylayan ng polo ni Wendy na kaniyang suot ay nilaro niya ito.

 

"Right. Pangalan mo siguro ang maisasagot ko sa exam bukas."

 

Hindi alam ni Irene kung nag-iilusyon lang ba siya o may panginginig talaga ang pagbuga ni Wendy ng hininga. Halos maramdaman na nga rin niya ang init nito sa kaniyang tenga at hindi niya mapigilan na kilabutan.

 

"H-hi-hin-- ah, ," mahinang mura nito na malamang ay dahil sa hindi maiwasang pag-uutal. "Hindi naman siguro lilitaw ang pangalan ko sa choices." Tuluyan nang natawa si Irene sa pagpapanic ni Wendy.

 

Mukhang effective ang second wave ng kagagahan niya at sana naman ay bumigay na si Wendy. Hindi niya na kakayanin na lumipas pang muli ang isang gabi na ganito ang sitwasyon nila, na hindi niya man lang mahawakan ang kung ano ang kaniya at maangkin ito gamit ang labi niya.

 

"Seungwan," matamis niyang tawag sa pangalan ng mahal niya. Nag-hum naman ito bilang sagot at wala sa loob niyang pinapaikot ang huling butones ng polo ni Wendy, "Hulaan mo kung anong suot ko ngayon."

 

Kung hindi lang tahimik sa kwarto ni Irene ay hindi niya maririnig ang paglunok ni Wendy sa kabilang linya. Napakagat siya sa kaniyang labi habang pinapakinggan ang galaw ng girlfriend niya. Umismid siya ng mapagtantong naglalakad ito ngayon at tuluyan nang umangat ang nag-aapoy niyang hintuturo paakyat sa kaniyang kwelyo nang may kumalabog sa kabilang linya.

 

"Bae Joohyun," matigas at malamig nitong pagbabanta na nagpapikit kay Irene. "Stop it."

 

Patuloy lang sa paglilikot ang kaliwang kamay niya sa tela ng kwelyo habang nakikinig sa bawat hakbang at kaluskos sa kanang tenga niya. Siguradong namumula na ang mukha at leeg ni Wendy at gusto ring hulaan ni Irene kung hanggang saan umabot ang kulay rosas sa katawan nito.

 

"Stop what?" Hindi niya pinansin ang banta nito. Alam ni Irene na gusto rin nito ang ginagawa niyang panunukso. Minasdan niya muna ang pinto ng kwarto niya at nang masiguradong nakalock na 'yon ay tuluyan na siyang humiga. "Nagtatanong lang naman ako."

 

"Tss." Huminga nang malalim ang kausap niya bago sumagot at ipagpatuloy ang laro, "Shirt and pajama? Ginawin ka eh."

 

"Malapit na magsummer," sabi ni Irene at malamyang humalakhak, "Nag-iinit na nga ako eh."

 

Naubo si Wendy, "You mean naiinitan?"

 

"Same thing," pagkibit niya ng balikat kahit hindi naman siya nakikita ng kausap, "So? Other answer?"

 

"'Yung polo ko...? Hindi mo na sinoli sa'kin 'yon." 

 

Napatigil si Irene sa pagbubukas ng ikalawang butones ng polo na tinutukoy ni Wendy. Ni hindi niya nga namalayan na gumagalaw nang kusa ang kaliwang kamay niya. Idinampi niya ang dulo ng mga daliri niya sa nakakapaso niyang balat at marahan itong hinaplos.

 

"W-what's yours is mine," tumikhim siya at bumangon mula sa pagkakahiga. Muli siyang sumandal sa headboard at pinunasan ang pawisan niyang noo, "Pero mali."

 

Hindi naman malalaman ni Wendy na nagsisinungaling siya, 'diba? What you don't know won't hurt you, ika nga. Mananakit lang si Irene 'pag nanatiling walang dilig ang bulaklak niya pagsapit ng Valentine's.

 

"Ewan ko na!" Naiiritang sabi nito, "Hindi naman ako magaling manghula. Forte mo 'yon."

 

Kunwari na lang compliment 'yon. Oo, hindi niya ikakahiya na magaling siyang manghu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
i am: innocence

Comments

You must be logged in to comment
Shinee7012 #1
Chapter 5: enjoy na enjoy ako omg huhuhuhu iba talaga ang marupok rene agenda ang cute
wenrene_221329
#2
hahaha sana all pinagpala ni lord
sinciiichx
#3
Chapter 1: re-reading :>
milkyyy_way #4
Chapter 5: Iba talaga pag pinagpala ni Lord. Si Irene na talaga. Haha! Hindi tumigil hangga't hindi siya nadidiligan.

Anyways, ang galing as usual, otornim! Ang ganda ng pagkakasulat. Medyo nagkanosebleed nga lang sa ibang words but aaaaaahhhhh ~ shet. Iba talaga!
sinciiichx
#5
Chapter 5: A-AMEEEEN AUTHORNIM THANKYOUUU pagpalain ka dahil nadiligan si madaaaam wopp
Blue_owled2113
#6
Completed???????
Baechu34 #7
Pagkain at si hiddenstage na lang talaga nagpapasaya sakin ngayong quarantine
94JeTi
#8
Chapter 5: Di lang si madam ang nagwagi kundi Pati mga Seekers. Di bale otornim naniniwala naman akong may espesyal na lugar para sa'yo sa langit. Hahahaha
shonwanigop
#9
Chapter 5: Ayun oh nadiligan din hahahahahaha