Chapter VIII

How can I love the heartbreak, you’re the one I love
Please Subscribe to read the full chapter

4th day na ng intrams at mamayang mga hapon magsstart na yung pageant nila Byul. Bagot kaming lima na nandito lang sa empty classroom kasama ng iba naming mga kaklase nagpapalipas oras. Wala na kasi masyadong activity, yung mga booths nalang yung halos pinagtutuunan ng pansin ngayon, mamayang hapon naman may kaonting parlor games. Manonood sana kami kanina sa movie booth pero nung sumilip si Chae sa loob agad 'tong umayaw. Punong puno daw sa loob, mga nagpapalipas din ng oras. 

 

Busy yung apat na maglaro ng tap tap revenge sa ipod touch ni Jeong. Lately kasi yun yung kinakaadikan nilang laro. Nagpaalam ako saglit na lalabas. Pumunta ako sa horror booth, nagbabakasaling andun ka.

 

 

Kung siniswerte nga naman oh, apat lang kayo nila Solar na nagbabantay. Medyo matumal na yung mga pumapasok kaya chill lang kayo. Naabutan kong nakaupo kayo sa sahig ng hallway ni Amber. Napansin agad ako ni Amber na papalapit, nakatalikod ka sakin. Nung nakita mong kumaway si Amber, humarap ka na sa direksyon ko at ngumiti. 

 

 

"Uy Seul, di ko kayo nalapitan kagabi sayang." sabi ni Amber at pinaupo ako katabi mo. Binati ko naman sila Solar. "Bantay ako sa taas ng bleachers eh. Grabe kayo, idol ko na talaga kayo. Galing niyo!" dugtong ni Amber.

 

"Thanks... hinahanap ka rin namin nun."

 

"Sakto dito ka muna Seul." tumayo na si Amber at nagpagpag ng pants niya. "Tulungan ko lang sila Mina mag ayos ng stage para mamaya."

 

"Hay nako, if I know haharutin mo lang si Mina." asar mo kay Amber. "Dapat 3pm tapos na kayo ah, start ng program 5pm."

 

"Opo Pres." kinuha na ni Amber bag niya at akmang aalis na. "Ikaw din naman haharot eh. Andito na si Seul. Yieeee! Ge alis na 'ko!" habol pa neto at tinanguan ako bago umalis.

 

"Loko talaga yun." kamot ulo kong sabi sayo.

 

"Bakit ka nga ba andito ha?" taas kilay mong tanong. "Haharot ka rin eh. Magkakaibigan talaga kayo."

 

"Gusto lang kita makita eh... sunget neto."

 

"Joke lang!" natatawa mong sabi at pinisil yung right cheeks ko. "Samahan mo 'ko lunch mamaya? Dalawa lang kami ni Solar dito mamayang bantay eh. Palitan kami maglunch."

 

"Yun naman balak ko eh."

 

Nagtext ako kila Joy na di ako sasabay sa kanila maglunch at sinabing sasamahan kita. Umokay lang sila.

 

 

 

Sa cafeteria na tayo, nakalabas na yung lunch mo habang ako kakabili lang. Nagkkwento ka ngayon sa inapplyan mong university for entrance exam. Sabi mo choice mo talaga ay UP kasi andun din yung kuya mo at mas makakatipid pa pamilya mo sa tuition if magiging full scholar ka kaya pag iigihan mo yung UPCAT. Kasama mo mag eexam sila Solar at Nabs, pero unlike sayo magttry din daw sila sa ibang school lalo na si Nayeon na sabi mo eh halos lahat ng schools sa UAAP, aapplyan niya. Sabi mo rin gusto mong course Art Studies, mahilig ka kasi sa art at gusto mong maging museum director someday. Yung mga barkada mo di pa gaanong sure sa mga course nila.

 

Bilib ako sa'yo kasi halos lahat planado na for your future yung mga gusto mong gawin, nakaplot na.

 

Napapansin mong tuwing may nakakakita satin na magkasama na kaklase ko eh nilalapitan ako at pasimpleng kinakantyawan ako, kung dati alam kong maiirita ka, ngayon iba na. Sinasakyan mo pa talaga. Pansin kong umiiba na mga gestures mo sakin simula pa nung nag simula Intrams pero ayoko mag conclude kasi baka sabihin mo ang feeling ko naman, mamaya mapahiya pa ako.

 

Nagkkwento naman ako sa'yo ngayon ng mga ganap nung nagppractice kami for the battle of the bands habang kumakain tayo ng baked goodies dito sa mga food booth, dessert sabi mo. Biglang lumapit yung mukha mo sa akin at akmang tinanggal mo yung chocolate dip sa gilid ng lips ko. Natigilan ako at parang hinugutan ng hininga. Walang warning warning teh? Nakalimutan mo atang lahat ng galaw mo sakin ay may malisya. Lalo pa kong hinugutan ng hangin ng after mo tanggalin yung chocolate gamit daliri mo, imbis na ipahid mo 'to sa tissue eh dinilaan mo nalang sa daliri mo sabay habol mo pang sabi na sayang eh may kindat pa. Shuta.

 

Eto rin yung gusto ko sayo, wala kang kaarte arte sa lahat as in lalo na sa pagkain. Halos lagi mo nga kami pinapagalitan mag babarkada pag kumakain tayo kasi sobrang pili namin sa pagkain. Lagi mo sinasabi madaming nagugutom na bata at maswerte kami kasi may pagkain kaming nakakain. Sa'yo din kami natuto kumain ng tusok tusok. Pinakaextreme na pinakain mo samin yung isaw na halos mailuwa ko nung unang tikim ko, tiniis ko nalang para maimpress ka kahit papano. Paano ba naman inaasar ako ng mga kupal na ligwak na ako sa'yo agad kasi di ko kayang sabayan mga trip mo. 

 

Balik horror booth na tayo at ikaw na yung bantay ngayon. Nandito na rin sila Jeongyeon dito na raw sila tatambay until parlor games na pinagiisipan pa namin if magpaparticipate kami kasi for sure hulas na hulas kami dun after. Naglalaro ako ngayon sa gameboy sd ng pokemon ng bigla akong sinasama ng dalawang sophomore ata 'to sa kanila. Ikakasal daw ako?! Wala naman akong nagawa kasi rule yun na bawal tumanggi sa mga entertainment booths. Sumunod naman sila Jeong at nang aasar pa.

 

Puta. Kanino naman ako ikakasal? Eh si Irene lang naman gusto ko. Pagdating namin sa marriage booth naabutan kong nakatakip na ng veil yung ulo nung kung sino ba 'tong ikakasal sakin, hindi ko makita yung mukha. Tumingin ako kila Joy at mga nakangisi ang mga hayop nakalabas pa mga phone at ready na magpicture. 

Nilagyan ako ng blazer at pinagharap na kami ng bride ko kuno. Tinanggal na yung veil. Teka? Kabatch ko 'to ah. Pilit kong inaalala yung name niya. Ano nga ulit yun? Yejong? Jiyoung? Nagsalita na yung baklang pari at sinimulan na ang fake marriage. Nahalata kong kanina pa 'tong bride ko namumula at kanina pa sulyap ng sulyap. Tangina? May gusto ba sakin 'to? After namin isuot yung mga rings halos mabingi ako sa sunod na sinabi nung baklang pari. Puta, you may kiss the bride daw?!

 

"Hoy, ikiss mo na yung bride." sabi nung baklita. "Bilisan mo, marami pa 'ko ikakasal!"

 

"Tangina, seryoso? Pwede ba yun?" 

"Sa cheeks lang naman teh! Dalian niyo na!"

 

"Pwede bang wag na?" sagot ko. Binatukan naman ako ni Wendy.

 

"Cheeks lang yan hoy!" sabi ni Wendy

 

"Hyojung, ikaw nalang magkiss kay Seulgi." singit nung friend nitong bride. Ayun, Hyojung pala name niya.

 

"Ikiss mo na kasi Seulgi! Pota naman ang daming arte." dagdag ni Joy na alam kong nagpipigil ng tawa.

 

"Oo na! Pota kayo." sabi ko at humarap kay Hyojung. "Ako nalang kikiss sa cheeks mo o gusto mo ikaw nalang?" 

 

"Pwede bang ako nalang? Para di ka mailang." sagot nito. Tumango nalang ako.

 

Lumapit na siya sakin at ginilid ko yung mukha ko, nakaharap sa kanya yung cheeks ko. Panay asar naman ng mga kumag. Akmang hahalik na si Hyojung.

 

"Kang Seulgi!!!"

 

Boses mo yun ah? Napatingin ako agad sa direksyon ng boses mo pero nakalimutan ko atang ikikiss nga pala ako ni Hyojung sa cheeks kaya pagkalingon ko sa'yo imbis na sa cheeks lang, lips to lips ang nangyari. Ilibing niyo na ako.

 

"WOOOO!" hirit ng mga kumag.

 

Agad akong nagsorry kay Hyojung at pinuntahan ka. Umalis ka kaagad at ngayon nga hinahanap kita. Kung kelan nagkakamabutihan na tayo eh. Nakailang ikot na ako dito sa grounds kaso di pa rin kita makita, huli kong pinuntahan yung building ng highschool at inumpisahan ko sa 4th floor na rooms ng mga 4th year. Naabutan kita sa locker area na nasa harap ng room niyo nag aayos ng gamit at kumuha ka ng tshirt at bimpo.



 

"Tapos na wedding niyo? Happily ever after na?" sungit mong sabi, di ka pa rin tumitingin sa gawi ko.

 

Natawa ako ng mahina. Nagseselos ka ba?

 

"Tumatawa tawa ka dyan?" humarap ka na sakin at nakapamaywang. "Lakas mo rin eh no? Hinalikan mo talaga si Hyojung? Alam mo bang pwede kitang bigyan ng sanction ha? Wala sa rule book ng marriage booth ang kiss sa lips!"

 

"Teka lang naman! Siya yung mag kikiss!" pigil tawa kong sagot sayo. "Sino ba kasing sumigaw ng pangalan ko?" taas kilay kong dagdag. "Sa cheeks lang naman talaga yun eh kaso bigla kang sumigaw kaya napatingin ako sa direksyon mo edi ang landing sa lips."

 

"Sinong di mapapasigaw sa mga pinaggagawa niyo dun ha?!"

 

"Nagseselos ka no!" asar ko sayo. Tinutusok

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sadpetxls
guys ill be gone for a week so yung update medyo matatagalan huhu pero a week lang naman... okay yun lang hehe keep safe all! X

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: update pls autornim huhuhu
kang_ddeul
#2
Chapter 10: huy ang sakeeeeeet huhu
heesica10 #3
Chapter 10: Updateeeee huhuhu
chomi5ever #4
Chapter 10: AWIT
MomolandFan #5
Chapter 10: Ang sakit sa heart ha wala bang panghilom dyan
niezyn97
#6
Chapter 10: wag naman ganun
kangcsy #7
Chapter 10: aray. so tzugi na ba ito?? thanks for the update author!
Adriane_d #8
Chapter 10: I'm guessing this is the part where Tzuyu comes in.
heesica10 #9
Chapter 9: Omggggg can’t wit for the update!!! Okay selosan
thelost_soul
#10
Chapter 8: SHUTA BITIN HAHAHAHAHAHAHAH JONKS THANK YOU PO SA UPDATE