wakas

Sa Susunod Na Lang

Tao lang din naman si Seungwan -- marupok, natutukso, nauubusan ng pasensya.

 

Siya 'yong tipong tahimik lang 'pag galit o naiinis, kinikimkim niya ang lahat ng 'di magandang emosyon kesa makasakit siya ng ibang tao, sa salita o gawa.

 

Pero tangina, hindi niya talaga mapigilang magselos. Pa'no ba naman, parang nananadya pa itong si Joohyun. Talagang lumalapit pa sa Bobogum at sa Susuhong na 'yon.

 

Hindi na nga pinapansin ni Seungwan ang mga estudyanteng pumapalibot sa kanya kanina. 'Di bale ng magmukha siyang snob, ayaw na niyang magalit si Joohyun sa kanya. Ayaw niyang iparamdam kay Joohyun na kailangan niya pang bumakod para lang manatili si Seungwan.

 

Kasi hindi naman na kailangan.

 

Hindi siya madalas magselos, o magalit, o magtampo. Pero parang gusto niyang araw-arawin kung ganito namang bumawi si Joohyun sa kanya.

 

Tangina, bakit ba ang rupok niya pagdating kay Joohyun?

 

Red light.

 

"Sa loob ka na," sabi niya pagkahinto nila sa crossing. 

 

Ramdam niya ang pag-iling ni Joohyun. Nakayakap ito sa kanyang likod habang nakasidekick sa trike niya. Mahigpit ang kapit sa kanyang bewang at nakabaon ang ulo nito sa gilid ng leeg niya.

 

"Ayoko."

 

Napapikit si Seungwan nang maramdaman niya ang hininga nito sa batok niya. Huminga siya nang malalim, nagpapakalma.

 

"Joohyun," matigas niyang banta.

 

Hindi kumibo ang nasa likod niya, sa halip, naramdaman niyang pinapaulanan siya ni Joohyun ng halik -- mula sa tenga pababa hanggang sa balikat. Ramdam ni Seungwan ang init ng labi nitong tumatagos sa kanyang damit.

 

Putangina, masyado pang maaga. Saka nasa kalsada sila, hindi siya sanay na may audience. Pero kung 'yon ang gusto ni Joohyun, sino siya para tumanggi? Tanga lang ang hihindi sa grasya ng Diyos (Irene). Charot without c.

 

Humigpit ang kapit niya sa manibela, kasabay ng paghigpit ng kapit ni Joohyun sa bewang niya, parang nang-aangkin.

 

"'Wala lang 'yong si Suho."

 

Dapat lang. Dahil kung hindi, 'di magdadalawang isip si Seungwan na tapakan ang Susuhong na 'yon at gawing pulutan nila Aling Seulgi.

 

"Lumipat ka na sa loob habang red light pa," pagwala ni Seungwan sa usapan.

 

"'Pag 'di ka na galit, saka lang ako sasakay sa sidecar."

 

Lord, gusto ko pang magalit. Pwede ba?

 

Yellow light.

 

"Ang tigas ng ulo mo, Joohyun," palatak ni Seungwan.

 

"Hmm," pagtigil sandali ng kausap, "I think mas matigas 'yung abs mo."

 

Napabuntong-hininga si Seungwan nang hinaplos ni Joohyun ang tiyan niya at tinusok tusok ito. Napabungisngis ang nasa likod niya.

 

Sa palengke dapat ang punta nila, pero punyeta kung hindi titigil 'tong si Joohyun, sa Sogo ang uwi nila.

 

"Joo--"

 

Mabilis siyang hinalikan ni Joohyun nang saglit siyang lumingon sa likod.

 

BEEP! BEEP!

 

Green light.

 

Nauntog pa si Seungwan nang mapatalon siya sa gulat. Dali-dali niyang pinaandar ang motor niya. Sinlakas ng garalgal ng makina ang matamis na halakhak ni Joohyun.

 

"Deja vu?" Natatawang sabi ni Joohyun sabay halik sa namumulang tenga niya.

 

*****

 

Pagkarating pa lang niya sa Suman hanggang dito sa palengke, pumupuntos na si Seungwan papuntang impyerno.

 

Parang gusto niyang manakal, manuntok, saka mangagat.

 

Ganito pala ang nararamdaman ni Joohyun. 'Yung parang gusto mong sumabog at magsabi ng masasamang… mga words. Gets na niya ngayon kung bakit halos pumatay si Joohyun kapag may umaaligid sa kanya. 

 

"May ibabagal pa ba 'yan?" Reklamo ni Seungwan sa binatang mas inasikaso pang magpapogi kay Joohyun kesa sa pinamimili nilang tinapay.

 

Natawa si Joohyun sa gilid niya, "Nagmamadali ka?"

 

Napapalatak na lang si Seungwan habang pinagmamasdan ang lalaking napahinto pa ng ilang segundo sa ginagawa at tumitig sa masayang mukha ng dalaga.

 

Bakit ba kasi sobrang ganda nitong si Joohyun? Kahit sinong tumitingin, naaakit.

 

"Miss, mas maganda ka 'pag nakangiti," kindat ng lalaki. Puta, isang kindat pa… hindi na mararanasan nitong dumilat habang buhay.

 

Kumunot ang noo ni Seungwan nang makitang mas lumawak ang ngiti ni Joohyun. "Salamat," rinig niyang sabi nito at nilagay pa ang takas na buhok sa tenga.

 

Tama ba 'yon??? Puputok na ang ugat niya sa leeg sa sobrang selos ta's nagpapabebe pa 'tong si Joohyun??? Nananadya ba talaga 'to???

 

At bakit ba napakatagal ibigay nung tinapay??? Binibilang pa ba ng putanginang lalaking 'yon 'yung sesame seeds sa buns??? Kase punyeta talaga, isang maling galaw na lang ng tindero, makakatikim na siya ng suntok mula kay Seungwan.

 

Pinakalma na lang niya ang sarili at hindi na lang nagsalita.

 

"Miss, eto na," sabi ng lalaki nang may malaking ngiti sa labi habang iniaabot ang supot sa kanila.

 

Siya na ang humablot ng supot at padabog na binigay ang bayad. Tinignan niya ito nang masama, at kung nakamamatay lang ang tingin, hindi na aabot ng pasko 'tong lalaking 'to.

 

Hinawakan ni Seungwan ang kamay ni Joohyun at hinila na paalis sa tindahan.

 

"Okay na ba?" Asar na tanong niya.

 

"Oo, nabili na natin lahat," nakangiting sabi ni Joohyun.

 

Kumunot ang noo niya, "Ba't ba ngiting-ngiti ka d'yan? Kanina ka pa ha."

 

Bumungisngis si Joohyun, habang umiiling, hinigpitan pa ang hawak sa kamay niya. "Hmm, wala lang," pakantang sagot nito.

 

Napailing na lang si Seungwan na siya namang ikinatawa ni Joohyun. Tuwang-tuwa ang dalaga sa dahilang hindi niya alam.

 

"D'yan ka muna, kukunin ko 'yung trike," bilin ni Seungwan pagkarating nila sa kanto. "Akin na 'yang mga pinamili."

 

Naglakad si Seungwan papunta sa pinaradahan niya ng trike at nilagay ang mga pinamili sa loob ng sidecar. Pinaandar na niya ang motor at pinuntahan si Joohyun.

 

Putanginang 'yan. Wala pang limang minuto siyang nawala pero dinadapuan na agad ng langaw si Joohyun.

 

Bumusina siya ng tatlong sunod-sunod at napatalon sa gulat si Joohyun pati na ang lalaking kausap nito.

 

"S-salamat, Taehyung," ngiti ni Joohyun.

 

"Walang anuman," nahihiyang balik ng lalaki. "Uh, baka pwedeng mahingi ang num--"

 

Bumusina uli si Seungwan.

 

"Bae Joohyun," mababa at malamig niyang tawag sa dalaga.

 

Nakita niyang napalunok si Joohyun habang naglalakad para sumakay sa sidecar. Matapos ay pinaharurot na ni Seungwan ang trike paalis sa palengke.

 

Palubog na ang araw. Kanina pa nagv-vibrate ang phone niya sa bulsa. Malamang ay naiinip na si Byul sa kahihintay. Diretso ang tingin niya sa daan. Hindi siya sumusulyap sa salamin. Wala rin siyang naririnig na anumang kaluskos sa loob ng sidecar.

 

Agad rin silang nakabalik sa Suman dahil na rin sa bilis ng pagmamaneho ni Seungwan. Pumarada ito sa dating pwesto at dali-daling bumaba para kunin ang mga pinamili.

 

Akmang bababa rin si Joohyun kaya't pinigilan niya ito. "'Wag ka nang bumaba. Ako na ang magdadala sa loob," sabi niya nang hindi nililingon ang dalaga.

 

"Marami 'yan, Seungwan, sasama na ako."

 

"Hindi na," matigas na tanggi niya. 

 

Mahirap na. Madadaanan na naman nila 'yong mga lalaking may pagnanasa kay Joohyun. Baka talagang 'di na makapagpigil si Seungwan at makipag-basag ulo na sa loob ng university.

 

"Wan," malambing na tawag ni Joohyun sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkuha ng mga pinamili.

 

Hinawakan ni Joohyun ang baba niya at pilit inihaharap sa kanya.

 

"Sa'kin lang din ang tingin, mahal ko," nakaw ni Joohyun sa linya niya kanina.

 

Tangina. 'Wag kang papatinag, Seungwan. Hindi ka pinalaking marupok ng mga magulang mo.

 

Napapikit na lang siya, takot na baka sa isang sulyap lang niya kay Joohyun, matunaw ang naipong selos niya. Gusto niya pa itong kimkimin kahit hindi magaan sa pakiramdam.

 

"Hinabol niya tayo kasi hindi niya naibigay 'yung sukli, nagmamadali ka kanina," paliwanag ni Joohyun kahit hindi naman siya nagtanong.

 

"Okay, sabi mo eh," bagot niyang sabi at pumiglas sa pagkakahawak ni Joohyun sa mukha niya.

 

Hindi siya pinakawalan ni Joohyun. Naramdaman niyang gumapang ang mga kamay nito sa kanyang batok. Napasinghap si Seungwan na siya namang ikinatawa ni Joohyun. Tuwang-tuwa pa sa sinasapit niya.

 

"Nagseselos ka?"

 

Napadilat siya. 

 

"Selos? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?"

 

Ulol, sinong niloko mo?

 

"Hmm," nilapit ni Joohyun ang mukha nito sa kanya, sa labi ni Seungwan ang tingin. "Sigurado ka?"

 

Idinantay ni Seungwan ang mga kamay niya sa upuan ng sidecar at sa bakal sa gilid nito. Inilapit niya ang sarili niya kay Joohyun kaya't napasandal ito sa upuan, nakakulong sa mga braso ng driver.

 

"Hindi ako nagseselos," mabagal niyang sabi na parang kinukumbinsi niya pati ang sarili.

 

"Okay, sabi mo eh," balik nito sa kanya.

 

Magnanakaw 'tong si Joohyun. 'Yung mga linyahan niya, pati halik saka 'yung puso ni Seungwan, walang kawala.

 

"Tsk," palatak ni Seungwan. Kinagat ni Joohyun ang labi niya para magpigil ng ngiti. Nararamdaman niyang hinihigit pa siya ni Joohyun papalapit, ang mga daliri nito'y naglalaro sa kanyang buhok.

 

Pok, pok, pok. Rinig niyang unti-unting nasisira ang self-control niya.

 

"'Wag kang nang-aakit d'yan. 'Di tayo bati," biglang layo ni Seungwan at tinanggal ang mga brasong nakakapit sa kanya.

 

Natawa si Joohyun. Gusto niyang patahimikin ito gamit ang kanyang mga labi pero maggagalit-galitan muna siya.

 

"D'yan ka lang," malamig na sabi niya. "Kapag hindi kita nadatnan dito pagbalik ko, uuwi kang mag-isa mo."

 

*****

 

Diretso ang lakad ni Seungwan, bitbit ang mga pinamili sa parehong kamay. Busy ang lahat sa pag-aayos ng mga booths, lalo na't papadilim na. May ilang sinusundan siya ng tingin, pero umiiwas din agad. Parang mga takot na ewan.

 

Nagkibit balikat na lang si Seungwan at nagpatuloy maglakad. Nang malapit na siya ay may sumalubong sa kanyang babae, pulang-pula ang labi at parang model kung maglakad. Napatigil si Seungwan. Eto rin yata 'yung nagpapahatid sa kanya sa Dos no'ng katapusan.

 

"Tulungan na kita," matamis na alok ng babae, sabay hawak sa kamay niyang may bitbit na mga supot.

 

Puta, lagot. Bigla siyang nanlamig. Parang pamilyar. Napalunok si Seungwan.

 

"Hindi na, kaya ko naman," ngiting tanggi ni Seungwan sabay bawi ng kamay.

 

"Sige na, mukhang mabi--"

 

May humawak sa braso niya. Napangiwi siya nang maramdaman ang kuko nitong bumabaon. Puta, magdudugo yata sa sobrang diin. Hinila siya nito palayo sa babaeng lumalandi sa kanya na ngayon ay nakabusangot na ang mukha.

 

Lumingon siya at nakita niya si Joohyun na nanlilisik ang mga mata, madilim ang ekspresyon ng mukha.

 

Napakunot ang noo ni Seungwan, "Joohyun? 'Diba ang sabi ko sa'yo --"

 

"Pres!" Putol ni Joohyun, "Eto na mga pinabili mo, sa'n ilalagay?"

 

Tinuro ni Seohyun ang tent. Hinigit siya ni Joohyun papasok sa loob. Nakita niyang agad na lumapit si Bobogum sa kanila.

 

"Ba't ang tagal niyo yata?" Walang kwentang tanong ni Bobogum. 

 

Nilagpasan lang siya ni Joohyun at hindi pinansin. Bleh, buti nga. Busy ang dalaga na hilahin siya papasok sa booth at palayo sa kung sino man ang nagtatangkang umagaw kay Seungwan sa kanya.

 

Kung hindi lang mabait si Seungwan, sasagutin niya ang lalaki ng 'ahh, nagtagal kami kase muntik na kaming magmomol sa loob ng trike ko, buti nalang nakapagpigil ako, bro.'

 

Pero masyado na siyang maraming kasalanan ngayong araw kaya't hindi na lang sumagot si Seungwan. Pagkalapag niya ng mga pinamili ay hinarap niya si Joohyun. 

 

"Ang kulit mo," iritang sabi ni Seungwan. "Sabing do'n ka lang sa trike."

 

Humarap ito sa kanya at tinaasan ng kilay. "Bakit? Tingin mo hahayaan kitang pumasok mag-isa rito? Asa sila."

 

"Oh, puso mo, sis. Kalma lang," sabat ni Jennie nang makalapit sa kanila.

 

Pumalatak si Joohyun sabay irap sa kaibigan. "Kayo na mag-ayos n'yan, uuwi na kami ni Seungwan."

 

Hihilahin na sana siya ni Joohyun nang biglang pumagitna si Jennie, "Hoy, 'di pwede! Madaya ka, tumulong ka rito. Wala ka pang ambag sa booth natin."

 

"Mama mo ambag."

 

"Alam mo, Joohyun, tangina ka."

 

Habang nag-aaway ang magkaibigan ay lumakad siya sa dulo ng booth para kunin ang polo niyang sinabit niya sa upuan kanina.

 

"Seung--"

 

Nilingon niya si Joohyun na akmang susunod sa kanya, naka-extend na ang kamay para hawakan ang braso ni Seungwan. Napatalon sila sa gulat nang biglang sumigaw si Jennie.

 

"Puta, pwede ba?! Maghiwalay naman kayo kahit ilang minuto lang!"

 

Hala, 'di pa nga sila, maghihiwalay na agad?

 

Natawa si Seungwan pero agad din siyang tumahimik nang tinignan siya nang masama ni Jennie. Tangina, parang mangangalmot na sa galit. Napadasal siya ng 'di oras.

 

Nakita niyang hinatak ni Jennie si Joohyun palayo kay Seungwan, "Pagtulungan niyo na ni Bogs 'yang mga pagkain. Kami sa mga lalagyan."

 

"Sige --"

 

"Kami na lang ni Seungwan," putol ni Joohyun kay Bobogum.

 

Napatigil siya sa pagsusuot ng polo sa narinig niya mula kay Joohyun. Kalma, Seungwan. Baka 'di ka na umabot mamayang gabi. 

 

Nagvibrate uli ang phone niya. Puta, oo nga pala. Kinuha niya ito sa bulsa at bumungad sa kanya ang sandamakmak na messages. Karamihan ay galing kay Byul.

 

"Ulol, 'wag ako. Tingin mo may mayayari kayo 'pag kayong dalawa ang gumawa d'yan? Maglalandian lang kayo, sigurado. Tangina 'yung pamamalengke nga inabot kayo ng halos dalawang oras!"

 

[Fri, 18:43] BuwanByul: puta uso magreply

 

[Fri, 18:39] BuwanByul: tangina ano tuloy pb ako ang kinakabahan para sau e

 

[Fri, 18:03] BuwanByul: hoy pota k 6 n!

 

[Fri, 17:25] BuwanByul: hoy gago dumaan ako sa tindahan nasa suman kn raw??? akala ko b dadaan k muna samin???

 

[Fri, 17:19] BuwanByul: ok n nabili ko n

 

"Ba't nagsisigawan kayo d'yan?" Silip ni Seohyun sa loob. "Ayusin niyo na 'yan para makauwi na kayo."

 

"Oh, narinig mo? Palag ka pa d'yan, eh," sabi ni Jennie.

 

Nagtipa si Seungwan ng reply kay Byul habang naglalakad palapit sa magkaibigan.

 

[Fri, 18:44] Seung123: tuloy boi pero baka pag nakauwi na kami saka ko dadaanan

 

Ibinulsa na ni Seungwan ang phone at humarap kay Jennie, "Alin ang pagsasama-samahin?"

 

"Hiwalay 'yung kada kulay, ta's iba rin 'yung sa size," sagot ni Jennie. "Pero lumipat muna tayo ro'n sa kabila, marami 'to, eh."

 

Tumango si Seungwan at binitbit ang mga gamit sa katabing lamesa ilang dangkal lang ang layo kina Joohyun. Kita niyang pinagmamasdan siya nito habang isinasalin sa bote ang sukang nakapack.

 

"Uhm, Joohyun," rinig niyang sabi ni Bobogum, "Tumatapon na."

 

Napangiti si Seungwan.

 

"! Sorry!"

 

Napailing na lang siya habang nagpipigil ng tawa. Napabuntong hininga naman si Jennie sa tapat niya habang nag-aayos ng mga paper cups.

 

"Hay nako, literal na napakakalat niyang si Joohyun pagdating sa'yo."

 

Napatingin siya sa kaharap niya, "Bakit? Ano ba mga kinukwento sa'yo?"

 

"Jusko," buntong-hininga nito, "Lahat."

 

Nasamid si Seungwan, "Pati 'yung…?"

 

"Wampipti?" Natawa si Jennie, "Oo, chinika niya rin. Akala ko nga hihimatayin na habang nagkukwento eh. Kilig na kilig, gustong manginig ng jowa mo."

 

Namula siya. Gusto ring manginig ni Seungwan, sa hiya at sa kilig.

 

"Ay, hindi mo nga pala jowa," biglang bawi ni Jennie. Mapang-asar ang ngiti at nakataas ang kilay. Parang hinahamon si Seungwan.

 

"Hindi pa," madiing sabi ni Seungwan sa huling salita niya.

 

"Bakit kase hindi pa?" Tanong ni Jennie na para bang naiinip na rin siyang maging sila na ng kaibigan niya.

 

Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang halakhak ni Joohyun. Napatingin siya sa gilid at nakita niyang masayang nag-uusap ang dalawa.

 

Maraming naisip si Seungwan sa saglit na 'yon. Bakit nga ba hindi pa? Madalas niya 'yong tinatanong sa sarili. Kung tama ba na maging sila? Karapat-dapat ba siya? Kung sapat ba siya para kay Joohyun? Sapat ba 'yung pagmamahal niya? Kase, putangina, si Bae Joohyun ang usapan dito. Hindi lang basta kung sino. 

 

Eh sino lang ba si Seungwan? Isa lang naman siyang hamak na trike driver na habulin ng chix. Syempre, kahit magalit si Joohyun, proud pa rin siya sa epekto niya sa ibang tao. Aba naman, pinaghirapan siyang gawin ng mga magulang niya. Dapat lang na ipagyabang niya ang pamana ni Mama Yuri niya sa kanya.

 

"'Wag kang magselos. Mahal ka no'n."

 

Naputol ang pagmu-muni muni ni Seungwan sa mga salita ni Jennie. Umiling siya at ngumiti. Ang sarap naman marinig no'n sa iba, lalo na kung galing kay Jennie na matalik na kaibigan ni Joohyun simula pagkabata. Jusko, pa'no pa kaya 'pag kay Joohyun na niya narinig ang mga salitang 'yon? Putangina, sasakabilang buhay siya 'pag nagkataon.

 

"Marami bang nanliligaw kay Joohyun?" Tanong ni Seungwan habang nagsasalansan ng mga lalagyan.

 

"Hmm, maraming nagkakagusto kay Joohyun. Sino ba namang hindi, 'di ba?" Tumango si Seungwan. "Pero walang lumalapit, or hindi niya hinahayaang makalapit, bukod kay Bogs. Tropa kase namin, kaya walang choice si Joohyun kundi pakisamahan."

 

Rinig pa rin ang malakas na halakhak ni Joohyun sa mga kinukuwento ni Bobogum.

 

"Bakit siya lang?"

 

"Bakit? Gusto mo ba marami kang kaagaw?" Natatawang biro ni Jennie. "Ano pang sense na magpaligaw siya sa iba kung ikaw lang naman ang gusto niya?"

 

Napalingon uli si Seungwan sa gilid. Nagtama ang tingin nila ni Joohyun. Itinaas nito ang isang kamay, akmang pinalalapit siya.

 

"Hmm?" Humakbang si Seungwan palapit. Nang abot-kamay na siya ay pinunasan ni Joohyun ang pawisan niyang noo gamit ang likod ng palad nito.

 

Matamis na ngumiti ang dalaga, na parang hindi nakaramdam ng selos, galit, o pagkayamot maghapon. Parang hindi sila nagbangayan kanina lang. Matapos ay bumalik na ito sa ginagawa. Ngumiti si Seungwan nang bahagya sa direksyon ng dalaga kahit hindi na ito nakatingin.

 

"Sa'yo lang."

 

Napalingon si Seungwan kay Jennie, "Ha? Alin ang akin?"

 

"Si Joohyun, sa'yo lang," ngumiti si Jennie na puno ng sinseridad. "Sa'yo lang nahulog nang husto ang best friend ko, Seungwan. 'Wag ka nang magduda -- sa kanya, sa sarili mo, at sa nararamdaman niyo para sa isa't isa."

 

Parang isda si Seungwan sa pagbuka't sara ng bibig niya dahil hindi siya makahanap ng salitang dapat sabihin. Bukod sa kinikilig ang pwet niya, hindi siya sanay na ganito si Jennie. Lagi lang naman biruan o mga tipikal na bagay ang usapan nila. Kaya ang makita si Jennie na parang nanay na hinahabilin na ang kanyang anak sa mapapangasawa nito, hindi siya makapagsalita.

 

"Alam ko namang alam mo na 'yon," kibit balikat ni Jennie at nagpatuloy na sa pag-aayos ng huling pack ng paper cups. "Kaya 'wag mo nang patagalin. Puta, inip na inip na ako sa inyo. Dumudugo na tenga ko sa bawat tili ni Joohyun sa mga momol moments niyo ta's biglang magmumura't magrereklamo kung bakit daw ba hindi mo pa raw siya jinojowa."

 

Natawa si Seungwan. Naimagine niya si Joohyun na kilig na kilig habang nagkukwento kay Jennie na nakabusangot dahil sa natatanggap na mga hampas sa braso. Shet, gwapo mo talaga, Seungwan.

 

"Hayaan mo," mayabang na ngiti ni Seungwan, "Simula bukas, hindi na 'yon magrereklamo."

 

Natigil si Jennie sa pag-aayos, mukhang pinoproseso pa ang sinabi ni Seungwan. Inabot pa ng ilang segundo bago nanlaki ang mata nito.

 

"Tangina? 'Di nga?!"

 

Kumindat siya kay Jennie kaya't napatili ang kaibigan ni Joohyun.

 

"Hoy! Nakita ko 'yon! Bakit may kindatang nagaganap d'yan?!"

 

Natatawang lumingon si Seungwan kay Joohyun na ngayon ay nakapamewang.

 

Patuloy lang sa pagtawa si Jennie kaya't nagmaktol si Joohyun, "Kim Jennie!"

 

"Bae Joohyun!" Sigaw pabalik ni Jennie, "Yari na kami rito, kumusta naman d'yan? Uwing-uwi na ako."

 

"Malapit na," sabi ni Bobogum. Tumingin siya sa lalaki at nagulat siya nang nahuli niya ang mata nito. Ngumiti ito nang makahulugan at tinanguan siya. Sa'yo na.

 

Ngumiti siya pabalik. Akin naman talaga, pero salamat. Kwits na sila, wala ng tensyon. Kelangan na niya ulit sanayin ang sarili na bawasan ng 'bo' ang pagtawag sa lalaki. 

 

"Son Seungwan!" Sigaw ni Joohyun sa kanya, masama ang titig.

 

"Ay, may pa-roll call tayo, sis? Hay nako, kung ako sa'yo, bibilisan ko na d'yan. Baka may maudlot pa," maalam na sabi ni Jennie kaya't kumunot ang noo ni Joohyun.

 

"Pinagsasabi mo?"

 

"Secret, walang clue."

 

Muling nagvibrate ang phone ni Seungwan. Dumantay siya sa lamesa habang binabasa ang reply ni Byul.

 

[Fri, 19:17] BuwanByul: cge s tindahan n lang.

 

[Fri, 19:18] Seung123: bat jan?

 

[Fri, 19:18] BuwanByul: aba e syempre iinom tau kelangan icelebr8 bago mong status

 

Natawa siya. Putangina, advance mag-isip. Hindi pa nga siya sinasagot. Magrereply na sana siya nang makatanggap uli ng text.

 

[Fri, 19:19] BuwanByul: sigurado akong sasagutin k ni joohyun boi mahal n mahal k nyan sabi nya sakin tahimik k lang mapapatay ako non hahaha

 

"Uhh, Joohyun, tama na, aapaw na," muling sabi ni Bobogum.

 

"!"

 

"Ayan, puro kase pambabakod ang inaatupag mo. Future engineer ka, sis, hindi karpintero."

 

"Mama --"

 

"Mamasamain ka na sa'kin, Joohyun, sinasabi ko sa'yo ha," nanggagalaiting sabi ni Jennie.

 

*****

 

Pagkayari mag-ayos ng booth at matapos magpaalam kina Jennie, nagyaya si Joohyun na kumain muna bago umuwi. Hindi na rin nakatanggi si Seungwan dahil maski siya ay ginutom sa mga pangyayari ngayong araw. Kahit na atat na atat na siyang umuwi sana.

 

"'Wan, may extra shirt ka?" Rinig niyang tanong ni Joohyun mula sa loob ng trike. "Amoy pawis ako, ta's natapunan pa ako ng suka kanina."

 

Saglit siyang tumingin sa salamin at nakitang nakanguso ang dalaga habang naghahagilap ng damit sa sariling bag. Jusko, kung pwede lang halikan.

 

"Meron," sagot niya. "Andyan sa bag ko sa harap."

 

Pabalik-balik ang tingin ni Seungwan sa daan at sa salamin para pagmasdan si Joohyun na kinandong ang bag niya. Akmang bubuksan na niya ito nang maalala ni Seungwan ang pulang box na nasa loob ng bag. Napabusina siya nang 'di oras.

 

Nakita niyang nagulat si Joohyun, "Joohyun! A-ano, mamaya na lang pagkakain. Pagpapawisan ka lang din sa kakainin n-natin, eh."

 

Nagpakawala si Seungwan ng mabigat na hininga nang bitawan ni Joohyun ang bag niya at nilapag sa tabi nito.

 

Putangina, muntik na mabulilyaso ang plano niya. Kanina pa hindi umaayon ang tadhana sa kanya. Alas-siyete ang orihinal na usapan nila ni Joohyun na pagsundo sa dalaga sa university. Pero alas-singko pa lang, sinugo na siya ni Joohyun. Ekis na agad.

 

At bago sana siya pumunta, dadaanan niya muna ang bouquet ng roses na pinabili niya kay Byul. Isu-surprise niya sana si Joohyun.

 

Pero taragis, ekis ulit. Si Seungwan ang nasorpresa sa naging takbo ng mga kaganapan. Hindi niya inaasahan na mapapaaga ang pagpunta niya sa Suman, at mukhang mapapaaga rin ang pagpanaw niya sa sobrang selos at inis. Hindi niya tuloy alam kung tama pa ba na ngayon niya tanungin si Joohyun kung pwedeng maging sila na officially.

 

Bumagal ang takbo ni Seungwan nang makita ang karatula ng mamihan ni Aling Hyoyeon na laging kinakainan nila ni Byul. Sikat ito sa mga tricycle drivers. Pa'nong hindi, e hindi lang tiyan ang busog, pati ang mga mata dahil sa magagandang waitress na nagtatrabaho rito. 

 

Nagtataka na nga si Seungwan kung bukod sa pagbebenta ng mami, ay may nagaganap ding bentahan ng mani. Hindi naman sa interesado si Seungwan. Curious lang naman siya. Takot na lang niya kay Joohyun.

 

Pumarada siya at bumaba ng motor, kasabay ng pagbaba ni Joohyun, bitbit ang kanilang gamit. Agad na dinaluhan ni Seungwan ang dalaga. Isinukbit niya ang kanyang sariling bag at binitbit din ang kay Joohyun. Napangiti ang dalaga at hinalikan siya sa pisngi, sabay sabi ng pasasalamat.

 

Sabay silang pumasok sa loob at agad na bumungad sa kanya ang amoy ng chicken mami na favorite nila ni Byul. Dalawa lang ang kumakain sa loob, nagd-date pa ata. Sabagay, kapag malalim na ang gabi saka dumarami ang tao rito.

 

"Oh, Seungwan! Ngayon ka na lang uli dumaan dito," bungad sa kanya ni Aling Hyoyeon nang makita siya nito.

 

"Oo nga ho, eh. Hindi na po ako madalas mamasada, may hinahatid-sundo lang po," sagot niya sabay akbay kay Joohyun sa gilid niya.

 

"Nako, eh kagandang dalaga naman nire," ngiting sabi ng ale, minamata si Joohyun na ngayo'y namumula. "Mainam pa't umupo na kayo at ipapahanda ko na order niyo. 'Yong dati lang ba?"

 

"Opo, isang beef ta's isang chicken. Pakisamahan na rin po ng dalawang order ng siomai."

 

Inilapag ni Seungwan ang mga gamit sa bakanteng lamesa sa gilid ng bintana. Tanaw mula roon ang nagdadaang mga sasakyan. Gabi na at napaisip si Seungwan kung ipagpabukas na lang kaya niya ang binabalak.

 

"Madalas ka rito?" Matamang tanong ni Joohyun habang inililibot ang tingin sa paligid. Dumapo ang mga mata nito sa mga babaeng naka-apron na nakatambay sa counter. Nakatingin ang mga ito sa kanila. Kumaway pa ang isa at kaya't kumaway siya pabalik, matapos ay naghagikgikan ang grupo.

 

Agad niyang napagtanto ang ginawa at napalunok. Dumiretso siya ng upo at humarap kay Joohyun na mas madilim pa sa gabi ang ekspresyon ng mukha.

 

Tangina, mali yata na rito niya dinala si Joohyun para kumain.

 

Ayaw niyang magsinungaling kaya't tumango siya. Tumaas ang kilay ni Joohyun kaya agad niyang dinugtong, "K-kasama ko naman si Byul."

 

Nagpapanic na siya.

 

"Masarap ba?"

 

Napakurap siya, "Ang alin?"

 

Napapalatak si Joohyun, "Ang alin?" Pag-uulit nito sa tanong ni Seungwan, "Bakit? May iba ka pa bang nasarapan dito bukod sa mami?"

 

Nanlaki ang mata ni Seungwan, "W-wala na! Ibig kong sabihin, iba-iba kase ng flavor. Oo, gano'n, naguluhan lang ako," utal niyang sabi.

 

Walang nagbago sa ekspresyon ni Joohyun kaya't laking luwag ng hininga niya nang dumating ang order nila. O hindi rin pala.

 

"Isang beef mami," rinig niyang sabi ng waitress sabay lapag nito sa harap ni Joohyun. Biglang lumamya ang boses nito, "At chicken mami para sa isang chix na katulad mo."

 

Napalingon siya kay Rosé at kinindatan siya nito, "Isusunod ko na lang 'yung siomai, Seungwan," malanding sabi nito sabay talikod. Naglakad ito na parang model, pinangangalandakan ang mahaba at makinis nitong legs.

 

Napadaing siya nang sinipa siya ni Joohyun sa ilalim ng mesa. Lumingon siya sa dalaga at matalim siyang tinignan.

 

"Mga mata mo, Son Seungwan."

 

Awkward siyang tumawa, "Opo, sa'yo lang po ang tingin."

 

"Siguraduhin mo lang," sabi ni Joohyun at nagsimulang humigop ng sabaw.

 

Ilang minuto ang lumipas at tahimik lang silang kumakain. Nagsisimula nang magdatingan ang mga tao kaya't umiingay na ang paligid.

 

Nagvibrate ang phone niya. Binitawan niya ang kutsara at kinuha ang phone sa bulsa.

 

[Fri, 19:44] BuwanByul: anonf bslita

 

Napailing siya. May tama na ang mokong. Nauna pang magcelebrate kesa sa kanya. Nagta-type pa lang siya ng sagot nang makareceive muli ng text.

 

[Fri, 19:45] BuwanByul: ss radiio ag tv

 

[Fri, 19:45] Seung123: kumakain pa kami tangina mo ka wag kayong pakalasing baka masukahan niyo yung bulaklak!

 

[Fri, 19:45] Son Seungwan: tita, dumaan po muna kami ni joohyun para kumain. mamaya ko pa po maiuuwi, okay lang po ba?

 

"Sino ba 'yang katext mo?" Iritang sabi ni Joohyun. Agad niyang binaba ang phone sa lamesa at nilingon ang dalaga na hinihipan ang mainit na sabaw. "Kanina pa 'yan ha."

 

Magsasalita na sana siya nang biglang magvibrate ang phone niyang umilaw sa ibabaw ng table. Sabay pa silang napatingin.

 

[Fri, 19:47] Tita Taeyeon: cge lng no worriez kaw n bahala jan kahit wag mo n iuwi

 

"Katext mo si Mommy?" Takang tanong ni Joohyun.

 

Natawa siya sa at hinayaang mamatay nang kusa ang ilaw ng phone. "Oo, nagpaalam lang."

 

Kumunot ang noo ni Joohyun, "Tungkol saan?"

 

"Basta," sagot niya sabay kindat sa dalaga. Kumunot ang noo ni Joohyun kaya't napangiti siya. Hinaplos ni Seungwan ang noo nito, iniaalis ang kunot sa gitna ng kilay.

 

"Itatanan mo na ako, no?" 

 

Natawa si Seungwan, lumandas ang mga kamay nito pababa sa matangos na ilong ng dalaga at tinapik ito nang bahagya. "Kung itatanan kita, matagal ko nang ginawa."

 

Ramdam ng daliri ni Seungwan ang pag-init ng mukha ni Joohyun.

 

Naputol ang usapan nila nang bumalik si Rosé, dala ang tatlong order ng siomai na inorder nila.

 

"Dalawa lang ang amin, Rosé," nagtatakang sabi ni Seungwan.

 

Dumukwang ang babae palapit kay Seungwan, "May pasobra, dahil special ka," mapang-akit na sabi nito. Agad na lumayo si Seungwan nang maramdaman ang madilim na aura ng nasa harap niya. 

 

"May gusto ka pa ba?" Matamis na tanong ng waitress, hindi man lang nagpapatinag kahit halos patayin na siya ni Joohyun ng tingin. Atapang atao.

 

"Gusto kong umalis ka na," matalim na sabat ni Joohyun, parang mananaksak gamit ang mga salita. Napairap si Rosé at saka padabog na bumalik sa counter.

 

Napadasal na naman si Seungwan ng wala sa oras para sa kaluluwa ni Rosé. Good influence talaga 'tong si Joohyun sa kanya, napapalapit siya sa Diyos Amang Panginoon nating lahat.

 

"'Wag ka nang pupunta rito nang hindi ako kasama," bilin ni Joohyun sa kanya at sumimangot. Sumandal ito sa upuan at pinagsalikop ang mga braso sa may dibdib.

 

Napakurap siya, "Kahit si Byul?" Sumubo ng isang siomai si Seungwan habang takang nakatingin kay Joohyun.

 

Ginaya siya ni Joohyun at kumain na rin. Pero nakakunot pa rin ang noo nito. Pinaglaruan nito ang mga natirang siomai, pinaiikot-ikot sa toyo, habang nakakunot ang noo. Parang ang lalim ng iniisip.

 

"Huy?" Tawag ni Seungwan matapos isubo ang huling piraso ng siomai. "Bawal kahit si Byul?"

 

Nilunok ni Joohyun ang kinakain at tumikhim. Tumingin ito saglit sa kanya at agad ding umiwas, namumula. Huminga ito nang malalim at bumulong.

 

"Bawal ka sa kahit sinong hindi ako."

 

*****

 

Sumunod si Seungwan sa cr matapos magbayad, bitbit ang shirsey niya noong nakaraang liga sa barangay. Tumapat siya sa dulong cubicle na bukod tanging nakasara at kumatok, "Joohyun? Eto na 'yung damit."

 

"May tao ba sa labas?"

 

Kumunot ang noo niya sa tanong ni Joohyun. Chineck na rin ni Seungwan ang unang cubicle kahit na nakabukas naman ito. "Wala naman. Bakit?"

 

"Pakilock 'yung pinto."

 

Napalunok si Seungwan.

 

"Ha? Para sa'n? D'yan ka na magbihis sa loob ng cubicle. Eto, oh."

 

Akmang titingkad na si Seungwan para iabot sana ang damit sa taas ng pinto nang bigla itong bumukas. Nanlaki ang mata niya.

 

"Putangina!"

 

Agad siyang tumalikod at napamura uli siya nang makita sa salamin ang repleksyon ni Joohyun na nakagat sa labi, nagpipigil ng tawa sa naging reaksyon niya. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa makinis na balat ng dalaga at humarap sa sa gilid. Dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto, nanginginig ang kamay na ni-lock ito.

 

Hindi mahabol ni Seungwan ang kanyang hininga. Dinantay niya ang noo sa pinto at pumikit. Mabilis siyang umiling, pilit tinatanggal ang imahe ni Joohyun na naka-itim na bra -- ang maputing balat nito ay parang ang sarap papulahin kapag kinagat niya sa kanyang isipan.

 

"Tangina, Joohyun! Magdamit ka nga!"

 

Halos hindi na marinig ni Seungwan ang bungisngis ni Joohyun dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto na niyang lumabas ng cr, natatakot siyang magkasala ngayong gabi. Kaso nga lang, tangina, kapag binuksan niya ang pinto ay baka may ibang makakita kay Joohyun na dapat ay para sa mga mata niya lang.

 

Nanigas si Seungwan nang maramdaman niya ang pagdikit ng mainit na katawan ni Joohyun sa kanyang likod. Dumausdos ang kanang kamay nito sa kanyang tiyan at niyakap siya.

 

"Pa'no akong magdadamit," sabi ni Joohyun malapit sa kanyang tenga. Naglakbay ang kaliwang kamay ng dalaga sa kanyang katawan, mula sa kanyang bewang pataas sa kanyang balikat at pababa naman sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa shirsey. Ang bawat haplos ni Joohyun ay sinusundan ng pagtaas ng balahibo ni Seungwan. "Eh hawak mo?"

 

Inuntog ni Seungwan ang sariling ulo sa pinto, pilit na tinutuon ang atensyon sa hapdi na nararamdaman sa noo kaysa sa kagustuhan niyang harapin si Joohyun at angkinin ito.

 

Pero sabi nga nila, walang taong hindi marupok kung tawag ng laman ang kumakatok.

 

Mabilis na humarap si Seungwan kay Joohyun upang pagtagpuin ang nag-aabang na mga labi. Hinigit niya ito sa manipis nitong bewang at marahas niya itong isinandal sa pader. Ang likod ng malayang kamay niyang nakahawak sa ulo ni Joohyun ang tumama sa semento ngunit hindi ito ininda ni Seungwan.

 

Lumandas ang mga kamay ni Joohyun sa kanyang katawan at nakahanap ng pahinga ang isa sa balikat niya at ang isa ay nilalaro ang kanyang maikling buhok. Ramdam niyang unti-unting tumataas ang kanang binti ni Joohyun at pilit itong inaangkla kay Seungwan.

 

Bahagyang lumayo si Seungwan at dahan-dahang dumilat. Pinagmasdan niya ang marilag na mukha ni Joohyun -- malamlam na mata, mapulang pisngi, higit na mapupulang labing bahagyang nakabuka -- ang mabilis at mainit na hininga ng dalaga ay dumadampi sa mukha ni Seungwan.

 

"Wan," malat na tawag ni Joohyun sa kanya. Ibinahagi ng dalaga ang kanyang mga hita, pilit na hinihigit si Seungwan sa pagitan nito.

 

Bumaba ang tingin niya sa balingkinitang katawan ni Joohyun. Ang dibdib nito ay mabilis na tumataas baba, kasabay ng matuling pagpintig ng puso ni Seungwan.

 

Saglit siyang lumingon sa gilid upang ipatong sa hugasan ang lukot na damit na kanina niya pa hawak. Ang ngayo'y malaya niyang kamay ay inalalayan ang hita ni Joohyun na nakakapit sa kanyang bewang.

 

Nagpatianod na si Seungwan sa paghigit ni Joohyun sa kanya palapit, idinidiin ang sarili sa katawang nag-aalab. Mapusok at malalim ang mga halik ni Seungwan -- ang naipong galit, selos, at inis maghapon ay pinakawalan na niya. Kaya't napangiti siya nang gantihan ito ni Joohyun, sinisiguradong naiparating niya kay Seungwan na: oo, bawal rin ako sa iba, 'wag kang mangamba, sa'yo lang ako. 

 

Bumaba ang halik ni Seungwan sa leeg patungo sa balagat ni Joohyun. Halos masabunutan siya ng dalaga dahil sa marahan niyang paghaplos sa hita nito, pataas sa makinis na bewang, at pababa uli. Pabalik-balik at pataas nang pataas ang naaabot ng mainit na palad ng driver.

 

"S-Seungwan," singhap si Joohyun nang madaplisan ng kamay ni Seungwan ang balot na dibdib nito, "S-, babe."

 

Napakagat si Seungwan sa leeg ni Joohyun dahil sa narinig niya mula sa dalaga. Mas idiniin pa ni Seungwan ang sarili, kusang tumaas ang kanyang tuhod sa gitna ni Joohyun. Napadaing ang dalaga at wala sa sariling inuntog ang ulo sa pader. Buti na lang at naroon pa rin ang isang kamay ni Seungwan.

 

Naglakbay ang labi ni Seungwan pabalik sa naghihintay na kapareha, ang malayang kamay niya ay nanatili na sa bewang ni Joohyun. Hindi niya mapigilan ang mga daliri na maglaro sa nakapapasong balat ni Joohyun.

 

Para nang lumulutang si Seungwan. Wala na siya sa katinuan. Gusto na lang niyang angkinin si Joohyun at muling marinig namamaos na boses ng dalaga na inuungol ang pangalan niya.

 

Bumalik lang si Seungwan sa reyalidad nang maramdaman niyang bumababa ang isang kamay ni Joohyun patungo sa kanyang pantalon, nilalaro ang butones nito.

 

Putangina.

 

Mabilis na lumayo si Seungwan kay Joohyun, kita sa malamlam na mga mata nito ang pagkagulat sa biglaang pagkawala ng mainit na katawang kanina lang ay nakalapat. Matuling naghahabol ng hininga ang dalawa. Humakbang paatras si Seungwan.

 

"W-Wan?" Paos na tawag ni Joohyun sa kanya. Halata sa mukha ni Joohyun ang pagkalasing sa nangyari. Nakabalandra pa rin ang itim nitong bra at ang namumulang marka sa leeg ni Joohyun. Napalunok si Seungwan at umiwas ng tingin.

 

"Magbihis k-ka na," hinihingal niyang sabi. 

 

Hindi pa rin gumagalaw si Joohyun sa pagkakasandal sa pader. Nakakunot na ang noo ng dalaga, tila naguguluhan sa nangyari. "Bakit ka tumigil?"

 

Dinampot niya ang damit at pilit iniabot kay Joohyun. Tinignan lang ito ng dalaga saglit at binalik sa kanya ang tingin.

 

"Utang na loob, Joohyun," pagmamakaawa ni Seungwan, "Magbihis ka na."

 

Nag-aalangang kinuha ni Joohyun ang damit sa kanyang kamay. Puno ng pagtataka ang mukha nito, at kung siya si Joohyun, malamang ay maguguluhan din siya sa inaakto niya.

 

"Anong problema, Seungwan? Ako ba? S-sorry--"

 

Mabilis na umiling si Seungwan. Humakbang siya palapit at hinawakan ang magkabilang balikat ni Joohyun. Para siyang napaso sa init ng balat nito, kahit na parang kanina lang ay yapos niya ang katawan ng dalaga.

 

"Hindi!" Matigas na tanggi ni Seungwan. "Walang problema sa'yo."

 

"E-eh bakit--"

 

"Tangina," pagputol ni Seungwan. "Tingin mo ba madali sa'kin na tumigil? Hindi mo alam na tinawag ko na lahat ng santo na sana walang kumatok sa pinto para hindi tayo maistorbo. Pero tangina," muling pagmumura niya. Bumitiw siya sa pagkakahawak sa balikat ni Joohyun at yumuko.

 

Hindi niya ipagkakaila, isang kalabit na lang at talagang hindi na maisasalba si Seungwan. Lunod na lunod na siya sa mga halik at daing ni Joohyun. Pasalamat na lang talaga at nagawa niya pang tumigil.

 

Ni hindi pa nga sila, may mangyayari agad? Sa cr? Sa mamihan ni Aling Hyoyeon? Tangina, ibabaon ni Seungwan ang sarili niya nang buhay kung sakaling hindi siya nakapagpigil at tuluyan ngang nakagawa ng milagro. Hindi nararapat kay Joohyun ang ganito, sisiguraduhin ni Seungwan na espesyal ang lahat pagdating sa dalaga.

 

"Hindi sa ganitong lugar ko gustong mangyari ang u-una natin, Hyun," namumula niyang sabi.

 

Napataas ang kilay ni Joohyun sa narinig, "Maghapon mo akong hindi tinawag ng Hyun, ngayon na lang uli," nakangusong sabi nito. At parang magnet, kusang bumaba ang tingin ni Seungwan dito.

 

Tanginang mga labi 'yan, bakit nang-aakit na naman?

 

"Sorry," balik niya ng tingin sa mata ni Joohyun. "Nagselos ako kanina," pag-amin niya. Bumitaw na siya sa pagkakahawak kay Joohyun at sumandal sa may hugasan.

 

"Ako rin naman, pero Wan pa rin tawag ko sa'yo," matamang sabi ni Joohyun at saglit na nanginig. Unti-unti nang humuhupa ang init ng mga ganap kanina kaya't naramdaman na nila ang simoy ng gabi.

 

"Giniginaw ka na, magbihis ka na sabi," palatak ni Seungwan.

 

"Painitin mo uli ako?"

 

Putangina.

 

"Bae Joohyun," umiiling na sabi ni Seungwan. Umayos na siya ng tayo at marahang tinulak si Joohyun sa cubicle. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."

 

"May suggestion ako," kagat-labing sabi ni Joohyun sa kanya bago isara ang pinto ng cubicle.

 

Napakalaking tuso talaga, tangina. Napailing na lang siya at binuksan na ang pinto ng cr.

 

"'Wag mo akong subukan. Baka 'di mo ako kayanin, Hyun."

 

Natawa na lang si Seungwan nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng cubicle bago siya tuluyang makalabas ng cr.

 

/////

 

Buti na lang at malalim na ang gabi. Dahil kung hindi ay malamang nakita na ng tricycle driver kung gaano kapula ang mukha ni Joohyun nang maglakad siya palapit sa trike.

 

Suot niya ang lukot na shirsey ni Seungwan na may tatak na Kuwatro sa harap at SON 43 naman sa likod. Pero kung makahagod ng tingin si Seungwan sa kanya ay para siyang nakalantad.

 

Narinig niyang napamura si Seungwan bago nag-iwas ng tingin at sumakay sa motor. Napataas ang kilay niya.

 

"Bakit? Halatang malaki sa'kin?" Tanong niya nang makasakay siya sa loob ng sidecar.

 

"Okay lang, b-bagay sa'yo," utal na sagot ni Seungwan bago paandarin ang motor at tuluyan nang umarangkada, "Lahat ng sa'kin, bagay sa'yo."

 

Napangiti si Joohyun.

 

Komportable siyang umupo sa loob ng trike ni Seungwan. Naalala niya ang unang beses na sumakay siya rito, walong buwan na ang nakalilipas. 

 

Inutusan siya ng Mama Tiffany niya na bumili sa palengke. Yamot pa nga siya dahil wala ang kapatid niya na papasahan niya sana ng utos ng mama nila. Pero laking pasasalamat niya kay Lord na wala si Eunbi no'n dahil noong araw na 'yon niya nakilala si Seungwan.

 

Tanda niya pa ang makapanindig-balahibong titig ni Seungwan sa kanya simula pa lang ng paglabas niya ng gate nila hanggang sa ipinakilala ito nila Aling Seulgi sa kanya. Kalilipat lang noon ng pamilya ni Seungwan sa Kuwatro mula sa kabilang bayan, dalawang linggo na ang nakakaraan.

 

"Nako, mag-ingat ka, Joohyun," natatawang bilin ni Aling Lisa sa kanya, "May kahinaan si Seungwan sa magagandang dilag."

 

Bahagya siyang namula at nahihiyang ngumiti nang magkantyawan ang mga trike drivers na nasa paligid. Binawal naman ito ni Seungwan ngunit hindi natigil ang malakas na asaran.

 

Lumapit ang trike driver sa kanya makalipas ang ilang saglit. Hindi ito makatingin sa kanta nang diretso, taliwas sa ginawang paninitig nito kay Joohyun kanina lang. 

 

"Pasensya ka na, Joohyun, 'wag ka sanang mailang sa'kin dahil sa mga tukmol na 'yon," hingi ng paumanhin ni Seungwan sa kanya, "Sakay ka na."

 

Pumasok na si Joohyun sa loob ng trike. "Hindi naman," nakangiting sabi niya, "Sanay na ako sa kanila."

 

"Buti naman," hinga ni Seungwan nang maluwag, "'Wag kang maniwala sa sinabi ng mga 'yon."

 

Tumaas ang kilay ni Joohyun, "Ah, so hindi ako maganda?"

 

Nanlaki ang mata ni Seungwan, "H-hindi! E-este, hindi 'yon ang tinutukoy ko. Maganda ka! Para kang anghel na gagabayan ako sa pang-araw-araw," dali-daling litanya ng trike driver.

 

Naalala rin ni Joohyun kung paano bumilis ang puso niya nang marinig ang mga sinabi ni Seungwan. At ngayon heto nga siya, ginagabayan (read: binabakuran) si Seungwan 24/7.

 

Nakagaanan niya agad ng loob si Seungwan matapos ang araw na iyon. Gets niya kung bakit mabilis na naging malapit si Seungwan sa KuToda. Madali itong pakisamahan at mabait. Dagdag pa ang maamong mukha nito at makahulugang mga mata. Nakahuhumaling.

 

Nahuhumaling si Joohyun.

 

Simula noon ay napapadalas na siyang sumakay sa trike ni Seungwan. Lumilibot lang sila sa kung saan, magpapalipas ng maghapon sa kung saan man abutan. Unti-unting nakukulong si Joohyun sa natural na mapupungay na mata ni Seungwan.

 

Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon na ng patakaran sa KuToda na walang ibang pwedeng magsakay kay Joohyun bukod kay Seungwan.

 

"Nanliligaw ka ba?" Tanong ni Joohyun habang pinagmamasdan ang tanawin ng buong bayan. Mahigpit ang hawak niya sa bakal na naghaharang mula sa taas, kinakabahan sa maririnig na sagot.

 

Ito ang unang beses na sinundo siya ni Seungwan mula sa university nang may dalang bulaklak. Matapos ay dumiretso sila sa Uno at nagpalipas ng oras.

 

"Hindi ba halata?" Nakangiting tanong ni Seungwan sa kanya. Magtatatlong buwan pa lang silang magkakilala at sa totoo lang, natatakot na si Joohyun sa nararamdaman niya para sa driver.

 

Masyadong mabilis, hindi siya sanay. Hindi pa kailanman hinayaan ni Joohyun na may makalapit sa kanya nang husto. Pero tanging si Seungwan lang ang masisisi niya kung bakit siya tuluyang nahulog para rito. Kung bakit ba kasi pinaparamdam ni Seungwan na tanging kay Joohyun lang umiikot ang mundo nito, naniniwala tuloy siya.

 

Nagkibit-balikat lang si Joohyun at umiwas ng tingin. Hindi niya na kayang tuluyan pang mahulog sa matatamis na ngiti ng trike driver.

 

"'Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko."

 

Lumapit sa kanya si Seungwan. Sa kahit anong galaw nito, laging nakasunod ang tingin ni Joohyun. Hindi niya alam kung bakit, may kakaibang aura si Seungwan na kusa ka na lang talagang mapapatitig sa kanya.

 

Singliwanag ng buwan ang ngiti ni Seungwan na nakatuon kay Joohyun. Nang makalapit ay marahan nitong kinuha ang kanyang kamay at ipinatong ito sa kumakabog na dibdib.

 

"Gusto kita, Joohyun. Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa'yo?"

 

At hindi namalayan ni Joohyun na limang buwan na ang lumipas simula ng araw na 'yon.

 

Tumunog ang phone niya sa kanyang bag at kinuha niya ito.

 

[Fri, 20:20] KimJen: sis kumusta effective plano ko no??? galing ko talaga shet

 

Kumunot ang noo ni Joohyun.

 

[Fri, 20:21] BaeJoo: pinagsasabi mo

 

[Fri, 20:21] KimJen: pabebe ka pa jan utang na loob mo sakin na may jowa ka na ngayon

 

[Fri, 20:22] BaeJoo: mama mo utang na loob hindi pa ako tinatanong ni seungwan palpak plano mo ulol

 

Well, not totally palpak. Nag-init ang mukha niya nang maalala ang nangyari sa cr kanina.

 

[Fri, 20:22] KimJen: lolo mo ulol sana di ka na talaga jowain sana hindi masarap hapunan mo kanina

 

Hay nako, Kim Jennie, kung alam mo lang kung gaano kasarap.

 

Hindi na nagreply si Joohyun at ibinulsa na lang ang phone. Luminga siya sa labas at nakitang hindi iyon ang daan pauwi.

 

"Hoy, Son Seungwan! Wala ka ba talagang balak iuwi ako?" Sigaw niya mula sa loob ng trike. Tanging maligayang halakhak lang ng driver ang naging sagot nito.

 

Hindi naman siya magrereklamo kung hindi nga sila umuwi. Hindi rin naman siya natatakot dahil si Seungwan naman ang kasama niya.

 

Pero sana man lang nagsabi si Seungwan na magtatanan sila. 'Diba? Jusko, hindi man lang siya nakapaghanda. Wala siyang dalang damit, toothbrush, ph care, at extrang pera. Pa'no silang mabubuhay niyan? Hindi pa siya nakakagraduate, hindi rin pwedeng umasa lang sila sa pamamasada ni Seungwan.

 

Naputol lang ang pagmu-muni muni ni Joohyun nang tawagin siya ni Seungwan.

 

"Hyun?"

 

"H-ha?"

 

"Hakdog," Bumaba si Seungwan sa motor at dumukwang sa loob ng sidecar, "Andito na tayo, baba ka na."

 

"Asan ba tayo?"

 

Napayakap si Joohyun sa sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Iginala niya ang mata niya sa madilim na paligid at nakita ang matayog na rebulto ng bayan ng Suman sa tapat, "Uno Tributo?"

 

Inakbayan siya ni Seungwan at kusa namang yumakap si Joohyun sa bewang nito, "Sorry, malamig ba? Saglit lang tayo rito."

 

Tanging ang mga ilaw lang sa poste at maliwanag na buwan ang gabay nila sa paglalakad. Napatanong si Joohyun kahit na may hinala na siya. Ayaw niyang umasa sa wala. "Wan, bakit tayo nandito?"

 

Patuloy lang silang naglakad paakyat. Ang matarik na daan ay pamilyar kay Joohyun. Humigpit ang kapit niya sa bewang ni Seungwan.

 

Hindi siya sinagot ng driver. Sa halip ay hinalikan lang nito ang ulo niya. Unti-unti nang nararamdaman ni Joohyun ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

 

Nang makarating sa taas ay napasinghap si Joohyun sa nakita. Halo halong pula, dilaw at puti, mga nagtataasang gusali, at ang buong bayan ang bumungad kay Joohyun nang igala niya ang mga mata.

 

Ito ang unang beses na napunta siya rito nang gabi, at pangalawang beses naman na si Seungwan ang kasama niya. Sa parehong pagkakataon ay naghahabol siya ng hininga dahil sa sobrang kaba at pag-asa.

 

Sumagi sa alaala niya na rito rin siya dinala ni Seungwan noong tinanong siya nito kung maaaring manligaw ang trike driver sa kanya. Parang deja vu tuloy ang nangyayari.

 

Hindi kaya? Tangina…?

 

Nilingon niya si Seungwan na naabutan niyang nakatingin na sa kanya. Talo ang mga bituin sa madilim na kalangitan sa ningning ng mga mata ng driver na nakatuon sa kanya.

 

"Wa--S-Seungwan?!"

 

Hindi na napigilan ni Joohyun na mapasigaw nang biglang lumuhod si Seungwan sa harap niya. Napakapit siya sa bakal sa kanyang gilid.

 

Nag-angat ng tingin si Seungwan at bahagyang ngumiti. Napasinghap si Joohyun nang maramdaman niyang may malamig na dumampi sa kanyang kaliwang bukung-bukong.

 

Yumuko si Joohyun at nakita ang kumikinang na gintong alahas sa kanyang paa. 

 

Napasinghap siya, "W-Wan…"

 

Marahang tumayo si Seungwan matapos pagpagin ang kanang tuhod. Huminga ito nang malalim at saka tumingin sa kanya gamit ang malamlam na matang sumisigaw ng pagmamahal.

 

Sigurado si Joohyun na ganon din ang nakita ni Seungwan sa kanyang mga mata kaya't napangiti ito.

 

"Hyun," malumanay na tawag nito sa kanya.

 

Hindi na maipaliwanag ni Joohyun ang kanyang nararamdaman. Ito na ang matagal niyang hinihintay.

 

"Limang buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag kang manligaw ako sa'yo," nakangiting sabi ni Seungwan, "Tanda mo pa?"

 

Tumango siya, hindi na niya kayang magsalita.

 

Hindi mapigilan ni Joohyun na sundan ng tingin ang dila ni Seungwan na lumandas sa kanyang labi. Kinakabahan ito, alam niya.

 

Humakbang si Seungwan palapit sa kanya, ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa. Rinig ni Joohyun ang panginginig sa paghinga ng driver, at sigurado siyang hindi ito dahil sa malamig na gabi.

 

Bumitaw si Joohyun sa pagkakapit sa bakal at lumandas ito sa pisngi ni Seungwan. Naramdaman ng nangangatal niyang mga daliri ang init ng mukha nito. Napapikit si Seungwan at pinilig ang ulo sa kamay ni Joohyun.

 

"Ayoko na," mahinang sabi ni Seungwan ang bawat galaw ng labi nito ay ramdam niya sa kanyang palad. "Ayokong lumipas pa ang isang araw na hindi ko nasasabing akin ka."

 

Halos malagutan ng hininga si Joohyun sa narinig.

 

Dumilat si Seungwan at ipinatong nito ang isa niyang kamay sa kanyang nakapahinga sa pisngi ng driver.

 

"Ayoko nang matulog sa gabi nang may takot na baka paggising mo… hindi na ako. May iba nang nagpapasaya sa'yo, o may ibang pangalan nang tinatawag ang mga labi mo."

 

Mabilis na umiling si Joohyun, "Imposibleng mangyari 'yon."

 

Napangiti si Seungwan. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila at hinalikan ang likod ng palad niya.

 

"Ayoko na ring mangamba ka sa bawat oras na wala ako sa tabi mo. Ayokong nagseselos ka…" Bumuntong-hininga si Seungwan, "Naaasar ako sa sarili ko 'pag naipaparamdam ko sa'yong hindi ka mahalaga sa'kin. Kase, Hyun…"

 

Gumuguhit ang hinlalaki ni Joohyun sa likod ng palad ni Seungwan, matiyagang naghihintay sa kasunod na litanya ng driver.

 

"Tangina," bulong ni Seungwan at hindi mapigilan ni Joohyun na mapabungisngis. 

 

"Kase, ano, Wan?" Malambing niyang tanong.

 

"K-kase hindi 'yon ang gusto kong iparating sa'yo."

 

Napakagat ng labi si Joohyun sa narinig. Nakita niyang pumungay ang mata ni Seungwan.

 

"Ano bang gusto mong iparating?"

 

"Na hindi ka lang basta mahalaga sa'kin. Mahal kita, Joohyun."

 

Kasabay ng pagbitiw ni Seungwan ng mga salitang matagal na niyang gustong marinig at sabihin pabalik ang pagtigil ng mundo niya.

 

"Gusto kong magkaroon ng karapatan sa'yo, Joohyun. Maaari mo ba akong pagbigyan?"

 

Hindi na napigilan ni Joohyun ang sarili na siilin ng halik si Seungwan. Agad na tumugon ang driver at kumapit ang malayang kamay nito sa kanyang bewang.

 

Oo, oo, oo. Ang hindi niya magawang sabihin ay ipinarating na lang ng kanyang mga halik.

 

Ramdam niya sa kanyang mga labi ang pagngiti ni Seungwan kaya't lumayo si Joohyun nang bahagya.

 

"Mahal din kita, Seungwan," hingal niyang sabi na may matamis ding ngiti sa labi. 

 

Niyakap siya ni Seungwan ng mahigpit, sabay paos na humalakhak, "Tangina, sasakabilang buhay na yata ako, Hyun."

 

Hindi lang ikaw, Seungwan. Daig pa ni Joohyun ang lumaklak ng isang thermos ng kape at tumakbo ng isang kilometro sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

 

Ibinaon ni Joohyun ang mukha niya sa leeg ni Seungwan, "Hindi pwede, Wan. 'Di mo pa nga ako nasusuklian."

 

"Oo nga pala, may 480 ka pa sa'kin."

 

Hindi mapigilan ni Joohyun na halikan ang makinis na balat ni Seungwan sa leeg nang naramdaman niyang lumunok ito.

 

Taas-babang hinahagod ni Seungwan ang likod niya, ang mainit na palad nito ay sapat na para hindi maramdaman ni Joohyun ang lamig.

 

"Hayaan mo na," malumanay na sabi ni Joohyun. Inangkla niya ang mga braso niya sa balikat ni Seungwan at hinigit ito palapit. "Sa ibang paraan mo na lang bayaran."

 

Yumuko nang bahagya si Seungwaan para pagtagpuin ang kanilang mga labi.

 

"Hmm? Ano bang," urong nito sabay sulong uli, "Gusto mo?"

 

Pabirong kinagat ni Joohyun ang ibabang labi ni Seungwan, matapos ay tumaas ang halik niya patungo sa tenga nito. "Tatlong wampipti rin 'yon, Wan. May tip ka pa."

 

Tumawa si Joohyun nang maramdamang naestatwa si Seungwan sa yakap niya. Ilang segundo rin ang lumipas at malutong itong nagmura. Humigpit ang kapit nito sa bewang niya at pinisil ito.

 

"K-kelan…" Garalgal na tanong ni Seungwan, "Kelan k-ko ibibigay?"

 

Nilayo niya ang mukha niya para tignan nang mabuti si Seungwan na nakakunot ang noo at mukhang hirap na hirap. Matamis na ngumiti si Joohyun, at muling hinalikan si Seungwan.

 

"Sa susunod na lang."

 

 

wakas.

 

 

 

 

a/n: cHARAAAAAN yari na po ang kagaguhan ng siraulo niyong otor hahdjdkkdksks gusto ko lang sabihin na salamat sa pagbabasa nito. first time kong may mai-ambag sa wr neyshon shet hahshdhdhhdjfkf

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 6: Waiting for -ti- 😂
Sakurawenrene
#2
Chapter 6: Ang ganda ng storykahit paulit-ulit basahin. Maraming salamat author-nim. Kaso hindi pa rin pala tapos to, waiting for update. 🥰
juhyuneeeee
95 streak #3
gusto ko lang sya ulit basahin ng paulit ulit 🥹🥰
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: still waiting for the -ti- sa wampipti 💗💙 sana happy and safe ka, author!
WenRene_77 #5
Chapter 6: di nkakasawang basahin tlaga to kahit paulit ulit, hi author! i hope ur doing ok, sana my update hehe stay safe😊💙💝
TaeRene #6
Chapter 6: nireread ko ulit ung story ang ganda parin talaga 🤧
Nazrif
#7
Chapter 6: Awwww that so sweet, thank you author your doing great, and hope this story can have sequel maybe hehe but thank you soososo much i really like it and enjoy it🤧🙈💝💙💝💙😻😌🙊👌🏻👌🏻👏🏻👏🏻🥳🥳🙏🏻🤗🙌🏻👏🏻💪🏻👋🏻✍🏻💪🏻
Emgeelex
#8
Chapter 6: Awwwee 🥺🥺 ang cute po ❤
hi_mitochondria #9
Chapter 6: Kasalan naman next whoooooo
marvolo #10
Chapter 6: grabe yorn. sana pwede ako maki-tira