1.5/2

Sa Susunod Na Lang

Summer after high school

When we first met

We make-out in your Mustang 

To Radiohead

 

"Tanginang 'yan," tawa ni Byul na mas malakas pa sa tunog ng motor nito. "Ganda ng tugtog, no, boi?"

 

Pumarada si Seungwan sa gitna ng Fortuner nina Mang Daniel at sa trike ni Byul. Agad bumaba ang mag-asawa na kanyang sakay. Ngiting-ngiti si Aling Seulgi, hindi niya alam kung nang-aasar ba o sabik lang sa alak.

 

Nagbabalak siya na paandarin uli ang trike, at umuwi na lang, pero tinapik siya ni Byul, "Baba na, boi. 'Wag kang kabahan d'yan, 'di naman alam ni Joohyun."

 

Dapat lang talaga na 'wag malaman ni Joohyun na andito siya sa bertdeyan kung saan siya na ang pinakamasarap na handa. Charot without c.

 

Napalunok si Seungwan na siyang ikinatawa ni Aling Seulgi, "Saglit lang tayo rito, Seungwan. Mga alas-otso, aalis na rin tayo."

 

Fake news. Malabong masunod ang plano, lalo na't 'pag naupo at naharap na si Aling Seulgi sa alak, jusko. Ayos na rin na kasama nila ngayon si Aling Sooyoung, may aawat sa lasinggera.

 

Wala nang nagawa si Seungwan nang pumasok na sa loob ng gate ang mag-asawa, at si Aling Lisa na sakay naman ni Byul. Tanging ang magkaibigan na lang ang natira sa labas.

 

"Malay mo naman, wala na d'yan," pampalubag-loob ni Byul.

 

Bumaba na si Seungwan sa kanyang motor, ibinulsa ang susi at huminga nang malalim.

 

"Gago ka ba? Ikaw na nga 'tong nagsabi na may taga-Dos d'yan."

 

Humagalpak ng tawa si Byul, ngunit nasapawan ito ng malakas na tugtog nang nakapasok na sila sa gate nina Aling Jihyo.

 

"Sabi lang ni Solar. Nagpaalam kase sa'kin na pupunta sila rito ngayon. Kasama nga raw nila 'yung sina Dahyun. Pero kanina pang alas-tres 'yon, nakauwi na bebe ko. Baka sila rin."

 

Tamang tango at ngiti lang si Seungwan habang nadadaan sa mga lamesa na nakapwesto sa bakuran. Mga ilang kapitbahay, ilang ka-Toda, mga nakalaro nila sa Liga noong nakaraang buwan, mga kamag-anak ng may kaarawan, at marami pang ibang mga kakilala niya.

 

May ilang nagyayaya sa kanila na umupo sa table nila, may ilang kumakaway, may kumikindat. Natatawa na lang siya.

 

Malawak ang network ni Seungwan. Marami siyang nakakahalubilo dahil tricycle driver siya. Kung saan-saan siya napapadpad. At dahil na rin nga cute/gwapo/maganda (pili na lang kayo), mabait at madaling pakisamahan ang ate niyo, ayon, kilala siya sa buong bayan.

 

"Uy, Seungwan!"

 

Napalingon ang dalawa sa tumawag, si Ate Nayeon, mula sa pinto ng bahay.

 

"Uy, ate! Happy birthday!" Lumapit ang celebrant sa kanila, yumakap pa ito sa kanya.

 

Ngumiting nakakaloko si Byul, 'close kayo?' -- buka ng bibig nito. 'Gago' -- balik niya.

 

"Salamat!" Ngiti ni Ate Nayeon. "Nando'n na sa loob sina Aling Lisa, nauna na sa inyo. Pasok kayo ro'n, likayo! Mas kaunti ang tao, mga kaibigan ko lang."

 

Nanlaki ang mata ni Seungwan.

 

"Ay, ate, nakakahiya! Dito na lang kami ni B--"

 

"Sige, ate! Wala na ngang maupoan dito sa labas, eh," sabat ni Byul, sabay lingon sa kanya, tumataas-baba ang kilay.

 

Kung may ilalaki pa ang mata niya, nagawa na niya. Pinandilatan niya ang kaibigan, 'tangina mo???' Ramdam niya ang pagtraydor ng kaibigan. Si Byul ang una niyang mumultuhin 'pag natuluyan siya ngayong gabi.

 

In another life

I would be your girl

We keep all our promises 

Be us against the world

 

Mas lumakas ang tugtog ngunit mas malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang nakapasok na sila sa loob ng bahay nina Mang Daniel.

 

"Magandang gabi po!" Bati ni Byul nang makita ang may-ari ng bahay.

 

"Oh, halikayo, pasok!" Anyaya ni Aling Jihyo sa kanila, "Kuha na kayo ng pagkain d'yan! Buti nakapunta kayo, lalo na ikaw, Seungwan. Nariringgan ko maraming naghahanap sa'yo kanina pang hapon."

 

Naubo si Seungwan. Natawa naman si Byul. Maligayang maligaya ang mokong sa sinasapit niya.

 

"Nako, Aling Jihyo, kanina pa kami dapat nandito nina Aling Seulgi. Talagang hinintay lang namin 'yan, may sinundo pa kase," paliwanag ni Byul habang kumukuha ng apat na pirasong shanghai at patatas at hotdog ng menudo.

 

"Gano'n ba? Aba, eh, may bago na palang hatid-sundo itong si Seungwan," pagmamasid ni Aling Jihyo. Ito ang unang pagkakataon ngayong gabi na ngumiti siya nang totoo. Namula pa siya ng slight, naalala niya ang nangyari sa may stoplight kanina.

 

"Oh, siya. Saka ko na kayo kukumustahin, kumain muna kayo. Ayon sina Lisa sa tabi ng hagdan," turo ni Aling Jihyo. Tinapik pa siya nito sabay alis.

 

Tangina? Lakas magsabi ni Aling Seulgi na saglit lang sila ro'n eh sa dami ng bote sa table nila, mukhang aabutin sila hanggang alas-tres ng madaling araw.

 

Napailing na lang si Seungwan.

 

"Boi, kuha ka pa nga ng shanghai. Kulang 'to sa'tin." 

 

"Baka kulang sa'yo, patay gutom ka. 'Wag mo kong idamay sa kahihiyan mo."

 

"'Langya nito, oh. Parang 'di tropa. Lintik lang ang walang ganti, ipagkakanulo kita mamaya, makita mo," hamon ni Byul sa kanya, sabay alis papuntang lamesa nina Aling Sooyoung.

 

Hindi ito sineryoso ni Seungwan. "Nyenyenye," pang-aasar pa niya sabay dekwat ng isa pang shanghai bago sumunod sa kaibigan.

 

*****

 

Mali.

 

Nagkamali si Seungwan.

 

Dapat ay sinunod na lang niya si Byul at kumuha ng ilang piraso ng shanghai, kahit dalin niya na ang buong tray sa table nila. 'Wag lang ganito.

 

Tangina. Pinagpapawisan na siya nang malagkit.

 

"Jusko, Seungwan," sabi ni Byul na rinig sa buong bahay, "'Nalulusaw ka na!" Pinupunas-punasan pa siya ni gago, sabay bulong, "Kanina pa nakatitig sa'yo, boi. Nagsisisi na yata."

 

Malakas na kantyaw nina Aling Seulgi ang umalingawngaw.

 

"Moonbyul," mahinang suway niya, "Nakakahiya kang punyeta ka. 'Wag kang issue d'yan."

 

Hindi siya nito pinansin at sa halip ay nagpatuloy pa sa pang-aasar.

 

"Ba't 'di mo kaya puntahan 'yung bawat table? 'Wag mo naman ipagkait presensya mo."

 

Nakisawsaw ang mga kaibigan ni Ate Nayeon.

 

"Oo nga, Seungwan. Simulan mo rito sa'min," gatong ni Dahyun, nakipaghi-five pa kay Byul.

 

"Ulol kayo, hindi naman ako 'yung may birthday!"

 

Napalagok ng SanMig si Seungwan. Nakakadalawang lata na siya dahil sa pang-aasar ni Byul.

 

Siniko siya sa tiyan ni Aling Sooyoung at saka bumulong, "Alin d'yan 'yung ex mo?"

 

Nasamid si Seungwan, tanginang bulong 'yan, nahiya pa isigaw para rinig na rin ng kabila.

 

"Nako, Aling Sooyoung, lahat ng nasa kabilang table, naging shota ni Seungwan!"

 

Nagtawanan lahat, nagpanic siya.

 

"Tangina mo ka!" Gusto na niyang sakalin si Byul. "Aling Sooyoung, 'wag kang maniwala d'yan! Wala pa akong nagiging jowa!"

 

Isa lang naman ang gusto niyang jowain.

 

"OOOOOH!!!"

 

"Mapagpanggap! Pa kang pota ka!" 

 

At iba't ibang klase pang reaksyon ang narinig niya, ngunit nangibabaw ang:

 

"Mina, oh! 'Di mo raw kase jinowa!"

 

Ate Nayeon, pasalamat ka't sumapit ka ng bente-uno ngayon. Magdasal ka na dahil hindi ka na aabot ng bente-dos, tangina ka.

 

Nakaraan pa ang ilang oras na puro kantyawan, asaran at kwentuhan ang naging ganap. Hindi maiwasan ni Seungwan na sumulyap paminsan-minsan sa kaliwa, at sa bawat pagkakataon ay nagtatama ang kanilang paningin ni Mina.

 

Nanlalamig si Seungwan, kahit naiinitan na ang sikmura niya dahil sa alak. Naaalala niya ang namumula sa galit na si Joohyun, jusko. Lagot talaga siya ro'n.

 

Tumayo si Seungwan at nagpunta sa CR. Naghilamos lang saglit para mahimasmasan. Magmamaneho pa naman siya mamaya.

 

Nagulat na lamang siya pagkabalik niya ay agad siyang inakbayan ni Byul.

 

"Eto, oh, si Seungwan! Isasakay ka nito kahit papuntang langit pa 'yan!"

 

"Gago? Pinagsasabi mo?"

 

Nakita niyang nakatayo si Mina at mukhang pauwi na.

 

Teka…

 

"Hayop ka?!" pasigaw na bulong ni Seungwan kay Byul na nakaakbay pa rin sa kanya nang mapagtanto niya ang binabalak nito.

 

"Boi, ihatid mo na. Ikaw lang walang tama sa'tin dito," paliwanag ni Byul habang nakangiti.

 

Napatingin siya kay Mina nang magsalita ito, "'Wag na, Byul. Nakakahiya kay Seungwan. Baka may magalit."

 

Talagang may magagalit, tangina.

 

Wala ng bisita sa labas, at sila na lang ni Byul ang may dalang trike. Alas-diyes na, wala ng masasakyan si Mina. Delikado rin ang maglakad, malayo-layo pa naman ang Dos…

 

Bahala na.

 

Umiling si Seungwan, "Okay lang, Mina. Ihahatid na kita. Magpaalam ka na kina Ate Nayeon."

 

At magpapaalam na si Seungwan sa mundong ibabaw.

 

Bumalik ang tingin niya kay Byul, malamlam na ang mata, mukhang may tama na nga.

 

"Pa'no kayo uuwi nila Aling Seulgi? Babalikan ko kayo?"

 

"'Wag na, magkakape na lang muna ako saglit. Kaya ko naman siguro, ilang kanto lang naman."

 

Napalingon si Seungwan, pinagmamasdan si Mina na nagpapaalam kina Aling Jihyo. Mukhang maraming pabaong natirang handa pauwi.

 

Tinapik siya ni Byul sa balikat kaya't napatingin siya sa kaibigan. Halos nakapikit na ito at bahagyang ngumiti -- hindi niya alam kung ngiting naaawa ba o nanloloko o pinagsasabihan siyang ayusin niya ang buhay niya para wala na siyang pagsisihan.

 

Napalunok si Seungwan. Hindi niya alam kung pinepeke lang ba ng kaibigan ang pagkalasing nito o ipinagkakanulo na siya nito kay Satanas.

 

Dahil talaga 'to sa shanghai.

 

"Tara?" Aya ni Mina.

 

Tangina, tama ba 'tong desisyon ni Seungwan?

 

"Mapapatay ako ni Joohyun, Byul," nanginginig niyang sabi.

 

"Ipagtitirik kita ng kandila bukas."

 

/////

 

"Aray!" Palatak ni Joohyun nang nakagat niya ang labi nito habang kumakain ng mani't kornik. Nanunuod ng TV ang magkapatid, habang ang mga magulang niya ay naghahanda para sa undas bukas.

 

"Oh?" Tanong ni Eunbi, "Dumudugo labi mo."

 

Dinalaan niya ang labi niya, at tama nga, lasang kalawang ito.

 

"May nakaalala d'yan, bunso," sabat ni Mommy Taeng niya, sumilip mula sa kusina.

 

"Nineteen!" sabi naman ni Mama Tiffany.

 

"Letter S!" Sigaw ni Eunbi matapos magbilang, "Nako, si Ate Seungwan!"

 

Namula siya. Naalala na naman niya ang note nakasabit sa isa sa mga roses.

 

"Ba't naman ako maaalala no'n? Anong oras na, tulog na 'yon," irap ni Joohyun, nagpipigil ng ngiti.

 

"Pakipot ka pa, kilig naman kepyas mo d'yan," asar ng kapatid.

 

"'Yang bibig mo ha! Sa'n mo natututunan 'yan? Sabi ko naman sa'yo 'wag kang magsasama ro'n sa Hapon mong kaibigan! Mama nga, oh!"

 

Dinilaan lang siya ng kapatid, "Nyenyenye."

 

"Oh, mag-aaway na naman kayo d'yan," bagot na sagot ni Mama Tiffany.

 

"Ibigay mo na 'yang kutsilyo, boo, magpatayan na kamo sila."

 

"Isahog mo sa adobo 'yung masasaksak. Babaunin natin sa undas bukas."

 

Tama kayo ng nababasa, ganyan ang mga magulang ni Joohyun sa kanilang magkapatid. Sawa na marinig ang mga sumbong ni Joohyun (oo, sumbongera siya kahit siya ang panganay), at mga pambabara ni Eunbi sa kanya na nauuwi sa pagsusumbong at uulit na naman sa simula.

 

"Oo nga pala, wala ng suka," sabi ni Mommy Taeng habang naghihiwa ng karne. 

 

"Joohyun, bumili ka nga d'yan kila Sooyoung."

 

"Ba't ako?!" Talak ni Joohyun. "Eunbi, bumili ka raw ng suka."

 

"Luh! Eh, ikaw kaya ang inutusan."

 

"Kaya nga. Oh, ikaw naman ang inuutusan ko ngayon."

 

"Ba't mo pinapasa sa'kin? Mama nga, oh, si ate!"

 

"Hay nako, bilis na at pakukuluan ko na 'to maya-maya!" Rinig nilang sabi ng Mommy Taeng nila.

 

"Ate! Bilis daw!"

 

"Ikaw na kase, Eunbi! Gabi na, takot ako sa dilim!"

 

"Gaga ka ate, eh, and'yan lang sa tapat 'yon! Kalapit-lapit!"

 

"Malapit lang pala kamo edi ikaw na ang bumili!"

 

"Malay mo nakatambay pa ro'n si Ate Seungwan…"

 

"Sabi ko nga! Ako na ang bibili!" Biglang tayo ni Joohyun mula sa sofa na ikinagulat ni Eunbi, natapon tuloy ang kinakain nila. Dumila lang si Joohyun sa nakababatang kapatid, sabay takbo papuntang kwarto upang mag-ayos.

 

Nagsuklay siya, nagpabango at nagpulbos din. Bago lumabas ng kwarto niya ay sinulyapan niya ang tatlong roses na binigay ni Seungwan kanina. Napangiti siya at hindi mapigilang kiligin nang maalala na naman ang nangyari kanina.

 

Hindi niya alam ang maramdaman nang makita niya ang mga bulaklak no'ng tanggalin niya ang damit na nakataklob sa lalagyan sa harap ng trike ni Seungwan.

 

Gusto pa sana niyang kimkimin ang galit at selos niya para ibunton niya itong lahat kay Seungwan 'pag nakauwi na sila. Kaso, may pabulaklak ang trike driver niyo, nalusaw ang pagmamatigas ni Joohyun at napalitan iyon ng kilig, tuwa, at kilig ulit.

 

Jusko, sino ba naman ang hindi mapapahalik kung galing ka sa selos, ta's biglang babawian ka ng "I love you, Hyun" na note sa roses? 

 

Tamang rupokpok lang para kay Seungwan.

 

*****

 

Maingay na nag-iinuman sina Moonbyul, Aling Seulgi at Aling Lisa sa garahe nila Aling Sooyoung. Wala na ang ninakawan niya ng halik, mukhang umuwi na.

 

Sayang, pagbabayarin pa naman niya sana ito ng goodnight kiss.

 

Sa susunod na lang siguro.

 

"Aling Sooyoung, pabili nga ho ng suka."

 

"Alas-onse na, Joohyun, aanhin niyo pa ang suka?" Usisa ng tindera habang inaasikaso ang binibili niya.

 

"Eh, nag-aadobo po si Mommy," magalang na sagot niya. "Hating-gabi na po, nag-iinuman pa sila?"

 

"Nako, ayaw magpaawat," iritang sagot ng tindera, iniabot ang suka. Binigay naman ni Joohyun ang bayad niya.

 

"Kagagaling nga lang namin do'n sa handaan kina Daniel, ewan ko ba't itinuloy pa ang natigil na inuman ro'n."

 

"Bitin kase, mahal," maligayang sabat ni Aling Seulgi.

 

"Mama mo bitin," pambabara naman ng asawa nito.

 

Natawa na lang si Joohyun, sanay na sa bangayan ng mag-asawa.

 

"Sige ho, mauna na ho ako. Salamat po," paalam niya sa mga naroon.

 

Tumawid na siya pauwi. Papasok na sana niya ng gate nang may marinig siyang nagpapantig ng kanyang tenga.

 

"Nako, pustahan, 'di na uuwi 'yong si Seungwan!" halakhak ni Aling Lisa.

 

Ano raw?

 

"Sumakabilang toda na," biro ni Aling Seulgi.

 

"Sasakabilang buhay ka'nyo 'pag nalaman ni Joohyun," sabi naman ni Moonbyul.

 

Patakbo siyang tumawid pabalik at kinakabahang nagtanong, "Ang alin, Moonbyul?"

 

Nagulat ang matalik na kaibigan ni Seungwan nang makita siya, napamura nang mahina.

 

"W-wala 'yon, Joo--"

 

"Ay, Joohyun! 'Yong si Seungwan, may hinatid na taga-Dos," daldal ni Aling Lisa -- lasing na lasing na at halos hindi na maintindihan ni Joohyun ang pinagsasabi nito. 

 

"Kanina pang alas-diyes sila umalis kina Daniel. Baka nag-So--," dagdag nito nang biglang binuhusan siya ni Moonbyul ng alak sa mukha. "Tangina?!"

 

"Somemplang 'yung trike ni Seungwan!" Biglang sabi ni Moonbyul. "Kaya 'di pa nakakauwi! Somabog 'yung gulong, oo, gano'n!"

 

Nagbabalik ang init sa katawan ni Joohyun, the oh so familiar heat na kaninang hapon niya naramdaman.

 

"Sino po ang hinatid, Aling Seulgi?" Nagtitimping tanong niya. Kelangan niyang malaman kung anong pangalan ang hahanapin niya sa mga puntod bukas sa undas.

 

"Nako, hindi ko na tanda ang pangalan. Basta maganda, 'yon yatang Miss Barangay Dos no'ng nakaraang fiesta," sagot ni Aling Seulgi habang pinipigilan si Aling Lisa na umaamba na ng suntok kay Moonbyul.

 

Lumalalim na ang paghinga niya, nakakuyom na rin ang kanyang kamao.

 

"Mas maganda ka, Joohyun! 'Wag kang papatalo!" Sabat na naman ni Moonbyul, na ngayon ay sinampal si Aling Lisa upang makatulog na, "Pahamak kang matanda ka! Tangina, sana 'wag mo 'tong maalala bukas."

 

"Moonbyul," mas malamig pa sa gabing tawag ni Joohyun sa kaibigan ni Seungwan.

 

Seungwan. Tanginang 'yon, sabi nang si Joohyun na ang huli niya, eh!

 

Nanginig si Moonbyul. Napalunok ito at biglang tumayo. 

 

"A-ano kase, Joohyun, si --"

 

"Do'n tayo mag-usap," turo ni Joohyun sa sementadong upuan sa mismong tindahan. Tinalikuran niya si Moonbyul at umupo na.

 

"Aling Seulgi, kayo na po muna bahala kay Aling Lisa. Kayo na rin po ang bahala sa bangkay ko, paki-cremate po," bilin ni Moonbyul bago sumunod at umupo sa tapat niya.

 

*****

 

Alas-dose na at hindi pa rin umuuwi si Seungwan.

 

Sa ilalim ng puting ilaw ng poste at dilaw na buwan, mag-iisang oras nang nakaupo si Joohyun sa tindahan ni Aling Sooyoung. Fake news ang 24/7 na karatula nito sa harap, dahil sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ni Moonbyul ay nagpaalam na ang may-ari na isasara niya na ito.

 

Matapos ang usapan nila -- simula sa pag-aya nina Aling Seulgi kay Seungwan sa handaan hanggang sa napunta na sa kung sino si Mina sa buhay ng kaibigan niya -- ang daldal talaga ng mga may tama -- lutang na bumalik si Joohyun sa kanila. Patay na ang mga ilaw at tulog na ang mga magulang at kapatid niya. Hindi na rin nagawang magtaka ni Joohyun kung paanong naluto ni Mommy Taeng ang adobo eh wala namang suka. Binaba niya na lang sa counter ang binili at pumasok na sa kwarto niya.

 

Hindi siya mapakali sa higaan kaya't napagdesisyunan niyang hintayin si Seungwan na makauwi. Kaya eto si Joohyun ngayon, pinapapak na ng lamok kakahintay.

 

Andami-dami niyang iniisip, mga gustong sabihin at itanong sa driver na mukhang walang planong bumalik.

 

Tangina no'n. Subukan niya lang 'di bumalik. 

 

Napairap si Joohyun sa kawalan.

 

Edi 'wag siyang bumalik. Do'n nalang siya sa Dos. Tutal mas maraming magaganda ro'n, mas maraming chix. Magiging mas malaki ang kita niya ro'n, maraming gustong gustong sumakay sa kanya. Do'n na lang siya sa totga niya! Magsama sila no'ng Mina na 'yon! Tangina niya!

 

Pake ba niya kung nakainom si Seungwan habang nagmamaneho? Kaya na no'n sarili niya. Malaki na si Seungwan. Maliit, pero may isip na yo'ng gagong 'yon.

 

Pa'no kung naaksidente pala kaya 'di pa nakakabalik?

 

Napatayo si Joohyun mula sa pagkakaupo. Hindi niya na mapigilan ang mga naiisip niya.

 

Pake ba niya kung 'di na nga umuwi si Seungwan? Hindi naman si Joohyun ang papagalitan ng mga magulang nitong sina Aling Jessica at Aling Yuri. 

 

Pa'no kung nakitulog yo'n kila Mina? 

 

'Kase gabi na at delikado na bumyahe pabalik sa Kuwatro, kaya sa kwarto ko na lang ikaw matulog, Seungwan.'

 

Putangina! 'Di siya makakapayag!

 

Nadengue na yata si Joohyun sa mga kaganapang nabubuo niya sa utak niya. Nasisiraan na siya ng bait, sa totoo lang.

 

Pake niya ba kung 'di na bumalik si Seungwan? Marami pa namang tricycle d'yan! Marami siyang pwedeng sakyan. Do'n na lang siya kay Bogum, kahit masuka siya araw-araw. Hayaan niya na 'yung 480 na sukli niyang hindi pa niya nakukuha. Pati 'yung…

 

Tumalungko na siya sa gitna ng daan. Dumukdok siya at nagpipigil na ng luha.

 

Tangina, 'yung 480 kaya niyang balewalain. Pero 'yung kiss, hindi! May nalalaman pang 'I love you, Hyun'! Pero asan siya ngayon? Ando'n! Kay Mina na dati niyang kalandian pero iniwan naman siya sa ere pero siguro first love never dies nga, kaya ayon, 'di na babalik si Seungwan sa kanya!

 

Umiiyak na si Joohyun. Nakakabwisit. Lakas niya magdrama, hindi naman sila.

 

Tangina, mas naiyak pa siyang lalo.

 

Seungwan, please. Umuwi ka na, baby. 'Di na ako sanay ng wala ka. Mahirap ang mag-isa. At sa gabi'y hinahanap-hanap kita. Hanggang kailan maghihintay si Joohyun na makasamang muli si Seungwan sa buhay niyang puno ng paghihirap?

 

Hindi alam ni Joohyun kung ilang oras siyang nakatalungko sa gitna ng kalsada. Inabot na ata siya ng umaga kakahintay dahil may liwanag na biglang tumama sa mga nakapikit niyang mata nang unti-unti niyang inangat ang ulo niya.

 

"Joohyun?!"

 

Nababaliw na yata siya. Parang naririnig niya ang boses ng minamahal niyang iniwan siyang nag-iisa sa gitna ng kawalan.

 

Nakarinig siya ng ilang mala-chicharong mura. Biglang nawala ang liwanag na nakatama sa mukha niya, kasabay ng garalgal ng makina na ngayon niya lang napansin. Minulat na ni Joohyun ang mga mata.

 

"Tangina, bakit ka nandito sa labas?! Hatinggabi na, Joohyun! Puta, ano bang ginagawa mo d'yan?!"

 

Hindi na niya pinansin ang mga masasamang words na binato sa kanya. Dali-dali siyang tumayo, at tumakbo upang mayakap si Seungwan.

 

Nawala lahat ng pangamba ni Joohyun sa isang saglit lang na nagdikit ang mga katawan nila. Lahat ng takot, pag-aalala, selos, galit -- lahat nawala nang parang bula.

 

Lumuwag ang yakap ni Seungwan sa kanya nang marinig ang hagulgol niya, pumiglas ito upang makita ang mukha niya.

 

"H-Hyun? Bakit ka umiiyak? Teka nga."

 

Naramdaman niya sa ulo niya ang kamay nito ngunit umiling siya at pilit pang ibinaon ito sa leeg ni Seungwan.

 

Humigpit ang yakap niya sa driver nang bigla siya nitong inangat, ang dalawang kamay nito ay nasa kanyang hita. Pinalupot ito ni Joohyun sa bewang ni Seungwan habang naglalakad ito papunta kung saan man. Nakabaon pa rin ang ulo niya sa leeg ni Seungwan, ang halong amoy ng alak at baby powder ang nagpakalma sa kanya.

 

Walang kahit anong amoy ng pabango ng ibang tao. Huminga siya nang maluwag, tumigil na sa pag-iyak.

 

Ibinaba siya ni Seungwan sa motor nito pero hindi pa rin bumibitaw ang koalang tinubuan ng Joohyun.

 

"Hyun," malambing na bulong ni Seungwan. Ang isang kamay nito ay nanatili sa kanyang hita at ang isa naman ay nasa kanyang buhok, sinusuklay ito nang marahan.

 

Hinalikan siya nito sa ulo.

 

"Bitiw ka muna saglit, Hyun. Itatabi ko lang 'tong trike. Nasa gitna tayo ng kalsada."

 

Dahan-dahang lumuwag ang kapit niya kay Seungwan. Iniangat na rin niya ang ulo niya at nagkatinginan sila. Malamlam na ang mga mata ni Seungwan, pinaghalong may tama at antok. Pero tangina, ang ganda pa rin.

 

Biglang nahiya si Joohyun sa itsura niyang malamang ay mukhang sabog sa kakaiyak kaya't umiwas siya ng tingin. Bababa na sana sa motor nang hinawakan ni Seungwan ang mukha niya at pinunasan ang mga 'di pa natutuyong luha sa mga pisngi niya.

 

Ngumiti si Seungwan, matapos ay tumagilid upang hawakan manibela at unti-unting tinulak ang trike papuntang tindahan.

 

Hindi makapaniwala si Joohyun na andito si Seungwan sa harap niya. Parang kanina lang kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya, ta's ngayon…

 

Naramdaman siguro ni Seungwan ang titig niya dahil mas lumawak ang ngiti nito habang ipinaparada ang trike.

 

Humarap ang trike driver sa kanya, malapad pa rin ang ngiti. Parang nang-aasar na nga. Bwisit 'to.

 

Yumakap uli si Joohyun sa kanya -- dalawang braso sa leeg, dalawang hita sa bewang, ulo sa leeg.

 

Tumawa si Seungwan.

 

"Miss na miss, gustong magpakiss ng mahal ko?"

 

Kinagat niya ang leeg nito.

 

"Aray!" Daing ni Seungwan pero mukhang hindi naman ito nasaktan nang yumakap din ito sa kanya. Dalawang kamay sa kanyang bewang.

 

"Bakit ka nasa labas? Sobrang delikado, Hyun, pa'no kung may mangyari? Wala ako sa tabi mo 'pag nagkataon."

 

"Eh ba't ka kase umalis?"

 

"Inaya lang nila ako, Hyun--"

 

"Okay na. Sinabi na lahat ni Moonbyul sa'kin."

 

"L-lahat?"

 

Tumango si Joohyun.

 

Napapalatak si Seungwan, "Gagong 'yon."

 

Humigpit ang yakap ni Seungwan sa kanya.

 

"Sinabi sa'kin ni Mina na si Byul ang nagpumilit na ako ang maghatid sa kanya kahit tumanggi siya. Sabi raw ni Byul, mag-usap kami at magkaayos para wala na akong baggage 'pag naging… tayo na."

 

Nag-hum lang si Joohyun, "Okay na kayo ngayon?"

 

"Oo? Siguro."

 

"Bakit hindi ka pa sigurado?"

 

"Napag-usapan na namin 'yung nangyari, bakit bigla siyang umalis nang walang paalam, mga gano'n. Pero…"

 

Inangat ni Joohyun ang ulo niya para makita si Seungwan na hindi sigurado kung itutuloy ba ang kinukwento.

 

"Pero?" Taas-kilay na tanong niya.

 

Umiling si Seungwan, "'Yon nga, kaya ako nagtagal."

 

Binalik ni Joohyun ang ulo niya sa leeg ni Seungwan.

 

"Aalis na sana ako after namin mag-usap. Kaso, ayon, biglang umiyak. Nagso-sorry, humihingi ng isa pang chance."

 

Napasinghap si Joohyun. Hinalikan siya uli ni Seungwan sa ulo. 

 

Nakakadalawa na 'tong mokong na 'to, ha. Hindi naman sa nagrereklamo si Joohyun… skl niya lang.

 

"Sabi ko hindi na pwede. Ayon, medyo matagal bago tumahan. 'Di ko naman maiwan, kase… diba? Kahit papaano naman, may… basta, gano'n."

 

"Alam ko naman. May pinagsamahan kayo."

 

"Hehe, ayon, kaya ngayon lang ako nakabalik."

 

Ilang minuto pa ang lumipas. Walang kumikibo, magkayakap lang sila sa dilim.

 

"Akalako'dikanababalik."

 

"Hmmm?" Hum ni Seungwan sa malapit sa tenga niya, "Ano 'yon, Hyun?"

 

Hindi makaconcentrate si Joohyun. Naglalaro ang kanang kamay ni Seungwan sa kanyang bewang, taas-babang hinahaplos ang kanyang damit. Para siyang kinikiliti na ewan. Jusko, nababaliw na talaga siya, totoo na 'to.

 

"S-sabi ko, akala k-ko 'di ka na b-babalik," bulong niya.

 

Andaming utal no'n. Nakakahiya.

 

Ramdam niyang napangiti si Seungwan.

 

"Imposible."

 

Tanging ang mabilis na tibok lang ng puso ni Seungwan ang naririnig niya, o kanya kaya 'yon? 'Di na rin siya sigurado.

 

"Marami akong pinupuntahan sa araw-araw, sa iba't ibang lugar ako napapadpad. Pero nasaan ba ako ngayon? Eto, yakap mo," sabi ni Seungwan.

 

Hinatak pa siya nitong lalo palapit.

 

Hindi na mahabol ni Joohyun ang hininga niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. 

 

Tangina, si Seungwan lang ang may kayang iparamdam sa kanya kung ano man 'tong pakiramdam na 'to. Halo halong emosyon -- parang gusto niyang maiyak uli, sa saya, sa kilig. Para siyang sasabog, gustong kumawala ng puso niya at pumunta sa nagmamay-ari nito.

 

Iniangat ni Seungwan ang ulo ni Joohyun. Inayos nito ang takas niyang buhok at inilagay sa likod ng kanyang tenga. Ngumiti ito nang bahagya, ngunit makahulugan. 'Yung tipong sila lang ang may alam.

 

Dahan-dahang pumikit si Joohyun habang unti-unting lumalapit si Seungwan. Ramdam pa rin niya ang kanang kamay nito na mahigpit ang kapit sa kanyang bewang.

 

Hindi na ininda ni Joohyun ang lamig ng gabi, tanging ang mainit na mga labing nakalapat lang sa kanya ang pinagtuonan niya ng pansin.

 

"Hyun…" Paos na tawag ni Seungwan nang inilapit pa ni Joohyun ang katawan nito sa kanya gamit ang mga hitang nakapalupot sa bewang ng driver.

 

Bahagya siyang dumilat nang naramdaman niyang kinakalas ni Seungwan ang mga braso niyang nakakapit sa leeg nito.

 

Hinalikan pa siya nito ng isang beses sa labi bago ngumiti. Inilapat ni Seungwan ang kanang palad ni Joohyun sa kanyang dibdib -- sa may bandang kaliwa, sa tapat ng kumakabog na puso.

 

"Sa'yo pa rin ako uuwi, Hyun. Sa'yo lang."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 6: Waiting for -ti- 😂
Sakurawenrene
#2
Chapter 6: Ang ganda ng storykahit paulit-ulit basahin. Maraming salamat author-nim. Kaso hindi pa rin pala tapos to, waiting for update. 🥰
juhyuneeeee
89 streak #3
gusto ko lang sya ulit basahin ng paulit ulit 🥹🥰
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: still waiting for the -ti- sa wampipti 💗💙 sana happy and safe ka, author!
WenRene_77 #5
Chapter 6: di nkakasawang basahin tlaga to kahit paulit ulit, hi author! i hope ur doing ok, sana my update hehe stay safe😊💙💝
TaeRene #6
Chapter 6: nireread ko ulit ung story ang ganda parin talaga 🤧
Nazrif
#7
Chapter 6: Awwww that so sweet, thank you author your doing great, and hope this story can have sequel maybe hehe but thank you soososo much i really like it and enjoy it🤧🙈💝💙💝💙😻😌🙊👌🏻👌🏻👏🏻👏🏻🥳🥳🙏🏻🤗🙌🏻👏🏻💪🏻👋🏻✍🏻💪🏻
Emgeelex
#8
Chapter 6: Awwwee 🥺🥺 ang cute po ❤
hi_mitochondria #9
Chapter 6: Kasalan naman next whoooooo
marvolo #10
Chapter 6: grabe yorn. sana pwede ako maki-tira