Sa Susunod Na Lang

Description

Kung saan laging sina Ninoy at Cory ang ibinabayad ni Joohyun kay Seungwan pagkahatid nito sa university kahit may sticker sa loob ng tricycle nitong "barya lang po sa umaga."

Foreword

Fifteen minutes lang ang byahe mula sa kanila patungong university. Kapag may traffic, umaabot ng 30. Ayaw man ni Joohyun ma-late sa klase, madalas niyang hinihiling na sana traffic para matagal pa siyang nakasakay kay Seungwan. Este, sa trike ni Seungwan.

 

Well, today is not the day. Malinis ang daan na akala mo may laban si Pacquiao at lahat ay nanunuod.

 

"Oh," nakasimangot na abot ni Joohyun ng limang daan kay Seungwan pagkababa niya sa trike.

 

"Luh, Hyun," kunot noong sabi ng cute niyang driver, tinitigan lang ang pera. "'Di mo nabasa yung sticker sa loob? Kakadikit ko nga lang no'n, eh."

 

"Alin? 'Yung sa Sogo?"

 

"HA?"

 

"Hakdog. Kunin mo na, bilis, at mal-late na ako." Kahit hindi pa naman.

 

Pilit iniaabot ni Joohyun sina Ninoy at Cory kay Seungwan, at alanganing kinuha ito ng trike driver, "Wala akong panukli, Hyun. Teka, papabarya lang ako sa tindahan."

 

Dali-daling bumaba sa motor si Seungwan ngunit pinigilan ito ng dalaga. Hinawakan niya ito sa braso, at sinabing, "'Wag na."

 

"Gago? Bente lang pasahe mo, limang daan 'to!"

 

Napataas ang kilay ni Joohyun. Humigpit ang hawak  nito sa braso ng driver.

 

"Minumura mo ako?"

 

Nanlaki ang mata ni Seungwan, nagpapanic. Pero agad itong bumawi, "hindi, ah. Minamahal nga kita, eh." 

 

Napaiwas na lang ng tingin si Joohyun dahil hindi niya kayang tignan ang mga ngiti ni Seungwan sa kanyang mga labi. Baka 'di siya makapagpigil at sumakay uli pauwi ng bahay, at iuuwi na rin si Seungwan sa kanila.

 

Lumuwag ang kapit ng estudyante sa braso ng driver. Para siyang napaso sa init na nararamdaman. "S-sa susunod na lang," mahinang bulong nito habang nakatingin sa lupa.

 

"Ha?" Lumapit si Seungwan sa kanya.

 

Humakbang paatras si Joohyun, "h-halaman."

 

Tangina, mambabara na lang, mauutal pa.

 

Natawa na naman si Seungwan, "ang cute mo talaga. Pero kahit cute ka, kailangan kitang suklian, malaking pera 'to, Hyun."

 

"Sa susunod na nga lang."

 

"Paano?"

 

Naglakad na si Joohyun papasok sa gate. Nilingon niya ang naguguluhang si Seungwan. Nginitian niya ito.

 

"5pm ang tapos ng klase ko mamaya."

 

Ilang segundo ang lumipas bago naintindihan ni Seungwan ang ipinararating ni Joohyun. Ngumiti ito, daig pa ang sikat ng araw sa liwanag na dala nito, dahilan upang mapasinghap ang dalaga.

 

Tumango si Seungwan, at sumakay na sa motor.

 

"Okay, Hyun."

 

Pinaandar na nito ang trike, at bumusina pa bago kumaway at umalis.

 

Pinawalan na ni Joohyun ang natigil nitong paghinga habang pinagmamasdang unti-unting lumalayo ang trike ni Seungwan na may sticker sa itaas ng WR-7743, "basta driver, sweet lover."

 

Gustong patunayan ni Joohyun ang mga katagang iyon.

 

 

 

 

a/n: nakita ko lang 'tong prompt sa bird app. eh nangati ako, gusto kong isulat hahahaha don't judge, walang kwenta 'to. gusto ko lang ipamukha sa'ting lahat na magjowa ang wenrene ta's tayo single.

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 6: Waiting for -ti- 😂
Sakurawenrene
#2
Chapter 6: Ang ganda ng storykahit paulit-ulit basahin. Maraming salamat author-nim. Kaso hindi pa rin pala tapos to, waiting for update. 🥰
juhyuneeeee
71 streak #3
gusto ko lang sya ulit basahin ng paulit ulit 🥹🥰
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: still waiting for the -ti- sa wampipti 💗💙 sana happy and safe ka, author!
WenRene_77 #5
Chapter 6: di nkakasawang basahin tlaga to kahit paulit ulit, hi author! i hope ur doing ok, sana my update hehe stay safe😊💙💝
TaeRene #6
Chapter 6: nireread ko ulit ung story ang ganda parin talaga 🤧
Nazrif
#7
Chapter 6: Awwww that so sweet, thank you author your doing great, and hope this story can have sequel maybe hehe but thank you soososo much i really like it and enjoy it🤧🙈💝💙💝💙😻😌🙊👌🏻👌🏻👏🏻👏🏻🥳🥳🙏🏻🤗🙌🏻👏🏻💪🏻👋🏻✍🏻💪🏻
Emgeelex
#8
Chapter 6: Awwwee 🥺🥺 ang cute po ❤
hi_mitochondria #9
Chapter 6: Kasalan naman next whoooooo
marvolo #10
Chapter 6: grabe yorn. sana pwede ako maki-tira