2/2

Sa Susunod Na Lang

"Tapos hindi pa kayo sa lagay na 'yon?!"

 

Umiling si Joohyun sa tanong ng kaibigan matapos niyang ikwento ang mga kaganapan no'ng undas break nila.

 

Matapos nilang mag-momol sa gilid ng tindahan nila Aling Sooyoung, itinawid na siya ni Seungwan at umuwi na ang driver sa kanila. Pero, syempre, may pagoodnight kiss pa ang ate niyo Seungwan. Hindi tuloy nakatulog nang maayos si Joohyun.

 

Bangag siyang nagpunta sa sementeryo -- biglang matutulala, mapapangiti mag-isa ta's biglang mamumula. Pinagtirik na nga siya ng kandila ni Eunbi, para raw sa ate niyang patay na patay kay Seungwan.

 

Well, hindi naman mali ang kapatid niya.

 

"Hindi naman siya nagtatanong eh."

 

Namula na naman si Joohyun nang maalala niya ang sinabi ni Seungwan bago ito umuwi.

 

"Hyun, bukas sa undas," panimula ni Seungwan, ang kanang kamay nito ay hinahaplos ang kaliwang hita niyang nakapalupot sa bewang ng driver. "Ay, este mamaya na pala. Madaling araw na nga pala."

 

Nakapikit pa rin siya, lasing sa mga halik ni Seungwan. Pinaglalaruan ni Joohyun ang buhok nito sa batok habang nakasandal siya sa may gate ng bahay nila. 

 

"Hmm?"

 

Natawa nang mahina si Seungwan, ang mainit na hininga nito ay dumadampi sa kaliwang tenga ni Joohyun. Hindi niya mapigilang mapasinghap.

 

Kinagat ni Seungwan ang tenga niya, matapos ay dinilaan at bumulong.

 

"Kandila ang ititirik mo ha? Hindi mata."

 

Napadilat si Joohyun at pabirong sinakal si Seungwan. "Pinagsasabi mo!"

 

Malakas ang tawa ni Seungwan, ligayang-ligaya sa reaksyon ni Joohyun.

 

Natakot si Joohyun na baka magising ang mga kapitbahay nila sa lakas ng halakhak ni Seungwan. Kaya't hinalikan niya ulit ito.

 

"Wan…" Paos na tawag ni Joohyun nang mas idiniin pa ni Seungwan ang katawan nito sa kanya. Malamig ang bakal na gate sa likod ni Joohyun, kabaligtaran ng mainit na katawan at mga labing nakalapat sa kanya.

 

Lumayo si Seungwan nang bahagya, at ang bawat galaw ng labi nito ay ramdam pa rin ni Joohyun.

 

"Pero magaling ako magpatirik ng mata. Wampipti lang."

 

"G-gago!" Tulak ni Joohyun kay Seungwan palayo, tawang-tawa na naman ang ate niyong trike driver. "Nauulol ka na namang hayop ka!"

 

"Totoo naman! Ayan oh, na-try mo na nga!"

 

"Tangina mo! Manahimik ka!"

 

Napaismid si Jennie habang naggugupit ng plastic na gagawing banderitas na isasabit sa booth ng org nila.

 

"Eh ba't hindi ikaw ang magtanong?"

 

"Shy ako."

 

"Tanginang…" Mahinang bulong ni Jennie na rinig din naman ni Joohyun. Pinagtaasan niya ito ng kilay at napailing na lang ito, "Saang banda ang shy d'yan? Eh puta halos makipagdigma ka sa tapat ng school natin no'ng katapusan."

 

Napapalatak na lang si Joohyun nang maalala niya ang ganap na 'yon. Lalo na't nasa tapat lang ng booth nila ang mga babaeng nakikipagharutan kay Seungwan no'n. 

 

"Kaya nga 'di na ako magpapasundo kay Seungwan simula bukas. Ngayon sana kaso alam kong gagabihin tayo sa pag-aayos nitong booth."

 

Foundation Day ng Suman University bukas, kaya busy ang lahat magprepare para sa kani-kanilang booth. Block nina Joohyun ang naka-assign na tumulong sa mga officers ngayong last day. Kaso, halos lima lang silang nandito ngayon kaya andami pang gagawin.

 

"Papuntahin mo na kaya rito? Para may katulong tayo sa pag-aayos," suggest ni Jennie.

 

Rinig niya ang matitinis na tawanan sa tapat. Hinding hindi na niya patatapakin si Seungwan sa Suman. Nasa labas pa nga lang 'yon, dinudumog na. Paano pa sa loob ng university? Para na rin niyang inihain ang driver sa handaan. Sarap pa naman no'n. Charot without c.

 

"Alas-siyete sabi ko sa kanya. Mamaya pa 'yon darating," sabi ni Joohyun habang hawak ang tali.

 

Lumabas si Jennie ng booth para ilagay ang upuan sa gilid.

 

"Ngayon na," bulong ni Jennie pagkabalik sa loob. "Natanaw ko sa bungad 'yong may crush sa'yong Nursing. Ta's andyan din si Bogs. Pagselosin natin si Seungwan mo para jowain ka na."

 

'Si Seungwan mo.' Si Seungwan ni Joohyun.

 

Namula siya at hinampas si Jennie. "'Wag mo 'kong pinapakilig d'yan!"

 

"Harot nito, sige na i-text mo na!" Hablot ni Jennie ang dulo ng banderitas at lumabas na para ikabit ito.

 

Sumunod si Joohyun na hawak ang kabilang dulo. "Wala akong number niya. Hintayin mo na lang dumating."

 

"Putangina?" Malakas na mura ni Jennie na kahit 'yung mga nasa tabing booth nila ay napalingon sa kaniya. 

 

Hilaw na ngumiti si Joohyun at humingi ng pasensya sa mga taga-ibang course. "Ano?" Taas kilay na tanong ni Joohyun sabay hawak sa upuan na tinutungtungan ng kaibigan. "Ang ingay mo, nakakahiya ka."

 

"Putangina ka?" Ulit na mura ni Jennie. 

 

"Paulit-ulit? Bakit mo ba ako minumura?"

 

"Nag-exchange na kayo ng laway pero phone number hindi?"

 

Hindi naman sinasadya ni Joohyun na masipa niya ang monoblock na hawak niya.

 

"Joohyun, tangina ka, muntik na akong malaglag!" 

 

Sayang 'di natuloy.

 

*****

 

Nagpumilit si Jennie sa plano niyang pagselosin si Seungwan. Wala tuloy nagawa si Joohyun kundi i-text ang Mommy Taeng niya na sabihin sa driver na pumunta na sa Suman. Buti na lang at nakatambay lang naman daw ito sa tindahan.

 

"Mapagpanggap ka," irap ni Jennie sa kanya, "Kunware ka pa d'yang napipilitan, gusto mo rin naman gawin."

 

Napaismid si Joohyun, pinagmamasdan ang mga nagdadaang mga sasakyan sa tapat nila. Naghihintay sila ngayon sa shed sa gilid ng gate, inaabangan ang pagdating ni Seungwan.

 

"Hmm, eh pa'no kasi…" Napayuko si Joohyun, nahihiya sa susunod na sasabihin.

 

"Ano? Feel mo ikaw lang talaga 'yung may bet?"

 

Nagkibit-balikat si Joohyun.

 

"Gaga ka. Hindi ka pa sigurado sa lagay na 'yon eh label na lang kulang sa inyo. Halos puro 'sana ol' na nga ang response ko sa mga kwento mo kanina."

 

Natawa siya at napailing. "Alam ko naman 'yon. Pero… gusto ko lang 'yung… ano… parang… possessive rin siya sa'kin, gano'n."

 

"'Ganda ka, teh? Wag mong itulad sa'yo na kung makabakod eh akala mo kayo."

 

"Tangina ka. Bakit may pag-atake?"

 

Tumawa si Jennie at hinampas na lang niya ito sa braso.

 

"Charot lang. Gets ko naman. Sarap kaya sa feeling no'ng ipinagdadamot ka sa iba. 'Wag lang madalas, toxic na 'yon."

 

Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw na ni Joohyun ang purple na trike ni Seungwan na pumaparada sa tapat ng gate, sa may stall ng siomai. Sa dating puwesto kung sa'n na muntik mangyari ang World War III.

 

Hindi niya mapigilang mapadila sa labi habang pinagmamasdan si Seungwan na bumaba ng motor. Nakamaong na pants ito, plain white v-neck shirt na naka-tuck-in at long sleeves na black polo na nakatupi hanggang siko. Pinasadahan niya ang buhok nito, akmang tatawid na. 

 

Tangina, bakit naman ang gwapo? Trike driver ba talaga 'to o model?

 

"Sis, tulo mo lumalaway," sabi ni Jennie, "Eww nito. Uhaw na uhaw?"

 

Agad sinara ni Joohyun ang bibig niya na hindi niya namalayang nakanganga na pala. 

 

Nagtama ang paningin nila at ngumiti nang malapad si Seungwan. Kumaway ito at halos patakbo nang tinawid ang kalsada papunta sa shed. Nginitian nitong saglit si Jennie at tinanguan. Ibinaling kaagad ni Seungwan ang atensyon nito sa kanya.

 

"Joohyun," nakangiting tawag ng driver. "Ba't ang aga mo yata nagpasundo?"

 

Umiling si Joohyun, "Hindi pa tayo uuwi."

 

"Ha? Eh, bakit --"

 

"Joohyun!"

 

Napalingon sila sa tumawag kay Joohyun mula sa gate.

 

Tinignan niya pabalik si Seungwan, nakalagay ang kanang kamay nito sa bulsa ng pants niya. Nakaigting ang panga nito at nakataas ang kanang kilay habang nakatingin kay Bogum na naglalakad palapit sa kanila.

 

Napakagat ng labi si Joohyun at huminga nang malalim.

 

Bumalik sa katinuan si Joohyun nang kalabitin siya ni Jennie. 'Go na', buka ng bibig nito.

 

Nang makalapit si Bogum sa kanila ay tumayo na ang magkaibigan. Hinarap siya ni Joohyun, "Bakit?"

 

"Hinahanap kayo ni Pres. sa booth. Akala yata tumakas na kayo, kulang kase ng tao," nakangiting sabi ni Bogum, nakay Joohyun lang ang tingin.

 

"Sige, babalik na rin kami." Ngumiti pabalik si Joohyun kay Bogum. "Nag-abala ka pang puntahan kami rito."

 

Tumikhim si Seungwan, dahilan kung bakit napalingon lahat sa kanya. Hindi na napigilan ni Jennie ang tawa niya, dahilan upang kurutin ito ni Joohyun. Pinandilatan niya ang kaibigan. 

 

"Ingay mo, gago," bulong niya sa kaibigan.

 

"Tangina, pambest actress ganap mo, sis."

 

Umirap na lang si Joohyun. 

 

"May kasama pala kayo? Bogum nga pala, kaibigan nila Joohyun since 1st year," pakilala ni Bogum sa sarili kay Seungwan. Ngiting-ngiti, may halong pagyayabang.

 

(Kung demonyo si Seungwan, babarahin niya 'to ng "Ah, share mo lang?" kaso mabait siya at hindi niya POV 'to.) Tinanguan siya ng driver, matigas at walang emosyon, "Seungwan."

 

Tumaas ang kilay ni Bogum, naghahamon ng idudugtong ni Seungwan. Lumingon si Joohyun sa driver, naghihintay din ng katuloy. Napalingon si Seungwan sa kanya, at tinaas ang kilay, "Ano?"

 

Napanguso si Joohyun. Namumula na si Jennie sa pagpipigil ng tawa. Tangina nito, wala man lang ambag.

 

"Ngayon lang kita nakita, Seungwan. Nag-aaral ka rito?"

 

"Hindi."

 

"Ah, ba't ka nandito?"

 

Kahit ang baba ng nanay ni Seungwan na si Aling Jessica ay hindi kayang hiwain ang tensyon na namamagitan kay Bogum ay Seungwan.

 

Tangina, mapapahamak pa yata si Joohyun sa plano ni Jennie.

 

"Hindi ko alam," bagot na sagot ni Seungwan. Nilingon siya nito. Nakakunot ang noo nitong nilapit ang mukha niya kay Joohyun, "Bakit mo nga ba ako pinapunta rito?"

 

Jusko, halos isang dangkal ang pagitan ng kanilang mga mukha at talagang mapapahamak si Joohyun kung hindi titigilan ni Seungwan ang ginagawa nito sa kanya. Bakit kahit naaasar siya ang hot pa rin?

 

"Uh…" Napalunok si Joohyun, bumaba ang tingin niya sa labi ni Seungwan na nakatikom, "A-ano..."

 

Tumaas ang kilay ni Seungwan, kita sa mukha nito ang pagkatuwa sa epekto niya kay Joohyun.

 

"Kailangan kasi namin ng dagdag na tao sa booth. Magpapatulong kami, kung pwede sana, ang dami pa kasing gagawin," salo ni Jennie sa kanya, dahilan upang mapakurap nang mabilis si Joohyun at umiwas ng tingin sa mapupulang labi.

 

Nakita niyang tumango si Seungwan habang nakasmirk mula sa gilid ng mata niya. Umayos ito ng tayo at nagkibit-balikat, "Oh, ayon daw."

 

Kumunot ang noo ni Bogum.

 

Nagsimulang maglakad si Joohyun, "Tara na sa loob."

 

Sumabay ng lakad si Bogum sa kanya, dahilan upang mapalingon siya sa likod. Sumusunod naman sina Jennie at Seungwan sa kanila. Busy si Seungwan sa phone nito habang naglalakad, seryosong nagtetext.

 

Sinong katext nito? Tsk. Kumunot ang noo ni Joohyun. Madapa sana 'tong mokong na 'to.

 

Napatili si Joohyun nang matalisod siya sa may bato sa daan. 

 

Back to you, Joohyun.

 

"Joohyun!"

 

Nagulat na lang siya nang bigla siyang akbayan ni Bogum at hilahin palapit sa kanya.

 

"Hey, watch where you walk," sabi ng lalaki sa kanya at dahan-dahan siya nitong nilayo sa katawan nito, ngunit nakaakbay pa rin. "Okay ka lang?"

 

Ramdam niya ang mabigat na titig mula sa kanyang likod. 'Wag kang lilingon! Pigilan mo! May misyon ka!

 

Nginitian niya si Bogum, "Okay lang. Salamat. Buti na lang --"

 

"Jennie, sa'n 'yong booth niyo?" sabat ni Seungwan.

 

"H-ha?" Gulat na tanong ni Jennie, "Ayon, 'yung may blue na tent, 'yung may malaking CE sa harap."

 

Humakbang na palayo si Joohyun sa pagkakaakbay ni Bogum at nakita niyang naglalakad na si Seungwan patungo sa booth nila. Lumapit si Jennie sa kanya. Nilingon niya ang kaibigan at ang gaga, nagthumbs-up pa sa kanya.

 

Hinila na siya nito palayo kay Bogum at papunta sa booth.

 

"Gago, 'di ko sinadyang madapa, 'kala mo d'yan."

 

"Effective naman either way," tawa ni Jennie, "Grabe, naeexcite ako sa mga mangyayari!"

 

"Tangina mo ka, source of entertainment mo love life ko?" 

 

"Shhh, 'wag ka ng KJ d'yan. Pumayag ka na rin naman sa plano ko. Promise, jojowain ka na niyan mamaya pag-uwi niyo."

 

Napabuntong-hininga si Joohyun.

 

"Magdilang-anghel ka sana, kahit imposible dahil demonyo kang tangina ka."

 

*****

 

Tuwang-tuwa ang President ng org nila at mukhang maagang mayayari ang preparations nila for the Foundation Day.

 

Paanong hindi bibilis? Eh 'yong mga taga-ibang course, mainly Tourism students na nakadigma na ni Joohyun no'ng katapusan, ayon, tumutulong kay Seungwan sa pag-aayos ng booth.

 

Nar'yang limang tao yata ang nakahawak sa monoblock na tinutungtungan ni Seungwan habang inaayos ng driver ang tarpaulin sa taas. Tangina lang? Kahit yata lumindol hindi matitinag si Seungwan sa pagkakatungtong sa upuan.

 

Puputok na ang ugat ni Joohyun sa leeg. Sa inis, sa selos, sa galit -- pero wala siyang magawa dahil ginusto niya 'to.

 

"Grabe, lakas makahakot," hangang sabi ni Jennie habang pinagmamasdan na pinalilibutan si Seungwan sa labas ng booth.

 

"Eh kung tinutulungan mo kaya ako sa plano mo? Hindi 'yung gumagatong ka pa d'yan."

 

"Baligtad kasi, sis! Dapat siya ang nasa loob, ta's tayo sa labas. Hindi naman papapasukin ni Pres. 'yung ibang course rito sa loob, safe jowa mo. Ta's ikaw naman ang lalantod sa labas."

 

Napapalatak na lang si Joohyun sa inis.

 

"Joohyun, oh," abot ni Bogum sa kanya ng malamig na bote ng tubig. "Pinagpapawisan ka na rito sa loob, ayaw mo sa labas?"

 

"Salamat." Tinanggap ni Joohyun ang tubig, binuksan niya ito at ininom. "Masyadong maraming epal sa labas."

 

"Chick-magnet pala 'yong kaibigan mo no?" Pabirong sabi ni Bogum.

 

Natawa si Jennie, "Sinabi mo pa, Bogs. Ilabas mo na nga 'yang si Joohyun, nag-iinit ulo rito sa loob."

 

"Mas mag-iinit ulo ko ro'n," irap ni Joohyun.

 

Hinawakan ni Bogum ang kamay ni Joohyun na may hawak ng bote ng tubig. Inilapat nito ang malamig na bote sa noo ng dalaga.

 

"Ayan," nakangiting sabi ni Bogum. "Okay na?"

 

Gano'ng eksena ang nadatnan ni Seungwan nang pumasok ito sa loob ng booth, pawis na pawis. Natigil ito sa kalagitnaan ng pagtatanggal ng polo habang nakatingin sa kanila ni Bogum.

 

Umiwas ng tingin si Joohyun. "Ayos pala 'yong ganyan? Nakaka-cool down, haha," pekeng tawa ni Joohyun.

 

Patuloy siya sa pag-aayos ng mga papeles sa harap ni Bogum, at nakahawak pa rin ang lalaki sa bote na nakalapat sa noo niya.

 

Pinagmamasdan niya si Seungwan sa gilid ng kanyang mata. Nahubad na nito ang polo niya, at nagpupunas na ngayon ng pawis -- mula noo, leeg at braso -- habang nakatitig sa kanya.

 

Napalunok si Joohyun.

 

"May gagawin pa ba?" Malamig na tanong ni Seungwan.

 

"Ewan ko lang kay Pres kung may iuutos pa," sagot ni Jennie. "Pakiayos na lang 'yung mga upuan?"

 

Tumango si Seungwan. Nakatitig naman ito ngayon sa bote na hawak ni Bogum. Naglakad ito patungo sa mga upuan sa gilid ni Joohyun.

 

Huminga siya nang malalim.

 

Nang nasa gilid na niya si Seungwan, nginitian niya nang matamis si Bogum at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa bote na nasa noo niya. "Thank you," malambing niyang sabi.

 

Napatalon siya sa gulat sa ingay ng padabog na pagpapatong ni Seungwan ng mga monoblock. Kahit si Jennie ay napamura.

 

"Bro," asar na sita ni Bogum. "Dahan-dahan lang, baka masira mo 'yan."

 

Nag-igting ang panga ni Seungwan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang driver na madilim ang ekspresyon ng mukha, nanlilisik ang mga mata.

 

"Eh kung mukha mo ang sirain ko?"

 

Bago pa man makalapit si Joohyun kay Seungwan upang pakalmahin ito ay biglang pumasok si Seohyun sa loob. Narinig niya pang napa-Amen si Jennie sa likod niya.

 

"Oh, buti nandito pa kayo," sabi ni Seohyun. "Akala ko umuwi na kayo. May iuutos pa sana ako."

 

"Ano 'yon, Pres?" Nanginginig pa sa takot na sabi ni Jennie.

 

"Pakikuha sa palengke 'yong mga ititinda natin bukas, kila Aling Sunny. Tapos pabili rin nitong mga nakalista." Iniabot ni Seohyun ang papel at tinanggap ito ni Joohyun. Lumabas na rin ito agad.

 

"Tayo na lang, Joohyun," sabi ni Bogum.

 

Nasamid si Joohyun sa laway niya at naubo, "H-ha?" 

 

"Dala ko naman sasakyan ko, tayo na lang ang bumili," alok ni Bogum habang nakangiti. Hinawakan nito ang papel na hawak ni Joohyun, dahilan upang magkadikit ang kamay nila. "Tara?"

 

Lumapit si Seungwan sa kanila at marahas na hinablot ang listahan.

 

Napasinghap si Joohyun nang maramdaman niya ang brasong dumausdos sa bewang niya. Hinigit siya nito palapit sa kanya. Napalunok siya nang naramdaman niya ang mainit na katawan ni Seungwan sa gilid niya.

 

Nilingon niya ito at nagtama ang paningin nila. Matigas pa rin ang ekspresyon nito ngunit naglalaro ang ngiti sa labi.

 

Lumingon si Seungwan kay Bogum, ngunit nakatuon pa rin ang atensyon ni Joohyun sa driver nang magsalita ito. "Kami na ni Joohyun, Bogum."

 

Putangina.

 

Kumakabog ang puso ni Joohyun at sigurado siya na ramdam ito ni Seungwan nang mas lumapad pa ang ngiti nito. 

 

Nakakapit lang sa bewang mo, Joohyun. Kumalma kang marupok ka.

 

Magsasalita na sana si Bogum nang unahan ito ni Seungwan, "Sa'kin sasakay si Joohyun."

 

Ama, patawarin mo si Joohyun at ang kanyang malumot na pag-iisip. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

 

Humigpit ang kapit nito sa bewang niya, nang-aangkin. Hindi mapigilan ni Joohyun na mamula, nakatitig pa rin kay Seungwan, na base sa ekspresyon ng mukha, ay hinahamon si Bogum na magreklamo pa.

 

"Uhm," sabat ni Jennie. "Bogs, patulong naman ako sa pag-aarrange nito?"

 

Hindi pinansin ni Bogum si Jennie. "Sasama ako. Marami 'yan, kakailanganin niyo ng tulong."

 

"Uhm, Bogum," sabat ni Joohyun, "'Wag na. Kaya na namin ni Wan."

 

Sumimangot si Bogum, "P-pero --"

 

Napakagat ng labi si Joohyun, pinipigilan ang sarili na mapasinghap dahil nararamdaman niyang naglalaro ang mga daliri ni Seungwan sa bewang niya.

 

"Mas k-kailangan ng tao rito s-sa booth," namumula na sabi ni Joohyun.

 

Bumungisngis si Seungwan sa pagkakautal niya. Bwisit 'to.

 

"Mauna na kami," padarang na sabi ni Joohyun at pabirong tinutulak palabas ang driver na ngayon ay tumatawa na.

 

*****

 

Tahimik si Joohyun habang naglalakad patungong gate. Pinagmamasdan niya si Seungwan na nauunang maglakad ng ilang hakbang. Matikas ang tindig nito, nakapamulsa pa -- sobrang lakas ng dating. Napapalingon sa kanya ang mga estudyanteng nadadaanan nila na nag-aayos ng kani-kanilang booths, at pagkalagpas nila, biglang magkukumpol at magbubulungan.

 

May ilang tumatawag at bumabati rin kay Joohyun, nginigitian niya rin ito pabalik.

 

"Joohyun!" nakangiting bati ni Suho nang matanaw siyang paparating.

 

Ngumiti pabalik si Joohyun, "Uy, hello."

 

"Daan ka rito bukas," masayang anyaya ni Suho nang nasa tapat na sila ng booth ng Nursing. "Ililibre kita."

 

"Totoo ba 'yan?" Biro ni Joohyun.

 

"Oo naman! Lakas mo kaya sa'kin!" Banat ni Suho.

 

Nagkantyawan ang mga kaibigan nito na nakatambay sa tapat ng booth nila, "Dumadamoves ka pa, boi!"

 

"Sige, try ko bukas. Salamat," tawa ni Joohyun, hindi tumitigil sa paglalakad. Kumaway na lang siya nang makalagpas siya sa kanila.

 

Hindi niya namalayan na huminto pala si Seungwan sa paglalakad.

 

"Aray! Bakit ka huminto?" Tanong ni Joohyun habang hinihimas ang ilong niyang nabunggo sa likod nito.

 

Humarap si Seungwan sa kanya, seryoso ang mukha. Napakurap si Joohyun. Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa kanyang ilong. Ibinaba ito ni Seungwan nang hindi binibitawan.

 

Yumuko ito at hinalikan ang ilong ni Joohyun.

 

"Sorry," mahinang sabi ni Seungwan, "Masakit pa?"

 

Lumakas ang mga bulungan sa gilid niya at luminga siya. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila, pa'no ba namang hindi eh nasa gitna sila ng daan. At kilala rin si Joohyun sa buong Suman.

 

Naramdaman ni Joohyun ang palad ni Seungwan sa kanyang pisngi at iniharap ang mukha niya sa driver.

 

Mapungay ang mata ni Seungwan at may maliit na ngiti sa labi, "Sa'kin lang ang tingin, mahal ko."

 

 

 

 

a/n: i know it's late pero belated #happywenreneday! fin. na po 'yung next… maraming salamat sa pagbabasa nito tangina kahit mema lang hahahahaha nahihiya pa ako sa mga comments niyo at 'pag randomly nakikita ko tweets ng iba about the story huhuhuhuhu

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 6: Waiting for -ti- 😂
Sakurawenrene
#2
Chapter 6: Ang ganda ng storykahit paulit-ulit basahin. Maraming salamat author-nim. Kaso hindi pa rin pala tapos to, waiting for update. 🥰
juhyuneeeee
89 streak #3
gusto ko lang sya ulit basahin ng paulit ulit 🥹🥰
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: still waiting for the -ti- sa wampipti 💗💙 sana happy and safe ka, author!
WenRene_77 #5
Chapter 6: di nkakasawang basahin tlaga to kahit paulit ulit, hi author! i hope ur doing ok, sana my update hehe stay safe😊💙💝
TaeRene #6
Chapter 6: nireread ko ulit ung story ang ganda parin talaga 🤧
Nazrif
#7
Chapter 6: Awwww that so sweet, thank you author your doing great, and hope this story can have sequel maybe hehe but thank you soososo much i really like it and enjoy it🤧🙈💝💙💝💙😻😌🙊👌🏻👌🏻👏🏻👏🏻🥳🥳🙏🏻🤗🙌🏻👏🏻💪🏻👋🏻✍🏻💪🏻
Emgeelex
#8
Chapter 6: Awwwee 🥺🥺 ang cute po ❤
hi_mitochondria #9
Chapter 6: Kasalan naman next whoooooo
marvolo #10
Chapter 6: grabe yorn. sana pwede ako maki-tira